KANINA PA NAIINIP si Bastie sa mga kausap. Kanina pa niya gustong umalis ng opisina. Ito ang huling meeting niya ngayong araw at hindi niya inaasahan na halos apat na oras na niyang kausap ang mga ito.
Kanina pa niya gustong umalis para mapuntahan si Ice. Muli siyang napangiti ng maalala ang dalaga. She kissed him for the first time! And it's on the lips! Para siyang baliw na ngiti ngiti kapag naaalala iyon. Kahit na halos wala siyang tulog ngayong araw na ito ay pumasok pa rin siya.
Kung laging ganoon ang gagawin ng dalaga, siguro kahit araw araw siyang puyat okay lang. Baliw na nga talaga siguro siya dahil naiisip niya iyon.
Muli siyang napangiti ng maalala ang mga kaibigang sina Erie, Jayden at Dean. Na binulabog niya kaninang umaga upang sabayan siyang mag-jogging. At muling naglaro sa kanyang isipan ang maganda
“LET’S HAVE AN EARLY DINNER.”Nang sabihin iyon ni Bastie ay hindi na kumontra pa si Ice. After all, gutom na rin naman siya. Lulan sila ng sasakyan ng binata.“Where do you want to eat?” Tanong ni Bastie sa kanya.“Kahit saan.” Tipid na sagot niya.“Ang hirap mo talagang tanungin. Kapag tinanong ka kung saan sasabihin mo kahit saan. Kapag tinanong ka kung ano ang gusto mong kainin ang sagot mo ay palaging kahit na ano.” Anang binata.“Nagrereklamo ka?” Tanong niya rito habang nanghahaba ang nguso.“Hindi kaya. Sabi ko nga magda-drive nalang ako.” Anito at pinaandar ang sasakyan nito.
IT WAS REALLY a tiring night! At nagpapasalamat si Ice at natapos na rin ang fashion show na iyon na ginanap sa New York. Kasalukuyan siyang naglalakad pabalik sa kanyang hotel. Malapit lang iyon sa venue kung saan ginanap ang fashion show.Bukas din ng hapon ang flight niya pauwi ng Pilipinas, kung hindi ay baka tuluyan na siyang itakwil ni Jade. Hindi nga lang siya naka-attend ng rehearsal para sa kasal nito ay katakot takot na sermon ang inabot niya, yung hindi pa kaya siya maka-attend ng kasal nito.Naka-yuko siya habang naglalakad kaya naman nagulat pa siya ng biglang tumama ang noo niya sa matipunong dibdib na iyon."What the—— W-What are you doing here?!" Totoong nagulat siya nang makitang si Bastie ang nagmamay-ari ng matipunong dibdib na iyon."Bakit
NAKAMASID LANG siya kay Bastie habang inaayos nito ang unan sa may sofa. Doon daw ito matutulog. Habang siya ay patuloy na nakikipagtalo sa kanyang sarili dahil sinusundot siya ng kanyang konsensya.Sa tangkad nito at pangangatawan malamang ay mamamaluktot ito sa sofa. And to think they have a long flight tomorrow nabanggit nito kanina na bukas din ang flight nito pabalik ng Pilipinas ngunit hindi niya naitanong sa binata kung anong oras."Uhm... ano nga palang oras ang flight mo bukas?" Kuha niya sa atensyon nito."Same as yours." Sagot nito habang patuloy sa ginagawa."Same flight? As in?" Gulat na tanong niya sa binata."Yes." Anito."Pero paano—"
“ARE YOU NERVOUS?”Tanong ni Ice kay Jade. Kasalukuyan na silang nasa silid ng isang tanyag na hotel. Kakagaling lang nilang magpa-spa. They are preparing for the big event tomorrow.“Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.” Saad nito at ngumiti.There was something with her that she found amusing. Tila ba napaka-blooming nito. Ganoon siguro yun, anyway it’s her big day tomorrow. Ikakasal na ang bestie niya! At ngayon nga ay naka-check in sila sa isang hotel sila ang tinaguriang ‘Team Bride’.Samantalang nasa kabilang hotel naman sina Erie, ang ‘Team Groom’. Sa pagdaan ng Team Groom sa kanyang isipan ay di niya maiwasang itanong sa sarili kung ano na kaya ang ginagawa ng mga ito ngayon?
