Chapter 4
Surprise
"Salamat, Marilyn." Ngumiti ko sa dalaga.
"Naku, wala pong kaso, Ate. Magpapahinga na rin po 'ko," kimi niyang paalam niya.
"Sige, salamat, ha. Saka, pasensya ka na rin sa nangyari..."
Napakamot siya. "Okay lang po talaga, Ate. Naipasok ko naman po agad si Ice sa kuwarto."
Huminga ako nang malalim. "Salamat. Sige, mauna ka na. Ako nang bahala..."
Nginitian niya ako bago nilisan ang kuwarto ni Izen Cedric. It was a good thing she automatically thought of my son after assisting the other maids. Bumaling ako sa aking anak na nakatitig sa akin sa namumungay na mga mata. I sat beside him on the bed.
"Sleep, anak," I told him and patted him lightly on his shoulder.
Sa huling sulyap ko sa timepiece, pasado ala una y media na nang madaling araw. Like what I expected, Ice heard the commotion downstairs but unlike the first time he's experienced it, he's calm but curious.
"May pasok ka pa bukas, 'nak. Sleep ka na," paalala ko.
"Did Papa drink alcohol, Mama?" tanong niya na nagpalaki sa mga mata ko.
Natahimik ako. It's a good thing Izen was already able to understand some things easily but it's also a downside. Hindi ko alam kung paano ako matutuwa kung gayong marami siyang nalalaman tungkol sa mga ganitong bagay. Mga bagay na dapat, labas sa buhay niya dahil masiyado pa siyang bata.
With these things happening, I blame myself more. If only I didn't agree with what our parents want for us, sana, walang gulo ngayon. Sana, walang mga tanong na ganito ang anak ko. Sana, hindi ko makikita si Ivan sa ganoong disposisyon.
Pero... anong karapatan kong ipagkait kay Ivan ang mga bagay na para naman talaga sa kaniya? His riches, ineritance, and his position in their company. Kung wala ako at hindi niya ako naanakan, natitiyak kong wala sa kaniya iyon. At ano nga rin ba ang karapatan kong pagbawalan ang anak ko na magkaroon ng kompletong pamilya?
Handa naman akong akuin ang lahat ng sakit at sisi. Pero bakit gano'n? Ang lumalabas, parang kahit anong gawin ko, mali pa rin para maging maayos ang lahat. Why does it seem like it's still worse no matter what I do? No matter what methods I use?
"Where did you learn that, hmm?" malamyos at kalmado kong sinabi.
"Teacher said alcohol or liquor is unhealthy and can affect a person's behavior and thoughts. Why did Papa drink, Mama?" he added.
Huminga ako nang malalim at hinaplos ang kaniyang buhok. I really don't want to lie but if I'll tell him it's because of his father's girlfriend, I know he'd get confused. At ayaw ko rin namang isipin niya na hindi ako mahal ng ama niya kahit 'yon ang totoo.
Of all people, Ice is the person I only want to feel happy and contented. Kahit 'wag na ako. O kahit hindi ko na magampanan nang maayos ang pagiging asawa kay Ivan. Yes, I do love him. But it comes second if I were to choose between him and our son.
Silang dalawa ng ama niya ang pinakamamahal ko. I badly want a peaceful life with them. Siguro'y kung makukuha ko 'yon, ako na ang pinakamasaya sa lahat at wala na akong mahihiling pa.
"Some adults tend to drink when they're stressed. But Papa didn't drink, anak. He's... just tired from work. We sometimes get annoyed when we're tired, right?"
His eyes narrowed. "He didn't drink?"
Hinaplos ko ang kaniyang buhok. "Yes, he didn't. So, forget about it, okay? You have to sleep early so you'll have more, more energy tomorrow."
"Papa's only tired, then, Mama? That's why he shouted?"
Umawang ang labi ko. Hindi ko alam kung hanggang saan o ano eksakto ang narinig niya pero marahan na akong nilulukob ng kaba.
"Hmm... it's not good to shout, Ice. But since people are not perfect, they release their feelings through it. They forget that it's bad because they're too stressed to think. But... we should always keep our focus and calm down, okay? Papa made a mistake today but that doesn't mean he's already bad, okay?" I explained lengthily.
"I know Papa is good. But... he did something wrong, Mama."
Napangiti ako dahil sa sinabi ng anak. Alam niyang mali ang ginawa ni Ivan at nakakataba ng puso dahil natututo pala talaga ang anak ko sa mga sinasabi ko.
"Hmm. Papa is just stressed and tired with work, Ice. He'll be needing your understanding once he wakes up. You can talk to him about it so you can also hear his explanation."
Tumango-tango siya. "Okay. For you, Mama."
I smiled tenderly. Niyakap ko siya. "Aww, good job. Thank you! I love you so much, baby."
After I had put Ice back to sleep, I went to see Ivan who was then taken cared of by Manang. Takot kasi ako na baka magising siya at maging gano'n kaaburido ulit. Maririnig ulit 'yon ni Ice at ayaw ko namang dagdagan pa ang mga tanong sa utak niya. Isa pa, mas madadagdagan din panigurado ang bad impression sa akin ng asawa ko kahit pa lasing siya.
