“Salamat naman at pumayag ka na kausapin kita, Alianna!”“Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” malamig na turan ni Alianna. Naupo siya sa sofa habang naka-cross ang magkabilang kamay. “Make it faster because I don’t have time for this.”“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Alianna! Aware naman ako na ayaw mo sa akin para sa kuya mo. Ayoko rin naman sa ‘yo, pero wala akong choice kasi kapatid ka niya. Kahit pagbali-baliktarin ko pa ang mundo, nauna kang dumating sa buhay niya.” “So, what’s your point?”“Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa ‘yo. Hindi rin ako hihingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko dahil parte ‘yon ng nakaraan ko. Hindi ko ‘yon mababago. Alam mo, nagpapasalamat pa rin ako sa ‘yo dahil hindi mo ako siniraan pero hindi ko utang na loob sa ‘yo ‘yon. Choice mong gawin ‘yon kaya sana, huwag mong ipamukha sa akin na ikaw ang dahilan kaya malaya kong nakukuha lahat ng pribilehiyo na binibigay ng pamilya mo.”Huminga ng malalim si Alianna. Inikot rin niya ang kanyang mga mata.
“Kumusta ‘yong pinapagawa ko sa ‘yo? Alam mo na ba kung nasaan siya ngayon?” [“May lead na po kami. Nasa south po siya pero pasensya na po, Sir Dwaine. Hindi ko pa po nahanap ang eksaktong lokasyon kung saan po siya tumutuloy.”]“Ilang araw ko na ‘yang pinapa-trabaho. Bakit kapag si Lolo Gregorio ‘yong nangangailangan sa’yo, ang bilis-bilis mong kumilos pero kapag ako na ‘yong may kailangan sa ‘yo, hindi naman kita maasahan.” Dismayado na sambit ni Dwaine. Nagbuntong hininga siya at hinilot ang kanyang sintido matapos sabihin iyon.“Ginagawa ko naman po ang lahat pero alisto ang bawat isa sa kanila. Mailap po ang mga Sebastiano. Nakaka-tunog po sila sa tuwing sinusubukan kong manmanan sila, lalo na ang tatay ng magkakapatid. Maging ang mga tauhan ko ay nahihirapan din na sundan sila. Mukhang sanay na sanay silang umiwas at maglinis ng gusot kaya walang masyadong article na nali-link sa kanila na pwedeng makatulong sa imbestigasyon ko.”]“Hindi pwede ‘to! I was a Palacios. We’re more
[“Where are you, Love? I’m sorry if I can’t pick you up right now. I have an emergency meeting to attend.”]“I thought we were having lunch together? I came here to your house, waiting for you.” Lilia said as she stepped out of the taxi. [“Sorry, love! Biglaan kasi eh! Hindi na rin ako makatanggi kay daddy, alam mo na… ako ang susunod na tagapagmana dahil panganay ako.”]Gumuhit ang malaking ngiti na abot tainga sa labi ni Lilia. Pagdating talaga sa pera, natatanggal ang galit niya.[“Nandyan ka pa ba, Love?!”]Nang ilang sandali na hindi makapagsalita si Lilia, inakala ni Blake na naputol na ang linya kaya makailang ulit niyang tinawag ang pangalan ng fiancé niya sa telepono.“Sorry! May dumaan kasing pusa, eh may padaan na sasakyan kaya tiningnan ko muna. Baka kasi mabangga, kawawa naman.” Pagdadahilan ni Lilia, pero ang totoo ay nagdiwang na ang isip niya habang sinasariwa ang sinabi ng fiancé tungkol sa mana nito. [“Aww, you’re so thoughtful, talaga! Sobrang swerte ko sa ‘yo. Ak
