HINDI ALAM NI ICE kung gaano na siya katagal na nakaupo sa may batuhan na iyon. Hindi iyon kalayuan sa campsite nila. Mas magandang natatanaw ang talon sa lugar na iyon. Nailabas na niya ang bigat na nararamdaman kanina sa pamamagitan ng pag-iyak.
Hindi lang talaga siya sanay sa ganun na treatment sa kanya ni Bastie. Masakit man sa pakiramdam pero siguro kailangan na niyang masanay sa ganun.
She can hear some voices from where she is. Maybe it’s the echo. Hindi man malinaw ngunit may naririnig din siyang nagtatawanan. Siguro ng ay hindi na siya kailangan pa doon. Anyway they all live and move on with their life without her.
Ewan niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng self-pity. Hindi naman siya ganito dati. Masyado siyang nagiging emosyonal nitong mga nakaraang araw. And she hates herself
NANG MAKABALIK NA SILA sa campsite ni Jade ay nakita niya na nakatayo na nga ang apat na tent roon. Ang mga kalalakihan ay nag-iihaw na ng barbecue. At tila may pinag-uusapan.Si Dean ang unang naka-pansin ng kanilang pagdating. “Hey! Dyosa, ayun ang tent mo.” Turo nito sa isang tent. “We decided na ikaw na ang mag-solo sa isang tent instead of Jayden.” Paliwanag nito. “Not unless you want to share your tent with me as well.” Biro pa nito at kumindat sabay tawa.“Chill bro!” Narinig niyang saad pa nito kay Bastie. Hindi niya alam kung bakit. Ang tanging nakita lamang niya ay pinukulan ng masamang tingin ni Bastie si Dean, na tinawanan lang naman ng huli.“Ganun din sana for Summer. Tapos kami naman nila Bastie at Dean ay kasya naman sa isang ten
ILANG SAGLIT PA ay nag-aayos na sina Ice at Jade para sa kanilang boodle fight. She was just glad that Summer chose to stay inside the tent. Hindi na siya nag-abala pa na magtanong kung bakit. Dahil ang importante ay hindi naman nito kasama si Bastie doon, well sa ngayon. Dahil mamayang gabi, of course! As agreed earlier, they will share one tent!Hindi pa rin iyon mawala sa kanyang isipan kaya nararamdaman pa rin niya ang pagka-inis.“Bestie, alam mo kahit wala kang sinasabi ekspresyon pa lang ng mukha mo alam ko na kung naiinis ka.” Puna ni Jade at tumawa.Tumingin siya sa kaibigan habang inaayos nila ang mga pagkain. “Yeah, you really know me.” Aniya rito ng bigla siyang may maalala. “Oh! By the way. I forgot to give you this.” Aniya at kinuha sa bulsa ang isa
NANG MATAPOS SILANG kumain ay napagpasyahan nilang magpahinga lamang sandali at pagkatapos ay maligo na sa talon. Lahat sila ay excited maligo maliban sa isa sa kanila. Abot langit yata ang kanyang katuwaan ng sabihin ni Summer na hindi ito maliligo at doon na muna ito sa loob ng tent. Mabuti naman at walang kontrabida sa buhay niya ngayon. “Someone is beaming.” Kantyaw ni Dean sa kanya. “Minsan hindi ko alam kung kakampi nga kita o ano.” Wika niya rito. “Pinapasaya lang kita.” Anito. Nagkibit balikat siya. Nang makarating na sila sa malapit sa talon ay nag-kanya kanya ng hubad ng pang-itaas sina Jayden, Dean, Erie at Bastie. At talaga naman na wala kang itatapon
