“Careful,” he said.She forced herself to smile and nod her head. Gusto niyang magsalita ngunit may kung anong bumabara sa kanyang lalamunan habang inaalala ang kanilang naging usapan kanina. It’s about that business she used to run.And suddenly, she started missing her father. Nakalimutan niyang ito nga pala ang kanyang gagawin sana sa pangalawang araw niya sa Pinas. Ngunit sadyang masama ang ugali ng pagkakataon dahil lagi siyang pinapatawag ng binata sa opisina at ngayon ay na sa Pampanga.“Thank you,” she said as soon as she settled inside his car.Tipid itong tumango at sinarado na ang pinto. Sinuot niya naman ang kanyang seatbelt at saktong kumabit ito ay siyang pagpasok ni Rhett sa loob ng sasakyan. Umiwas siya rito ng tingin at tumingin sa labas ng bintana.Hindi maalis sa kanyang isipan ang naging usapan nila. She’s been dying to know how her stepmother and stepsister have been after she left them years ago. Gusto niyang malaman kung ano na ang buhay ng mga ito ngayon at kun
“Woah,” she chanted.Wala sa sarili siyang napatingin sa malawak na lupain sa baba. It’s a huge lot. Walang kung ano mang nakatayo rito at mukhang naghihintay itong patayuan ng kung ano ang gustong ipatayo ng may-ari. And to be honest, this lot is such a good asset. Parang ang ganda magpatayo rito ng bahay.Medyo may kalayuan ito sa ibang mga bahay at kung sasadyain ang mataas na siguridad ay talagang magandang magtirik ng bahay rito. A mansion to be exact. But unlike Rhett, she’s not rich. Wala siyang pera para magkaroon ng ganitong kalaking lote.“What do you think about this lot?” he asked.Bumaling siya sa binata at hilaw na ngumiti. “Maganda. Kung may pera lang siguro ako, bibilhin ko ang ganito kalaking lote.”Is she being vocal right now? Yes. Dahil gusto niya talagang magkaroon ng malaking lote na sapat na para tirhan niya at ng kanyang mga anak. Ngunit wala na rin naman sa kanyang ambisyon ang magkaroon ng ganito.Masaya na siya sa kung ano ang meron siya ngayon. Wala nang ma
She was staring at the road in front of her. Hindi niya alam kung magsasalita ba siya o mananatiling tikom ang bibig. Gusto niya itong tanungin sa ibig nitong sabihin kanina ngunit ayaw niya namang sirain ang mood na meron sila ngayon.“Why are you so silent?”Wala sa sarili siyang napatingin kay Rhett nang magsalita ito. Napalunok muna siya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung paano sagutin ang tanong na ‘yon na alam niyang may sagot ang binata. She wanted to ask something but she’s too shy to ask him.“Wala naman po,” she said. “Inaantok lang ako.”He nodded his head and didn’t ask further question. Muli na naman silang binalot ng nakakabinging katahimikan at wala na ni isa sa kanila ang may balak na basagin ‘yon. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at napayuko.Pinikit niya ang mga mata at sumandal sa gilid ng windshield. Siguro’y mawawala ang awkwardness kung magpapanggap siyang tulog, ‘di ba? Baka hindi na ma-awkward si Rhett o hindi kaya ay hindi na siya makaramdam ng
Hindi niya alam kung ano ang meron pero isa lang ang alam niya ngayon. Hindi maiguhit ang kanyang mukha habang nakatingin ngayon kay Rhett na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanila. At sa sitwasyon na ‘to, parang ito pa ang mas may karapatang magdabog.“Pinatawag niyo raw po ako?”“Are you avoiding me?”Mas lalong nangunot ang kanyang noo. “Po? Hindi naman po. Gusto ko lang po talagang magpahinga.”He nodded his head. Ngunit bakas sa mukha nito na tila ba’y hindi ito kumbinsido sa kanyang sinabi. Umirap na lang siya sa hangin at humugot ng malalim na hininga. She bit her lower lip and looked away.“Are you seriously rolling your eyes at me?”Nanlaki ang kanyang mga mata at tumingin sa binata. Umiling siya rito at hilaw na ngumisi. “Hindi po, Mr. Fuentabella. Sumasakit lang po ang mga mata ko. Hindi ko po kayo iniirapan.”Nanliit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at hindi kalaunan ay mahina itong umiling. “Go and rest. We’ll leave this afternoon.”“Uuwi na po tayo, Mr. Fuenta
“Malayo pa po ba tayo?” mahinang tanong niya.Hindi umimik ang binata kaya naman ay napalabi na lang siya sa kanyang sarili. Tumingin siya sa labas ng bintana at humugot ng malalim na hininga. She doesn’t know where they’re going. Hindi rin siya sinasagot ni Rhett.Kanina pa sumasakit ang kanyang pang-upo dahil sa mahabang biyahe. Hindi na niya alam kung nasaang lupalop na sila ng Pampanga naroroon, o kung na sa Pampanga pa rin ba sila hanggang ngayon. She’s clueless.Napatingin siya sa kanyang phone at agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nagkaroon ng kaunting signal ito. She immediately turned on her data and checked her social media account where Yuen used to text her whenever she’s out of the country.At hindi nga siya nagkakamali. May mensahe nga ang binata sa kanya. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at binuksan ang kanilang convo. Saglit pa siyang napahikab habang nagbabasa sa mga message na sinned sa kanya ng kaibigan. Hindi lang kasi ‘yon isa o dalawa.