"Maayos na po ba siya?" salubong ko nang pasukin ang aming kuwarto at maabutang pinupunasan ng bimpo ni Manang si Ivan.
"Ikaw pala, hija." Habang hawak pa rin ang bimpo, hinagilap ni Manang ang palanggana. "Maayos na siya. Mahimbing na ang tulog. Ikaw na ba ang magbabantay?"
Nakangiti akong tumango. "Opo, ako na po. Salamat po, Manang."
"O, siya sige, at makapagpahinga na rin. May gamot d'yan sa gastritis niya kapag sinumpong. Ang batang 'yan talaga napakasutil." Napailing na lang si Manang sa lasing na lasing niyang alaga.
Nang makalabas si Manang, marahan akong sumampa sa kabilang gilid ng kama. Nakapagpalit na ng isang malinis na white T-shirt at gray cotton shorts si Ivan. Inayos ko ang tikwas na buhok sa kaniyang noo at hinalikan siya roon.
"I'm sorry..." malungkot kong bulong. "Whatever it is, whatever happened, I'm sorry. Alam ko namang ako ang dahilan kasi hindi ka naman magagalit nang ganito kung hindi ako, 'di ba?"
I laid down the bed and hugged his waist. Nakahilata siya at payapang natutulog. Sa mga ganitong pagkakataon, nagkakaroon ako ng lakas ng loob na isatinig lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Kahit ang mga hindi natatapos na paghingi ng paumanhin, dito ko itinutuloy.
"I'm sorry that my love chokes you. I'm sorry that it has to be complicated like this. I'm sorry because I have to be your wife..."
Naluha ako. Sumiksik ako sa kaniyang tagiliran at doon umiyak. Mahal na mahal ko siya pero bakit ganito? Paulit-ulit ang resulta ng mga nangyayari na para bang kahit ang sabihing mahal ko siya, wala akong karapatan.
"Maniwala ka sana, Ivan..." pagpapatuloy ko. "Mahal kita at ang pamilyang 'to kaya kailangang pangalagaan ko ang kasal na 'to. Wala akong magagawa kung si Lara talaga ang mahal mo pero sana... sana ako naman. K-kahit na ngayon... saang anggulo ko man tingnan, alam kong mas lamang pa rin talaga siya sa paningin mo. Pero sana... sana mahalin mo 'ko k-kahit konti lang..."
I tightened my grip on him. Nababalot ng tinik ang aking dibdib sa kaalamang sa ganitong sitwasyon ko lang maaaring ideklara sa sarili ko na akin siya. Na kaya ko siyang hawakan ng ganito. Ang maramdaman ang init na pinapawi ang lahat ng pagdududa at mga salitang gusto kong isumbat sa kaniya.
"I love you. Please, don't get mad at me like this again."
Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog. All the pessimistic thoughts died down while I hold him. At habang hinihila ako ng puwersa ng aking antok, naramdaman ko ang pagbaling niya sa aking direksiyon at ang pagbalot ng kaniyang braso sa akin.
I woke up first when striking rays of the sun attacked my eyes. Nagkusot ako ng mga mata habang unti-unting umuupo. Naisip ko agad si Ivan kaya siya ang una kong hinanap. I saw him still sleeping soundly while hugging a pillow. Nakaharap siya sa kabilang dako.
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri habang tinitingnan ang oras sa wall clock. Alas siete na ng umaga. Ice's class is eight thirty. Yumakap at humalik muna ako sa natutulog kong asawa bago bumangon.
On my way to the bathroom, I saw Ivan's used clothes on the basket. Hindi maayos ang pagkakasalansan. Inuna ko muna iyon. I folded his dress shirt and coat. Nang ang pants na ang puntirya ko, kinapa ko muna ang mga bulsa. I was searching for his wallet when I touched something.
Dahan-dahan kong dinukot ang bagay na nakapa. To my horror, it was a small gun. Napasinghap ako nang makapitan iyon. Halos mabitiwan ko iyon dahil sa naramdamang sindak.
It has a number one etched on the handle. Halos hindi ko na alam kung saan sasagap ng hininga dahil sa doble-dobleng kilabot. How... how come he has this thing?!
"What are you holding?"
Mabilis akong bumaling sa likod. It was Ivan with his morning look. Kunot ang kaniyang noo pero mukhang kalmado naman.
"Uh... k-kasi-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang agawin niya sa akin ang baril. He was suddenly so agitated and annoyed. Yamot na yamot siyang tumitig sa akin habang ibinubulsa ang baril. Like I ruined his supposed serene morning.
"Saan mo 'to nakita?" I think he's pertaining to the gun.
I swallowed hard. "Uh... sa s-slacks mo..."
He sighed heavily. Hinilot niya ang sentido at mahinang nagmura. His thick brows were furrowed tight.
"I went gun firing yesterday," he explained.
