Maraming beses na nakasalubong at nakamangharan ko si Rex kasama ang kanyang fiancee daw. Sa totoo lang hindi ko matandaan ang pangalan ng babae na 'yun. Siguro ay pinili kong 'wag tandaan, nai-imbyerna man ako sa kanya pero pinili kong manahimik makailang ulit na rin sumubok si Benida na makalapit sa akin o sa amin pinigil ko lang at mas itinaas pa ang pagiging alerto. Nakausap ko na si Em Em sumangayon ito sa plano na sukulin ang matanda para matapos na inip na inip na rin ito sa ending namin. Ako man gusto ko ng tapusin para naman hindi na lang pangarap ang lahat maisa-katotohanan na rin ang lahat lumalaki na ang dalawa at palagi ay laman ng tanong nila sa akin ang Daddy nila. Flashback… Yes ng gabi na umuwi kami sa condo ni Drew silang apat ang bumungad sa amin. Gulat na gulat ako pero si bakla mukhang hindi naman at alam ata ang lahat ng ito. May kutob rin ako na nagialam na naman ito sa mga hakbangin ko pero thankful na din kasi nga miss na miss ko na silang dalawa at syem
Kumpirmadong si Benida nga ang nakita namin. Ayon na rin sa text message na natanggap ko mula kay Em Em. Sa mall nga kanina ay mabilis itong umalis dala dala din ang babae ni Rex.Yes sinama nito ang babae istorbo daw kasi sa family reunion namin lihim akong natawa sa ginawa ni Em. Hindi na rin naman kami nagtagal sa mall. I think Rex also felt the unwanted feeling or should I say danger. Narito kami ngayon sa condo unit, hindi sa condo ni Drew kundi condo unit ni Rex ayaw na raw nito na kay Drew kami tumuloy. Paulit-ulit pa nitong giniit na kaya niyang mag provide para sa mga anak niya. Ouch. Medyo na lungkot ako at nasaktan ng kahit papano kasi nga naman anak na lang ang habol niya sa akin. So paano na kaya ako?. Siguro nga mahal niya na yung babaeng binigyan ng isang sapak ni Em Em napahiya lang kaya sumang-ayon kay Em kanina . Medyo nagtalo pa kami ni Rex kanina pero gaya ng sinabi ko. We are now both totally mature enough to handle this kind of issue. Palihim kami nag-iiring
Hindi mawala-wala ang inis ko ko kay Rex. Nanatili pa ako sa may parking lot ng ilang sandali bago pumasok sa isip ko si Benida. Napaka sira ulo ba naman niya selos na selos siya kay Drew e, siya nga ang type noon. Well hindi na pala dahil ang bruha luma-lovelife na. Mabuti pa siya. At dahil wala akong magagawa para makapanhik sa itaas naisipan ko tawagan ei Em-Em. Kanina ay may text ito sa akin at sabi niya na huli na niya ang isda. Mabilis ang kabog ng dibdib ko gusto ko na makaharap siya kaagad. Ano bang plano niya sa buhay niya at ayaw pa niyang tumigil?. Hindi na siya bata, kami nga'y inaayos na namin ang buhay namin pero siya ano ba talaga ang gusto niya?. Halong galit, inis at awa ang nararamdaman ko kay Benida. Galit dahil buong buhay ko nasira na at hindi naging masaya. Inis dahil ayaw niya pang tumigil gayong hindi na nga siya kinasuhan noon. Awa, dahil namumuhay siya ng mag-isa at walang karamay maaaring sasabihin ng iba na karama pero sa edad nito iba pa rin ang may
" A-anak! —" tanging salita na namutawi sa akin ng makita ko si Misha. Ang bata na noon ay lubos ang giliw sa akin makuha lang ang aking pagtanggap at atensyon. Kay bilis lumipas ng panahon, noon ay bata pa ito at halos lahat ng nais ko ay ginagawa. Hindi ako naging mabuting ehemplo at ina sa batang ito. Ngayon nga'y nag-uumapaw ito sa ganda ako naman ay may bahid na ng kulubot. Nais ko sana pang dagdagan ang mga salita ko. Ngunit sadyang hindi pa nga siguro ito handa na kausapin ako dahil sa mga nagawa ko noon kaya lumabas ito agad sa silid. Marami akong mga kasalanan. Hindi lamang sa kapatid ko at pamilya niya kundi higit pa sa batang Misha noon at sa Misha ngayon. Nilamon ako ng inggit, galit at paghahangad noon wala akong inatupag kundi ang sirain ang kaligayahan ng iba. Buong buhay ko kahit pa kambal kami ng Ina ni Rex ay mas kita na ang ganda nitong natural , husay nito sa pag-aaral, gawaing bahay at maging sa lahat ng mga gusto nito ay madali lang sa kakambal ko makuha.