Hindi na mabilang ni Alana kung pang ilang beses na niyang pinapatay si Rhett sa kanyang isipan habang bitbit sa kanyang balikat ang mga pinutol nitong mga kahoy para sa kanilang ginagawang bonfire.Is this still part of the contract?! Hindi na!At kahit na magreklamo pa siya at magdadabog na umalis, saan naman siya pupunta? They’re somewhere in the forest… more likely, they’re in a mountain! At walang katiting na signal rito. Gusto na nga niyang itapon ang kanyang phone dahil hinihintay niya ang pagtawag ni Yuen sa kanya o ang reply nito sa mensaheng pinadala niya.Everything just makes her frustrated!Inis niyang binaba ang mga pinutol na kahoy at nameywang. Nilingon niya si Rhett at nakitang kalmado lang itong maglakad kasunod niya. Pasimple niya itong inirapan at humugot ng malalim na hininga.“Bakit tayo nag-bo-bonfire rito?” hindi na niya mapigilan ang sariling magtanong sa binata at kinunutan ito ng noo. “This isn’t part of the contract.”“I have no one to invite,” he replied.
Umihip ang malamig na hangin dahilan para yakapin ni Alana ang sarili. She’s sitting on a camping chair in front of the bonfire they made a while ago. Wala si Rhett dahil busy pa ito sa paghahanap ng kahoy habang siya ay prenteng nakaupo lamang.I mean, bakit naman siya tutulong in the first place, ‘di ba? It’s not like ginusto niya ang magpunta sa masukal na bukid na ito at dito magpalipas ng gabi. Camping on a hike is not even part of her bucket list or even her vocabulary.“You really don’t want to help me, huh.”Ngumuso lang siya rito at umirap. Binaba ni Rhett ang mga kahoy sa gilid ng bonfire at tumingin sa kanya. She looked away to avoid his gaze. Wala siyang pakialam kung ano ang iisipin nito. Hindi niya naman ginusto ang magpunta rito, e. Gusto niyang humiga sa isang komportableng kama ngunit hindi niya magawa dahil nandito sila.How she wish someone with chopper would come over and get her. Gusto niyang umuwi.Nagdagdag ang binata ng dalawang piraso ng kahoy sa bonfire saka
Hindi na mabilang ni Alana kung pang ilang eroplano na ang dumaan sa himpapawid. Wala ni isa sa kanila ang nagbabalak na matulog. May tent nga pero heto sila sa labas, nakatitig sa bonfire at walang planong basagin ang nakakabinging katahimikan.She took a very deep breath and looked at her boss. Nakatitig din si Rhett sa bonfire at mukhang mayroong malalim na iniisip. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at humugot ng malalim na hininga.“Hindi ka pa po ba inaantok?” she asked. Hindi na niya kaya ang kanilang katahimikan. “You can use the tent first if you’re already sleepy.”“No,” he replied. “I’m not sleepy.”Ngumuso siya. Bakit ganun? Bakit kahit na sobrang cold ng binata ay sobrang hot nito sa kanyang paningin? Is she attracted to him or what? Baka may sira na siya sa utak, ‘no? Kasi lahat ng downside ay meron si Rhett.For example, ang pagiging masungit all the damn time. Parang hindi nga uso para rito ang maging mabait, e. It’s like being kind would cost him dollars. Dagdag p
Months passed and Alana finally got discharged from the hospital. It wasn’t an easy kind of journey for her. Sa loob ng ilang buwan niyang pananatili sa hospital ay naramdaman niya ang kalinga ng kanyang pamilya. She haven’t seen her stepmother–– Rita, for quite some time now. Wala na rin naman siyang planong makita ito.“Bakit ka umiiyak diyan? Dress lang naman ang sinusukat, hindi wedding gown.”Wala sa sarili siyang napakurap nang marinig ang nagsalita. Nilingon niya ito at nakita si Joey na nakataas ang kilay sa kanya. Mahina siyang natawa sa behavior nito at humugot ng malalim na hininga.Speaking of Joey, naging successful din ang operation ng kanyang ina na si Lumina. Na-i-discharged nila ito at kasalukuyan nang nagpapagaling sa Amerika. Hindi niya nga alam kung anong ginagawa ng babaitang ito rito sa Pinas.“I’m not crying,” she denied and scoffed. “Sinipon lang ako.”Umismid din naman ito sa kanya. “So anong plano mo kay Yuen? Sa pagkakaalam ko, na sa basement pa rin siya han
Ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang katawan. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Gusto niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang control dito. For the first time, she felt this useless.Isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga nangyari bago siya humantong sa ganitong kalagayan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at ramdam niya ang panunubig ng kanyang nakapikit na mga mata. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Ang nagagawa niya na lang ngayon ay ang patalasin ang kanyang pandinig.And then she heard a baby’s cry. Sumikdo ang kanyang dibdib. She wanted to get up and get the baby but she couldn’t even move a limb. It’s like she’s paralyzed. At kahit tinig niya ay hindi niya mahagilap. She wanted to talk, to call for someone to help her. Ngunit hindi. Hindi niya magawa.Kaya naman wala siyang ibang choice kundi ang mahiga na lang doon, nakapikit, at parang patay na nakikiramdam lamang sa paligid. Marami siyang naririnig na mga
“How is she?” Agad na napatayo si Rhett nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room.For the very first time in his life, he’s trembling out of fear. He wanted to go inside and check, but he’s too scared to know the truth. What he witnessed a while ago is making his knees tremble.The doctor looked at him in the eye. Sa mga tingin pa lang nito ay pakiramdam niya’y nanghihina na siya. Hindi niya alam. Hindi niya kaya. He wanted to convince himself he’s just hallucinating. That maybe this is all just a nightmare.“I’m sorry to say this but...” Humugot ito ng malalim na hininga. “Your wife had a second degree burn. Magpasalamat na lamang tayo at hindi siya umabot sa third degree burn. At magpasalamat din tayo na ligtas ang bata.”Mariing naikuyom ni Rhett ang kanyang kamao. Hindi niya mawari kung para saan at kung bakit kailangang magpasalamat sa mga nangyari. Alana was burned! A second degree burn that probably peels her skin! And his child…Napatayo si Rita sa kanyang kinau
TRIGGER WARNING!!“Please, Yuen. Nakikiusap ako. Bitiwan mo ang bata. H’wag mo siyang idamay! Kung galit ka sa akin, ako na lang! H’wag na si Astrid. Please, not the child!”Paos na paos na siya ngunit pinilit niya pa ring sumigaw para pigilan si Yuen. She didn’t know na darating sa ganitong punto si Yuen. He looks so kind to her at first and it seemed like he couldn’t hurt a fly.But looking at the Yuen in front of her right now. Holding the crying baby upside down and below them is the tanker filled with fire. Sobrang sakit na ng dibdib ni Alana sa kakaiyak. Gusto niyang tumayo ngunit may sugat na siya sa hindi niya mabilang na pagsuntok at saksak sa kanya ni Yuen kanina.Ngunit lahat ng ‘yon ay pilit niyang iniinda. She tried to crawl but the maid whom she was talking to in the room slapped her hands with some wire that stings so bad.“Ce que je voulais vraiment, c'est que tu me choisisses, Alana. C'est vraiment difficile ? Je suis prêt à tout pour toi. Tu sais quoi, je peux modifi
After taking a bath with Astrid, the maid helped her carry the child while she’s busy washing the clothes na dinumihan ni Astrid. Nandito sila ngayon sa banyo at tahimik lamang ang maid na naghihintay sa kanya.“Uhm, may phone ba kayo rito?” she asked, trying to open a conversation between her and the maid.Tumango ito. “Oo naman. Kahit na sa gubat kami ay mayroon din naman kaming gadget. Pahirapan nga lang sa signal.”She nodded her head. “Dala mo ba ang phone mo ngayon?”Alana was hoping for the woman to nod her head. But to her disappointment, umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi ako nagdadala ng phone sa tuwing may ginagawa akong trabaho. Ayaw kong mapagalitan ako ni sir Yuen.”Ngumuso si Alana. “But can you lend me your phone even just for a moment? May tatawagan lang sana ako. Nakalimutan kong magbilin ng napkin sa mga umalis kanina para makapagbihis ako rito.”“Ganoon po ba? Sige po. Kukunin ko po pagkatapos niyong maglaba ng lampin ni baby,” saad nito.Agad na
