Inayos ni Rhett ang unan nito habang mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa sa isiping… may hawak na siya sa dalaga. He now have the rights to decline the wedding. Dahil may sapat na siyang dahilan. Not even his father can stop him from doing what he was planning to do.But… why?Bakit parang laging may hadlang sa kanilang dalawa? Hindi ba panig sa kanila ang tadhana? Hindi ba sila para sa isa’t isa? But… how?“Rhett…” she mumbled. “I’m so sorry…”Kung noon, magtataka pa siya kung bakit ito humihingi ng paumanhin. She once mumbled sorry for him while she was sleeping. Ngayon ay alam na niya kung bakit. Hindi na siya magtataka.Ngunit ang natatanging katanungan niya ay kung bakit ito humihingi ng tawad. Is she that guilty? Kung guilty ito, bakit hindi nito inamin sa kanya ang totoo? She had all the time in the world to tell him the truth. But she didn’t.So why tell him sorry in her dreams?Humugot siya ng malalim na hininga at hinaplos ang pisn
Her lips parted. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot sa binata. Mabilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. At sa uri ng pagtingin ni Rhett sa kanya, mukhang alam na nito. He already knows. Mukhang confirmation lang niya ang nais ng binata.Rhett sat on the couch and looked at her. Iminuwestra nito ang upuan na bakante at tinaasan siya ng kilay. “If you don’t want to have breakfast, then have a morning talk with me.” Sumeryoso bigla ang titig nito. “I have a lot of question to ask you.”Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Humigpit din ang kanyang hawak sa dala niyang sling bag at nagsimulang humakbang palapit sa couch. Ramdam niya ang maninitig ng binata ngunit hindi niya ito nilingon. She’s busy looking down. Bahagya ring kumikirot ang kanyang sintido dahil sa hangover niya kagabi.Saktong pagkaupo niya ay ang paglapag ni Rhett ng envelope sa mesa. Wala sa sarili siyang nag-angat ng tingin sa binata at nakita niya kung gaano kaseryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa
Nanghihina siyang napaupo sa kama. Right now, he wanted to call Yuen. Ngunit alam niyang wala ring maitutulong sa kanya si Yuen. Rhett already warned her that not even Yuen can defend her.Ngunit kanino siya hihingi ng tulong?Like an answered prayer. Narinig niyang nag-ring ang kanyang phone. Agad niyang kinalkal ang kanyang sling bag gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Nang mahanap niya ang phone ay tinignan niya ang caller. Her lips parted the moment she saw Alora’s name. She immediately answered the call.“Lora…”“I’m in the Philippines. Don’t you wanna come and hang out with me?” bungad nitong tanong. “Good morning, by the way.”“Lora, can you come?” mahinang tanong niya. She did her best to hide her trembling voice. “I… I really need a friend right now.”Saglit na tumahimik ang linya sa kabila. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at tumingala sa kisame para pigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Matapos ng ilang segundo ay nagsalita muli si Lora.“Are you okay?
Nang sumapit ang gabi ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtataka nang mapansin niyang hindi sumasagot si Yuen sa kanyang mga tawag. She wanted to leave. She’s fully decided. Siya ang ina ng mga bata. Mas mayroon siyang karapatan sa mga bata. Kahit maghirap siya, ipaglalaban niya ang kanyang mga anak. They’re all she have.“Ate, bili na po kayong bulaklak. Bente na lang po sa ‘yo.”Dumapo ang kanyang paningin sa batang lumapit sa kanya. May hawak itong isang tangkay ng rosas na napapalibutan ng newspaper bilang cover nito. Agad siyang ngumiti rito at hinugot ang kanyang maliit ng wallet para sa kanyang mga coins.Naghanap siya ng twenty pesos ngunit wala siyang nakita. Kaya’t kinuha niya na lang ang nag-iisang perang papel niya. Inabot niya ito sa bata at tinanggap naman nito ng bata. Binigay nito sa kanya ang rosas.“Pero, Ate, wala po akong barya sa perang ‘to. Naibigay ko na po kasi kay mama ang benta ko kanina,” saad nito.“Keep it.” She smiled. “Sa ‘yo na ‘yan. Salamat sa bul