My lips formed a thin line. Hindi ko inasahan na magpapaliwanag siya. Though, I'm terribly curious for an explanation. Pero ang magsabi nang direkta sa akin...
"O-Okay..." tango ko.
Tinalikuran niya ako. He went inside the walk-in closet. Tinuloy ko na lang ulit ang ginagawa. For sure he's done talking. Ivan doesn't want talking much.
Lumipas ang isang linggo at bumalik din naman ang dati niyang gawain na thrice a week na umuuwi. Ipinapasyal niya si Ice sa mga araw na 'yon at minsan, nadadamay pa 'ko sa mga pasalubong. Even I don't get to spend time with them, I'm happy because they're happy.
Naging abala rin naman si Roxanne sa trabaho niya sa call center at sa advertising business niya kaya hindi kami nagkikita. Sa isang linggo na 'yon, nasa bahay lang ako at inaasikaso ang mga rough sketches sa isang portfolio. I like finishing and collecting my portfolios but I don't have the heart to have a company see it. Wala akong confidence.
"Kailan po ulit ang dating n'yo, Mommy?" pag-uulit ko sa tanong.
"By tomorrow or the day after that, hija. In an hour, nasa airport na kami. Napaaga dahil natapos agad ang trabaho ng daddy mo," aniya.
I bit my lower lip. "R-Really? Gano'n po kabilis?"
"Yes! And we're so excited to see you and our grandson! Ryan will throw a party for our homecoming. Your in-laws had confirmed their attendance, hija. Nabanggit na ba sa 'yo ni Ivan?"
Gusto kong sabihin sa kaniya na wala naman talaga akong alam tungkol sa mga ginagawa ni Ivan pero ayaw ko namang isipin ni Mommy na hindi kami nagkakausap ng asawa ko, kahit iyon pa ang totoo.
"Uh... opo! Opo, Mommy. K-Kailan nga po ulit?"
"On Saturday, hija! Ikaw talaga! Don't forget about it again! Miss na miss ka na namin ng Daddy mo..."
That Saturday came quickly. Unexpectedly, Ivan bought us our clothes. Isang puting lace above-the-knee dress ang laman ng paper bag na hinagis niya sa akin habang gray suit naman ang kay Ice. Nalaman ko lang na midnight blue ang kaniyang suit nang makita siyang inaayos ang coat sa harapan ng full-body mirror dito sa kuwarto.
"We will sleep in Grandma and Grandpa's house, Ice. Don't worry, you'll be sleeping with us," I consoled my son.
Kanina pa siya iritado at walang imik dahil sa damit na suot at nang malamang may pupuntahan kaming party. Ice doesn't like crowds. Mostly at parties. Pero wala naman kaming magagawa kundi um-attend dahil pagdating na pagdating nina Mommy sa bansa, dito agad sila bumisita para magpaalala na pumunta kami.
Tumigil si Ivan sa ginagawa. "A big boy isn't afraid of different places, son."
Lihim akong napangiti. I know Izen will listen when his father is already speaking.
Our son sighed in defeat. "Okay..."
Habang palabas kami sa bahay para sa sasakyan, I stopped to thank Ivan.
"Thank you for the dress," nakangiti kong pasasalamat.
Nauuna sa amin si Ice. Probably when he noticed we stopped, he turned to us. Ivan sighed.
"Don't thank me. That's from Lara," aniya at basta na lamang ako iniwan sa harapan ng pinto.
Unti-unting napawi ang aking ngiti at ang naipong tuwa sa dibdib. I pursed my lips. Bakit nga ba nagulat ka pa? Hindi ka pa ba talaga napapagod na umasa, Rigella?
Mahigpit ang hawak ko sa aking suot habang nasa kotse. Bakit nga ba hindi ko naisip na marahil, kahit ang mga ibinibigay sa akin ni Ivan, galing pa rin kay Lara? She's not just an actress by profession but also a fashion designer.
Pagkadating namin sa mansion, mayroon nang mahabang pila ng guests sa entrance. I told Ivan that we should fall in the line but he angrily declined. Tuloy ay parehas silang wala sa mood ni Ice kahit pinauna na kami sa pagpasok.
Ice clung on me tightly. Hinawakan ko rin naman siya. Ivan's other arm was on my waist-which was merely for a show. May naglapitan sa amin na affiliates kahit bago pa lang kaming nakikihalo sa crowd. Habang sumasagot, pasimpleng humahaba ang leeg ko para hanapin ang pamilya namin.
"Your son has grown up and is looking dashing. Not doubtful when his parents are these lovely," an old lady said.
Ngumiti ako nang malapad. "Thank you, Madame..."
Sunod niyang kinausap si Ivan. Later on, they talked about business. Meanwhile, Ice had slowly adjusted with our setup and was already comfortable with many people around.
"There are so many guests," I took notice when we were already walking towards our table. Nage-excuse na rin si Ivan sa mga gusto pa sana siyang kausapin dahil na rin siguro matagal na kaming tumayo kanina.