NANG SUMAPIT ANG GABI ay gumawa ng bonfire ang mga kalalakihan. Kagaya ng mga nakagawian nila dati, si Erie ay nag-gigitara at sinasabayan ni Jade ng pagkanta. Napaka-ganda talaga ng boses ng dalawang ito.Nakatutok lamang sa dalawa ang kanyang pansin ngunit kahit anong pakiusap niya sa sarili na huwag pansinin si Summer at Bastie ay sadyang nakikita pa rin niya mula sa kanyang peripheral vision na may pagkakataon na binu-bulungan ni Summer ang binata at bubunghalit naman ng tawa ito. Wala na yatang ginawa ang pagkakataon sa araw na ito kung hindi durugin ang kanyang puso!Tila ba kakalagay lang niya ng band aid kanina at sariwa pa ang sugat ngunit heto na naman siya nasusugatan at nasasaktan. Siguro isa sa mga araw na ito ay kailangan niya ng lakas ng loob upang kausapin si Bastie. Tungkol sa nakaraan. Dahil kung hindi pa siya kikilos ay baka tuluy
KANINA PA NAKAHIGA si Ice sa loob ng kanyang tent. Matapos ang ilan pang kanta nila Erie at Jade ay nagpaalam na siya na magpahinga na muna. Bigla kasing bumigat ang kanyang pakiramdam. Lutang din naman ang kanyang isipan kaya hindi na rin siya makasabay pa sa mga biruan ng mga ito. Kaya imbes na pilitin ang sarili at kaysa mabansagan na KJ, mas minabuti na niya na magpahinga na muna sa kanyang tent. Siguro ay ramdam din iyon ng kanyang mga kaibigan kaya hinayaan na lamang din siya ng mga ito. Hindi na siya tinanong pa ng mga ito na lihim niya na ipinagpa-salamat. Siguro may isang oras din niyang naririnig ang mga ito na nagka-kasiyahan sa labas ng tent bago niya narinig na tuluyan ng nagsi-paalam na matulog ang mga ito. “Dyosa, I know you are still awake. Goodnight!” Narinig niyang wika pa ni Dean mula sa labas ng kanyang tent.
NANATILI LAMANG si Ice na nakatingin kay Bastie. Maging ang kanilang mga kaibigan ay nanatili lamang na tikom ang mga bibig. Mukhang ayaw silang pakialaman sa pag-uusap nila na iyon. Kung pag-uusap nga iyon na maituturing. “What? Tapos ngayon mananahimik ka na lang?” He said mockingly. “You are really impossible!” Bulalas pa nito. That’s it! Kailangan na niya na magsalita! Hindi bale na kung umiyak siya sa harapan nito, sa harapan ni Summer o sa harapan ng kanyang mga kaibigan! “Y-You are asking me? But you already judge m-me…” She said softly and she hated herself because she said in a quavering voice. Nakita niya kung paano tila bahagya na lumambot ang ekspresyon ni Bastie ngunit mabilis din iyong naglaho. Sa ilang saglit ay naging blanko muli ang ekspr
HANGGANG SA MAGLAKBAY sila pauwi ay hindi na masyadong umi-imik si Ice. Napansin niya na ganun din si Bastie. Alam niya na napansin din iyon ng kanyang mga kaibigan ngunit mas pinili ng mga ito na huwag na silang tanungin pa. Suddenly she felt exhausted. Kanina pa rin siya nag-iisip kung ano ang maaring tumatakbo sa isipan ngayon ni Bastie. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Nang makarating sila sa bahay ni Jayden ay kaagad na nagpaalam si Bastie. At lalo lamang nagpa-bigat sa kanyang kalooban ang katotohanan na muli ay magka-kasama si Summer at Bastie ng sila lamang. Ihahatid nito si Summer or who knows they will have some early dinner somewhere as well. At muli ay kinakain siya ng selos. “Yeah that should be me.” Malungkot na saad niya sa kanyang isipan.