Mariing kinagat ni Alana ang ibabang labi at humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. She turned to Alora who is now busy making reports for her work. Napailing lang siya rito at umupo sa kama.“Pang siyam na buntong hininga mo na ‘yon,” biglang saad ng kanyang kaibigan. “Ang ingay mo ha. Can you calm down even just for a moment? Pati ako kinakabahan sa ‘yo, e.”“Hindi ako mapakali,” she said. “Yuen is not answering my calls. Kanina pa ring nang ring. May nangyari na kaya sa kanya?”Doon na nag-angat ng tingin ang kanyang kaibigan. Kumunot ang noo nito sa kanya na para bang nababaliw na siya. Hindi niya maiwasang mapahugot ng malalim na hininga. Alam niyang naiirita na si Lora sa kanya ngunit wala siyang pakialam. She’s worried.“I already offered you kanina, ‘di ba? Kung nag-aalala ka para sa kanya, bakit ayaw mong puntahan? Is there something wrong? May bumabagabag ba sa ‘yo? May pumipigil b sa ‘yo?”She looked at Alora and shook her head. “W-wala naman.”Umirap ito s
Iritang nag-impake si Alana sa kanyang mga gamit. Habang si Rhett naman ay prenteng nakaupo sa couch dito sa loob ng silid ng condo ni Alora. Wala rito ang kanyang kaibigan dahil may imporntante itong endorsement na kailangang puntahan. As much as she wanted to make Lora stay, hindi pwede. Mas importante ‘yon kaysa rito.Binaling niya ang tingin sa binata at sinamaan ito ng tingin. “Why are you even here? You could just wait outside.”“Are you done packing your things?” tanong nito sa kanya.Her jaw clenched as she tried to calm her nerves down. “Yes, I’m done packing. Pwede ka nang lumabas–– anong plano mong gawin–– Rhett!”Tinawin ng binata ang kanilang distansya at tinulak siya nito pahiga sa kama. Sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis siyang dinaganan ng binata. He towered above her.“Rhett, ano ba?!”Sinubukan niya itong itulak ngunit mas lalo lang itong nagpabigat. He held her wrists and pinned them above her head. Wala sa sarili siyang nag-angat ng tingin dito at
“Sigurado ka bang hindi mo na kailangan magpasama?” tanong ni Lora sa kanya.Hawak nito ang kamaya niyna nang mahigpit na para bang ayaw siya nitong pakawalan. They’re now here, at the airport. Ngayon ang alis nila ni Rhett patungong France. Hinatid sila ni Lora dahil gusto nitong makita si Rhett in person talaga.“I’m fine, Lora. We already had a deal,” she said and smiled.Nanliit ang mga mata ng kaibigan sa kanyang sinabi. Mahina naman siyang natawa sa inasta nito. “He doesn’t look trustworthy to me. Mukhang wala itong balak na seryosohin ka. Alam ba ni Yuen na aalis ka?”Umiling siya. “Hindi. Up til now, he’s not picking up his phone. I’m starting to get worried.”Umismid si Lora. “You should. Dahil kung hindi mo lang siya tinakasan nang gabing ‘yon, Rhett won’t come and get you. Hindi sana magiging ganito kagulo ang buhay mo. Gaga ka rin, e.”Kung ibang tao lang siguro, paniguradong makakaramdam siya ng offense sa sinabi nito. But since it was from Lora, pinagkibit balikat niya n
“Ladies and gentlemen, Philippine Airline welcomes you to France. The local time is two twenty-five pm. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisles clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the “Fasten Seat Belt” sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items, since articles may have shifted during flight. We will be using stairs for deplaning today. Please watch your step. Thank you.”Alana roamed her eyes all over the place the moment she took a step out of the plane. Kasunod niya naman si Rhett na kakagising lang, The flight was tiring and her back is hurting so much kahit na nasa first class sila. Right now, the only thing inside her mind is to take a plenty.“Are we heading to your house?” tanong nito.“Hindi,” she replied. “You’re going to rent a hotel while I go to my house. And I’m kinda tired. Magpapahing
Months passed and Alana finally got discharged from the hospital. It wasn’t an easy kind of journey for her. Sa loob ng ilang buwan niyang pananatili sa hospital ay naramdaman niya ang kalinga ng kanyang pamilya. She haven’t seen her stepmother–– Rita, for quite some time now. Wala na rin naman siyang planong makita ito.“Bakit ka umiiyak diyan? Dress lang naman ang sinusukat, hindi wedding gown.”Wala sa sarili siyang napakurap nang marinig ang nagsalita. Nilingon niya ito at nakita si Joey na nakataas ang kilay sa kanya. Mahina siyang natawa sa behavior nito at humugot ng malalim na hininga.Speaking of Joey, naging successful din ang operation ng kanyang ina na si Lumina. Na-i-discharged nila ito at kasalukuyan nang nagpapagaling sa Amerika. Hindi niya nga alam kung anong ginagawa ng babaitang ito rito sa Pinas.“I’m not crying,” she denied and scoffed. “Sinipon lang ako.”Umismid din naman ito sa kanya. “So anong plano mo kay Yuen? Sa pagkakaalam ko, na sa basement pa rin siya han
Ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang katawan. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Gusto niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang control dito. For the first time, she felt this useless.Isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga nangyari bago siya humantong sa ganitong kalagayan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at ramdam niya ang panunubig ng kanyang nakapikit na mga mata. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Ang nagagawa niya na lang ngayon ay ang patalasin ang kanyang pandinig.And then she heard a baby’s cry. Sumikdo ang kanyang dibdib. She wanted to get up and get the baby but she couldn’t even move a limb. It’s like she’s paralyzed. At kahit tinig niya ay hindi niya mahagilap. She wanted to talk, to call for someone to help her. Ngunit hindi. Hindi niya magawa.Kaya naman wala siyang ibang choice kundi ang mahiga na lang doon, nakapikit, at parang patay na nakikiramdam lamang sa paligid. Marami siyang naririnig na mga
“How is she?” Agad na napatayo si Rhett nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room.For the very first time in his life, he’s trembling out of fear. He wanted to go inside and check, but he’s too scared to know the truth. What he witnessed a while ago is making his knees tremble.The doctor looked at him in the eye. Sa mga tingin pa lang nito ay pakiramdam niya’y nanghihina na siya. Hindi niya alam. Hindi niya kaya. He wanted to convince himself he’s just hallucinating. That maybe this is all just a nightmare.“I’m sorry to say this but...” Humugot ito ng malalim na hininga. “Your wife had a second degree burn. Magpasalamat na lamang tayo at hindi siya umabot sa third degree burn. At magpasalamat din tayo na ligtas ang bata.”Mariing naikuyom ni Rhett ang kanyang kamao. Hindi niya mawari kung para saan at kung bakit kailangang magpasalamat sa mga nangyari. Alana was burned! A second degree burn that probably peels her skin! And his child…Napatayo si Rita sa kanyang kinau
TRIGGER WARNING!!“Please, Yuen. Nakikiusap ako. Bitiwan mo ang bata. H’wag mo siyang idamay! Kung galit ka sa akin, ako na lang! H’wag na si Astrid. Please, not the child!”Paos na paos na siya ngunit pinilit niya pa ring sumigaw para pigilan si Yuen. She didn’t know na darating sa ganitong punto si Yuen. He looks so kind to her at first and it seemed like he couldn’t hurt a fly.But looking at the Yuen in front of her right now. Holding the crying baby upside down and below them is the tanker filled with fire. Sobrang sakit na ng dibdib ni Alana sa kakaiyak. Gusto niyang tumayo ngunit may sugat na siya sa hindi niya mabilang na pagsuntok at saksak sa kanya ni Yuen kanina.Ngunit lahat ng ‘yon ay pilit niyang iniinda. She tried to crawl but the maid whom she was talking to in the room slapped her hands with some wire that stings so bad.“Ce que je voulais vraiment, c'est que tu me choisisses, Alana. C'est vraiment difficile ? Je suis prêt à tout pour toi. Tu sais quoi, je peux modifi
After taking a bath with Astrid, the maid helped her carry the child while she’s busy washing the clothes na dinumihan ni Astrid. Nandito sila ngayon sa banyo at tahimik lamang ang maid na naghihintay sa kanya.“Uhm, may phone ba kayo rito?” she asked, trying to open a conversation between her and the maid.Tumango ito. “Oo naman. Kahit na sa gubat kami ay mayroon din naman kaming gadget. Pahirapan nga lang sa signal.”She nodded her head. “Dala mo ba ang phone mo ngayon?”Alana was hoping for the woman to nod her head. But to her disappointment, umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi ako nagdadala ng phone sa tuwing may ginagawa akong trabaho. Ayaw kong mapagalitan ako ni sir Yuen.”Ngumuso si Alana. “But can you lend me your phone even just for a moment? May tatawagan lang sana ako. Nakalimutan kong magbilin ng napkin sa mga umalis kanina para makapagbihis ako rito.”“Ganoon po ba? Sige po. Kukunin ko po pagkatapos niyong maglaba ng lampin ni baby,” saad nito.Agad na
