Tahimik na pinagmamasdan ni Gail ang laptop na kinakalikot ng kaibigan ni Angel. It’s already past four in the morning. They stayed up all night just for this. Mabuti na lang at one call away ang kaibigan ni Angel na nasa Cagayan de Oro. Ang sabi ay bihasa raw itong translator sa dalawang lengwahe, at kabilang na rito ang lengwaheng French.“Ano raw ang sabi?” she couldn’t help but ask. “Did you find out something?”Hinawakan ni Angel ang kanyang balikat. Nilingon naman niya ito at nakita niya ang pagngiti ng kaibigan. “Calm down, okay? Let her do what she has to do. H’wag muna natin siyang guluhin. Are you hungry? Do you want to eat?”Umiling siya. “I’m not hungry. I’m just really nervous about this.”“You don’t have to.” Tinapik nito ang kanyang balikat. “How about telling me about the images you saw inside your mind?”She bit her lower lip and nodded her head. Mukhang mas mabuti ‘yon kaysa ang nandito siya at i-pressure ang kaibigan ni Angel. Giniya naman siya ng kaibigan palabas n
Mahal kong anak, ipagpaumanhin mong hindi kita nakasama kaagad. Masyadong malaki ang agwat ng panahong hindi tayo nagkasama. Ang pagmasdan ka sa malayo ang tangi kong nagagawa. Marahil ay alam kong wala na akong karapatan pang lapitan ka o kamustahin ka sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa ‘yo at sa ama mo. Ngunit ngayon ay nais kong bumawi. Sana ay bigyan mo ako ng pagkakataong makasama kang muli. Pangako ko sa ‘yong babawi ako at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para lang makabawi sa aking naging kasalanan sa ‘yo.“Are you going to believe this?” tanong ni Angel na pumukaw sa kanyang isipan.She took a very deep breath and forced a smile. “I don’t know. I’m… I’m confused.”Nagkatinginan si Angel at Lyca, ang nag-translate ng letter na pinadala sa kanya.“I’m confused too,” saad ni Lyca. “I mean, why would your mom write a letter to you in a foreign language? In foreign alphabets? Is she hiding something? Or was she hiding the letter from someone?”Mariing kinagat ni Gail ang i
Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang sarili at pinikit ang mga mata. Malamig ang simoy ng hangin ngunit nandito pa rin siya sa paanan ng Shrine na sinasabi ng na sa sulat.She’s been waiting here for almost an hour and half now. Ngunit mukhang wala rito ang sinasabing taong nagpadala sa kanya ng liham. Or maybe someone is just trying to pull some pranks on her. But despite all these thoughts, she’s still here. Wala rin naman siyang ganang umuwi kaya rito na lang muna siya tatambay.Gail roamed her eyes all over the place. Marami ring mga dayo ang nandirito. Kadalasan sa mga ito ay magkakapamilya na minsan pa nga ay nagpapasuyong kunan sila ng litrato. And she doesn’t mind. Nakakatuwa ngang pagmasdan ang mga ito. Abala sa pag-appreciate ng view.Muli siyang tumingin sa kanyang pambisig na relo. Malapit na siyang magdalawang oras dito. Siguro ay uuwi na siya sa susunod na limang minuto. Tumayo na siya’t humugot ng malalim na hininga saka siya nagsimulang maglakad-lakad para libangi
“Why do I feel mad at you?” wala sa sarili niyang tanong dito. Kita niya ang pagbadha ng gulat sa mga mata nito nang marinig ang kanyang sinabi. She bit her lower lip. As much as she tried to ignore this feelings she just can’t. Something is telling her that she used to be mad at this woman standing in front of her.Lumapit ito sa kanya at ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang tawirin nito ang kanilang distansya at niyakap siya nang mahigpit. Para siyang natuod habang nakatayo roon. She was unmoving. Nanatili lamang siyang nakatayo roon habang yakap-yakap siya ng kanyang ‘ina’. She doesn’t feel anything. She doesn’t feel anything except this anger. For a moment, gusto niya itong itulak palayo. Ayaw niyang malapit dito. Gail doesn’t like the touch of her skin on her skin. Pakiramdam niya ay nandidiri siya at hindi niya maintindihan kung bakit.Humugot siya ng malalim na hininga at hinintay itong matapos sa pagkakayakap sa kanya. And the moment her mother pulled away f
She roamed her eyes all over the place. Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat na gawin ngayon. She’s confused. A lot of questions are running inside her head. Kung itatanong niya ‘yon kay Yuen ay paniguradong wala rin siyang makukuhang matinong sagot.He’s full of denial and she’s aware of that. Hindi rin siya tanga para hindi mapansin ang katotohanang may nililihim sa kanya ang binata. Mariin niyang pinikit ang mga mata at niyakap ang tuhod. Wala si Yuen sa kama nang magising siya, ngunit nandoon lang ang unan sa gitna nilang dalawa. His side of the bed was fixed as if he wasn’t there. Na para bang walang taong gumamit sa pwestong ‘yon ng kama.Kanina pa siya gising. Hindi nga siya makatulog nang maayos kakaisip sa kanyang ina na hindi niya alam kung bakit bigla na lang dumating. Hindi siya makatulog kakaisip kung paanong malaki ang galit na kanyang nararamdaman para rito.And then people would think when you forget, it means you’re forgiving everyone who hurt you. No, it’s not
She frowned. Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat isagot. Diretso ang tingin nito sa kanya na para bang naghihintay sa kanya ng sagot. She looked away and bit her lower lip. Nagbaba siya ng tingin sa kanyang mga paa na para bang nandoon ang sagot sa kanyang mga katanungan.“Why?” she asked before lifting her head again to look at him. “Why are we leaving? Hindi mo ba gusto rito? This is such a beautiful place, Yuen. Why do you want to leave?”This time, ito naman ang nag-iwas ng tingin sa kanya. Kinunotan niya ito ng noo ngunit walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. “I just want to leave this place. Don’t worry. We’re going to a place where you can still relax. May dagat pa rin dahil mukhang nagugustuhan mo na rin ang dagat.”Umiling siya rito. Hindi siya kumbinsido sa sagot ng kanyang asawa. Humugot siya ng malalim na hininga at tumingin dito. “Why do I feel like you’re hiding something from me?”“What do you mean?” He frowned.“You’re not giving me specific answers, Yuen.
Tinitigan ni Gail ang kanyang mga bagahe. She wanted to ask her husband a lot of questions, but none of them seems to make a sound. Tulala lamang siyang nakatingin dito ngunit hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat na isambit sa mga oras na ito.“You’re silent,” puna ng kanyang asawa sa kanya. “What are you thinking?”“I can’t,” diretsong usal niya at tumingin dito. “I don’t want to leave this place.”“Gail…”“Yuen, I’m starting to remember everything. My past life. And I can finally recall now why my mother left me. Why she left me and my father. All I have to do now is to wait for my brain to remember every little thing I forgot, up until where I forgot my memories. I don’t want to leave this place. Besides, I can wait for you to come home. I can wait for you to come knocking on the door. Hindi naman siguro ako nagtaksil sa ‘yo noon, ‘di ba?”Hindi niya maipaliwanag kung saan galing ang confidence na kanyang nararamdamn ngayong nandito siya kaharap ang kanyang asawa. She’s too
“Why do you even bother to ask him? Alam mo namang wala kang mapapala,” saad ng kanyang bungangerang kaibigan.Hindi niya na lang ito pinansin at patuloy lamang siyang nagpapalutang sa tubig. Walang kung anong salita ang namumutawi sa kanyang bibig. O kahit sa kanyang isipan ay walang pumapasok. Just like how she floats above the water, her mind is also floating somewhere. Ang daming tanong sa kanyang isipan. Sobrang dami ngunit hindi niya alam kung sino ang makakapagsagot sa mga katanungang ‘yon. Mariin niyang pinikit ang mga mata at hinayaan ang sarilnig mapatinanod sa kung saan siya dalhin ng current.“But, Gail, are you okay?” tanong ng kanyang kaibigan. “Kanina ka pa walang imik. Baka hindi ka na humihinga, ah.”Dinilat niya ang mga mata at bumungad ang kulay bughaw na kalangitan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at humugot ng malalim na hininga. Tumigil siya sa pagpapatihaya at tumingin sa kaibigan.Tipid siyang ngumiti rito. “To be honest, hindi ko alam kung ano ang dapa
Months passed and Alana finally got discharged from the hospital. It wasn’t an easy kind of journey for her. Sa loob ng ilang buwan niyang pananatili sa hospital ay naramdaman niya ang kalinga ng kanyang pamilya. She haven’t seen her stepmother–– Rita, for quite some time now. Wala na rin naman siyang planong makita ito.“Bakit ka umiiyak diyan? Dress lang naman ang sinusukat, hindi wedding gown.”Wala sa sarili siyang napakurap nang marinig ang nagsalita. Nilingon niya ito at nakita si Joey na nakataas ang kilay sa kanya. Mahina siyang natawa sa behavior nito at humugot ng malalim na hininga.Speaking of Joey, naging successful din ang operation ng kanyang ina na si Lumina. Na-i-discharged nila ito at kasalukuyan nang nagpapagaling sa Amerika. Hindi niya nga alam kung anong ginagawa ng babaitang ito rito sa Pinas.“I’m not crying,” she denied and scoffed. “Sinipon lang ako.”Umismid din naman ito sa kanya. “So anong plano mo kay Yuen? Sa pagkakaalam ko, na sa basement pa rin siya han
Ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang katawan. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Gusto niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang control dito. For the first time, she felt this useless.Isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga nangyari bago siya humantong sa ganitong kalagayan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at ramdam niya ang panunubig ng kanyang nakapikit na mga mata. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Ang nagagawa niya na lang ngayon ay ang patalasin ang kanyang pandinig.And then she heard a baby’s cry. Sumikdo ang kanyang dibdib. She wanted to get up and get the baby but she couldn’t even move a limb. It’s like she’s paralyzed. At kahit tinig niya ay hindi niya mahagilap. She wanted to talk, to call for someone to help her. Ngunit hindi. Hindi niya magawa.Kaya naman wala siyang ibang choice kundi ang mahiga na lang doon, nakapikit, at parang patay na nakikiramdam lamang sa paligid. Marami siyang naririnig na mga
“How is she?” Agad na napatayo si Rhett nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room.For the very first time in his life, he’s trembling out of fear. He wanted to go inside and check, but he’s too scared to know the truth. What he witnessed a while ago is making his knees tremble.The doctor looked at him in the eye. Sa mga tingin pa lang nito ay pakiramdam niya’y nanghihina na siya. Hindi niya alam. Hindi niya kaya. He wanted to convince himself he’s just hallucinating. That maybe this is all just a nightmare.“I’m sorry to say this but...” Humugot ito ng malalim na hininga. “Your wife had a second degree burn. Magpasalamat na lamang tayo at hindi siya umabot sa third degree burn. At magpasalamat din tayo na ligtas ang bata.”Mariing naikuyom ni Rhett ang kanyang kamao. Hindi niya mawari kung para saan at kung bakit kailangang magpasalamat sa mga nangyari. Alana was burned! A second degree burn that probably peels her skin! And his child…Napatayo si Rita sa kanyang kinau
TRIGGER WARNING!!“Please, Yuen. Nakikiusap ako. Bitiwan mo ang bata. H’wag mo siyang idamay! Kung galit ka sa akin, ako na lang! H’wag na si Astrid. Please, not the child!”Paos na paos na siya ngunit pinilit niya pa ring sumigaw para pigilan si Yuen. She didn’t know na darating sa ganitong punto si Yuen. He looks so kind to her at first and it seemed like he couldn’t hurt a fly.But looking at the Yuen in front of her right now. Holding the crying baby upside down and below them is the tanker filled with fire. Sobrang sakit na ng dibdib ni Alana sa kakaiyak. Gusto niyang tumayo ngunit may sugat na siya sa hindi niya mabilang na pagsuntok at saksak sa kanya ni Yuen kanina.Ngunit lahat ng ‘yon ay pilit niyang iniinda. She tried to crawl but the maid whom she was talking to in the room slapped her hands with some wire that stings so bad.“Ce que je voulais vraiment, c'est que tu me choisisses, Alana. C'est vraiment difficile ? Je suis prêt à tout pour toi. Tu sais quoi, je peux modifi
After taking a bath with Astrid, the maid helped her carry the child while she’s busy washing the clothes na dinumihan ni Astrid. Nandito sila ngayon sa banyo at tahimik lamang ang maid na naghihintay sa kanya.“Uhm, may phone ba kayo rito?” she asked, trying to open a conversation between her and the maid.Tumango ito. “Oo naman. Kahit na sa gubat kami ay mayroon din naman kaming gadget. Pahirapan nga lang sa signal.”She nodded her head. “Dala mo ba ang phone mo ngayon?”Alana was hoping for the woman to nod her head. But to her disappointment, umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi ako nagdadala ng phone sa tuwing may ginagawa akong trabaho. Ayaw kong mapagalitan ako ni sir Yuen.”Ngumuso si Alana. “But can you lend me your phone even just for a moment? May tatawagan lang sana ako. Nakalimutan kong magbilin ng napkin sa mga umalis kanina para makapagbihis ako rito.”“Ganoon po ba? Sige po. Kukunin ko po pagkatapos niyong maglaba ng lampin ni baby,” saad nito.Agad na
Malapit nang sumapit ang umaga. This is one of the longest night she ever experienced. Hindi siya natulog. She was awake the whole night, trying to find ways to escape this hell with her baby. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makitang ibang paraan para makatakas dito.She looked at the milk feeding bottle and noticed it’s almost empty. Wala na ring formula rito kaya’t parang gusto na naman niyang maiyak. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nakakaramdam na rin siya ng hilo. She has an anemia and she’s scared it would attack right now.“Waving goodbye with an absent-minded smile. I watch her go with a surge of that well-known sadness. And I have to sit down for a while…” mahinang pagkanta niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. “The feeling that I'm losing her forever. And without really entering her world. I'm glad whenever I can share her laughter. This funny little girl…”This is one of her favorite songs na lagi niyang kinakanta sa tuwing inaayusan niya si Aurora. S
“Why are you doing this?” mahina niyang tanong dito.Tulog na tulog ngayon ang bata sa kanyang kandungan habang kaharap niya si Yuen. Kanina pa silang dalawang walang imik. Hindi niya tuloy alam kung makakaramdam ba siya ng takot o ano.“Why did you lie to me the moment I woke up from the hospital?” she asked softly. Sobrang paos na ang kanyang tinig ngunit pinipilit pa rin niyang makapagsalita.“Because I don’t want you to go back to your old life. I want you here with me.” Mahina itong natawa. “Ngunit kahit pala anong gawin ko, kahit nakalimot ka na, Rhett is still inside your heart. I don’t know what to do to replace him. Ako ang nakasama mo nang matagal at nakasama mo nang mga panahong naghihirap ka. Bakit hindi na lang ako?”“Yuen…” she whispered. “I’m sorry. Hindi ko naman ginusto ang lahat.”Umismid ito at muling tumunga sa hawak nitong alak. Nanatili ang kanyang tingin dito. She bit her lower lip as she stared at him. He lost weight, that is what she noticed. Nanlalalim na an
Nagkagulo na ang lahat ngunit hindi niya pa rin mahanap ang kanyang mga anak. May humila kay Riley at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakaktaong ibigay si Astrid dito. Gising na ang bata dahil sa mga ingay ngunit hindi man lang ito humihikbi.“Aurora! Ryo!”Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mga palitan ng putok. Hindi niya alam kung saan siya magtatago. She torn between hiding and looking for her kids. Ang batang hindi sa kanya ang hawak-hawak niya ngayon habang ang mga anak niya ay hindi niya alam kung nasaan na.Nagsisimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakayukong tumatakbo at panay ang lingon sa paligid. At dahil sa panay ang lingon niya sa paligid ay may nakabanggaan siyang lalaki.She was about to apologize when the man held her arm. “Tara na po, Miss Alana. Sunod po kayo sa ‘kin.”“Nakita niyo ba ang mga anak ko?” she asked with her shaking voice.“Opo. Na sa sasakyan na po. Halina po kayo.”Walang pagdadalawang-isip na sumama si Alana sa pag-iis
Panay ang kanyang paglilibot ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Wala namang nangyayari. Everything is good. May mga nakakalaro ang kanyang mga anak na bantay sarado niya naman.Wala siyang nakakausap bukod kay Rhett. May ngumingiti sa kanya ngunit hindi niya magawang ngitian pabalik dahil sa anxiety na nararamdaman ngayon. Sinabi na niya kay Rhett ang tungkol sa bagay na ‘yon at mukhang agad naman itong naalamarma. As he should! Mas lalo siyang hindi mapapakali kapag wala lang kay Rhett ang kanyang sinabi.“You must be Alana.”Nilingon niya ang mag-ari ng tinig at nakita ang isang babae na may malapad na ngiti sa labi at kung hindi siya nakakamali, she was the woman on the stage a while ago who was holding the child. Mukhang ito ang ina ng bata.Pinilit ni Alana na ngumiti at pinanood itong lumapit sa kanya.“Can I take a seat?”“Sure,” agad na sagot ni Alana at tinuro ang upuang inupuan ni Rhett kanina.Rhett excused himself a while ago dahil may