TININGNAN NI ICE ang ama ni Bastie. Gusto niyang maka-siguro na seryoso ito sa sinabi kanina. “I am a serious hija.” Ani Mr. Antonio na tila alam ang nilalaman ng kanyang isipan. “Design some clothes for you for a start. Kailangan na kasama ka din sa pictorial.” Pagpapatuloy pa nito. She was about to decline the offer but she remembered what Bastie said a while back. “I told you dad, maybe this is a bad idea at all.” On the other hand, advantage ito sa kanya lalo na kung gusto niyang maibalik ang dating pagtingin ni Bastie sa kanya. She will work closely with him. Mas magiging madali para sa kanya ang lahat. Well, that was a good plan indeed! “I think that
“MY LOVE… MY LOVE... wake up!”Kanina pa ginigising ni Ice si Bastie. Tila ba binabangungot na naman ang asawa. Oo tama asawa na niya si Bastie ngayon. Ang sarap marinig ng katagang iyon. Ilang araw na ba silang kasal? Apat na araw na rin ngayon. Ika-apat na araw na rin nila sa Paris. Doon nila napiling mag-honeymoon.Sa mga nakaraang araw ay palaging binababangungot ang kanyang asawa. Ayon dito ay madalas ang muntik niya na pagkawala ang napapanaginipan nito na nauuwi sa bangungot. Naisipan niya na pag balik nila ng Pilipinas ay ipapa-check up niya ito. May mga pagkakataon na natatakot siya. Paano kung hindi niya ito magising? Tila may trauma pa rin ito sa mga sinapit niya. Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng sapitin niya ang malagim na pangyayaring iyon.Si Summer is really menta
UNTI UNTI NG UMAALIS ang mga tao. Ang magandang sikat ng araw kanina ay unti unting nagiging makulimlim. Tila ba nakikisabay sa nararamdaman ng bawat isa ngayong araw na ito.Ang mga kaibigan niya at ang mga magulang ni Ice ay kasama niyang nakatunghay roon. Naririnig pa rin niya ang mahinang pag sinok ni Jade at ni Mrs. Del Mundo, isang patunay na nahihirapan din ang mga ito na tanggapin ang nangyari. Wala ni isa na gustong basagin ang katahimikan. Lahat sila ay naroon lamang, nakatayo at nagluluksa. Tila ang lahat ay hindi pa rin makapaniwala.Ilang oras ang lumipas ay maging ang kanyang mga kaibigan at mga magulang ni Ice ay nagpaalam na. Ilang beses siyang niyaya ng mga ito ng makapagpahinga na rin ngunit magalang siyang tumanggi. Hindi na niya alam ang salitang pahinga. Tila wala na iyon sa kanyang bokabularyo.
ALAM NI ICE NA BUGBOG SARADO siya at tila naliligo sa sariling dugo. Masakit ang kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung makakatagal siya sa ganun na sitwasyon. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ngunit hinang hina na siya.Maging ang pina-plano niyang pag-takas ay hindi niya maisagawa dahil sa labis na panghihina. Ang tanging pag-asa lamang niya ngayon ay kung umubra ang kanyang plano. Nang paghahampasin siya ni Summer ay sinikap niyang ilagay sa kamay nito ang friendship bracelet nila ni Jade. And knowing how smart and keen observer Jade is, siguradong makikita ng kaibigan ang bracelet na iyon sa oras na magpakita si Summer dito.Ang hindi lamang niya ay alam ay kung nagpakita ng muli si Summer dito. She’s praying na sana oo dahil hindi niya alam kung may pag-asa pa siyang mabuhay kung magtatagal pa siya sa lugar na ito.
“BASTIE! BASTIE! BASTIE!”Napabalikwas si Bastie ng marinig ang tawag na iyon ni Ice. He was still disoriented from a nap, so he looked around. Naroon siya sa kanyang opisina! Nakatutok siya sa kanyang laptop ngunit nakatulugan niya ang kanyang ginagawa.It was just a dream but it seems so real. Tinatawag siya ni Ice, tila humihingi ng tulong. Nitong mga nakaraang araw ay wala siyang maayos na tulog. Limang araw ng nawawala si Ice at sa tuwina ay labis ang pag-aalala niya para sa dating kasintahan. Hanggang ngayon ay wala silang lead. Tila ba pinag planuhan na mabuti ang lahat. Maging ang mga magulang ni Ice ay nag-aalala na, isa ito sa mga patunay na nawawala nga ito dahil tama si Jade, si Ice ang klase ng tao na, oo aalis o lalayo ngunit sisiguraduhin nito na hindi nito pag-aalalahanin ang mga magulang nito.
