"Still no call?" walang ganang tanong ni Sophie kay Will habang nakaharap siya sa hapag at pinipilit ang sariling kumain ng agahan.
Marahang umiling si Will, umiwas ng tingin bago bumuntong-hininga. Agad na napuno ng inis ang dibdib niya kahit na umagang-umaga. Iyon na ang ikasampung araw na wala siyang balita sa asawa. At kahit na sinabi na ng mga biyenan niya na nasa Malaysia si Rob at may inaasikasong importante, hindi pa rin siya makampante.
Gaano ba kaimportante ang ginagawa ni Rob na hindi man lang siya nito magawang kumustahin?
Marahan siyang tumayo sa dining table at nagtungo sa veranda.
Makintab ang asul na dagat ngayong umaga. Tila nanghahalina. Subalit kahit na gaano kaganda ang tanawing nasa harap niya, wala
"Hey, look at this," ani Tyrone habang inaabot sa kanya ang isang pares ng knitted booties na kulay blue. "This is cute," dugtong pa nito."We don't know yet if it's a boy or a girl," bulong niya kay Tyrone. Marahan pa niyang inayos ang tumabinging bigote na disguise nito. "Tabingi," natatawang sabi niya.Natawa na rin ito bago humarap sa salamin at inayos iyon. Pagharap nito sa kanya, inayos din nito ang pixie cut blonde wig niya. Napaharap na rin siya sa salamin at inayos ang sarili. She's wearing a loose hoodie jacket, leggings at sneakers upang kumportable siya. Pati ang makapal niyang shades, siniguro niyang nakapuwesto nang maayos.Pati tuwing checkup niya, kailangan niyang magsuot ng disguise. Bukod kasi sa pinagtataguan nila si Troy, nagtatago rin siya sa mga fans
Malalakas na sigawan sa salas ang nagpagising kay Tyrone kinaumagahan. Agad siyang napasapo sa kanyang ulo nang bumangon siya dahil ramdam na ramdam niya ang pagbigat niyon gayong kagigising lang niya.He quickly shot a glance at the small clock on the bedside table. It's ten in the friggin' morning and yet he already felt tired!He quickly shook his head and went out of the room he slept in. Pagdating niya sa sala, gulat na mga mukha nina Will at Andie ang nabungaran niya."What's with you two? It's too early for a fight," pupungas-pungas na saway niya sa dalawang bodyguards ni Sophie.Tumingin sa kanya si Andie, seryoso. "Sophie's missing," balita nito.Napakunot-noo
Humugot ng mas malalim na hininga si Sophie. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit, ang panandaliang paghilab ng tiyan niya o ang tila kutsilyong pagbaon ng sakit sa dibdib niya dahil sa nakita niya.Tama ang hinala niya. Rob is still with Rachel.Mabilis niyang itinutop ang kamay sa kanyang bibig nang mapahikbi siya. Dumaan sa isip niya ang mga araw na dumaan na ni minsan, hindi siya naalala ni Rob. Hindi siya nito naalala dahil busy ito... kasama si Rachel.Napasinghap siya nang pakiramdam niya may dumakot sa puso niya at piniga iyon nang anong higpit. Truly, the truth hurts.Oh God, it hurts so much!Muli siyang napahikbi. Tapos na ang misyon ng pag-uwi n
"Dammit! Napakadaling misyon, Johnson and Cortez! Magbantay, 'yon lang! Pa'no kayo natakasan ng isang buntis?" gigil na sabi ni Dax sa mga kasama. Napabuntong-hininga si Rob at minasahe ang nananakit na ulo. Nasa opisina sila ni Eric at doon hinihintay ang tawag ng mga taong kumuha sa asawa. Kasama niya roon ang mga magulang niya pati na rin ang mga magulang ni Sophie. Sumunod sa kanya roon ang mga ito matapos ang party. They would've cancelled tonight's celebration but... that would mess up everything. Everything they had planned for months!He just hoped that everyone, including his enemies, bought the game they had played tonight or else...Marahan siyang umiling.Mabilis na tumayo si Andie sa couch at hinarap si Dax, defiance in her eyes. "We were caught off guard, ok
Nagising si Sophie dahil sa marahas na pagyugyog sa kanyang balikat. Nang magmulat siya, agad na tumambad sa kanya ang napakataas na kisame na puno ng sapot. Amoy na amoy din niya ang alikabok mula sa paligid.Napakunot siya. Where the hell is she?"Gising na si Helen, Boss," nakangising turan ng hindi niya kilalang lalaki na nakatunghay sa kanya.Napabalikwas siya ng bangon mula sa hinihigaan niyang couch. Agad na bumalik sa isip niya ang mga pangyayari kani-kanina lang. Awtomatikong kumabog ang dibdib niya pagkatapos.Helen.Nanlamig ang buong katawan niya. Did Troy really got her?At bago pa man masagot ang
"Pupuwede ba akong makigamit ng CR?" lakas loob na sabi ni Sophie maya-maya.Pinukol siya ng masamang tingin ni Troy. Tinantiya siya kung may katotohanan ang sinabi niya."Please," dugtong pa niya."Tristan, samahan mo. 'Pag nakatakas 'yan, ikaw ang papatayin ko. Paalis na kami in thirty minutes," utos ni Troy sa isa sa mga bantay nito sa loob ng kuwarto.Marahas siyang hinakawan sa braso ng lalaking tinawag ni Troy na Tristan bago siya hinila patayo. Mabilis nitong idiniin sa tagiliran niya ang hawak nitong baril bago siya marahang tinulak patungo sa pinto. Huminga siya nang malalim bago niya binuksan ang pinto at humakbang palabas ng silid.
Sophie contained a scream once more when she felt an excruciating pain on her stomach.Mahigpit siyang napakapit sa braso ni Rob. "Hindi ko na kaya, Rob. Manganganak na ko," habol ang hininga niyang sabi bago muling impit na dumaing."Hold it in, honey. We need to get you to the hospital," natatarantang sabi nito bago siya tinangkang buhatin subalit mabilis niya itong pinigil."I-I can't hold it in anymore. My water broke kanina pa," mangiyak-ngiyak niyang sagot bago tuluyang sumalampak sa sahig. She lifted her head and tried to take in as much air as she could, trying to calm herself. "D-dito na lang," aniya sa papahinang tinig.Mabilis na nagpalinga-linga si Rob. Ilang sandali pa, pinangko siya nito at dinala sa makesh
"Ilabas mo ko rito, Kuya! H'wag mo 'kong hayaang mabulok dito!" hiyaw ni Troy sa loob ng kuwarto na balot ng foam ang bawat dingding. Hindi alam ni Tyrone kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan niya ang kapatid mula sa viewing window. He brought it upon himself, naisip niya. Maya-maya pa, may pumasok na nurse at doktor sa piitan ni Troy. Muli itong nagwala. "Para sa'n 'yan?" hiyaw nito nang makita ang syringe na hawak ng nurse. "H'wag kang magkakamaling iturok sa akin 'yan!" tutol nito bago hindik na bumaling sa kanya sa fiber glass na viewing window ng piitan. "Hindi ako baliw, Kuya! Sabihin mo sa kanila, hindi ako baliw!" Humagulgol na ito at pilit na tumayo mula sa sulok na kinauupuan nito