“Hindi ko maipappangako na magiging maayos ka, hangga’t maaari hindi tayo hahanap nang ikakahinala nila tungkol sa ‘yo,” sabi ni Stefan sa ‘kin.
Tumango ako. Suot-suot ko ang biyay niyang kasuotan sa isla kung saan daw ito kukuha ng mga babaeng bihag at ilang alipin.
“Pero ‘wag kang mag-alala kung mabibigyan ka kaagad ng espesyal na pagtingin maiaalis ka roon. Sa umpisa, magtiis ka muna lalo kung masaktan ka o mahila pero bihira nilang gawin ‘yon sa kababaihan lalo kung may magandang hitsura,” paliwanag niya.
Silang magkakapatid medyo magkakaugali lalo kung nagsasalita. Kung hindi mo maririnig ang boses nila, iisipin mong iisang tao lamang sila. Marahil ganoon sila sinanay magsalita.
“May mga kasama sila sa barko, alam nilang nag-iikot-ikot ako. Pupunta na tayo roon at palalabasin kong nakita kitang tumatakbo at nagpaplanong tumakas. Galingan mo na lang umarte.”
“
Nabalik na naman ako sa lugar ng mga alipin. Mas nakakatakot nga lang ang pinagdaanan ko ngayon kesa no’ng bata ako. Damang-dama ko ‘yong takot ng mga kababaihan na mapagsamantalahan at mamatay sa loob ng mainit at masikip na kulungan.Noong bata ako, takot lamang ang naramdaman kong una sa magulang ng Young Master, pero iyong pagsamantalahan, hindi pa ‘yon naabot ng isipan ko. Pero ngayon, masakit sa ‘kin na ako ay makaliligtas na sigurado at ang mga babaeng narito ay may iba’t ibang kapalaran. Hindi ko sila kayang tulungan ngayon. Iyon ang pinakamahirap tanggapin sa lahat, iyong kawalan ng kakayahan, iyong hindi mo na kailangan subukan dahil alam na alam mo na kaagad na talo ka.Maraming umiiyak sa kanila, nagmamakaawa, bagay na imposible rin namang pagbigyan ng mga halimaw na nasa labas.Sumandal ako sa malamig na semento sa ‘king likuran.Ipinapangako ko na matatapos ang pamamayagpag ng Ashes and Blood
Naupo si King sa mahabang sofa kung saan madalas silang magkita-kitang magkakapatid.Sabay-sabay na pumasok ang tatlo niyang kapatid pagkalipas ng isang oras.“King! Buhay ka na pala!” sabi ni Stefan at kaagad tumabi sa kanya at yumakap at akmang hahalik.Hinarangan ng palad ni King ang mukha ni Stefan.“Pati ba ang pagiging sweet brother mo naapektuhan ng alaala mong nawala na rin?” ang hitsura ni Stefan ay tila maiiyak.“Tigilan mo nga ‘ko, hindi naman lahat nawala,” sabi ni King.Naupo sa tapat nila si Grim at Dark.“Kumusta ang pakiramdam mo?” seryosong tanong ni Dark.“Maayos na naman,” pagsisinungaling ni King.“Akala ko talaga hindi ka na makaka-survive,” ani Grim na natatawa.“No’ng magkikita kasi tayo sana no’n ay wala ka naman. Saan ka pala pumunta nang magising ka?” tanong ni Stefan.“Nagpa
Narito na naman ako sa pagiging alipin.Huminga ‘ko nang malalim bago marahang bumuga. Alam ko na marami akong makikitang pagbabago, pero wala na ‘yon sa ‘kin, ang mahalaga sa ‘kin ay ang Young Master.Bukod doon, nagkakaroon ako lalo nang kagustuhang may magawa para sa mga alipin. Ibang-iba ‘to dahil medyo mapagmaltrato ang mga narito, kompara doon sa lugar ng mga Royal Blood, pero sabi rin naman ng ibang naninilbihan noon sa mga Bezarius, isa na ang mga ito sa matatawag na pinakamaganda’t mabuting pamilya ng bampira dahil hindi sila pinapapatay ng mga ito kung nagkamali. Mayroon din silang pagkain at mga kagamitan na kailangan.Ang pangkaraniwan siguro sa mga bampira ay iyong pagiging mainit, iyon ang palagi kong naririnig. Nahihirapan ang mga itong kontrolin ang libido at pag-iinit ng buong katawan. Mahilig ang mga ito sa tao dahil daw ang tao ay madaling i-pleasure, kompara sa mga kapwa bampira ng mga ito lalo pa at pagka-