"Don't say that as if you've never attended a party," masungit niyang sagot.
Mukhang hindi naman narinig iyon ni Ice dahil focused lang ang tingin niya sa harap. Humigpit ang kapit sa akin ni Ivan nang nasa harap na kami ng presidential table. Mommy was the first one to stand up.
"What a beautiful family over here!" bungad ni Mommy at una akong hinalikan.
"I missed you, anak," bulong niya sa gitna ng yakap.
Nangilid ang luha ko. My chest tightened when I realized that she's really in front of me. "I missed you, too, Mommy."
Sunod-sunod ang pagbati sa amin ng pamilya. Ivan's mother even spent quite some time talking to me about our family that she forgot kissing Ivan. Natatawa niyang niyakap at hinalikan sa pisngi ang anak na nakabusangot na.
"Oh, come on. You're a father now, hijo! You should stop sulking like a kid!" She chuckled.
Saka lang kami nakaupo pagkatapos bumati ni Ivy-Ivan's younger sister that is a reporter. Nagulat pa ako nang makita siya dahil alam kong masiyadong mahigpit sa oras ang trabaho niya. Nakayakap siya sa braso ng kapatid na pinagsasabihan siya tungkol sa kung anong bagay.
"Whatever, Kuya! You're an old man!" irap niya.
Hindi naman ako mapakali dahil kay Daddy. Although, he's just focused on his glass of wine, nakikita kong nababanas siya sa kaniyang paligid. It made me conclude that he's not happy to see me.
"Ricardo, Ryan has to run some errands. Parating na din 'yon." Si Mommy na hinimas ang kaniyang braso.
"He didn't change one bit, Ariana," Daddy said in a bitter voice.
Kabado pa rin ako. Daddy Ivo's gaze and mine met. Tumango lang siya at may tinanong kay Ivan. Si Ice naman ay kinakausap ni Mommy Jane at kalaunan, ni Mommy at ni Ivy.
Napag-alaman kong tapos na ang speech at ang programme dahil nag-serve na ng appetizer. Tumahimik na sa table namin habang kumakain. Mayamaya, sa kalagitnaan ng main course, dumating si Kuya Ryan kasama ang hindi inaasahang babae.
"Good evening, everyone," ngisi ng kapatid ko.
Napatayo si Mommy Jane at si Ivy. Daddy Ivo's forehead creased. Si Ivan naman ay tila nasemento sa tabi ko. Napayakap agad ako kay Ice.
"Greet my date, Lara Santillan," he demanded in a proud voice.
"Oh my sh*t." Si Ivy.
"Ivy Jenner!" her father scolded.
Lara looked scared and nervous. Tumingin siya kay Ivan na parang nanghihingi ng tulong. Hindi naman tumitingin si Ivan sa kaniya na nagtatangis na ang bagang at madilim ang mukha.
"Good evening, hija," ngiti ni Mommy na tumayo pa ngunit halata naman ang kalituhan sa lahat.
"Mama..." Ice called beside me.
Bumaling ako sa kaniya. I hugged him more. Sumulyap sa amin si Ivan at pumikit nang mariin. He remained looking on his plate.
Tumikhim si Lara. "G-Good evening, everyone..."
Hindi pa rin namamatay ang tensyon kahit na nang makaupo na sila ni Kuya. Nasa akin ang tingin ng Mommy at kapatid ni Ivan. I did my best to smile to show them that I'm not affected.
Pagkatapos ng main course, nagpaalam si Lara na pupunta sa powder room. Mommy was the only one attentive to her, though. Nakita ko pa siyang sumulyap kay Ivan bago siya umalis.
"I'll go to the comfort room, too," paalam ni Kuya na nakangisi pa rin. I think he knows something that he could display a boastful look like that.
"You just arrived, Ryan," mariing saad ni Daddy.
"I prepared everything for this party, Dad. I've done enough. Besides, mukhang abala naman kayo sa paborito n'yong anak." Sumulyap sa akin ang kapatid ko.
He rose from his seat and made his way to our side. Humalik siya sa aking pisngi na ikinagulat ko. Yumakap siya ngunit natanto kong para bumulong.
"So much to ruin your husband's night, huh?"
Lumayo siya at ngumiti. He excused himself again. Naiwan akong tulala at halos hindi na makagalaw.
Ilang saglit pa, nagpaalam na rin si Ivan na pupunta sa banyo. Doon lang ako nakakilos. As he walked away, I tailed him with my eyes. Nagpaalam akong susundan ang asawa ko at ibinilin muna si Ice kay Mommy.
"Seriously, bakit sabay-sabay kayong nababanyo? Were you all food poisoned or something?" dinig kong komento ni Ivy bago ako makalayo. Sinaway naman agad siya ng ina.
Dumaan ako sa pasilyo ng mga kuwarto. One room was slightly opened. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa akin para isiping nandoon sina Ivan. I just came closer to take a look.
Halos mapaatras ako sa naabutan. There are few men in black surrounding the room. They have shotguns. May mga brief cases at patong-patong na pakete ng tingin ko'y ilegal na droga sa sofa. Suminghap ako at tinakpan ang bibig para hindi makalikha ng ingay.
