Share

Kabanata 29 - Barya

Natigilan si Carmina, ang malawak na ngiti sa kaniyang pisngi ay kaagad na naglaho, talagang hindi niya inaasahan na alam na ni Lolo ang tungkol sa pagbabalik ni Rebecca.

‘Pa--paano n’yo po nalaman ang bagay na iyon, Lolo?’

"Lolo, pasensya na po, hindi ko naman po sinasadyang itago ito sa inyo." Panghihinuyo ni Carmina.

“Siyempre, apo, alam ko naman na ayaw mong mag-alala ako, pero ngayon na bumalik na siya, naisip mo na ba kung ano ang gagawin?” Tanong sa kaniya ni Lolo Dante.

‘Gagawin? Anong gagawin?’

Nais din niyang tanungin ang kaniyang sarili, ano nga ba ang gagawin niya? May dapat pa ba siyang gawin? May magagawa pa ba siya?

Sa katunayan naman ay mula nang sandaling bumalik si Rebecca at nagsimulang banggitin ni Enrico ang patungkol sa kanilang diborsyo, ay nagsimula na siyang gumawa ng hakbang hanggang sa maubos na niya ang lahat ng paraan na alam niya.

Sinubukan niya ito, at iningatan niya ito.

But she couldn’t keep Enrico.

Kapag ang isang lalaki ay nagpasya na ng hiwalayan,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status