“SWEET AS EVER, thank you handsome.”
Ewan ni Ice kung siya lang dahil hindi niya talaga feel si Summer kaya na-aartehan siya sa pagkasabi nitong iyon. May pa sweet sweet as ever pang nalalaman!
“Selos ka?” Anang kanyang isipan na lalong nagpa-inis sa kanya.
Nginitian naman ito ni Bastie. “Anytime.” Saad pa nito habang nilalagay sa van ang mga gamit nito at gamit ni Summer. Tila tuwang tuwa pa na maging alipin!
Napa-irap siya sa hangin at sakto naman na dumapo ang kanyang tingin kay Dean na kasalukuyang nakatingin sa kanya. Nakita niyang ngumiti ang kaibigan at tila sinasabi na ‘I know that look!’
Sa sobrang inis na nara
NAGSIMULA NA SILANG maglakad patungo sa campsite. Kahit na naiinis si Ice kanina ay tila ba nawala ang lahat ng iyon ng makita ang kagandahan ng lugar. Mata-tayog na mga puno at talaga namang refreshing sa mata! Hindi katulad ng view kanina sa van! Lihim pa siyang napa hagikgik sa naisip na iyon.Napaka-ganda talaga ng kalikasan. Ang masarap na simoy ng hangin ay nagdudulot ng kapanatagan sa kanyang puso. Binabawi na niya ang kanyang sinabi kanina sa sarili. Siguro nga ay ito ang kailangan niya ngayon.“Kahit may panggulo!” Inis na saad niya sa isipan habang nakikita ang mukha ni Summer.Wala na yata itong ginawa kung hindi mag-selfie buhat kanina! May mga pagkakataon pa na isina-sama nito si Bastie sa mga ilang kuha nito at ito namang kutong lu
PAKIRAMDAM ni Ice ay nasa kalagitnaan na sila ng kagubatan. Kumakapal na ang mga puno at may mga ligaw na damo na rin sa kanilang dinadaanan. Ngunit makikita naman ang daanan ng mga nag-te-trek sa parte na iyon ng kagubatan.Wala silang ideya sa campsite na sinasabi ni Jayden ngunit tiwala sila na kabisado nito ang lugar dahil ayon dito ay ilang beses na din itong nakapunta roon.Strange but she once had a bad dream about the same setting where they are right now. Ang kaibahan lang ay mag-isa lamang siya sa kanyang panaginip at pilit tinatawag si Bastie. May lumbay na nagdaan sa kanyang puso ng maalala ang masamang panaginip na iyon.Katulad ng mga pangyayari sa kanyang buhay, tatlong taon na ang lumipas, ay tila ba isang masamang panaginip na patuloy siyang sinasaktan sa bawat araw na nagdaraan. Sana ng
JAYDEN WAS RIGHT! Totoo na medyo may kalayuan ang nilakad nila ngunit lahat ng iyon ay sulit pagdating nila sa campsite na sinasabi nito.It’s like a safe haven! Napaka-ganda ng kapaligiran sa campsite na iyon. Tila iyon isang paraiso sa gitna ng kagubatan. May mga iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at sa di kalayuan ay may maliit na talon na bumababa sa batis. Napakalinaw ng tubig pwedeng pwedeng maligo.Binusog ni Ice ang kanyang paningin sa napakagandang kapaligiran. Tila ba lahat ng pagod na naramdaman niya kanina habang naglalakad sila ay biglang nawala dahil sa ganda na nakikita niya ngayon. Tila ba nabalutan siya ng kapayapaan sa pamamagitan ng kanyang pagmamasid.“Oh! Thank you so much, handsome, you are the sweetest!”