{Dear Alianna,It’s nice to finally meet you again after those miserable months without you. How are you? I hope you’re fine. Hmm, I just want to say I miss you, Alianna. I hope to see you again soon.Best regards,Dwaine}Matapos basahin ni Lilia ang nilalaman ng buong card ay nilukot niya ito. Binilog-bilog sa kanyang palad habang nakakuyom ang kamay. “Ibang klase ka talagang babae ka! Pagkatapos mong makipaghiwalay, may gana ka pang makipagkita kay Dwaine? Malandi ka!” Umuusok sa galit si Lilia. Gustong-gusto niyang magbasag at magsira ng mga gamit pero hindi niya magawa dahil wala siya sa sariling teritoryo. Malinaw pa naman ang isip niyang nasa kwarto siya ni Blake noong sandaling iyon.“Tángína talaga! Gustong-gusto kong magwala. Gusto kong manakit. Gusto kong ibuhos ang galit na nararamdaman ko ngayon.” Huminga ng malalim si Lilia. Kinakagat-kagat niya ang hinlalaking kuko habang nag-iisip. “Hindi ‘to pwede. Hindi ako pwedeng maunahan na naman ng babaeng ‘yon. Akin lang si Dw
{TRIGGER WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS EXPLICIT SEXUAL PART. Hold your breath and relaxed while reading.}“We still have few hours to spend since ‘yong ibang meetings ko ay na-move sa ibang araw.”“Buti at lumuwag ang schedule mo today! Miss na miss na kita. I want to spend the rest of my day with you.” Ngumiti si Lilia. Lumingkis siya na parang ahas sa braso ni Blake saka siya sumandal sa balikat nito. “Gusto kong sulitin ang bawat sandali kasama ka.”“Don’t worry. Kapag nakatira na tayo sa iisang bubong, kapag paperworks lang naman ang kailangan kong asikasuhin, mas pipiliin kong mag-work from home para magkaroon tayo ng mas maraming time together. Sa ngayon kasi, alam mo namang kailangan kong tulungan si daddy para mas mapadali namin ang paglago ng company.”“How about Alianna?! Wala ba siyang balak na magtrabaho sa kumpanya niyo?” Pag-uusisa ni Lilia. “No offense pero hindi ba unfair ‘yon sa inyong dalawa ni Harrison, kasi kayong dalawa ‘yong nag-iinvest ng time and effort sa kum
Dahil sa labis na pagod, dulot ng kanilang ginawa, hapon na nang magising sina Lilia at Blake. Nagising lamang sila dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan. “Sir Blake, pasensya na po sa istorbo pero buksan niyo po itong pinto.” Nilingon ni Blake si Lilia. Nagising na rin ito dahil sa lakas ng katok ng nasa pintuan. “Come on, get dressed, love!”Mabilis na nagsuot ng underwear si Blake. Nagsuot din siya ng boxers bago tuluyang buksan ang pintuan.“Yaya Bina, ano pong kailangan ninyo? P-pasensya na po kung ngayon ko lang kayo napagbuksan. Nagkasarapan lang po kaya napasarap ang tulog.”Napatawa si Bina sa patutsada ng amo niya. Palibhasa’y matagal na siyang naninilbihan sa mga Sebastiano kaya gano’n na lamang ang pagka-kampante nitong magkwento kahit pa sa gano’ng usapin.“Naku, alam ko na po ‘yan, Sir Blake! Rinig na rinig po namin ang ungól ni Senyorita Lilia mula sa kusina.” Birong pabalik naman ni Bina, ang mayordoma sa Mansyon ng mga Sebastiano.Sandaling nagsalubong ang magkab
