KING
“Naging Vampire Hunter ako para ipaghiganti ka. Ginawa ko ang lahat makahawak lang nang sandata’t makapasok sa battle ground dahil sa ‘yo. Pero ngayong narito ka, buhay, maghihintay na naman ako sa isang tabi? Paano kung wala na ‘kong hihintayin? Iyon na lamang ba ang palaging ganap ko? Hindi mo ‘ko kailangan protektahan! Kakayanin ko ang sarili ko! Mamili ka, magsasama pa rin tayo o maghihiwalay na tayo?!”
Nabigla ako sa sinabi ni Anastacia. Hindi ako kaagad nakaimik. Parang iyong mahinay na babaeng nakilala ko na tila hindi marunong sumigaw ay malakas ang boses ngayon at hinahamon na ‘ko nang hiwalayan.
Huminga ‘ko nang malalim at naupo.
Naihilamos ko ang palad ko sa ‘king mukha.
“Hindi ko na kayang mawala ka uli, hindi ko na ‘yon kakayanin.”
Narinig kong sabi niya, madalas niya ‘yong sabihin at tuwing
Pagod ako sa totoo lang, iyong pagod ko kinabukasan ay naging matinding lagnat.Nag-alala siya sa ‘kin kaya nagpatawag siya ng mediko, kaagad naman akong binigyan ng gamot na maiinom. Kakaiba ang gamot at mediko nila, tila ‘yon isang sorcerer kung manamit. Pero hindi naman ako nagdududa sa lalaking ‘yon.“Pasensiya ka na, hindi tayo nakalabas,” sabi ko. Nahihiya ako dahil parang napakahina naman nang katawan ko. Samantalang sanay na sanay na naman ako sa bigat ng gawain.Naupo siya sa gilid ng kama. Katatapos niya lang din naman na ihatid ang lalaking manggagamot.“Ako ang may kasalanan, napuwersa kita nang husto.” Nag-aalalang hinaplos niya ang mukha ko.“Masasanay rin ako, hindi mo kailangan ihingi nang tawad kung hindi mo naman ako pinilit.”“Pero nasaktan pa rin kita—”“Pero mas lamang ‘yong naibigay mo sa ‘kin kesa sa sak
Nasa hapagkainan kami na mayroong napakaraming pagkain. Lahat ‘yon ay espesyal at makikita lamang sa hapagkainan nang napakayamang tao. Dahil hindi lang ‘to basta-basta.“Hindi naman natin kayang ubusin ‘yang lahat,” sabi ko.Nangiti siya. “Huwag kang mag-alala, ang mga puwede pang kainin ng iba ay ipamimigay natin sa nangangailangan. May lugar dito ng mga outcast, gusto ko lang matikman mo rin itong mga gusto kong kainin. Hindi ko lang napansin na ganito na pala karami ang lahat ng na-order ko.”Hindi ko alam kung totoo ‘yon pero natuwa naman ako na may makikinabang sa masasarap na pagkaing ito. Sobra-sobra ito, pang fiestahan na nga ito.Napakaliwanag nang lugar, mayroong tumutugtog na musiko at tila talaga kami nasa ulap.Masaya kaming kumain at nagkuwentuhan. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Iyong bagong siya.Kung tutuusin, tila mas makulay ang buhay niya rito sa bagong
Ibinalik ni King si Anastacia kila Marina at bumalik na rin sa kanila. Ang plano niya sanang isang linggong kasama si Anastacia ay nahinto dahil baka makahalata si Kristelle. Palagi siyang nagtitiim-bagang kapag naaalala niya na kailangan niyang isikreto si Anastacia at ang relasyon nila sa paraang hindi niya dapat sinasabi kay Anastacia.“Bakit nagbalik ka kaagad? Akala ko ay matatagalan ka?” tanong ni Dark sa kanya nang pumasok siya sa entertainment room.“Naroon si Kristelle, nakita niya kami.” Mahinang tugon ni King. Naupo ‘to katabi ni Dark.“Kaya pala mukhang papatay ka ngayon,” natawa ito.“Nasaan ‘yong dalawa?”“May ipinagawa sa kanila si ama. Pero mabuti nga at bumalik ka dahil hinahanap ka niya.”“Anong sinabi ninyo nang hinahanap ako?”“Si Stefan ang sumagot, sabi niya’y nagliliwaliw ka lang dahil nababagot ka na. Pero sabi
“Aaaaaaaah!” Nahila ni Vince ang braso na nakagapos nang malalaking bakal.Hubad ang pang-itaas niya at panay ang hampas nang latigo sa kanyang katawan.Duguan at sugatan na rin siya pero para pa rin siyang hayop na sasagpang ano mang oras kung makakawala ito nang biglaan.“Master, narito ang Vampire Hunter na sinasabi namin sa ‘yo na hindi namin mapatay dahil may potensiyal siya.”Sa labas nang selda ang boses na ‘yon.“Dalhin ninyo siya sa ‘kin sa loob dahil hindi ko gusto ritong makipag-usap.”Umalis si Don Felipe kasama ang dalawang grupo nang guards nito.Ibinaba ng malalaking bampira si Vince sa pagkakagapos. Dahil nanghihina na rin nagawa na ‘tong hilahin matapos iposas ang palad.Lalong nagalit si Vince nang makita ang mga kasamahan niyang pinahirapan din sa iba’t ibang selda. Ang iba’y halos minuto na lamang ang itatagal. Sa galit niya’y naga