Malapit nang sumapit ang umaga. This is one of the longest night she ever experienced. Hindi siya natulog. She was awake the whole night, trying to find ways to escape this hell with her baby. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makitang ibang paraan para makatakas dito.She looked at the milk feeding bottle and noticed it’s almost empty. Wala na ring formula rito kaya’t parang gusto na naman niyang maiyak. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nakakaramdam na rin siya ng hilo. She has an anemia and she’s scared it would attack right now.“Waving goodbye with an absent-minded smile. I watch her go with a surge of that well-known sadness. And I have to sit down for a while…” mahinang pagkanta niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. “The feeling that I'm losing her forever. And without really entering her world. I'm glad whenever I can share her laughter. This funny little girl…”This is one of her favorite songs na lagi niyang kinakanta sa tuwing inaayusan niya si Aurora. S
“Why are you doing this?” mahina niyang tanong dito.Tulog na tulog ngayon ang bata sa kanyang kandungan habang kaharap niya si Yuen. Kanina pa silang dalawang walang imik. Hindi niya tuloy alam kung makakaramdam ba siya ng takot o ano.“Why did you lie to me the moment I woke up from the hospital?” she asked softly. Sobrang paos na ang kanyang tinig ngunit pinipilit pa rin niyang makapagsalita.“Because I don’t want you to go back to your old life. I want you here with me.” Mahina itong natawa. “Ngunit kahit pala anong gawin ko, kahit nakalimot ka na, Rhett is still inside your heart. I don’t know what to do to replace him. Ako ang nakasama mo nang matagal at nakasama mo nang mga panahong naghihirap ka. Bakit hindi na lang ako?”“Yuen…” she whispered. “I’m sorry. Hindi ko naman ginusto ang lahat.”Umismid ito at muling tumunga sa hawak nitong alak. Nanatili ang kanyang tingin dito. She bit her lower lip as she stared at him. He lost weight, that is what she noticed. Nanlalalim na an
Nagkagulo na ang lahat ngunit hindi niya pa rin mahanap ang kanyang mga anak. May humila kay Riley at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakaktaong ibigay si Astrid dito. Gising na ang bata dahil sa mga ingay ngunit hindi man lang ito humihikbi.“Aurora! Ryo!”Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mga palitan ng putok. Hindi niya alam kung saan siya magtatago. She torn between hiding and looking for her kids. Ang batang hindi sa kanya ang hawak-hawak niya ngayon habang ang mga anak niya ay hindi niya alam kung nasaan na.Nagsisimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakayukong tumatakbo at panay ang lingon sa paligid. At dahil sa panay ang lingon niya sa paligid ay may nakabanggaan siyang lalaki.She was about to apologize when the man held her arm. “Tara na po, Miss Alana. Sunod po kayo sa ‘kin.”“Nakita niyo ba ang mga anak ko?” she asked with her shaking voice.“Opo. Na sa sasakyan na po. Halina po kayo.”Walang pagdadalawang-isip na sumama si Alana sa pag-iis
Panay ang kanyang paglilibot ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Wala namang nangyayari. Everything is good. May mga nakakalaro ang kanyang mga anak na bantay sarado niya naman.Wala siyang nakakausap bukod kay Rhett. May ngumingiti sa kanya ngunit hindi niya magawang ngitian pabalik dahil sa anxiety na nararamdaman ngayon. Sinabi na niya kay Rhett ang tungkol sa bagay na ‘yon at mukhang agad naman itong naalamarma. As he should! Mas lalo siyang hindi mapapakali kapag wala lang kay Rhett ang kanyang sinabi.“You must be Alana.”Nilingon niya ang mag-ari ng tinig at nakita ang isang babae na may malapad na ngiti sa labi at kung hindi siya nakakamali, she was the woman on the stage a while ago who was holding the child. Mukhang ito ang ina ng bata.Pinilit ni Alana na ngumiti at pinanood itong lumapit sa kanya.“Can I take a seat?”“Sure,” agad na sagot ni Alana at tinuro ang upuang inupuan ni Rhett kanina.Rhett excused himself a while ago dahil may