" M-ma" Iyon agad ang unang nasabi ko matapos ang mahabang katahimikan sa loob ng silid. Flashback… Inaamin ko ng una ay hindi ko alam ang damdamin ko ng marinig kong tawagin niya akong anak. Hindi ako makapag-isip ng maayos kaya ako nagmamadaling lumabas. Alam ko naman na sinusundan ako ni Em-Em. Narating ko ang isang bahagi ng Casa kung saan puno ng halaman. Matagal rin bago nagsalita si Em sa akin. " Diba sabi ko sayo tatagan mo loob mo, para maka-usad na kayong lahat. Hindi ko alam paano mo dalhin ang pain iba iba kasi tayo. But let me tell you something—" tila nag-aalangan na sabi ni Em sa bandang dulo kaya napaharap na ako bigla dito. Nagkatitigan kami waring inaarok sa aming bawat isa kung ano ba o kayang bang sabihin talaga. " What is that Em? "tanong ko agad. Ayoko sa kutob na bumabalatay sa aking kalooban at sistema. " Fine, ayaw niyang ipasabi but maybe with this ay mas lakasan mo pa ang loob mo at harapin na siya." Sabi muli ni Em na parang napipilitan. Iba kasi si
Hindi ko halos masundan ang mga kaganapan. Mula pa ng madaling araw na mamaalam si Mama Benida hanggang ngayon na inaayos na siya. Nanghihinayang man ako na sandali lang kami naging maayos at kinuha na siya at least—God let's as talk and forgive each other. Aalis siya ma baon kapayapaan sa puso niya. Ako man kahit nasasaktan ay masaya na din. Kahit umalis na siya naranasan niya ang salitang pagpapatotoo at pagbabago. Hindi ko nga namalayan na sina Romary at Darius pala ang nag ayos ng mga kailangan na dapat ako naman ang gumagawa. Sinabi rin ni Romary na tinawagan niya din daw ang kapatid ni Mama Benida na Mommy naman ni Rex at lola ni Rhyme at Rhythm. Hindi ito ang panahon para pairalin ang inis ko kay Rex dahil sa pagpapa-ban niya sa akin. Anytime darating siya dito at kasama ang mga anak namin. Nakakalungkot lang para sa kambal na sa ganitong tagpo nila makikita ang ina-inahan koa na lola rin nila.. Sa mini chapel kung saan kanina lang ay binawian ng buhay si Mama Benida ay do
Here I am, sa lugar kung saan may mga alaala ang yumao kung ama at kinilalang Ina na si Mama Benida. Napaka-aliwalas ng lugar na ito. Puno ng buhay at kulay ang lugar na ito kaya siguro ito ang naging love hideout nila noon.Sa ganda nga ng lugar na ito nanaisin mong balik balikan ito kahit pa mag isa ka lang. It's been a month since she left. She decided to turn her body in to ash. Ito yung sinabi niyang hiling sa akin kaya iyon ang sinunod ko. Noon una ay hindi pa pabor ang Mama ni Rex sa pag papa-cremate kay Mama Benida, but when I told her about what Mama last wish She agreed immediately. Ang Ina ni Rex ay sobrang bait na tao talaga, mahusay na Ina. She's a very caring, lovable and kind type of a person. Kitang kita ko kung gaano niya alagaan at iparamdam sa mga anak ko kung gaano siya kasiya na mga apo niya ito. Halos hilingin na nga ng Ginang na mag stay na lang muna sila Rhythm at Rhyme sa kanila. Nagulat pa nga ako ng one time ay biglang kinorner ako ni Mommy B, para lang s
3 months later….. Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan mula ng ma engage kami ni Rex. Sa totoo lang wala pang desisyon o ano pa man kung kailan ang kasal namin. Nasa punto rin ako na okay na kahit hindi kami maikasal. I'm very secured, by the love na ibinibigay ni Rex not just for me but for all of us. Nasa isang bahay kami kumain ng magkakasama, lahat ng pangangailan namin na ibibigay niya. May sapat na panahon at oras siya para sa amin ng mga anak niya kaya doon pa lang alam kong higit pa sa inaasam ko ang naipapadama niya at naibibigay sa amin. Alam kong sagrado ang kasal at hindi ito dapat balewalain pero —when we get older pala at magulang na ay mas prayoridad na lang natin ang kinabukasan at kaligayahan ng mga anak natin. Ito 'yung isa sa mga dahilan ko bakit hindi ko na inuungkat pa ang tungkol sa pagpapakasal namin. Na hindi ko rin naman narinig na muli kay Rex. Hindi ako nagtatampo o nagdaramdam dahil doon sabi ko nga ang mga anak namin ang main priority ko naming da