ITO ANG IKA-APAT NA ARAW ni Ice sa lugar na iyon. Sa mga nakalipas na araw ay tanging iyon lamang ang ginagawa ng dalawang kidnappers, naghahatid ng pagkain at hinahatid siya sa banyo sa tuwing naisin niyang gumamit niyon.Kahit papano ay nagpapasalamat na rin siya at hindi hinahawakan ng mga ito maski dulo ng kanyang daliri. Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan na ganun ang gagawin ng mga ito. Dahil alam niya na isang utos lang mula sa tinatawag na boss ng mga ito ay hindi mangingimi ang mga ito na sundin ang pinag-uutos ng boss ng mga ito.Medyo nanumbalik na rin ang kanyang lakas. Kaya ang tanging iniisip niya ngayon ay kung paano makatakas sa mga kidnappers na ito.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang gusto ng boss ng mga ito sa kanya at kung ano ang atraso na sinasab
ICE OPENED HER eyes. Masakit ang kanyang buong katawan at halos wala siyang makita. Napaka dilim ng paligid. Hindi niya alam kung nasa loob ba siya ng kanyang panaginip o totoong nasa madilim na lugar siya na iyon. Bakit masakit ang kanyang buong katawan? Alam niya na wala din siya sa kama dahil tila nakahandusay siya sa isang sahig. SInikap niya na alalahanin ang mga pangyayari. Matapos ang naging pag-uusap nila ni Bastie ay tuluyan na siyang hindi makapag-focus sa kanyang ginagawa kaya ipinasya niya na umuwi na lamang. On her way home there was a reroute on the road. At nagulat na lamang siya ng biglang may humarang na itim na van sa kanyang sasakyan. Pinababa siya ng dalawang armadong lalaki na naka maskara. Tumalima siya ngunit sinubukan niyang maglaban. Ngunit isang malakas na
BASTIE WAS READING some documents that day. Hindi niya alam kung bakit hindi siya matapos tapos sa kanyang ginagawa. May mga pagkakataon na humihinto siya dahil biglang sumasagi sa kanyang isipan ang dating nobya. Ito marahil ang rason kung bakit hindi na matapos itong kanyang ginagawa. Dalawang araw na ang nakalipas noong huli silang magkausap ni Ice. At sa tuwina ay hindi iyon maalis sa kanyang isipan. He’s been thinking a lot lately actually. Hindi rin mawala sa kanyang isipan na tama pala ang kanyang hinala. Ito pala ang nahagip niya na pamilyar na bulto noong nasa restaurant sila ni Summer. The truth is he was really busy that day. Pinaunlakan lang niya si Summer ng gabing iyon dahil na rin sa pangungulit nito. Since malapit lang din ang restaurant na iyon kung nasaan siya ng mga araw na iyon, th
ILANG ORAS NG nasa boutique si Ice ngunit wala pa rin siyang nagagawa. Naroon lamang siya sa kanyang opisina at nakatunghay sa kawalan. Ang hirap talaga kapag may iniinda ka na sakit sa puso. Ang hirap magpanggap na okay ka lang. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin mawala ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nasaksihan dalawang araw na ang nakalipas. Oo, dalawang araw na rin siyang ganito. Tulala! Matapos niyang makita si Bastie na nakikipaghalikan kay Summer ay tila lalo siyang pinanghinaan ng loob. She was just about to make plans on how to get him back and then she saw that! Narinig niya na tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya pinansin iyon. Sa nakalipas na dalawang araw piling pili lamang ang sinasagot niyang tawag. Minsan ay hindi niya namalayan na tawag pala ni Bastie ang kanyang
TININGNAN NI ICE ang ama ni Bastie. Gusto niyang maka-siguro na seryoso ito sa sinabi kanina. “I am a serious hija.” Ani Mr. Antonio na tila alam ang nilalaman ng kanyang isipan. “Design some clothes for you for a start. Kailangan na kasama ka din sa pictorial.” Pagpapatuloy pa nito. She was about to decline the offer but she remembered what Bastie said a while back. “I told you dad, maybe this is a bad idea at all.” On the other hand, advantage ito sa kanya lalo na kung gusto niyang maibalik ang dating pagtingin ni Bastie sa kanya. She will work closely with him. Mas magiging madali para sa kanya ang lahat. Well, that was a good plan indeed! “I think that