Inakala ni Carmina na namali lamang siya sa pagkakarinig sa sinabi ni Enrico, ‘Tinapon? Bakit niya itatapon?!’ Naguguluhang tanong ni Carmina sa kaniyang isip dahil wala namang kinalaman si Enrico sa mga pajama nito, bakit niya ito itatapon?"Itinapon mo?"“Oo.” Maikling tugon ni Enrico na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin.Pinakalma ni Carmina ang kaniyang sarili at sinabi na huwag munang magalit kaya sinubukan niyang pigilan ito at matiyaga muli na nagtanong.Napakalinaw ng kanyang sagot."Enrico..." Sa sandaling ito, hindi na kaya pang pigilan ni Carmina ang kaniyang galit at saka inilagay na sa kaniyang baywang ang dalawa nitong mga kamay at galit na tumingin kay Enrico na para bang pus ana magkasalubong ang mga kilay, “Ipaliwanag mo nga sa akin ng maayos at malinaw, Enrico. BAKIT MO ITINAPON ANG AKING PAJAMA?!” Pasigaw na tanong ni Carmina dahil hindi na niya kaya pang kumalma hangga’t hindi sinasabi ni Enrico ang dahilan kung bakit niya ito itinapon."Carmina, ‘yong mga pajama
Sa isang iglap, Enrico’s warm breath sprayed Carmina’s nose, lips, and her entire small face na para bang may mahika sa mga ito. Namumula ang mukha niya, at hinawakan niya ang kurbata nito gamit ang isang kamay, hindi siya makagalaw, hindi rin siya makaabante o makaatras. Nakatitig lang siya sa napakagwapong mukha ni Enrico at naaamoy ang paboritong pabango nito. Ang puso ni Carmina ay hindi magkamayaw, tumitibok ito ng sobra at mabilis. “You...you stand up straight.” She blushed and divert her attention. "Sigurado ka?" Ang boses ni Enrico ay katulad din naman ng dati, but under the current atmosphere, sa palagay ni Carmina ay mas lalong naging banayad at sexy ang boses nito. Lalo na ang labi nito ay malapit pa sa tungki ng ilong niya, napakainit na hindi man lang niya nagawa pang iayos ang kurbata ng kaniyang asawa. "Sigurado ako." Matatag na sagot ni Carmina na hindi pa rin ipinapahalata ang pagiging biglaang kabado nito. "Good." Sa isang tugon, agad na itinuwid ni Enrico ang
"It’s very very urgent, Carmina…" sabi ni Enrico.Bahagyang tumungo si Carmina at naikuyom niya ang kaniyang mga palad, tila ba hindi na niya kailangang marinig pa kung ano man ang mga susunod na sasabihin ni Enrico."Rebecca’s been checked today, and the result is not that good, she’s being emotional right now, Carmina.”Agad na itinaas ni Carmina ang kanyang ulo at walang pakialam na sinabi, "Okay, sige pumunta ka na."Kung ano pa man ang mga rason ni Enrico, ayaw na niya pakinggan pa. Halata namang mas pinili ni Enrico si Rebecca sa mga pagkakataong ito kaya bakit pa niya ipapaliwanag pa?Pagkaalis ni Enrico, si Carmina, bilang isang miyembro ng pamilya Dela Muerte at inatasan ng kanilang ina na tumulong sa pagbati sa mga dumarating nilang kamag anak at kaibigan, ay ginampanan niya ito ng bukal sa kaniyang kalooban.Marahil dahil na rin sa kaniyang pagbubuntis, nakaramdam agad si Carmina ng pagod pagkatapos ng pagtayo niya ng ilang sandali. Ang kaniyang mga binti ay ngalay na ngala