Namimilog ang mga mata ko sa nakita. My body shook uncontrollably. Gusto kong maiyak bigla at hindi na maintindihan ang naghahalo-halong emosyon.
"Our client will be pleased by these..." Tila demonyo ang halakhak ni Kuya Ryan.
Suminghap akong muli. Mabilis akong lumayo. I ran as fast as I could as great amount of terror stirred up and splintered within my system.
Nangilid ang luha ko nang tumigil. How come my brother's with those evil things? Totoo ba ang bali-balita tungkol sa kaniya? Is he really engaging himself in illegal business? Is he... is he a criminal? God!
"Babe, I'm sorry..."
Weakly, I lifted my head when I heard a feminine voice. Halos hindi ko na namalayan na malapit na pala ako sa comfort room. The door was half open. Sinubukan kong sumilip doon.
"You know you're the only one I love right?"
Lara caressed Ivan's cheek softly.
Ivan...
Nagsunod-sunod ang mga luha ko. Kumunot ang noo ko. I already saw this one coming but why is it still this painful? It was like my heart was slowly and torturously taken out of me. Dumagdag pa ang tensiyong nanggaling sa nakita ko kanina.
It felt as if my strength was being sapped out of me. I covered my mouth to prevent my sobs from escaping. Naluluha lang ako, walang magawa, habang pinapanood sila.
Dahil nakasandal si Lara sa tiled wall, I couldn't see Ivan's reaction because he was facing her. I just saw his jaw moving while jailing Lara. Napahawak ako sa aking bibig.
"I love you, Ivan."
With that, Ivan closed the remaining space between them and kissed her aggressively. Humina ang kapit ko sa pader. My body felt light. Dumausdos ako paupo sa sahig. Umiiyak at pilit na tumatahimik kahit na hindi ko na kaya.
"Hush, cupcake..."
I suddenly heard a soft and manly voice.
Marahan akong lumingon dahil sa narinig. I saw figure of a man. He was already half sitting beside me. Umawang ang labi ko dahil sa naramdaman at nakitang pamilyaridad.
With worried eyes, he dried my tears with his thumb. Tumayo siya at marahan akong hinila patayo.
"Seymour..." nagugulantang kong bulong.
Chapter 5HopelessI hugged my legs and put my chin on my knees. Nakapatong ang mga paa ko sa bench habang nanonood sa pagragasa ng tubig sa fountain sa aming harapan. The cold wind brushed my numbed skin and I immediately felt the chills."So, they're still together," Seymour concluded after our long conversation about my husband."Hmm," tipid kong tugon.Nakita kong sinulyapan niya ako mula sa napako niyang tingin sa fountain. He let out a sigh. Binaba niya ang mga binti ko sa sahig. He looked a bit annoyed."You're in a dress, Rigella," strictness stained his tone.I didn't heed on it. "Sa tingin mo ba, masama ba 'kong tao? Kung... masama ako, 'di ba dapat natutuwa ako sa paghihirap ng iba? Pero bakit ako nasasaktan?""Hindi ka masama." Tumingala siya. "Biktima ka lang din. Nasasaktan lang naman ang tao kasi kapag nagmamahal sila, gusto nilang lahat ng magagandang bagay, nakukuha ng mahal nila kahit na ano pang hirap ang maranasan nila. O 'di naman kaya, talagang nasasaktan lang si
WARNING: Mature content.Chapter 6Unchanged"You need to compensate for making me this mad."Dumaing ako sa pagdapo ng kaniyang mainit na labi sa aking leeg. His hot kisses tickled my neck. Pinapaso ako ng mainit niyang hininga at ng malalagkit niyang haplos na kung saan-saan na dumadapo.My head fell back on the wall as I tried catching my breath. The heat spread through my body like wildfire. My logic was on my doorstep but my limbs were gone too weak to even move.No, this is not right. Get a hold of yourself, Rigella!Hirap ako nang magmulat. Pilit kong hinila ang huling sinulid ng tuwid kong pag-iisip. He's... He's only drunk! He can't be doing this and loathe me even more after this!His caressed my jaw then my arms. Tumindig ang balahibo ko sa mainit niyang haplos. And when it went down and down... I couldn't help myself anymore."I-Ivan!" I called panickingly when his hand molded my clothed peak.Pinilit kong igalaw ang aking kamay sa ibabaw ng kaniyang dibdib. I pushed him w
Chapter 7 Face off Seymour called and texted me about his said contact. Today, we will meet his friend named Corrine Zapanta. Ang alam ko'y isa siya sa mga blue-chip fashion designers na sikat na sikat sa buong Pilipinas. Tuloy ay kabado ako dahil compared to her, I think I'm just a dot. "Ano ka ba, Rigella. Oportunidad na 'yang kumakatok sa 'yo. Saka alam mo naman na shipper n'yo 'ko ni Seymour, 'di ba? Kahit komplikado ang pronunciation ng pangalan n'yan mas better naman siya sa kurikong mong asawa," Roxanne was back with her frank words again nang tawagan ko siya. "Para sa 'yo 'yung portfolio, 'no. Ni-request mo. But you showed it to him," dahilan ko. "Inggrata! Ikaw na nga 'tong binida kahit bida ka na do'n. Alam mo, sa kakasama mo kay Ivan napaka-nega mo na. Sinasabi ko sa 'yo malapit mo nang ma-reach ang pagiging eng-eng level 1,000,000." "Nakakahiya naman kasi. Inabala pa natin 'yung tao. He has his own life." "Naku, 'tong babaeng 'to. Ansya ka, 'no? What's his life for i