"JADE ERIETTE, my best friend, my sweetie, my babe and my love... I vow to love you more and more each and everyday of our lives. I will be your shield and protector. I will always be faithful. Our family will always be my top priority. I promise to make you happy everyday, even that happiness means you will beat me to death," Bahagyang tumawa ang mga tao sa simbahan sa sinabing iyon ni Erie.Maging si Ice na maluha luha na ay bahagyang napa-ngiti."I will walk with you hand in hand in our entire journey, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; until death do us part. Always and Forever." Madamdaming saad ni Erie."Zach Erie, my best friend, my babe, my love, kahit palagi kitang tinatawag na 'mokong' para sa akin ikaw ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mund
“MUFFIN! GET UP!”Ilang beses ng narinig ni Ice ang pamilyar na tinig na iyon ni Bastie ngunit hindi pa rin siya dumidilat. Bakit nga ba maging sa kanyang panaginip ay ginagambala siya ng kutong lupa na iyon?“Muffin, get up.”Muli niyang narinig iyon na tila ba nandoon ang binata. Nang makaramdam siya ng mahinang yuyog at tapik mula sa kanyang balikat ay napagtanto niya na hindi iyon isang panaginip.Unti unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata at dali dali pa siyang kumurap-kurap ng dalawang beses ngunit hindi naman nawala ang imahe ng lalaking nasa harapan niya.Kinusot niya ang kanyang mga mata at doon nga niya na napagtanto na hindi siya pinaglalaruan ng kanyang paningin.
MAAGA SI BASTIE ng tatlumpung minuto sa pagsundo sa kanya nang araw na iyon."Maaga ka yata?" Puna niya rito na diretsong umupo sa sofa."Yeah, pahinga lang ako sandali habang hinihintay ka." Tila nahahapong sagot nito.Pinaka-titigan niya ang binata na ngayon ay prenteng nakasandal sa sofa, naka-hubad ang coat at maluwang ang necktie habang nakapikit at hinihilot ang sentido.He must be really tired. Friday ngayon at weekend bukas. Malamang marami itong tinapos na trabaho ngayong araw."Stop staring at me like that." Anito na nakapikit pa rin.Tinitigan niya itong maigi at nakakasiguro siyang nakapikit ang binata. Paano naman nito nalaman na tinititigan niya ito?
HINDI ITO ang unang pagkakataon na makita nila ang ipinagmamalaking Hundred Islands ng Pangasinan. They have been there with their friends before. Ngunit sa pagkakataong ito, sila lang dalawa.Oo sila lang dalawa, walang Jayden at Dean na basta na lang sumusulpot. Napangiti siya sa naisip na iyon.Todo alalay sa kanya si Bastie at nasisiyahan siya sa bawat kilos nito. Which is a little bit strange. Dahil dati ay halos naiinis siya dito dahil sa kaka-sunod nito sa kanya. Ngayon naman ay siya pa ang nagyaya na makasama ito.Sumakay sila ng bangka kagaya ng dati. Ito ang maghahatid sa kanila sa mga isla.Napaka-ganda parin ng mga isla! They explored the beauty of nature. At may mga pagkakataong nagse-selfie sila ng binata. Iilan lang yata ang mga matitino nilang