HINDI ALAM NI ICE kung gaano na siya katagal na nakaupo sa may batuhan na iyon. Hindi iyon kalayuan sa campsite nila. Mas magandang natatanaw ang talon sa lugar na iyon. Nailabas na niya ang bigat na nararamdaman kanina sa pamamagitan ng pag-iyak.Hindi lang talaga siya sanay sa ganun na treatment sa kanya ni Bastie. Masakit man sa pakiramdam pero siguro kailangan na niyang masanay sa ganun.She can hear some voices from where she is. Maybe it’s the echo. Hindi man malinaw ngunit may naririnig din siyang nagtatawanan. Siguro ng ay hindi na siya kailangan pa doon. Anyway they all live and move on with their life without her.Ewan niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng self-pity. Hindi naman siya ganito dati. Masyado siyang nagiging emosyonal nitong mga nakaraang araw. And she hates herself
NANG MAKABALIK NA SILA sa campsite ni Jade ay nakita niya na nakatayo na nga ang apat na tent roon. Ang mga kalalakihan ay nag-iihaw na ng barbecue. At tila may pinag-uusapan.Si Dean ang unang naka-pansin ng kanilang pagdating. “Hey! Dyosa, ayun ang tent mo.” Turo nito sa isang tent. “We decided na ikaw na ang mag-solo sa isang tent instead of Jayden.” Paliwanag nito. “Not unless you want to share your tent with me as well.” Biro pa nito at kumindat sabay tawa.“Chill bro!” Narinig niyang saad pa nito kay Bastie. Hindi niya alam kung bakit. Ang tanging nakita lamang niya ay pinukulan ng masamang tingin ni Bastie si Dean, na tinawanan lang naman ng huli.“Ganun din sana for Summer. Tapos kami naman nila Bastie at Dean ay kasya naman sa isang ten
ILANG SAGLIT PA ay nag-aayos na sina Ice at Jade para sa kanilang boodle fight. She was just glad that Summer chose to stay inside the tent. Hindi na siya nag-abala pa na magtanong kung bakit. Dahil ang importante ay hindi naman nito kasama si Bastie doon, well sa ngayon. Dahil mamayang gabi, of course! As agreed earlier, they will share one tent!Hindi pa rin iyon mawala sa kanyang isipan kaya nararamdaman pa rin niya ang pagka-inis.“Bestie, alam mo kahit wala kang sinasabi ekspresyon pa lang ng mukha mo alam ko na kung naiinis ka.” Puna ni Jade at tumawa.Tumingin siya sa kaibigan habang inaayos nila ang mga pagkain. “Yeah, you really know me.” Aniya rito ng bigla siyang may maalala. “Oh! By the way. I forgot to give you this.” Aniya at kinuha sa bulsa ang isa
NANG MATAPOS SILANG kumain ay napagpasyahan nilang magpahinga lamang sandali at pagkatapos ay maligo na sa talon. Lahat sila ay excited maligo maliban sa isa sa kanila. Abot langit yata ang kanyang katuwaan ng sabihin ni Summer na hindi ito maliligo at doon na muna ito sa loob ng tent. Mabuti naman at walang kontrabida sa buhay niya ngayon. “Someone is beaming.” Kantyaw ni Dean sa kanya. “Minsan hindi ko alam kung kakampi nga kita o ano.” Wika niya rito. “Pinapasaya lang kita.” Anito. Nagkibit balikat siya. Nang makarating na sila sa malapit sa talon ay nag-kanya kanya ng hubad ng pang-itaas sina Jayden, Dean, Erie at Bastie. At talaga naman na wala kang itatapon
NANG SUMAPIT ANG GABI ay gumawa ng bonfire ang mga kalalakihan. Kagaya ng mga nakagawian nila dati, si Erie ay nag-gigitara at sinasabayan ni Jade ng pagkanta. Napaka-ganda talaga ng boses ng dalawang ito.Nakatutok lamang sa dalawa ang kanyang pansin ngunit kahit anong pakiusap niya sa sarili na huwag pansinin si Summer at Bastie ay sadyang nakikita pa rin niya mula sa kanyang peripheral vision na may pagkakataon na binu-bulungan ni Summer ang binata at bubunghalit naman ng tawa ito. Wala na yatang ginawa ang pagkakataon sa araw na ito kung hindi durugin ang kanyang puso!Tila ba kakalagay lang niya ng band aid kanina at sariwa pa ang sugat ngunit heto na naman siya nasusugatan at nasasaktan. Siguro isa sa mga araw na ito ay kailangan niya ng lakas ng loob upang kausapin si Bastie. Tungkol sa nakaraan. Dahil kung hindi pa siya kikilos ay baka tuluy