Chapter 8 Father My hand trembled when I saw the result of the pregnancy test. "Ano, Rigella?" Roxanne asked attentively. Droplets of sweat fell from my forehead. Some were on my neck and down. Lumalabo na ang paningin ko pero kitang-kita ko ang dalawang linyang pula na ipinakita test kit. "P-Positive..." my voice croaked. "Kingina!" she screamed with frustration. Napahilamos si Roxanne. Tumindi ang aking pagluha. Napahikbi ako habang hawak ang naninikip na dibdib. Nawalan ng lakas ang aking binti para makatayo pa nang umayos. I was left half sitting, thinking what could be the consequences of all of these. It's terrifying. Hindi ko... hindi ko naisip na... mangyayari 'to! "Your dad will go berserk once he finds out!" Napailing ako. No... my father can't... he can't know about this! Kahit gaano pa niya ako kamahal at pinahahalagahan, alam kong hindi niya ito palalagpasin. Si Ivan... marami na siyang problemang hinaharap. Their company might go bankrupt! Oh my God. Ano 'to
Chapter 9 Always "We're here," untag ni Seymour makalipas ang mag-iilang minuto nang katahimikan. My lips parted. Nasa harapan na ng bahay ang kotse. Gusto kong tumugon pero sa huli, pinili ko na lang na ngumiti. I played with my fingers as I studied his expression. He's unbelievably calm and steady. Samantalang ako, kanina pa lumilipad ang isip sa kung saan-saan. I guess, I couldn't simply get used to what he just told me. Initially, if you like someone, you will pursue her and profess what you feel for her. Wala namang nangyaring ganoon. Of all the years that we were together in the past, we never crossed the barrier as more than friends. "Am I bothering you?" aniya habang titig na titig sa akin. Huminga ako nang malalim. There's no point on hiding it. Tumango ako. "I understand. Hindi rin naman magandang pagkakataon ang pag-amin ko. Though, I just felt like confessing earlier so... I did." Naiintindihan ko naman siya. Maybe his words of comfort overwhelmed him that he sudd
Chapter 10 Bruise Lihim kong ipinalangin na sana, hindi na lang ako umuwi. I could be anywhere but not inside this devil's lair. Pinapaso ako ng nagbabagang init kahit wala namang literal na patotoo iyon sa totoong buhay. Or maybe, it's my emotions taking over. Maybe, it's the tons of emotions assaulting me inside all of once, burning me alive... along with my sins. I just stood there like a lifeless woman struggling to get her past life back... behind her facade of indifference. I badly want to jump over the railings and escape but I don't know how. I don't know when to start. I don't know why there's still a tiny impulse within me telling me to stay in my place and never hear my long hidden pleas. Sobrang... magulo. Magulo ang lahat.. Maybe... it's those emotions. They became grueling and exhausting... for so long. They were different... contradicting. They were suppressed and faked... for so many times. That... it already came to this. That everything doesn't seem... right
Chapter 11Away"Ayaw niyang ibigay sa 'kin si Izen," hagulgol ko habang abala si Roxanne sa pagbunot ng tissue.She breathed a sigh. Mukhang nahawa na siya sa pagiging malungkot at worn out kagaya ko. Earlier when I was having the most intense weeping of my life, Manang was very lucky to tell me that she has a phone with her. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. I dialed my best friend's number.Walang pagdadalawang-isip niya naman akong pinuntahan. Hindi pa ako makapagsalita noong sinundo niya ako. I just told Manang to look after my son. I know he's gonna be safe with Ivan but who knows he might take him away.Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kung magkakaganoon. Ang alam ko lang, kailangan ko siyang balikan at makuha ulit dahil hindi ko kakayanin kung pati siya, mawawala sa 'kin."Ano pa bang aasahan mo sa tarantadong 'yon?! Once an eng-eng, always an eng-eng! Ang kapal ng mukha niyang gag* siya!" gigil na aniya.Tinulungan ako ni Roxanne sa pagtuyo sa aking sarili. I cannot