"Ma, tulungan mo po muna ako na mag alaga kay Carmina, just this once please? Babalik ho ako kaagad diyan kapag tapos na po ako rito.” Panghihinuyo ni Enrico sa kaniyang ina."Enrico, pakilinaw nga sa akin, si Carmina ang ASAWA mo. I am ordering you to come here this instance or else--” Bago pa man matapos magsalita si Megan ay agad namang ibinaba ni Enrico ang tawag at pinutol ang usapan nilang mag-ina."This bastard, see how I deal with him pagbalik ko." Nakatinging sabi ni Megan kay Carmina habang hinahaplos ang maamong mukha nito.Samantala, ang kanina pang nakakuyom na kamay ni Carmina ay mas lalong humigpit at ang mga daliri nito ay halos maibaon na sa kaniyang palad. Ngunit tila ba wala siyang nararamdamang sakit.‘Si Rebecca pa rin pala ang magwawagi.’Siya pa rin ang sumuko sa kanilang dalawa. Sa pagitan nilang dalawa ni Rebecca ay agad na nakapili si Enrico na para bang hindi man lang pinag iisipan ang tungkol dito.‘You’re such a fool, Carmina. Nagiging delusional ka na to
Gulong gulo ang isip at puso ni Carmina, at biglang hindi niya alam kung ano ang gagawin!Siguro ay napagdesisyunan na ni Enrico na dalhin sa piging si Rebecca dahil hindi na niya matiis at hindi na rin siya makapaghintay. Kaya gusto na niyang ipakilala si Rebecca sa lahat ng dumalo sa handaan ng kanilang Lolo?‘Ganoon ba ang nais mong mangyari, Enrico? Paano naman ako? Ano pala ako?’Agad na namutla ang mukha ni Carmina sa isiping ito, nawalan siya ng kontrol sa sarili at bahagyang nanghina at naramdaman na lamang niya na nahulog na pala ang telepono sa ibaba mula sa kaniyang kamay.Nang makita ang pangyayaring ito, dali-daling kinuha ni Rosella, “Ma’am Carmina, ano ho ang problema? May sinabi po bang hindi maganda si Sir Enrico?”Carmina nodded blankly, “No. Excuse me po, pupunta lang muna ako sa banyo.”Nakatayo siya sa harap ng lababo at biglang kumilos na parang isang baliw si Carmina. Binuksan niya ang gripo na tanging ‘yon lamang ang maririnig mong ingay mula sa labas. Ibinuhos
Ang pares ng kutsara at tinidor na siyang ginagamit ni Enrico ay tumama sa makapal na kahoy ng mesa dahil sa malakas na pwersa nito na rinig na rinig sa buong sild ng hapagkainan.Ilang sandali nang katahimikan at kapagkuwa’y tumayo si Enrico at dahan dahang tumingin sa direksyon ng mag inang Kaitlyn at Danielle, itinaas niya ang kaniyang mga kamay at itinuro ang dalawa, at malamig na sinabing, “Now, get these two out of here this instance.” Kalmado man ang boses ngunit ramdam mo ang bawat diin sa kaniyang salita."Wha--What?!” Nanginginig na tanong ni Kaithlyn at hindi makapaniwalang tumingin kay Enrico.Ngayong ika-80 kaarawan pa talaga ng kanilang Lolo at sa ganitong napakahalagang okasyon, nais silang paalisin ni Enrico sa kalagitnaan ng selebrasyon. Bukod dito, hindi sumagi sa isip ni Carmina na kaya itong gawin ni Enrico dahil sa mga masasamang salita na sinasabi ng mag ina tungkol sa kaniya. Hindi siya makapaniwala.“What? You didn’t hear me clear enough? Ano pa ang ginagawa n’
Mainit? Ang sagot ni Enrico ay nagbigay lito kay Carmina. The weather should be around 20 degrees kapag gabi kaya ano ang sinasabi ng kaniyang asawa na ‘mainit’? ‘Ha? Anong mainit pinagsasabi nito ni Enrico. Eh ako nga kahit lamig na lamig na kailangan lang talaga magbanlaw ng katawan kasi sobrang lagkit na ng pakiramdam ko, pero hindi naman mainit. Kung hindi lang ako nalalagkitan sa katawan ko edi hindi rin ako magpupunta ng banyo sa lamig. Ayyy, oo nga pala.’ Ngunit nang maisip niya ang lahat ng alak na ininom ni Enrico sa buong maghapon, agad na naunawaan ni Carmina kung bakit ganito ang nararamdaman ng kaniyang asawa ngayon, “Hays. Gawa ‘yan ng alak, Enrico. Sa dami ba naman ng ininom mo kanina, talagang makakaramdam ka ng init ngayon. Sige na, maligo ka na muna para maaliwalas pakiramdam mo pagkatapos mong maligo.” Nakatingin lang sa kaniya si Enrico na parang nag iisip na tama nga naman ang mga sinabi ni Carmina, kaya naman tumango siya at tumingin sa mga mata ni Carmina, “G
