Lunes may kasabihan ang mga matatanda na marapat daw na masimulan ang araw na ito ng maganda. Ang araw na ito daw ang mag set ng simula para sa isang buong linggo na maganda at positibo lang maging takbo. Pero hindi ko inakala na ito pala ang magiging rason ng mas malaking pagbabago sa buhay ko.Nagising ako ng umaga ng Lunes na medyo mabigat ang pakiramdam. Ewan ko ba hindi ko mawari kung may ano akong nararamdaman sa katawan. Nadagdagan pa ang sama ng aking pakiramdam ng nakarinig ako ng tila isang komusyono kaguluhan sa ibaba. Tamlay man ay nag madali pa rin ako upang malaman ang nagaganap sa ibaba. Ngunit ganun na lang ang gulat ko ng makita ko kung sino ang mga taong nasa baba. Ang babaeng hindi ko makakalimutan mula ng aking kabataan, kasama ang taong nilapitan ko upang hingian ng tulong.Natigilan ako pansamantala kahit pa nga tuloy ang sigawan at batuhan ng mga salita. Kagya't ata ay tila napukaw ko ang atensyon ng babae na nasa baba at puno ng pait na ngumiti sa akin. Nag-re
Hindi ko kinaya ang mga detalyeng inilahad ng aking Ina. Hindi ko na pigilan ang pag-sigid ng galit ko sa mga taong nanakit kay Mommy. Nawala ako sa tamang pag-iisip kaya ang salamin na antigo pa at mana mula pa sa kanununuan ng mga Severillo ang na pagbalingan ko. Sa totoo lang hindi ko madama ang sakit ng sugat na tinamo ko. Ang mas nadama ko pa ang sakit ng nakalipas. Dahil biglang nagsalimbayan sa akin ang bawat moment na mag isa lang ako. Sa lahat ng kaarawan, pasko, bagong taon at higit sa lahat sa bawat achievements ko na nakamit. Ako lang at ako ang naroon walang kahit sino. Ang mga kaibigan ko naman ay during celebration darating dahil meron silang mga sariling buhay at gawain. But honestly I survive in this shit life because of them and also my love for Misha is one of the major reasons. Gusto kong magwala ng mga oras na 'yun but I'm afraid na makasakit ako physically, pero maling-mali ang ginawa ko. I've realized it all, ng nasa hospital na ako. Sinisi ko siya na kung t
For My Love❤️, I'm sorry if umalis ako agad, at na sagnitong way pa ang pagpapaalam. Hindi ko kayang harapin ka Love sa totoo lang. Bata pa lang ako marami na akong pagkukulang at kamalian na nagawa sayo at sa pamilya mo. But seeing you in pain because of those revelations makes my heart break more and more. Mas nasasaktan ako para sayo. Isa ako sa may mga malaking kasalanan sayo, Sorry Love.Rex being with you in the past days of my life was the best days for me. You made me feel so love and so special sayo ko naramdaman ang pagmamahal na kulang sa akin mula pa noon. I hope soon pag magkita tayo ay maayos na ang lahat at sana mahal mo pa ako kasi ako inamin ko na sa sarili ko na mahal na mahal kita. Hangad ko ang kaligayahan mo Rex because you deserve it. I love you, Love. Ang pag alis ko ay hindi ibig sabihin ng pagsuko at pagtalikod ko sa lahat. But it means that, gusto ko lang buoin ang sarili ko para kung may chance pa para sa atin ay buo na akong babalik at muling ibibigay s
Maraming beses na nakasalubong at nakamangharan ko si Rex kasama ang kanyang fiancee daw. Sa totoo lang hindi ko matandaan ang pangalan ng babae na 'yun. Siguro ay pinili kong 'wag tandaan, nai-imbyerna man ako sa kanya pero pinili kong manahimik makailang ulit na rin sumubok si Benida na makalapit sa akin o sa amin pinigil ko lang at mas itinaas pa ang pagiging alerto. Nakausap ko na si Em Em sumangayon ito sa plano na sukulin ang matanda para matapos na inip na inip na rin ito sa ending namin. Ako man gusto ko ng tapusin para naman hindi na lang pangarap ang lahat maisa-katotohanan na rin ang lahat lumalaki na ang dalawa at palagi ay laman ng tanong nila sa akin ang Daddy nila. Flashback… Yes ng gabi na umuwi kami sa condo ni Drew silang apat ang bumungad sa amin. Gulat na gulat ako pero si bakla mukhang hindi naman at alam ata ang lahat ng ito. May kutob rin ako na nagialam na naman ito sa mga hakbangin ko pero thankful na din kasi nga miss na miss ko na silang dalawa at syem