“MY LOVE… MY LOVE... wake up!”Kanina pa ginigising ni Ice si Bastie. Tila ba binabangungot na naman ang asawa. Oo tama asawa na niya si Bastie ngayon. Ang sarap marinig ng katagang iyon. Ilang araw na ba silang kasal? Apat na araw na rin ngayon. Ika-apat na araw na rin nila sa Paris. Doon nila napiling mag-honeymoon.Sa mga nakaraang araw ay palaging binababangungot ang kanyang asawa. Ayon dito ay madalas ang muntik niya na pagkawala ang napapanaginipan nito na nauuwi sa bangungot. Naisipan niya na pag balik nila ng Pilipinas ay ipapa-check up niya ito. May mga pagkakataon na natatakot siya. Paano kung hindi niya ito magising? Tila may trauma pa rin ito sa mga sinapit niya. Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng sapitin niya ang malagim na pangyayaring iyon.Si Summer is really menta
UNTI UNTI NG UMAALIS ang mga tao. Ang magandang sikat ng araw kanina ay unti unting nagiging makulimlim. Tila ba nakikisabay sa nararamdaman ng bawat isa ngayong araw na ito.Ang mga kaibigan niya at ang mga magulang ni Ice ay kasama niyang nakatunghay roon. Naririnig pa rin niya ang mahinang pag sinok ni Jade at ni Mrs. Del Mundo, isang patunay na nahihirapan din ang mga ito na tanggapin ang nangyari. Wala ni isa na gustong basagin ang katahimikan. Lahat sila ay naroon lamang, nakatayo at nagluluksa. Tila ang lahat ay hindi pa rin makapaniwala.Ilang oras ang lumipas ay maging ang kanyang mga kaibigan at mga magulang ni Ice ay nagpaalam na. Ilang beses siyang niyaya ng mga ito ng makapagpahinga na rin ngunit magalang siyang tumanggi. Hindi na niya alam ang salitang pahinga. Tila wala na iyon sa kanyang bokabularyo.
ALAM NI ICE NA BUGBOG SARADO siya at tila naliligo sa sariling dugo. Masakit ang kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung makakatagal siya sa ganun na sitwasyon. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ngunit hinang hina na siya.Maging ang pina-plano niyang pag-takas ay hindi niya maisagawa dahil sa labis na panghihina. Ang tanging pag-asa lamang niya ngayon ay kung umubra ang kanyang plano. Nang paghahampasin siya ni Summer ay sinikap niyang ilagay sa kamay nito ang friendship bracelet nila ni Jade. And knowing how smart and keen observer Jade is, siguradong makikita ng kaibigan ang bracelet na iyon sa oras na magpakita si Summer dito.Ang hindi lamang niya ay alam ay kung nagpakita ng muli si Summer dito. She’s praying na sana oo dahil hindi niya alam kung may pag-asa pa siyang mabuhay kung magtatagal pa siya sa lugar na ito.
“BASTIE! BASTIE! BASTIE!”Napabalikwas si Bastie ng marinig ang tawag na iyon ni Ice. He was still disoriented from a nap, so he looked around. Naroon siya sa kanyang opisina! Nakatutok siya sa kanyang laptop ngunit nakatulugan niya ang kanyang ginagawa.It was just a dream but it seems so real. Tinatawag siya ni Ice, tila humihingi ng tulong. Nitong mga nakaraang araw ay wala siyang maayos na tulog. Limang araw ng nawawala si Ice at sa tuwina ay labis ang pag-aalala niya para sa dating kasintahan. Hanggang ngayon ay wala silang lead. Tila ba pinag planuhan na mabuti ang lahat. Maging ang mga magulang ni Ice ay nag-aalala na, isa ito sa mga patunay na nawawala nga ito dahil tama si Jade, si Ice ang klase ng tao na, oo aalis o lalayo ngunit sisiguraduhin nito na hindi nito pag-aalalahanin ang mga magulang nito.