"Dahil..." Nakahanap si Enrico ng kaniyang palusot para hindi ito inumin ni Carmina, “…dahil hindi ito masarap.”"Hindi ba masarap? Titikman ko pa rin."Dire-diretsong kumuha si Carmina ng isang kutsara nito at ilalagay na sana sa kaniyang bibig nang bigla namang lumapit sa kaniya si Enrico at yumuko. Kinuha niya ang kutsara na nasa bibig na ni Carmina habang hinihingal pa."Sinasadya mo iyon, ano?" Ngumisi si Carmina at galit na tumingin sa kanya.Ang hindi niya inaasahan ay sa susunod na sandali, direktang kinuha ni Enrico ang mangkok at ininom ang lahat ng tsaa at makikitang wala ng natira kahit isang patak mula rito.Tumingin si Carmina sa walang laman na mangkok at mariing ipinikit ang kaniyang mga mata, “Enrico, nagugutom ka ba?”"Hindi." Maikling sagot nito.“Kung ganoon, bakit mo kinuha ‘yong dapat na iinumin ko? Ganyan ka na ka-takaw ngayon?” Napatingin si Carmina sa kaniya na may halong pagtataka dahil hindi siya makapaniwala sa inasta ng asawa.Isa pa, sa kaniyang alaala, h
Niyakap ni Carmina ang kanyang baywang ng mahigpit, at ang kanyang ulo ay idiniin sa kanyang likod.Naramdaman ang temperatura, na para bang biglang nag init ang buong paligid nila at mas lalong nanigas ang katawan ni Enrico.Matapos igalaw ang kanyang mga daliri, sa wakas ay ibinuka niya ang kanyang bibig: "Okay."Isang malambot na pantig.Bagama't napakasimple nito, napakasaya at nasisiyahan na si Carmina.Pag-uwi niya, nilagyan ni Enrico ng isang garapon ng mainit na tubig si Carmina at ibinilin na magbabad dito ng mabuti.Malakas ang ulan ngayon, at ilang oras na silang basang-basa sa ulan, kung hindi nila naaalis ang lamig sa kanilang katawan ay baka sipunin o kaya naman ay lagnatin silang dalawa mamaya kaya minabuti na nilang agaran upang ito ay maiwasan.Ilang minuto muna silang nagpahinga bago maligo.Pagkatapos maligo, mas uminit ang pakiramdam ni Carmina.May bahid din ng dugo ang mukha niya, at hindi na ito kasing putla ng dati.Habang naliligo si Enrico, agad niyang ininom
Makalipas ang isang araw, libing na ni Lolo.Ang punerarya ay mabigat at nakapanlulumo, at maraming tao ang dumating upang magdalamhati.Lumuhod si Carmina sa harap ng mourning hall, tahimik lang na nakatingin sa litrato ni lolo.Sinabi ni lolo na ayaw niyang umiiyak siya.Sinunod niya ang bilin sa kaniya ng kaniyang Lolo na ito at talagang hindi siya umiyak. Pinigilan niya, pinipigilan niya.Noong araw ng libing, umulan ng malakas.Talagang umulan ng malakas.Si Carmina ay nakasuot ng itim na damit na may puting bulaklak na naka-ipit sa kanyang dibdib. May hawak siyang itim na payong at nakatayo sa karamihan ng taoSa pamamagitan ng malaking tabing ng ulan, tila nakita niya si lolo na nakangiti sa kanya. At parang sinasabi nito na, “Carmina, hija, huwag kang umiyak. Gusto ni Lolo na nakikita kang ngumingiti, Carmina naming na ang ngiti ang pinakamaganda at pinakabagay sa kaniya.”Kaya naman, nanindigan si Carmina. Hindi siya umiyak.Mabilis ang panahon. Parang noong nakaraan lamang a