“Blake, buti naman at nandito ka na! Kanina pa kita pinata-tawagan sa secretary ko. Cannot be reached ang phone mo. Buti na lang at Alert si Yaya Bina, sinagot niya ang tawag ng secretary ko.”“Sorry, dad! Nasa bahay kasi si Lilia kaya hindi ako nag-hawak ng phone the whole day. Nagbilin din kasi ako sa secretary ko na kung may problema, siya na munang bahala.” Turan ni Blake. Naglakad siya patungo sa upuan na nasa tapat ng lamesa ng ama dahil pagkapasok pa lamang niya’y sinalubong na siya ng sermon nito. “So, bakit niyo po ba ako pinapunta? Tapos na po ang office hours. May meeting pa ba?”“Blake, it’s not about business. It’s about your sister.”Napasalubong ang magkabilang kilay ni Blake dahil sa sinabi ng ama. “What about her? M-may problema ba si Alianna?”“Hindi siya, kung hindi tayong lahat. Tayong tatlo.” Inilatag ni Alvin ang maliit na card na kahalintulad ng card na sinira ni Lilia. Ang card na nasa lamesa’y kalakip ng bulaklak na ipinadala kay Harrison sa pag-aakalang idede
“Excuse me po, Sir Dwaine… pinapatawag po kayo ni Don Gregorio sa opisina niya.” “Bakit daw?!” tanong ni Dwaine. Hindi niya nilingon ang sekretarya ng lolo niya na si Sandy dahil nakatutok siya sa screen ng laptop niya. Inaasikaso kasi niya ang pinapagawa ng kanyang lolo. “Wala pong sinabing dahilan si Don Gregorio. Ang sabi lang po niya ay papuntahin ko kayo sa opisina niya. As soon as possible po sana, Sir!”Tumango si Dwaine. “Sige na. Susunod na ako. I-save ko lang ‘tong ginagawa ko sa drive.”“Sige po—”Nang lisanin ni Sandy ang opisina ni Dwaine, tinapos lamang niya ang kanyang ginagawa. Matapos niya itong i-save sa kanyang personal drive ay sinarado na niya ang kanyang laptop, tsaka nilisan ang kanyang opisina.Habang naglalakad si Dwaine, naririnig niya ang kabi-kabilang pagbati ng kanilang mga empleyado. “Good afternoon, Sir Dwaine! Balita ko po ay kayo ang nag-aasikaso ng renovation sa kabilang building. Congratulations po. Hindi pa man po natatapos ang nasabing renovatio
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea
“Lilia?!”Nanlaki ang mga mata ni Dwaine matapos makita ang ex-girlfriend na matagal nang hindi nagpapakita sa kanya.“Did you miss me?!” nakasuot ng mala-demonyonyong ngiti si Lilia habang nakatingin kay Dwaine nang mata sa mata.Tiningnan ni Dwaine ang dating nobya mula ulo hanggang sa paa. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon sa itsura nito noong mga panahon na mahal na mahal niya ito.“What happened to you?” tanong ni Dwaine habang sinisipat ang pisikal na anyo ng dating nobya. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Malayong-malayo na kasi ito sa itsura ng babaeng minahal niya noon. Ang buhok nitong dating palaging palaging bagong rebond ay naka-pusod na lamang at mukhang hindi pa nasusuklay. Ang damit nito’y gusot at mukha pang luma. Ang dating Lilia na mahilig sa mataas na takong ay naka strap na tsinelas na lang. Ang itsura niya’y ibang-iba na sa itsura niya noon.“I can’t believe what I’m seeing right now. Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bak
MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON…“Excuse me, Miss! Can I talk to Ruston Dwaine Palacios?” “May I have your appointment slip, Ma’am?” The girl sitting on the front desk politely asked. She look at the girl that was holding a two-year-old toddler in front of her.“Appointment slip?! W-wala ako no’n, Miss. Pero kailangan ko kasing makausap si Dwaine. Importante lang, kaya parang awa niyo na… payagan niyo na akong makapasok. Hindi ako manggugulo.”“I’m sorry, Ma’am, but we will not allow you to enter and talk to Mr. Dwaine Palacios if you don’t have an appointment slip. It’s our policy and you have no choice but to follow it.” “Miss, ano ba?! Papasukin niyo na ako. Hayaan niyo na akong makausap si Dwaine. Sandali lang naman ako eh!”“I’m sorry, Ma’am! Hindi ko po kayo maaaring pagbigyan na basta na lang pumasok. Kung gusto po ninyo, magpa-appointment po muna kayo sa secretary ni Mr. Dwaine Palacios at hintayin niyo po na bigyan kayo ng specific date bago po kayo bumalik sa akin.” May kinuha
