Share

Chapter 91.2

Author: Misa_Crayola
last update Huling Na-update: 2021-10-31 02:32:25

“King! Nasaan na ‘yong alipin?” Pumasok si Grim na malaki ang ngiti.

Itinuro ni King ang kabilang sofa.

“Oh, bakit—“

“Pinatulog ko dahil napipikit sa pagkakatayo,” sagot ni King.

“Wow, napakabait mo naman talaga! Ikaw pa ba talaga ‘yan? Baka isa ka na sa mga zombie ni ama!” natatawang biro ni Grim.

“Tigilan mo nga ‘ko, Grim.”

“So, don’t you find her beautiful?”

“She is,” naiiritang sagot ni Grim.

“And then?”

“But she’s not extra-ordinary,” sagot ni King.

“Eh? Paano mo nalaman ‘yon kung hindi pa naman kayo nagkatikiman?”

“Tumigil ka nga—“

“Sige, sa ‘kin na lang siya, parang gusto ko rin namang mag-exercise ngayong gabi!” Nag-inat pa si Grim.

Naiirita si King na masyadong madaldal si Grim.

&ldq

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 91.3

    “Ano sa palagay mo, Doc?” tanong ni Drake kay Doc Matias.Naroon sila sa lugar kung nasaan ang halaman na Eternal Rest.“May ilang pagsusuri na ‘kong nagawa, pero pupunta ‘ko sa capital para ipasuri pa ‘to.”“Malaking bagay ang iniwanang black card ni Anastacia.”Tumango ang doctor. “Napakamahal nang gastusin para sa pagtuklas lalo nang ganitong klase ng halaman. Pero ano pa ba ang tungkol dito?”“Na mula raw ‘yan sa gawain ng mga itim na Elfo, ibig sabihin maaaring mahikal din ang halaman talaga.”“Pero nasusuri naman ang lason niya, dumaan pa rin ‘to sa pangkaraniwang proseso. Kailangan lang makalikha tayo nang bagay na kapaki-pakinabang sa halaman na ‘to.”Tumango si Drake.Pinag-usapan nila ‘yon hanggang hapunan. Marami rin kasing natuklasan ang doctor sa halaman.**Hin

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 92

    Napaaga ang pagpunta ni Anastacia sa laboratoryo. Naramdaman niyang inakbayan siya ni Grim, mabilis ‘tong bumulong sa kanya na ‘Huwag ka munang gagawa ng kahit na ano, magmasid ka lang’ sabi nito. Naunawaan naman ‘yon ni Anastacia.“Excited ka na rin?” tanong ni Grim.Namula si Anastacia, kahit alam niyang biro’y nahihiya pa rin siya.“Hindi siya makasagot, pero excited ‘to,” sabi ni Grim.Nagtuloy kami paglabas ng mansion. Sabi nila’y mayroon namang daaanan sa mansion pero kapag wala ang ama ng mga ito ay sarado ang daanang ‘yon. Kaya kailangan nilang lumabas at maglakad papuntang laboratoryo na nasa likuran daw ng mansion.“Ano bang problema ang mayroon sa ‘yo, Stefan?” tanong ni King.“Masakit ‘yong likuran ko, hindi ko pa sigurado kung katulad sa ‘yo. Tagal na kasi, pabalik-balik lang,” sagot ni Stefan.&

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 92.1

    Wala masyadong nakita si Anastacia pero base sa laki ng lugar ay hindi na ‘yon magiging pipitsugin sa paningin ng Emperador. Nakapagkuha siya ng larawan gamit ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng pag-activate ng spell na ginawa ng Emperador sa kanya. Iniba nito ‘yon bago sila magkahiwalay. Pero ganoon pa rin isang word para ibukas, isang word para isara para sa kanyang privacy.Ang nakuhanan niya’y ang pasilyo para ipakita kung gaano kahaba iyon. Mga silid na puwede nilang silipin. Maging ang mga eternal rest ay nagawa niya ring kuhanan. Isinara niya na ‘yon kaagad.“Grim, ipinatatawag ka sa laboratoryo! Saka ikaw Stefan!” sigaw ng isang babaeng nakadamit nurse, pero mukhang close dahil sa paraan nang pagtawag nito sa dalawa.Tumayo naman ang mga ito.“Oo nga pala, mayroon pala ‘kong check-up ngayon. Dark, King, kayo na bahala sa kanya.” Tiningnan ni Grim si Anastacia. “Hintayin m