“Kaya mo bang ipangako?” Inulit muli ni Lolo Dante ang kaniyang tanong kay Enrico.Agad na tumango si Enrico, “Yes, Lolo. I promise you.”"Okay." Tuwang-tuwa ang matanda at masayang ngumiti: "Kung gayon ay makatitiyak si lolo. Go and call Carmina in.”Dahan-dahang tumayo si Enrico at lumabas ng ward upang papasukin si Carmina.Maya maya lamang ay pumasok na si Enrico at kasunod nito si Carmina. Sa pintuan, desperadong pinunasan niya ang kanyang mga luha. Alam niyang gustong makita siya ni lolo na tumatawa, at ayaw siyang makita na umiiyak.Kaya kailangan niyang magpigil, hindi siya maiiyak, hindi siya dapat umiyak.Nakita niya mula sa pintuan ang nakapikit na mga mata ng kanilang Lolo Dante, ngunit napakapayapa ng mukha nito. Kailangan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at huwag ipakita sa matanda ang nararamdaman nitong kalungkutan.Matapos tuluyang maisaayos ang kanyang kalooban, ngumiti si Carmina ng pilit, lumakad papunta sa gilid ng matanda at hinawakan ang kamay nito.“Lolo,
Ginagawa ni Carmina ang lahat para i-comfort ang kaniyang sarili at saka si Enrico, pero hindi niya magawang aliwin ang kanilang mga isip.Sunod-sunod pa ring bumabagsak ang kanilang mga luha sa damit ni Enrico. At dahil sa rami na rin ng mga luhang kanilang ibinuhos ay mabilis na nabasa ang benda na nasa katawan ni Enrico at nabahiran ang kaniyang sugat.Ang sugat sa likod ni Enrico ay agad na kumalat at ang kulay pulang dugo nito ay tumagos na sa kaniyang puting damit.However, no one has time to take care of it. Ang buong atensyon nila ay nasa kalagayan ngayon ng kanilang Lolo. Hindi na nila matandaan kung gaano katagal na silang naghihintay sa labas ng emergency room hanggang sa mamatay ang ilaw nito at mula sa pinto noon ay lumabas ang doktor.Mabilis na tumakbo ang lahat at dahan-dahang inayos ang kanilang mga sarili. Pinunasan nila ang kanilang mga luha na kanina pang patuloy na tumutulo at pinigilan muna ito saglit.Unang nagsalita si Enrico: “Doc, how is my grandpa?” Kung noo
"Bilisan mo, punta ka sa ospital. Hinimatay raw si Lolo sabi ni Tito Altair, and he’s being rescued just now.” Nanginginig na tapos magsalita si CarminaMatanda na si lolo, at hindi na rin maganda ang kanyang kalusugan.Hindi niya maisip kung makakalabas ng maayos si lolo kapag nakapasok na ito sa emergency room.Natatakot siya.Sobrang takot.Gayunpaman, sa traffic light, nalaman ni Carmina na hindi man lang lumiko si Enrico."Pumunta ka sa ospital, Enrico, saan ka pupunta?" Biglang nagalit si Carmina.Namutla siya sa galit.Hinawakan ni Enrico ang kanyang mga kamay sa manibela, kalmado pa rin at tahimik.Kung ikukumpara sa gulat at kaba ni Carmina, parang hindi naman siya apektado, at palagi siyang kalmado.Bumuntong-hininga siya, "Carmina, don't worry. Sa pagkakaalam ko kay Lolo, he may not be sick."Bakas sa mukha ni Carmina ang sobrang pagtataka. Ngunit bago pa siya makapagreact ay nagpatuloy na sa pagsasalita si Enrico, "Noong bata pa ako, madalas magsinungaling sa akin ang lolo
“Lolo! Tama na po, ang dami na pong dugo sa katawan ni Enrico! Please…tigilan n’yo na po.” Halos mangiyak na rin si Carmina sa sitwasyon nila ngayon habang pinagmamasdan si Enrico.Matapos tumingin ni Lolo Dante kay Carmina, sa wakas ay kumalma ito at parang nanlambot ang kaniyang puso.Ibinaba niya ang kanyang saklay, huminga siya ng malalim: "Ilayo mo siya agad, ayoko muna siyang makita.”"Opo, Lolo." Agad na tumango si Carmina, pagkatapos ay tumingin sa kanyang gilid: "Tito Altair, tulungan n’yo po ako."Pagkalipas ng limang minuto, tinulungan nina Carmina at Altair si Enrico pabalik sa silid."Sobrang masakit ba, Enrico?" Nang magtanong si Carmina, nanginginig ang boses niya. At grabe ang pag-aalala nito.Paanong hindi masakit pagkatapos ng labis na pagdurugo.“Be patient, I--I’ll treat you right away, Enrico.” Pagkatapos magsalita ni Carmina, dali-dali niyang hinanap ang kahon ng gamot.Dahil na rin siguro sa sobrang pagkabalisa, naghanap siya ng ilang lugar bago mahanap ang kaho
