Ang pares ng kutsara at tinidor na siyang ginagamit ni Enrico ay tumama sa makapal na kahoy ng mesa dahil sa malakas na pwersa nito na rinig na rinig sa buong sild ng hapagkainan.Ilang sandali nang katahimikan at kapagkuwa’y tumayo si Enrico at dahan dahang tumingin sa direksyon ng mag inang Kaitlyn at Danielle, itinaas niya ang kaniyang mga kamay at itinuro ang dalawa, at malamig na sinabing, “Now, get these two out of here this instance.” Kalmado man ang boses ngunit ramdam mo ang bawat diin sa kaniyang salita."Wha--What?!” Nanginginig na tanong ni Kaithlyn at hindi makapaniwalang tumingin kay Enrico.Ngayong ika-80 kaarawan pa talaga ng kanilang Lolo at sa ganitong napakahalagang okasyon, nais silang paalisin ni Enrico sa kalagitnaan ng selebrasyon. Bukod dito, hindi sumagi sa isip ni Carmina na kaya itong gawin ni Enrico dahil sa mga masasamang salita na sinasabi ng mag ina tungkol sa kaniya. Hindi siya makapaniwala.“What? You didn’t hear me clear enough? Ano pa ang ginagawa n’
Mainit? Ang sagot ni Enrico ay nagbigay lito kay Carmina. The weather should be around 20 degrees kapag gabi kaya ano ang sinasabi ng kaniyang asawa na ‘mainit’? ‘Ha? Anong mainit pinagsasabi nito ni Enrico. Eh ako nga kahit lamig na lamig na kailangan lang talaga magbanlaw ng katawan kasi sobrang lagkit na ng pakiramdam ko, pero hindi naman mainit. Kung hindi lang ako nalalagkitan sa katawan ko edi hindi rin ako magpupunta ng banyo sa lamig. Ayyy, oo nga pala.’ Ngunit nang maisip niya ang lahat ng alak na ininom ni Enrico sa buong maghapon, agad na naunawaan ni Carmina kung bakit ganito ang nararamdaman ng kaniyang asawa ngayon, “Hays. Gawa ‘yan ng alak, Enrico. Sa dami ba naman ng ininom mo kanina, talagang makakaramdam ka ng init ngayon. Sige na, maligo ka na muna para maaliwalas pakiramdam mo pagkatapos mong maligo.” Nakatingin lang sa kaniya si Enrico na parang nag iisip na tama nga naman ang mga sinabi ni Carmina, kaya naman tumango siya at tumingin sa mga mata ni Carmina, “G
"Dahil..." Nakahanap si Enrico ng kaniyang palusot para hindi ito inumin ni Carmina, “…dahil hindi ito masarap.”"Hindi ba masarap? Titikman ko pa rin."Dire-diretsong kumuha si Carmina ng isang kutsara nito at ilalagay na sana sa kaniyang bibig nang bigla namang lumapit sa kaniya si Enrico at yumuko. Kinuha niya ang kutsara na nasa bibig na ni Carmina habang hinihingal pa."Sinasadya mo iyon, ano?" Ngumisi si Carmina at galit na tumingin sa kanya.Ang hindi niya inaasahan ay sa susunod na sandali, direktang kinuha ni Enrico ang mangkok at ininom ang lahat ng tsaa at makikitang wala ng natira kahit isang patak mula rito.Tumingin si Carmina sa walang laman na mangkok at mariing ipinikit ang kaniyang mga mata, “Enrico, nagugutom ka ba?”"Hindi." Maikling sagot nito.“Kung ganoon, bakit mo kinuha ‘yong dapat na iinumin ko? Ganyan ka na ka-takaw ngayon?” Napatingin si Carmina sa kaniya na may halong pagtataka dahil hindi siya makapaniwala sa inasta ng asawa.Isa pa, sa kaniyang alaala, h
"Mahirap, Carmina." Nagpipigil pa rin hanggang ngayon si Enrico. Kaagad na binuksan niya ang kaniyang mga mata, at ang mga matang iyon ay namumula at punong puno ng pagnanasa kay Carmina, his voice was terribly low and rough, “But it will get harder and I’ll feel even more uncomfortable kapag nandito ka. Kaya please, Carmina I’m not that gentleman. If you continue to stay, I can’t guarantee you that I’d be able to control myself.”Halos pagmamakaawa ni Enrico at medyo nanghihina na ito. Tumango si Carmina at sabay tumalikod saka naglakad na paalis ng banyo.Ibinalik niya sa ayos ang mga damit at humiga na siya sa kama. Nakatitig lamang siya sa kisame at hindi dinadalaw ng antok.Ang lahat ng kanyang atensyon ay kay Enrico sa loob ng banyo, at pinakinggan niyang mabuti at pinapakiramdaman ang bawat galaw sa loob.Sa loob ng kalahating oras, narinig at binilang niya na tatlong beses na pinalitan ang tubig. Sa nag iinit at pagiging hindi komportable ni Enrico, dapat lamang talaga na maya