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 92.2

    Nang magising si King pakiwari niya nakapagpahinga siya nang maganda.Nagising siyang wala sa tabi ang babaeng alipin.“Gising ka na?”Hindi niya namalayan na naroon pa ito.Nang tingnan niya ‘to ay mayroon itong naihandang pagkain.Hindi siya nagpapadala ng pagkain sa silid. Kung kakain siya ay sa hapagkainan sa ibaba o sa lugar kung saan sila palaging magkakasamang magkakapatid.Bumangon siya’t pinakiramdam ang likuran. Hindi na ‘yon masakit. Tiningnan niyang maigi ang babaeng alipin. Nakangiti ‘to sa kanya.“Pagkakain mo ay aalis na rin ako para makapagpahinga ka.”Hindi siya mabait sa mga servant, nagpapapasok lang siya kung kailangan ng katawan niya. Pero hindi para maging tagasilbi niya katulad nito. Magagalitin siya pero hindi niya magawang magalit sa babae. Pakiramdam niya’y nakakalma siya rito, marahil dahil din sa amoy at paraan nito nang pananalita.N

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 92.3

    Ilang araw ang lumipas bago nakabalik ang doctor sa isla.“Kumusta ang mga pasyente?” tanong ni Doc Matias kay Nati at Tala na sumalubong sa kanya.“Wala namang malalang karamdaman, doc, naasikaso mo na ang taong ‘yon. Madalas sakit na nagawa na naming solusyunan,” sagot ni Nati.Sa hapagkainan sila nagtungo matapos maghugas ng kamay.“Si Drake?” tanong ni Doc Matias.“Nakabalik na siya, nauna siya sa ‘yo ng isang araw, Dok.”Sabay silang umalis ni Drake. Matalino ‘to at maraming alam. Bukod sa malakas ang loob nito. Malaking tulong ‘to sa kanya dahil mukhang madali rito ang makakabisa ng mga sinasabi niya.Kumain sila ng tanghalian. Kakausapin niya si Drake tungkol sa mga nalaman niya.“Bukas na ‘ko titingin ng pasyente, kayo na muna ang bahala,” sabi ni Doc Matias.“Walang problema, Dok,” sagot ni Nati.

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 93

    “Mapupunta ‘ko sa misyon, isama kaya kita?” tanong ni Grim kay Anastacia.Naroon ito kasama ang mga kapatid at si King.“Young Master, makagugulo lamang ako sa ‘yo.”Dikit na dikit sila nito. Nakahawak pa ‘to sa kanyang balakang kaya nahihiya si Anastacia.“Tama, hindi mo siya puwede isama, bilisan mo na lang,” natatawang sabi ni Stefan.“Parang hindi ko kayang malayo sa ‘yo,” ani Grim pa.Si King ay tahimik lang na nagbabasa. Hindi alam na panay ang face signs kapatid sa isa’t isa.“Paano, iiwanan muna kita uli kay King, ha?” sabi ni Grim.“B-baka magulo pa ang Young Master King, puwede naman ako sa kusina,” sabi ni Anastacia.“King, tingnan-tingnan mo naman siya baka maltratuhin o baka pagbalik ko wala na ‘to,” sabi ni Grim.Tumango lang si King.“Sa ‘kin ayaw mo?” tano

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 93.2

    Naihiga si Anastacia ni King sa kama. Hinalikan kaagad siya nito nang marubdob.Hindi nito mapigilan ang sariling sirain ang kasuotan niya.Napaungol si Anastacia nang maghubad si King sa kanyang harapan.SImula nang magkita sila naroon na ‘yong urge na makaisa ang lalaking minamahal at alam niyang talagang tinemptate niya ‘tong sipingan siya ngayon.Tinanong niya ‘to kung gusto nitong angkinin siya.Bagay na mukhang kailangan ni King, pulang-pula ngayon ang mata nito, napapalunok at nagmamadali. Nadala ‘to o talagang kailangan na nito nang makakasiping.Nang makita nito ang kahubdan niya’y hindi man lang ‘to nakitaan ni Anastacia nang pagkailang sa mga pilat niya.Lumapit ‘to malapit sa kanyang tainga.“Sino ka? Magkakilala tayo, hindi ba?” Kinagat nito ang kanyang tainga.Uhmmmm!”“Young Master!”Humalik ‘to sa kan

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 93.3

    Nang magising si Anastacia ay kaagad bumungad sa kanya ang masakit na katawan. Tiningnan niya ang tabi at nakita si King na nakapikit, nasa labas ‘to ng kumot.“Hindi pa rin kita kayang tiiisin,” ani Anastacia at marahan ‘tong hinalikan sa pisngi.Pinagmasdan niya ‘to nang husto, kinakabisado ang hitsura nito.Siguro’y sampung minuto siyang nakatitig dito bago ‘to nagmulat.“Gising ka na?”“Nawili akong titigan ka at nawala na ‘ko sa huwisyo para matulog uli.”“Ipahinga mo muna ‘yang katawan mo. Napunasan naman kita at nalagyan ko na ng gamot ang kagat ko sa ‘yo.”“Salamat,” sagot ni Anastacia na nakangiti.“Hindi ka nagsisisi? Hindi ka ba natatakot kay Grim?”Nangiti uli si Anastacia. “Kung para sa ‘yo wala akong katatakutan.”Nagulat naman si King.Isinama ni Anastacia

    Huling Na-update : 2021-10-31

Pinakabagong kabanata

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 104

    “Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.3

    “Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.2

    Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi

DMCA.com Protection Status