“Yes, I remember.” Tumango si Enrico at sinabing, “Pero hintayin mo ako, may gagawin lang muna ako.”Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at dali-daling umalis.Carmina looked at his back fade away, she didn't know what he would do, but since he told her to wait for a while, it means na siguradong babalik siya maya-maya dahil sinabi niya ito. Wala siyang idea kung ano ba ang gagawin ni Enrico that’s why she don’t have a choice, kailangan niya maghintay.Anyway, nagkausap naman sila na magkakaroon sila ng appointment alas dos ng hapon.There is still plenty of time.‘What will happen next?’ Tanong ni Carmina sa kaniyang sarili.Samantala, si Enrico naman ay halos tumakbo na hanggang sa kwarto ng kanilang Lolo Dante.Kumatok muna siya rito at pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto. Pagkapasok niya pa lamang ay agad na niyang nakita ang kaniyang Lolo na nakaupo sa isang kahoy na recliner habang nakapikit. Dahan-dahan lamang muna siyang humakbang at naamoy ang mabangong simoy ng
Tumingin ng diretso si Enrico kay Carmina at maikling tumugon, “Okay.” His voice was calm as usual, at para bang walang pag aalinlangan sa boses nito. “But what about the certificate? And si Lolo, napag isipan mo na ba?” Pagtatanong naman ni Enrico. Tumango si Carmina: “Pupunta ako kay Lolo at sasabihin ko sa kaniya about the certificate, and later on baka ibigay na rin siya sa akin ni Lolo. You want to go there with me?” Nag isip pa muna saglit si Enrico bago siya sumagot, “Well, then. Okay, I’ll come with you.” Pagkatapos ng almusal, kanya-kanya silang nag-impake ng mga gamit at sumakay sa kotse para pumunta sa lumang bahay ng mga Dela Muerte kung saan nananatili ang kanilang lolo. Habang nasa byahe ay tahimik lamang sila at halos walang kibo. Wala naman itong problema kay Carmina dahil marami siyang iniisip sa buong paglalakbay nila. Nang makarating sila sa lumang bahay ay agad nilang nakita si Altair at Rosella na tuwang-tuwa. “Ma’am Carmina, alam n’yo ho ba na wala pong ibang
Pagkatapos magsalita ni Carmina ay tumingin siya kay Enrico nang nanlalaki ang mga mata.Pero totoo ang kaniyang sinabi, hindi siya nag sisinungaling nang sabihin niya ito. Gusto rin talaga niya na sa pagkakataong ito, si Enrico ang maghatid sa kaniya pauwi.Sa inihayag ni Carmina ay tila nagulat si Enrico. Ngunit hindi rin naman nagtagal ang kaniyang pagkagulat. Maya maya lang ay iniunat ni Enrico ang kaniyang mga braso at dahan dahang hinaplos ang kaniyang malambot na buhok, “Don’t be self-willed, Carmina uuwi rin naman ako mamayang gabi upang samahan ka.” Sinabi niya ito gamit ang mahinang boses na parang sinusuyo ang isang bata."Okay." Tumango si Carmina: “Sige, sabihin mo na kay Mang Tony na ihatid na lang ako sa bahay.” Hindi na siya nagtanong pa and she didn’t make any sound right after she said it.She really was an obedient one, sa sobrang masunurin ay hindi na siya nakareklamo pa. Hindi na siya tumutol pa sa kung ano ang iniutos ni Enrico. Pero may iba siyang naisip.Sumaka