Chapter 12ChoiceHindi ko alam kung bakit siya pumunta roon!Wala naman akong sinasabi kay Seymour tungkol sa nangyari kagabi. Hindi ko naisip na sabihin at isa pa, hindi ko siya i-involve sa kung ano mang kaguluhan ang mayroon ako. He has his own life now. I need to stand by myself because I created all this mess."Roxanne, tara na!" pagyaya ko habang nagsusuot ng tsinelas."Bakit? Referee ka naman ngayon 'tapos ako 'yung round girl, gano'n?" masungit niyang tanong."Please! 'Wag ka na munang magga-ganyan. Baka kung mapa'no 'yung dalawa!"Madali kaming bumaba sa parking lot. Alalang-alala ako. Worry came rushing in my veins that it seemed to have replaced my blood flow. Malakas ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ako nang malamig at halos hindi na magkamayaw sa kahihintay na makarating kami sa bahay.This isn't the first time Ivan and Seymour would fight head to head. Noon, napapabalita na parte ng initiation sa grupo nina Seymour ang harapin siya. Kakaunti lang ang nananalo kaya k
Chapter 61His Past (Part 2)“What’s that? Pampalubag loob mo?” Larisse asked sternly and coldly after I handed over her a bouquet of flowers and chocolates.I kept a small smile, still. She can really be difficult at times, but I can understand. We’re each other’s reflection. We are so alike.Two people sharing the same dilemma. Their parents.Maybe that’s what prolly gravitated us towards each other.“Please, accept this?” I said softly, cajoling her, “I made the chocolates by myself.”Mabilis na nagbago ang seryoso niyang ekspresyon. Her face softened. Lumawak ang ngiti ko. She then finally accepted the flowers and chocolates.She straightened out her arms, offering a hug. Ngumiti ako niyakap siya. “It’s your fault, but apology accepted.”Napawi nang kaunti ang ngiti ko. I remembered why we ended up breaking up weeks ago. Nagselos siya sa babaeng lumapit sa ‘kin para kausapin ako saglit.Lara she couldn’t control her jealousy sometimes that it gave me thoughts. If this is really w
Chapter 60His Past (Part 1)“You ranked first, but this is not enough,” Papa told me, one time in my last year in high school, when I showed him my report card.I came into his office thinking that when I‘d brought him the good news, he‘d finally allow me to have culinary classes again. That was my only hope.But then, as per his very words...It’s still not enough.“What do you mean?“ mahina kong tanong nang tanggapin ko ang binalik niyang report card.My grades were high. I never had any eight or seven. Only nines and even a hundred.Why does he keep on underestimating my hard-earned efforts?“That’s still insufficient for you to be accepted in Harvard,“ he answered as if it was too simple to do.My lips parted. I was rendered speechless.I only... wanted one thing. To take culinary classes. I loved cooking. I loved the feeling of being able to serve people with delicious food. It’s... something that not all men in my league aspires to do, but I do.I can always breathe as long as
Chapter 59Her Doubts“It’s not that he forgot completely who Uno is. It’s that he’s under a trance, and he can’t say his name. Guess what? This is how he‘d been for the last thirteen years, Rigella,” mapait na dagdag ni Tres.Halos manigas ako sa aking kinatatayuan. My mouth parted but no voice came out. Umangat ang tingin ko kay Ivan na nanghihina pa rin at tila naluluha. And I just noticed, his eyes looked lost and and dead.What the hell is this?!“Maniniwala ka ba talaga sa gagong ‘to, Andrea?” Danger asked which made my rationality come back.True enough, that’s ridiculous.Tres hypnotized Ivan? What kind of excuse is that? Ano ito? Para lang hindi nila masabi sa ‘kin kung sino talaga si Uno?Of course! They’d avoid answering my one and only question. Kasamahan nila sa organisasyon ang demonyong ‘yon kaya pagtatakpan nila kahit buhay pa nila ang maging kapalit.And now, they’re trying to escape me with that pathetic excuse?“Great question, Cinco. It’s like you really don’t kno
Chapter 58Her Shock“What do you mean?!” I asked Ivan with a ragged breath.Habol ko ang aking hininga habang paulit-ulit ang pagdagundong sa dibdib ko. Halos kilabutan ako sa narinig ko sa kaniya.My enemy numero uno... my archnemesis... Uno...Is just within my reach... so close to me... all this fucking time?!His head fell weakly. Kumunot ang noo niya at parang litong-lito. Lumapit ako at padarag siyang hinawakan sa balikat.“Answer me! Sino si Uno!” Niyugyog ko ang nakatali niyang katawan.He lifted his head and our eyes met. May sugat siya sa gilid ng kaniyang mata at may pasa sa pisngi. His lip was bleeding.“I... I can’t say it,” he hissed.My brows quickly pulled together. “Are you insane? Sasabihin mo lang! Sabihin mo sa ‘kin kung sino si Uno!”Puno ng kalituhan ang mukha niya. What I noticed was his eyes. He looked very confused and his eyes were bloodshot.“S-Si... Si...” he attempted to say something, but he would pause each time he tries to speak.Niyugyog ko siyang mul