Pagkabukas pa lang ni Enrico ng pinto ay bumungad na sa kaniya si Mang Tony.Nang makita niya na galit na galit ang itsura ni Enrico ay inakala niya na dahil ito sa mabagal na paghahatid niya ng gamot, kaya inunahan na niya ito, “Sir Enrico, hindi ko po kasalanan. Hindi po ninyo nalalaman ngunit sobrang talas po ng mga mata ni Ma’am Megan na parang binabantayan ang mga kilos ko. Kaya nang mawala ako sa kaniyang paningin ay hinanap ako ng mga grupo ng guwardiya sa ibaba…kung hindi rin po ako nagmadali at lumaban ay hindi ko ito maiaabot sa into.”"Kung hindi ako sapat na matalino upang itago ang gamot sa aking sinturon, hindi ko ito maipasok lahat. Sir Enrico, kainin n’yo na ho ito, at kukuha lamang ako ng tubig." Pagpapatuloy ni Mang Tony.Malamig at matalim na tinitigan ni Enrico si Mang Tony, samantala ang buong katawan naman ni Mang Tony ay nagyelo na parang kalalabas lamang sa isang refrigerator, “What? Mayroon nang antidote, ano pa ang kailangan kong kainin?” Naguguluhang tanong
Natigilan si Carmina, ang malawak na ngiti sa kaniyang pisngi ay kaagad na naglaho, talagang hindi niya inaasahan na alam na ni Lolo ang tungkol sa pagbabalik ni Rebecca.‘Pa--paano n’yo po nalaman ang bagay na iyon, Lolo?’"Lolo, pasensya na po, hindi ko naman po sinasadyang itago ito sa inyo." Panghihinuyo ni Carmina.“Siyempre, apo, alam ko naman na ayaw mong mag-alala ako, pero ngayon na bumalik na siya, naisip mo na ba kung ano ang gagawin?” Tanong sa kaniya ni Lolo Dante.‘Gagawin? Anong gagawin?’Nais din niyang tanungin ang kaniyang sarili, ano nga ba ang gagawin niya? May dapat pa ba siyang gawin? May magagawa pa ba siya?Sa katunayan naman ay mula nang sandaling bumalik si Rebecca at nagsimulang banggitin ni Enrico ang patungkol sa kanilang diborsyo, ay nagsimula na siyang gumawa ng hakbang hanggang sa maubos na niya ang lahat ng paraan na alam niya.Sinubukan niya ito, at iningatan niya ito.But she couldn’t keep Enrico.Kapag ang isang lalaki ay nagpasya na ng hiwalayan,
Matapos i-scan ni Carmina ang QR code ng lalaki, medyo nagulat siya.Ang kanyang WeChat avatar ay nakasuot ng uniporme ng pulis, may hawak na baril sa kanyang kamay, and looks high-spirited.Pulis pala ito, no wonder kanina pa nila siya tinulungan ng ganito kasigla.Bata pa lamang siya ay mayroon na siyang espesyal na pagmamahal sa mga kapulisan. At ngayon na dalawang beses siyang tinulungan ng isa sa mga kinatawan nito ay mas lalo pang nagdadagdagan ang pagmamahal ni Carmina sa mga pulis"Na-add na kita, please pass it when you are free, at ibabalik ko rin ang pera sa iyo." Pagkatapos magsalita, hinila ni Carmina ang kaniyang maleta at umupo sa katabi ng bintana.Nang pula ang ilaw ng stoplight, agad na dumungaw si Carmina sa bintana.Sa tabing kalsada ay may nakita siyang mga naglalakad na estudyante, mga taong tinutulungan ang mga matatanda na tumawid, and a takeaway staff riding electric scooters.Seeing all this, all at once, bigla niyang naramdaman na nabuhay muli ang kaniyang b
"What?!" Gulat na tanong ni Carmina. Natigilan siya dahil pakiramdam niya ay mali siya ng pagkakarinig.‘Ano?! Sasakay ako ng kotse? Kotse ng hindi ko naman kilala? Oo nga at pulis siya, pero?!’Gayunpaman, bago pa siya makapag-react muli, itinulak na siya ni Jacques sa loob ng kotse.Pagkasakay sa kotse, tulala pa rin si Carmina.Sa oras na ito, ngumiti din ang isang masigasig na batang lalaki sa harap at sinabi: "Ano’ng nangyayari, Boss? Hahahaha hindi ka pa naging malapit sa isang babae for a thousand years, ah? Hindi naman maaaring hipag mo siya?” Pang-aasar nito kay Jacques."Talk out." Ungol ng lalaki.Agad namang tumahimik ang batang nasa harapan.Matapos nito ay katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Walang ibang nagsalita at ang tanging maririnig mo lamang ay ang tunog ng makina. Mula pagsakay hanggang kasalukuyan ay tulala pa rin si Carmina. Marahil ay dahilan na rin sa nararamdaman niya sa tainga, sa umiikot na sikmura, and the thought na may kasama siyang ibang lalak