Malapit nang sumapit ang umaga. This is one of the longest night she ever experienced. Hindi siya natulog. She was awake the whole night, trying to find ways to escape this hell with her baby. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makitang ibang paraan para makatakas dito.She looked at the milk feeding bottle and noticed it’s almost empty. Wala na ring formula rito kaya’t parang gusto na naman niyang maiyak. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nakakaramdam na rin siya ng hilo. She has an anemia and she’s scared it would attack right now.“Waving goodbye with an absent-minded smile. I watch her go with a surge of that well-known sadness. And I have to sit down for a while…” mahinang pagkanta niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. “The feeling that I'm losing her forever. And without really entering her world. I'm glad whenever I can share her laughter. This funny little girl…”This is one of her favorite songs na lagi niyang kinakanta sa tuwing inaayusan niya si Aurora. S
“Why are you doing this?” mahina niyang tanong dito.Tulog na tulog ngayon ang bata sa kanyang kandungan habang kaharap niya si Yuen. Kanina pa silang dalawang walang imik. Hindi niya tuloy alam kung makakaramdam ba siya ng takot o ano.“Why did you lie to me the moment I woke up from the hospital?” she asked softly. Sobrang paos na ang kanyang tinig ngunit pinipilit pa rin niyang makapagsalita.“Because I don’t want you to go back to your old life. I want you here with me.” Mahina itong natawa. “Ngunit kahit pala anong gawin ko, kahit nakalimot ka na, Rhett is still inside your heart. I don’t know what to do to replace him. Ako ang nakasama mo nang matagal at nakasama mo nang mga panahong naghihirap ka. Bakit hindi na lang ako?”“Yuen…” she whispered. “I’m sorry. Hindi ko naman ginusto ang lahat.”Umismid ito at muling tumunga sa hawak nitong alak. Nanatili ang kanyang tingin dito. She bit her lower lip as she stared at him. He lost weight, that is what she noticed. Nanlalalim na an
Nagkagulo na ang lahat ngunit hindi niya pa rin mahanap ang kanyang mga anak. May humila kay Riley at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakaktaong ibigay si Astrid dito. Gising na ang bata dahil sa mga ingay ngunit hindi man lang ito humihikbi.“Aurora! Ryo!”Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mga palitan ng putok. Hindi niya alam kung saan siya magtatago. She torn between hiding and looking for her kids. Ang batang hindi sa kanya ang hawak-hawak niya ngayon habang ang mga anak niya ay hindi niya alam kung nasaan na.Nagsisimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakayukong tumatakbo at panay ang lingon sa paligid. At dahil sa panay ang lingon niya sa paligid ay may nakabanggaan siyang lalaki.She was about to apologize when the man held her arm. “Tara na po, Miss Alana. Sunod po kayo sa ‘kin.”“Nakita niyo ba ang mga anak ko?” she asked with her shaking voice.“Opo. Na sa sasakyan na po. Halina po kayo.”Walang pagdadalawang-isip na sumama si Alana sa pag-iis
Panay ang kanyang paglilibot ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Wala namang nangyayari. Everything is good. May mga nakakalaro ang kanyang mga anak na bantay sarado niya naman.Wala siyang nakakausap bukod kay Rhett. May ngumingiti sa kanya ngunit hindi niya magawang ngitian pabalik dahil sa anxiety na nararamdaman ngayon. Sinabi na niya kay Rhett ang tungkol sa bagay na ‘yon at mukhang agad naman itong naalamarma. As he should! Mas lalo siyang hindi mapapakali kapag wala lang kay Rhett ang kanyang sinabi.“You must be Alana.”Nilingon niya ang mag-ari ng tinig at nakita ang isang babae na may malapad na ngiti sa labi at kung hindi siya nakakamali, she was the woman on the stage a while ago who was holding the child. Mukhang ito ang ina ng bata.Pinilit ni Alana na ngumiti at pinanood itong lumapit sa kanya.“Can I take a seat?”“Sure,” agad na sagot ni Alana at tinuro ang upuang inupuan ni Rhett kanina.Rhett excused himself a while ago dahil may