Matapos ang bugbugang trabaho sa opisina, napagpasyahan ni Alvin na doon mag hapunan sa Villa kasama ang dalawang anak na si Blake at Harrison. Masyado silang maraming ginagawa kaya naisip nito’y magsabay-sabay sa pagkain para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng bawat isa. Ang villa ay maaliwalas, puno ng ilaw at init mula sa mabangong pagkain na inihahanda ng chef na tagapag luto sa villa. Sa hapag kainan, nakalatag na ang mga plato at kubyertos, ngunit wala pang nakaupo. Habang hinihintay ang hapunan, nasa salas sina Blake at Harrison, abala sila sa pakikipaglaro sa dalawang buwang gulang na mga anak ni Alianna. Gising kasi noong sandaling iyon si William at si Wyatt kaya inalagaan muna nila ito.Kinakanta-kantahan ni Blake ang dalawang bata habang makailang ulit nitong inaalog ang kanyang ulo.“Ayusin mo, Kuya Blake. Hindi pa tumatawa oh!” Ani Harrison habang tinuturo ang dalawang bata.Nakahiga ang dalawang sanggol sa malambot na sapin sa malambot na sofa at
Dahil pasado alas kwatro pa lamang ng madaling araw nang magising ang dalawang bata, gumising na rin si Alianna para mag-breastfeed sa mga ito.Hindi biro ang mag-alaga ng dalawa ng sabay pero kinakaya ito ni Alianna. Ine-enjoy pa nga niya ang bawat sandali habang inaalagaan ang mga anak.Pinalipas pa ni Alianna ang oras at nagpasya siyang ilabas na ang mga bata ng pumatak ang oras ng alas sais ng umaga. Paglabas niya, binati siya ni Cita na kakatapos lamang magtimpla ng tsaa. “Magandang umaga, senyorita! Inom po tayo ng tsaa.” Nakangiting alok nito. Itinaas pa nito ang maliit na tasang may nakalawit pang tali na may kakabit na brand ng tsaa na tinimpla niya.“Maraming salamat po. Mamaya na lang po ako. Igagala ko muna po itong mga anak ko dito sa villa. Maganda po kasi ang view dito kapag umaga.” Tulak-tulak ni Alianna ang isang malaking stroller na dalawang bata ang laman. Binili niya talaga ang ganoong size dahil ayaw niyang mahirapan kung bibilhan niya pa ito ng tig-isa na hindi
“Where’s Alianna? I want to see her—”Agad na tinanong ni Steven si Yaya Cita nang makita niya ito matapos niyang pumasok sa entrance ng villa. “Bakit gan’tong oras naman ang oras ng dalaw mo kay senyorita, Sir—” tumingin sandali si Cita sa wall clock na nakalagay sa entrance bago muling ibinalik ang tingin kay Steven. “Alas otso na ng gabi. Nagpapahinga na siya kasama ang mga anak niya sa kwarto.”“Galing ako sa meeting kaya ngayon lang ako nakarating. Tsaka sobrang busy ko kaya hindi ako nakaka-bisita.” Paliwanag ni Steven sa matanda.“Nagpapahinga na ‘yon si senyorita. Balik ka na lang bukas, Sir.” Giit ng matanda pero hindi pumayag si Steven. Hindi kasi niya sigurado kung may libreng oras pa siya bukas, o sa mga susunod pang araw.“Baka naman gising pa ‘yon, Yaya Cita. Pagbigyan mo na ako. Sandali lang naman kaming mag-uusap eh. Hindi rin naman kami magtatagal.”“Pasensya na, Sir Steven. Kapapanganak lang halos ni Senyorita Alianna. Ngayon pa lang siya nakakabawi ng pahinga dahil