“King! Nasaan na ‘yong alipin?” Pumasok si Grim na malaki ang ngiti.Itinuro ni King ang kabilang sofa.“Oh, bakit—““Pinatulog ko dahil napipikit sa pagkakatayo,” sagot ni King.“Wow, napakabait mo naman talaga! Ikaw pa ba talaga ‘yan? Baka isa ka na sa mga zombie ni ama!” natatawang biro ni Grim.“Tigilan mo nga ‘ko, Grim.”“So, don’t you find her beautiful?”“She is,” naiiritang sagot ni Grim.“And then?”“But she’s not extra-ordinary,” sagot ni King.“Eh? Paano mo nalaman ‘yon kung hindi pa naman kayo nagkatikiman?”“Tumigil ka nga—““Sige, sa ‘kin na lang siya, parang gusto ko rin namang mag-exercise ngayong gabi!” Nag-inat pa si Grim.Naiirita si King na masyadong madaldal si Grim.&ldq
“Ano sa palagay mo, Doc?” tanong ni Drake kay Doc Matias.Naroon sila sa lugar kung nasaan ang halaman na Eternal Rest.“May ilang pagsusuri na ‘kong nagawa, pero pupunta ‘ko sa capital para ipasuri pa ‘to.”“Malaking bagay ang iniwanang black card ni Anastacia.”Tumango ang doctor. “Napakamahal nang gastusin para sa pagtuklas lalo nang ganitong klase ng halaman. Pero ano pa ba ang tungkol dito?”“Na mula raw ‘yan sa gawain ng mga itim na Elfo, ibig sabihin maaaring mahikal din ang halaman talaga.”“Pero nasusuri naman ang lason niya, dumaan pa rin ‘to sa pangkaraniwang proseso. Kailangan lang makalikha tayo nang bagay na kapaki-pakinabang sa halaman na ‘to.”Tumango si Drake.Pinag-usapan nila ‘yon hanggang hapunan. Marami rin kasing natuklasan ang doctor sa halaman.**Hin
Napaaga ang pagpunta ni Anastacia sa laboratoryo. Naramdaman niyang inakbayan siya ni Grim, mabilis ‘tong bumulong sa kanya na ‘Huwag ka munang gagawa ng kahit na ano, magmasid ka lang’ sabi nito. Naunawaan naman ‘yon ni Anastacia.“Excited ka na rin?” tanong ni Grim.Namula si Anastacia, kahit alam niyang biro’y nahihiya pa rin siya.“Hindi siya makasagot, pero excited ‘to,” sabi ni Grim.Nagtuloy kami paglabas ng mansion. Sabi nila’y mayroon namang daaanan sa mansion pero kapag wala ang ama ng mga ito ay sarado ang daanang ‘yon. Kaya kailangan nilang lumabas at maglakad papuntang laboratoryo na nasa likuran daw ng mansion.“Ano bang problema ang mayroon sa ‘yo, Stefan?” tanong ni King.“Masakit ‘yong likuran ko, hindi ko pa sigurado kung katulad sa ‘yo. Tagal na kasi, pabalik-balik lang,” sagot ni Stefan.&
Wala masyadong nakita si Anastacia pero base sa laki ng lugar ay hindi na ‘yon magiging pipitsugin sa paningin ng Emperador. Nakapagkuha siya ng larawan gamit ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng pag-activate ng spell na ginawa ng Emperador sa kanya. Iniba nito ‘yon bago sila magkahiwalay. Pero ganoon pa rin isang word para ibukas, isang word para isara para sa kanyang privacy.Ang nakuhanan niya’y ang pasilyo para ipakita kung gaano kahaba iyon. Mga silid na puwede nilang silipin. Maging ang mga eternal rest ay nagawa niya ring kuhanan. Isinara niya na ‘yon kaagad.“Grim, ipinatatawag ka sa laboratoryo! Saka ikaw Stefan!” sigaw ng isang babaeng nakadamit nurse, pero mukhang close dahil sa paraan nang pagtawag nito sa dalawa.Tumayo naman ang mga ito.“Oo nga pala, mayroon pala ‘kong check-up ngayon. Dark, King, kayo na bahala sa kanya.” Tiningnan ni Grim si Anastacia. “Hintayin m
Nang magising si King pakiwari niya nakapagpahinga siya nang maganda.Nagising siyang wala sa tabi ang babaeng alipin.“Gising ka na?”Hindi niya namalayan na naroon pa ito.Nang tingnan niya ‘to ay mayroon itong naihandang pagkain.Hindi siya nagpapadala ng pagkain sa silid. Kung kakain siya ay sa hapagkainan sa ibaba o sa lugar kung saan sila palaging magkakasamang magkakapatid.Bumangon siya’t pinakiramdam ang likuran. Hindi na ‘yon masakit. Tiningnan niyang maigi ang babaeng alipin. Nakangiti ‘to sa kanya.“Pagkakain mo ay aalis na rin ako para makapagpahinga ka.”Hindi siya mabait sa mga servant, nagpapapasok lang siya kung kailangan ng katawan niya. Pero hindi para maging tagasilbi niya katulad nito. Magagalitin siya pero hindi niya magawang magalit sa babae. Pakiramdam niya’y nakakalma siya rito, marahil dahil din sa amoy at paraan nito nang pananalita.N
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi