“Why can’t I come?”Hindi na mabilang ni Rhett kung pang-ilang beses na ‘yan naitanong sa kanya ng kaibigan. At ilang beses niya na rin nasagot ang tanong na ‘yon ngunit kahit anong sabihin niya ay uulit-ulitin pa rin nito ang katanungan.Kaya’t sa halip na pansinin ito ay nagpatuloy lamang siya sa pag-iimpake. He’s packing things for her kids. Well, kaya na rin naman niyang bilhan ang mga anak ng mga bagong damit doon. But the twins have their own favorite clothes and toys. At hindi pwedeng hayaan niya ‘yon. Delikado kapag si Aurora ang magwala.Umupo si Alora sa couch at naramdaman niya itong tumingin sa kanya. “But you know what, there’s something about Alana that really changed.”Kumunot ang kanyang noo. “Of course, she changed. She shouldn’t recall her past.”“Hindi, e.” Umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Kanina habang kausap ko siya, parang ayaw niya akong kausap. Tapos nung dumating si Joey, pinagtanggol niya pa ‘yon. It was like they’re good old friends.”Hindi siy
“Woah,” sambit ni Aurora habang naglalakad sila papasok sa hotel suite na kanilang tutuluyan. “Les peintures sont si jolies! J'ai envie d'en peindre une aussi!” [translation: The paintings are so pretty! I want to paint one too!]Hindi niya maiwasang mapangiti. This is one of Aurora’s characteristics na alam niyang namana nito sa kanya. Oh how she wished to tell her daughter right now about the truth. Na siya ang ina nito. Na naalala niya na ang lahat.Tumingin siya sa anak niyang lalaki na ngayon ay kalmadong naglalakad sa tabi ni Rhett. Kanina pa itong hindi umiimik. Gusto niya sana itong tanungin ngunit ayaw niya namang magsungit na naman ito sa kanya. Ugali pa naman nitong umismid.Pagdating nila sa kanilang hotel suite ay agad silang pumasok. Hindi niya maiwasang magtaas ng kilay nang makitang dalawa ang kama na mayroon ang silid na ito. Mukhang magtatabi si Rhett at ang mga bata.“Woah,” muling sambit ng kanyang anak na babae. “Il y a deux lits! Je vais dormir à côté de toi?” bu
Kahit papano ay naging matiwasay naman ang kanilang naging gabi roon sa hotel. Kinaumagahan ay muli na silang nag-check out para lumipat sa rest house umano ni Rhett na kakabili lamang. Pinalinisan niya pa kasi ito kaya’t kinakailangan pa nilang mag-stay sa hotel ng isang gabi.She looked at her daughter and tried to stop herself from smiling. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang kirot ng kanyang dibdib. She bit her lower lip and looked away. Konting-konti na lang talaga. Isang kembot na lang at ikakanta na niya ang katotohanan.“L'eau a l'air si belle ! J'ai envie d'y rester pour me baigner!” Aurora chanted while looking at the turquoise water as they passed by. [translation: The water looks so nice! I want to stay take a swim!]Gusto niyang ngumiwi ngunit pinigilan niya. Bigla niyang naalala ang panahong hindi niya pa naalala ang lahat. Kaya pala’y pakiramdam niya ay hindi niya gusto ang paglusong sa tubig dagat. It was because she doesn’t like being in the ocean water.And it
She was busy unpacking her things when suddenly, the door of her room opened. Nilingon niya ito at bumungad sa kanya ang kanyang anak na babae. May hilaw itong ngiti sa labi nang pumasok.“Can I come in?” mahinang tanong nito na para bang nahihiya.Walang pagdadalawang-isip na tumango si Alana at tinigil ang ginagawa. Pinanood niya itong maglakad palapit sa kanya. Ganoon na lang ang gulat na kanyang naramdaman nang bigla siya nitong niyakap nang mahigpit.“Qu'est-ce qui ne va pas?” she asked softly as she answered the little girl’s hug. [translation: What's wrong?]“Rien,” sagot nito. Ngunit agad itong kumalas sa yakapan nila at tumingin ito sa kanya. “Vous parlez aussi le français ?” Namilog ang mga mata nito. [translation: Nothing. You can speak French too?]Doon niya lamang napagtanto ang kanyang naging sagot sa anak. Wala sa sarili siyang napakurap-kurap at tumingin dito. “I… Uhm…”“Pourquoi ne nous dites-vous pas que vous comprenez le français ? Pouvez-vous vous souvenir de nous
Minadali niya ang pag-aayos ng kanyang mga gamit. After hanging the last piece of dress, she sat on the bed and looked at the door. Kakaalis lamang ng kanyang anak na babae at gusto niya na itong sundan. Ngunit may kung anong pumipigil sa kanya.She bit her lower lip hard. She’s contemplating. Kaya nga siya nagmamadali kanina na mag-ayos ng mga gamit, ‘di ba? Kasi gusto niyang bumaba at nang malaman niya kung bakit nandito si Alora.May clue na siya sa kanyang isipan ngunit ayaw niyang pakinggan ‘yon. Her higher self if whispering something that her heart and soul refuse to believe. Hindi niya kayang paniwalaan ang bagay na ‘yon. Ayaw niyang pag-isipan ng masama ang babaeng tinuring niyang kapatid sa buong buhay niya.It feels like she’s betraying her in some way. Siguro ay maliligo na muna siya. At ‘yon nga ang kanyang naging desisyon. Kung maaabutan niya si Alora ay mabuti, kung hindi ay mabuti rin. Tumayo na siya sa kama at kinuha ang isang tuwalya na kanyang dala. Maglalakad na s
She turned around once again in front of the mirror. Hindi niya mawari kung bakit pakiramdam niya ay may kulang. She’s wearing a floral dress na hanggang ankle ang haba. She’s really planning to wear this while taking a short walk along the seashore. Ewan niya ba. Parang magiging feel niya ang dagat kapag suot niya ay mahabang bestida. Medyo flowy rin ito ngunit mahapit sa kanyang katawan.Alana tilted her head. This is really not her style. She looked at the vanity dresser and saw her mini-makeup set. Agad siyang nagtungo roon at kinuha ang isang blush stick na bigay sa kanya ni Angel, pati na rin ang translucent powder. Well, actually, lahat ng ito ay galing kay Angel. Ito kasi ang supplier niya at naging tutor niya sa kung paano mag-ayos sa sarili.Bumaling siyang muli sa harap ng salamin at naglagay ng kaunting blush on sa kanyang pisngi. She also added some blush beside her eyelids. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at masusing tinignan ang sarili. Sunod niyang nilagyan ay a
“Iniiwasan mo ba ako?” tanong ng babae habang nakatayo sa kanyang tabi at tanaw ang dalampasigan kung saan naroroon si Alana at ang mga bata.Hindi siya umimik. Nanatitil ang kanyang tingin sa kanyang mag-ina. People are trying to deceive him and their kids. At napagtanto ni Rhett ang bagay na ‘yon nang kausapin ni Alora ang mga bata, pilit na kinukumbinsing hindi nila ina si Alana.It was stupid of Alora to tell the kids that Alana is not their mom. Matalinong bata si Ryo. Kilala nito ang pangalan ng kanilang ina. Hindi basta-bastang maloloko ang tulad ni Ryo. Kahit nga sa kanya ay hindi ito nakikinig, kay Alora pa kaya?Telling the kids Alana’s not their mother but calling Alana by her name was stupid. Kaya naman ngayong marami na siyang napapansin ay mas mabuting umiwas na.“When are you leaving?” he asked. “I’ll call my driver you take you to where your photoshoot is.”“Hindi mo sinasagot ang tanong ko,” wika nito sa halip na sagutin ang kanyang tanong. “Iniiwasan mo ba ako?”This
Hindi na napansin ni Alana ang oras habang nandito siya sa dalampasigan at kalaro ang mga bata. Para bang wala siyang dinadalang problema. It was like the heaviness lifted off her shoulders as she laughed and played games with her twins.Unti-unti nang nagiging komportable si Ryo sa kanya. Alam niyang nalilito pa rin ang bata sa kung ano ang tunay nilang sitwasyon ngayon. But sooner or later, he’s going to help her kids understand everything. Kung paanong bigla siyang nabuhay matapos siyang umanong ilibing ng mga ito.“Regarde ce que j'ai trouvé, mama!” maligalig na sambit ni Aurora at pinakita sa kanya ang nakita nitong sea shells. [translation: Look what I found, mommy!]Alam niyang kailangan niyang pagsabihan ang bata na h’wag muna siyang tawaging mommy. But it’s calming her down. Parang mas lalong gumagaan ang kanyang pakiramdam. Mas nakakaramdam siya ng tuwa.“It’s pretty,” puna niya rito at ngumiti.Abala siya sa pagsusuri sa shell na bigay sa kanya ng kanyang anak na babae nang
Months passed and Alana finally got discharged from the hospital. It wasn’t an easy kind of journey for her. Sa loob ng ilang buwan niyang pananatili sa hospital ay naramdaman niya ang kalinga ng kanyang pamilya. She haven’t seen her stepmother–– Rita, for quite some time now. Wala na rin naman siyang planong makita ito.“Bakit ka umiiyak diyan? Dress lang naman ang sinusukat, hindi wedding gown.”Wala sa sarili siyang napakurap nang marinig ang nagsalita. Nilingon niya ito at nakita si Joey na nakataas ang kilay sa kanya. Mahina siyang natawa sa behavior nito at humugot ng malalim na hininga.Speaking of Joey, naging successful din ang operation ng kanyang ina na si Lumina. Na-i-discharged nila ito at kasalukuyan nang nagpapagaling sa Amerika. Hindi niya nga alam kung anong ginagawa ng babaitang ito rito sa Pinas.“I’m not crying,” she denied and scoffed. “Sinipon lang ako.”Umismid din naman ito sa kanya. “So anong plano mo kay Yuen? Sa pagkakaalam ko, na sa basement pa rin siya han
Ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang katawan. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Gusto niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang control dito. For the first time, she felt this useless.Isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga nangyari bago siya humantong sa ganitong kalagayan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at ramdam niya ang panunubig ng kanyang nakapikit na mga mata. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Ang nagagawa niya na lang ngayon ay ang patalasin ang kanyang pandinig.And then she heard a baby’s cry. Sumikdo ang kanyang dibdib. She wanted to get up and get the baby but she couldn’t even move a limb. It’s like she’s paralyzed. At kahit tinig niya ay hindi niya mahagilap. She wanted to talk, to call for someone to help her. Ngunit hindi. Hindi niya magawa.Kaya naman wala siyang ibang choice kundi ang mahiga na lang doon, nakapikit, at parang patay na nakikiramdam lamang sa paligid. Marami siyang naririnig na mga
“How is she?” Agad na napatayo si Rhett nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room.For the very first time in his life, he’s trembling out of fear. He wanted to go inside and check, but he’s too scared to know the truth. What he witnessed a while ago is making his knees tremble.The doctor looked at him in the eye. Sa mga tingin pa lang nito ay pakiramdam niya’y nanghihina na siya. Hindi niya alam. Hindi niya kaya. He wanted to convince himself he’s just hallucinating. That maybe this is all just a nightmare.“I’m sorry to say this but...” Humugot ito ng malalim na hininga. “Your wife had a second degree burn. Magpasalamat na lamang tayo at hindi siya umabot sa third degree burn. At magpasalamat din tayo na ligtas ang bata.”Mariing naikuyom ni Rhett ang kanyang kamao. Hindi niya mawari kung para saan at kung bakit kailangang magpasalamat sa mga nangyari. Alana was burned! A second degree burn that probably peels her skin! And his child…Napatayo si Rita sa kanyang kinau
TRIGGER WARNING!!“Please, Yuen. Nakikiusap ako. Bitiwan mo ang bata. H’wag mo siyang idamay! Kung galit ka sa akin, ako na lang! H’wag na si Astrid. Please, not the child!”Paos na paos na siya ngunit pinilit niya pa ring sumigaw para pigilan si Yuen. She didn’t know na darating sa ganitong punto si Yuen. He looks so kind to her at first and it seemed like he couldn’t hurt a fly.But looking at the Yuen in front of her right now. Holding the crying baby upside down and below them is the tanker filled with fire. Sobrang sakit na ng dibdib ni Alana sa kakaiyak. Gusto niyang tumayo ngunit may sugat na siya sa hindi niya mabilang na pagsuntok at saksak sa kanya ni Yuen kanina.Ngunit lahat ng ‘yon ay pilit niyang iniinda. She tried to crawl but the maid whom she was talking to in the room slapped her hands with some wire that stings so bad.“Ce que je voulais vraiment, c'est que tu me choisisses, Alana. C'est vraiment difficile ? Je suis prêt à tout pour toi. Tu sais quoi, je peux modifi
After taking a bath with Astrid, the maid helped her carry the child while she’s busy washing the clothes na dinumihan ni Astrid. Nandito sila ngayon sa banyo at tahimik lamang ang maid na naghihintay sa kanya.“Uhm, may phone ba kayo rito?” she asked, trying to open a conversation between her and the maid.Tumango ito. “Oo naman. Kahit na sa gubat kami ay mayroon din naman kaming gadget. Pahirapan nga lang sa signal.”She nodded her head. “Dala mo ba ang phone mo ngayon?”Alana was hoping for the woman to nod her head. But to her disappointment, umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi ako nagdadala ng phone sa tuwing may ginagawa akong trabaho. Ayaw kong mapagalitan ako ni sir Yuen.”Ngumuso si Alana. “But can you lend me your phone even just for a moment? May tatawagan lang sana ako. Nakalimutan kong magbilin ng napkin sa mga umalis kanina para makapagbihis ako rito.”“Ganoon po ba? Sige po. Kukunin ko po pagkatapos niyong maglaba ng lampin ni baby,” saad nito.Agad na