Chapter 57Her Danger“I want you to choose which method I should use on you,” nakahalukipkip kong tanong at pinadaan ang talim ng kutsilyo sa gilid ng leeg ni Ivan, “a torturous death... or an easy way out?” Kalmado pa rin ang mukha niya kahit nakababa na kami mula sa van at dinala ko siya sa isa sa mga rest house ko sa isang liblib na lugar sa probinsya.He was seated on the sofa of my living room — with both hands and feet cuffed. Nasa akin ang susi ng posas at naka-double lock din iyon. Unless, he‘d burn his own arms and legs, then he could get out.Nagkalat sa paligid ang mga tauhan ko at nasa taas din sina Sapphire at Emerald. Diamond left the port the moment I instructed her to guard my son and take him to a safe place. Kung saan tumutuloy si Darlyn at ang anak niya.“What do you want to know?” tanong niya at diretso ang tingin sa kawalan.From his back, I grabbed his chin. Inangat ko iyon hanggang sa ma-expose ang leeg niya. I pointed the edge of the knife on his neck.“Who i
Chapter 56His Surrender“Kill me,” I told her in a breathy voice.She wasn’t even fazed. The cold smirk on her lips told me that she didn’t feel anything about me anymore.I’m nothing but a prey for her... that she needs to kill and dispatch.My vision blurred even more. My heart clenched in pain. Umigting ang panga ko at nagbaba ng tingin. Kumuyom ang aking kamao.“Just do it, Rigella.” I have nothing else to say but it.Because I know, I deserve every pain and torture for not being able to protect her before.For letting those evil minds treat me like a guinea pig. For letting them mess up my mind that primarily affected my relationship with my wife and my family. It’s all my fault... and I deserve to die for it.“One question, Ivan,” aniya at mas diniin ang nguso ng baril sa aking noo, “are you Uno?” My eyes widened a bit. She... knows Uno? Then she probably knows that goddamn org, Dark Alpha.It shouldn’t surprise me anymore, but it still did. She’s Andrea Steinfields now. Som
Chapter 55Her Comeback“Momma, she’s crying,” nag-aalalang saad ni Rayven sa telepono.My heart clenched. “Baby, what happened? Did Rayne got hurt? Are you both okay?”“Yes, Momma. We’re okay. She had a nightmare. She told us you disappeared in an instant and never came back again in her dream.”Napahinga ako nang maluwag nang marinig iyon. Lulan ako ng van na patungo sa private port na pagmamay-ari ni Dos. A total of ten vehicles are tailing my van.Today is the D-day. I’ll finally come face-to-face with my pathetic little ex-husband after so many years. “Rayven, can you do something for Momma?” I asked carefully. “What is it?”“Please pass the phone to your sister? Tell her I called.” Tumahimik naman ang kabilang linya. I heard my daughter crying over the phone. Pumikit ako nang mariin. It breaks my heart to hear her cry like that at wala man lang ako sa tabi niya.“Rayne, Momma wants to talk to you,” I heard Rayven’s calm voice.“H-Huh? Momma? Momma is calling, Rayven?!” I hear
Chapter 54His Seat“Dos, can you calm this asshole?” iritadong saad ni Cuatro matapos maupo sa kaniyang upuan. I also settled in my seat, wearing my mask of indifference. Nakaupo na rin si Tres sa gitna namin. He’s massaging the bridge of his nose as if something’s pestering his mind.The oval meeting table was still unoccupied by the other members of Dark Alpha. Nauna kaming dumating at malalamang na namahuhuli si Uno dahil gusto niya na namang magpapansin sa lahat.“What’s wrong?” I asked in a serious voice.Cuatro hissed. “Sagutin mo, gago!” He punched Tres’ arm. Hindi naman natinag si Xyleus. His face was serious and his brows were furrowed tight.“Cuatro,” I called Creed, “what the hell is wrong with him?”Pumalatak siya. “Tangina talaga neto ni Tres. Kinakausap ka, eh!” My jaw clenched. Nang makita niyang dumidilim na ang ekspresyon ko ay napangiwi siya.“Para kayong gago, eh. ‘Wag n’yo na nga akong idamay sa mga katarantaduhan niyo. Namumuro na kayo, ah!”“What... the fuck.
Chapter 53Her Aces“Bakit hindi ka pa kumikilos?”Danger puffed from his cigarette beside me. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig na dala ng malakas na hangin.I happened to visit my organization’s hide-out in the Philippines. Binilin ko muna kay Roxanne ang kambal. Pinaalam ko na lang na may kailangan akong gawing trabaho at naintindihan naman nila.Ayoko sanang nahihiwalay ako kina Rayne at Rayven, pero kailangan.“Why are you so excited?” tanong ko at ngumisi.Binalingan ko siya. His face was serious and dark. Napailing ako nang muli siyang humithit sa kaniyang sigarilyo.“You’ll die early with what you’re doing,” iling ko.Matunog siyang ngumisi. “Not until I had avenged my brother against that fucking Dark Alpha.”Napahinga ako nang malalim. I don’t exactly know what Danger wants out of our plan, but I just know that his hatred for the people who killed his brother fuels his desire to destroy and eliminate them.“It’s a pity that Ate Rina died before we even got our hands on