ITO ANG IKA-APAT NA ARAW ni Ice sa lugar na iyon. Sa mga nakalipas na araw ay tanging iyon lamang ang ginagawa ng dalawang kidnappers, naghahatid ng pagkain at hinahatid siya sa banyo sa tuwing naisin niyang gumamit niyon.Kahit papano ay nagpapasalamat na rin siya at hindi hinahawakan ng mga ito maski dulo ng kanyang daliri. Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan na ganun ang gagawin ng mga ito. Dahil alam niya na isang utos lang mula sa tinatawag na boss ng mga ito ay hindi mangingimi ang mga ito na sundin ang pinag-uutos ng boss ng mga ito.Medyo nanumbalik na rin ang kanyang lakas. Kaya ang tanging iniisip niya ngayon ay kung paano makatakas sa mga kidnappers na ito.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang gusto ng boss ng mga ito sa kanya at kung ano ang atraso na sinasab
ICE OPENED HER eyes. Masakit ang kanyang buong katawan at halos wala siyang makita. Napaka dilim ng paligid. Hindi niya alam kung nasa loob ba siya ng kanyang panaginip o totoong nasa madilim na lugar siya na iyon. Bakit masakit ang kanyang buong katawan? Alam niya na wala din siya sa kama dahil tila nakahandusay siya sa isang sahig. SInikap niya na alalahanin ang mga pangyayari. Matapos ang naging pag-uusap nila ni Bastie ay tuluyan na siyang hindi makapag-focus sa kanyang ginagawa kaya ipinasya niya na umuwi na lamang. On her way home there was a reroute on the road. At nagulat na lamang siya ng biglang may humarang na itim na van sa kanyang sasakyan. Pinababa siya ng dalawang armadong lalaki na naka maskara. Tumalima siya ngunit sinubukan niyang maglaban. Ngunit isang malakas na
BASTIE WAS READING some documents that day. Hindi niya alam kung bakit hindi siya matapos tapos sa kanyang ginagawa. May mga pagkakataon na humihinto siya dahil biglang sumasagi sa kanyang isipan ang dating nobya. Ito marahil ang rason kung bakit hindi na matapos itong kanyang ginagawa. Dalawang araw na ang nakalipas noong huli silang magkausap ni Ice. At sa tuwina ay hindi iyon maalis sa kanyang isipan. He’s been thinking a lot lately actually. Hindi rin mawala sa kanyang isipan na tama pala ang kanyang hinala. Ito pala ang nahagip niya na pamilyar na bulto noong nasa restaurant sila ni Summer. The truth is he was really busy that day. Pinaunlakan lang niya si Summer ng gabing iyon dahil na rin sa pangungulit nito. Since malapit lang din ang restaurant na iyon kung nasaan siya ng mga araw na iyon, th
ILANG ORAS NG nasa boutique si Ice ngunit wala pa rin siyang nagagawa. Naroon lamang siya sa kanyang opisina at nakatunghay sa kawalan. Ang hirap talaga kapag may iniinda ka na sakit sa puso. Ang hirap magpanggap na okay ka lang. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin mawala ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nasaksihan dalawang araw na ang nakalipas. Oo, dalawang araw na rin siyang ganito. Tulala! Matapos niyang makita si Bastie na nakikipaghalikan kay Summer ay tila lalo siyang pinanghinaan ng loob. She was just about to make plans on how to get him back and then she saw that! Narinig niya na tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya pinansin iyon. Sa nakalipas na dalawang araw piling pili lamang ang sinasagot niyang tawag. Minsan ay hindi niya namalayan na tawag pala ni Bastie ang kanyang
TININGNAN NI ICE ang ama ni Bastie. Gusto niyang maka-siguro na seryoso ito sa sinabi kanina. “I am a serious hija.” Ani Mr. Antonio na tila alam ang nilalaman ng kanyang isipan. “Design some clothes for you for a start. Kailangan na kasama ka din sa pictorial.” Pagpapatuloy pa nito. She was about to decline the offer but she remembered what Bastie said a while back. “I told you dad, maybe this is a bad idea at all.” On the other hand, advantage ito sa kanya lalo na kung gusto niyang maibalik ang dating pagtingin ni Bastie sa kanya. She will work closely with him. Mas magiging madali para sa kanya ang lahat. Well, that was a good plan indeed! “I think that