Malapit nang sumapit ang umaga. This is one of the longest night she ever experienced. Hindi siya natulog. She was awake the whole night, trying to find ways to escape this hell with her baby. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makitang ibang paraan para makatakas dito.She looked at the milk feeding bottle and noticed it’s almost empty. Wala na ring formula rito kaya’t parang gusto na naman niyang maiyak. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nakakaramdam na rin siya ng hilo. She has an anemia and she’s scared it would attack right now.“Waving goodbye with an absent-minded smile. I watch her go with a surge of that well-known sadness. And I have to sit down for a while…” mahinang pagkanta niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. “The feeling that I'm losing her forever. And without really entering her world. I'm glad whenever I can share her laughter. This funny little girl…”This is one of her favorite songs na lagi niyang kinakanta sa tuwing inaayusan niya si Aurora. S
“Why are you doing this?” mahina niyang tanong dito.Tulog na tulog ngayon ang bata sa kanyang kandungan habang kaharap niya si Yuen. Kanina pa silang dalawang walang imik. Hindi niya tuloy alam kung makakaramdam ba siya ng takot o ano.“Why did you lie to me the moment I woke up from the hospital?” she asked softly. Sobrang paos na ang kanyang tinig ngunit pinipilit pa rin niyang makapagsalita.“Because I don’t want you to go back to your old life. I want you here with me.” Mahina itong natawa. “Ngunit kahit pala anong gawin ko, kahit nakalimot ka na, Rhett is still inside your heart. I don’t know what to do to replace him. Ako ang nakasama mo nang matagal at nakasama mo nang mga panahong naghihirap ka. Bakit hindi na lang ako?”“Yuen…” she whispered. “I’m sorry. Hindi ko naman ginusto ang lahat.”Umismid ito at muling tumunga sa hawak nitong alak. Nanatili ang kanyang tingin dito. She bit her lower lip as she stared at him. He lost weight, that is what she noticed. Nanlalalim na an
Nagkagulo na ang lahat ngunit hindi niya pa rin mahanap ang kanyang mga anak. May humila kay Riley at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakaktaong ibigay si Astrid dito. Gising na ang bata dahil sa mga ingay ngunit hindi man lang ito humihikbi.“Aurora! Ryo!”Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mga palitan ng putok. Hindi niya alam kung saan siya magtatago. She torn between hiding and looking for her kids. Ang batang hindi sa kanya ang hawak-hawak niya ngayon habang ang mga anak niya ay hindi niya alam kung nasaan na.Nagsisimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakayukong tumatakbo at panay ang lingon sa paligid. At dahil sa panay ang lingon niya sa paligid ay may nakabanggaan siyang lalaki.She was about to apologize when the man held her arm. “Tara na po, Miss Alana. Sunod po kayo sa ‘kin.”“Nakita niyo ba ang mga anak ko?” she asked with her shaking voice.“Opo. Na sa sasakyan na po. Halina po kayo.”Walang pagdadalawang-isip na sumama si Alana sa pag-iis
Panay ang kanyang paglilibot ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Wala namang nangyayari. Everything is good. May mga nakakalaro ang kanyang mga anak na bantay sarado niya naman.Wala siyang nakakausap bukod kay Rhett. May ngumingiti sa kanya ngunit hindi niya magawang ngitian pabalik dahil sa anxiety na nararamdaman ngayon. Sinabi na niya kay Rhett ang tungkol sa bagay na ‘yon at mukhang agad naman itong naalamarma. As he should! Mas lalo siyang hindi mapapakali kapag wala lang kay Rhett ang kanyang sinabi.“You must be Alana.”Nilingon niya ang mag-ari ng tinig at nakita ang isang babae na may malapad na ngiti sa labi at kung hindi siya nakakamali, she was the woman on the stage a while ago who was holding the child. Mukhang ito ang ina ng bata.Pinilit ni Alana na ngumiti at pinanood itong lumapit sa kanya.“Can I take a seat?”“Sure,” agad na sagot ni Alana at tinuro ang upuang inupuan ni Rhett kanina.Rhett excused himself a while ago dahil may