Kumpirmadong si Benida nga ang nakita namin. Ayon na rin sa text message na natanggap ko mula kay Em Em. Sa mall nga kanina ay mabilis itong umalis dala dala din ang babae ni Rex.Yes sinama nito ang babae istorbo daw kasi sa family reunion namin lihim akong natawa sa ginawa ni Em. Hindi na rin naman kami nagtagal sa mall. I think Rex also felt the unwanted feeling or should I say danger. Narito kami ngayon sa condo unit, hindi sa condo ni Drew kundi condo unit ni Rex ayaw na raw nito na kay Drew kami tumuloy. Paulit-ulit pa nitong giniit na kaya niyang mag provide para sa mga anak niya. Ouch. Medyo na lungkot ako at nasaktan ng kahit papano kasi nga naman anak na lang ang habol niya sa akin. So paano na kaya ako?. Siguro nga mahal niya na yung babaeng binigyan ng isang sapak ni Em Em napahiya lang kaya sumang-ayon kay Em kanina . Medyo nagtalo pa kami ni Rex kanina pero gaya ng sinabi ko. We are now both totally mature enough to handle this kind of issue. Palihim kami nag-iiring
Hindi mawala-wala ang inis ko ko kay Rex. Nanatili pa ako sa may parking lot ng ilang sandali bago pumasok sa isip ko si Benida. Napaka sira ulo ba naman niya selos na selos siya kay Drew e, siya nga ang type noon. Well hindi na pala dahil ang bruha luma-lovelife na. Mabuti pa siya. At dahil wala akong magagawa para makapanhik sa itaas naisipan ko tawagan ei Em-Em. Kanina ay may text ito sa akin at sabi niya na huli na niya ang isda. Mabilis ang kabog ng dibdib ko gusto ko na makaharap siya kaagad. Ano bang plano niya sa buhay niya at ayaw pa niyang tumigil?. Hindi na siya bata, kami nga'y inaayos na namin ang buhay namin pero siya ano ba talaga ang gusto niya?. Halong galit, inis at awa ang nararamdaman ko kay Benida. Galit dahil buong buhay ko nasira na at hindi naging masaya. Inis dahil ayaw niya pang tumigil gayong hindi na nga siya kinasuhan noon. Awa, dahil namumuhay siya ng mag-isa at walang karamay maaaring sasabihin ng iba na karama pero sa edad nito iba pa rin ang may
" A-anak! —" tanging salita na namutawi sa akin ng makita ko si Misha. Ang bata na noon ay lubos ang giliw sa akin makuha lang ang aking pagtanggap at atensyon. Kay bilis lumipas ng panahon, noon ay bata pa ito at halos lahat ng nais ko ay ginagawa. Hindi ako naging mabuting ehemplo at ina sa batang ito. Ngayon nga'y nag-uumapaw ito sa ganda ako naman ay may bahid na ng kulubot. Nais ko sana pang dagdagan ang mga salita ko. Ngunit sadyang hindi pa nga siguro ito handa na kausapin ako dahil sa mga nagawa ko noon kaya lumabas ito agad sa silid. Marami akong mga kasalanan. Hindi lamang sa kapatid ko at pamilya niya kundi higit pa sa batang Misha noon at sa Misha ngayon. Nilamon ako ng inggit, galit at paghahangad noon wala akong inatupag kundi ang sirain ang kaligayahan ng iba. Buong buhay ko kahit pa kambal kami ng Ina ni Rex ay mas kita na ang ganda nitong natural , husay nito sa pag-aaral, gawaing bahay at maging sa lahat ng mga gusto nito ay madali lang sa kakambal ko makuha.
" M-ma" Iyon agad ang unang nasabi ko matapos ang mahabang katahimikan sa loob ng silid. Flashback… Inaamin ko ng una ay hindi ko alam ang damdamin ko ng marinig kong tawagin niya akong anak. Hindi ako makapag-isip ng maayos kaya ako nagmamadaling lumabas. Alam ko naman na sinusundan ako ni Em-Em. Narating ko ang isang bahagi ng Casa kung saan puno ng halaman. Matagal rin bago nagsalita si Em sa akin. " Diba sabi ko sayo tatagan mo loob mo, para maka-usad na kayong lahat. Hindi ko alam paano mo dalhin ang pain iba iba kasi tayo. But let me tell you something—" tila nag-aalangan na sabi ni Em sa bandang dulo kaya napaharap na ako bigla dito. Nagkatitigan kami waring inaarok sa aming bawat isa kung ano ba o kayang bang sabihin talaga. " What is that Em? "tanong ko agad. Ayoko sa kutob na bumabalatay sa aking kalooban at sistema. " Fine, ayaw niyang ipasabi but maybe with this ay mas lakasan mo pa ang loob mo at harapin na siya." Sabi muli ni Em na parang napipilitan. Iba kasi si