Nakabalik na si Stefan at Grim.Sakto ring nakauwi si King dahil mayroon pa lang handaan ang ama.“Nakakalimutan ko talaga taon-taon ang araw na ‘to,” sabi ni Stefan.Naroon sila sa paborito nilang silid.“Ano ba uli ang mayro’n ngayon? Baka bigla akong magkamali,” sabi ni Grim, mukhang nalimutan din.“Kamatayan nang tunay niyang anak na si Drake. Naging bihag siya at pinatay. Seven years ago no’ng mangyari ‘yon, madalas pinagdiriwang niya ‘yon nang masaya at isang handaan. Pero tayo lang mga anak-anakan niya,” sabi ni Dark.Alam din ni King ‘yon, hindi niya lang napansin ang araw dahil sa dami nang kanyang iniisip.Mas lalo pang dumami ang isipin niya. Kailangan niya na talagang seryosohin ang pagtakas o mas mahihirapan lamang si Anastacia sa kanya.“Parang palagi kang problemado? Iyan talaga ang mahirap kapag may babae,” sabi ni
**"King! King! King!" Masayang tumatakbo si Stefan."Saan ka galing?" tanong ni Stefan."Galing ako sa misyon." Sagot ni King sa kapatid."Nariyan pala 'yong babae mo," sabi pa ni Stefan. "Kristelle ba 'yon?"Tumango si King."Bakit may mga sugat ka?" tanong ni Stefan."Sa Gongora ako pumunta.""Pinadala ka ni ama do'n?!" gulat na tanong nito. Naroon sila sa pasilyo."Pagpahingahin mo nga muna ako.""Anong sasabihin ko kay Kristelle? Ilang oras na siyang narito.""Magpapahinga lang ako, kung gusto niya pumunta siya sa kuwarto ko habang nagpapahinga ako.""Wow! Taktika mo rin, eh! Sige-sige!" Dumiretso si King sa kanyang kuwarto. Naglinis muna siya at lumabas ng nakaroba. Tinuyo na niya ang sarili sa paliguan.Nang lumabas siya'y naroon na si Kristelle. Hindi niya nilock ang pintuan para rito. Ngiting-ngiti ito."Sinabi lang ni Don Felipe na parating ka na." Sa kama kaagad ito naupo.
"King! King! King!" Masayang tumatakbo si Stefan. "Saan ka galing?" tanong ni Stefan. "Galing ako sa misyon." Sagot ni King sa kapatid. "Nariyan pala 'yong babae mo," sabi pa ni Stefan. "Kristelle ba 'yon?" Tumango si King. "Bakit may mga sugat ka?" tanong ni Stefan. "Sa Gongora ako pumunta." "Pinadala ka ni ama do'n?!" gulat na tanong nito. Naroon sila sa pasilyo. "Pagpahingahin mo nga muna ako." "Anong sasabihin ko kay Kristelle? Ilang oras na siyang narito." "Magpapahinga lang ako, kung gusto niya pumunta siya sa kuwarto ko habang nagpapahinga ako." "Wow! Taktika mo rin, eh! Sige-sige!" Dumiretso si King sa kanyang kuwarto. Naglinis muna siya at lumabas ng nakaroba. Tinuyo na niya ang sarili sa paliguan. Nang lumabas siya'y naroon na si Kristelle. Hindi niya nilock ang pintuan para rito. Ngiting-ngiti ito. "Sinabi lang ni Don Felipe na parating ka na." Sa kama ka
Inaantok na ‘ko nang makarating kami. Ala siesta y media pa lamang naman.Nauna akong bumaba at inalalayan naman ako ni Drake, ang una kong nakita sa pagtaas ko’y si King.Nangiti ako nang makita ito pero mukhang hindi ito natuwa.Binitiwan naman ako ni Drake para alalayan ang iba pa.Mukhang napansin din ng mga naroon si King.“Sino naman ang guwapong lalaking ito?” tanong ni Aling Esther.“Ah, ito po ang boyfriend ko si King,” sagot ko.“Aba’y napakaguwapo!” sabi ni Aling Isyang na mahilig sa guwapo.Tiningnan ko si King, halatang may topak siya pero ngumiti naman.“Salamat sa pag-aalaga at pag-uwi nang ligtas kay Anasta—”“Natasha,” bulong niya rito.“Wala ‘yon, wala ‘yon! Napakabait niyang dalaga!” sabi ni Aling Dalia.Nangiti naman ako.“Aalis na po kami, maraming salamat, Dra
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi