Share

Kabanata 69

Author: iamAexyz
last update Last Updated: 2022-03-28 08:37:56

Dahil nga sa nangyari kanina ay sa labas kami kumain ng kambal. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero masama talaga ang mood ko dahil sa mga narinig ko.

Gusto kong magalit kay Greta, sabihan siya ng masasakit na salita gaya pero wala rin namang mangyayari pagkatapos kapag pinairal ko ang init ng ulo ko. Ayokong ipamukha sa kanya na tama ang hinala niya kapag pinatulan ko pa siya.

Siguro nga hindi ako nagalit ng husto sa kabila ng mga narinig ko pero hindi ibig  sabihin noon na makakalimutan ko na iyon. Tumatak na iyon sa utak ko at oras na maulit pa hindi ko na talaga pipigilan ang sarili ko. Sa ngayon bibigyan ko muna siya ng pagkakataon. Ipapamukha ko sa kanya na mali siya ng akala sa akin. 

Hindi ako mang-aagaw. Siguro nga nakagawa ako ng pagkakamali pero ginawa ko ang lahat para hindi makasakit ng iba at makasira ng relasyon. Nagtago ako ng mahigit anim na taon pero may mga bagay talaga na kahit ilang beses mong tatakasan sa huli hindi mo rin maiiwas

Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
dapat mong ipaglaban Ang sa iyo..huwag mong hayaan si Mitch na yan..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 70

    Pagod na ang kambal nang dumating kami sa bahay. Dahil naglaro sila ng todo kanina sa park pero hindi pa rin pumayag si Eros na hindi kami dadaan sa bookstore para bumili ng librong gusto niya. Kaya pagdating namin ay agad ko silang nilinisan at binihisan bago ko sila iniwan sa kwarto nila para magpahinga.Nagpalit ako ng damit bago ko kinuha ang selpon sa bag ko. Umaasang may mensahe si Dwayne pero wala ngunit nakita ko na may message si Michelle.“I am sorry for the late reply, but I am not available today. I met someone.”Nanghihinang napaupo ako sa kama. She is meeting with someone, is that my husband?Talaga bang magkasama pa rin sila hanggang ngayon? Kanina pa ang mensahe pero ngayon ko lang nakita dahil naging abala na rin ako sa pagbabantay sa kambal.I just shake my head to clear my mind before I started to walk out in our room.Alas sinco na rin ng hapon pero wala pa rin si Dwayne. Nagtungo ako sa kusna para magha

    Last Updated : 2022-03-28
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 71

    Monday. Kahit sinabi ko na kay Dwayne na bawal siya sa kwarto namin ay tila bingi naman ito. Kaya wala na akong ginawa at hinayaan na lang siya. Sa tigas ng ulo niya alam ko naman na hindi rin siya makikinig sa akin.Maaga siyang nagising ngayon, siya rin ang naghanda ng almusal ng kambal. Halatang gustong makabawi dahil hindi siya nakauwi ng maagap kagabi.Nang makaalis na sila ay bumalik ako sa kwarto ko para magbihis. Kung kahapon hindi natuloy ang plano kong pagpunta kay kuya Lexus, ngayon ko na gagawin maliban na lang kung may humarang na naman sa akin.Palabas na sana ako ng bahay ng makita nang makasalubong ko si manang Fe.“Rebecca, may nagpadala nitong envelop para raw sa asawa mo," ani ng matanda at inabot sa akin ang brown envelop na hawak niya.“Sige, manang salamat po.”Kinuha ko ang envelop. Tiningnan ko pa ito kung may nakasulat sa labas kung kanino galing pero wala.Importante ba ito? Kung

    Last Updated : 2022-04-20
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 72

    I walk back and forth inside our room. Hindi ko rin namamalayang kinakagat ko na ang daliri ko dahil sa lalim ng iniisip ko.Dwayne is in the twins's room and any moment he will be here. Pinapatulog lang niya ang kambal. He is extra sweet with them after what happened last night and I am just letting him to do what he wants. After all, I know the kids are enjoying the attention that their father is giving to them.While I am here in our room. I am thinking, if I will confront my husband or will act as if I didn't know anything. Pero kung hindi ko siya tatanungin, mamatay lang ako kaiisip sabi pa naman ni Margarita masyado akong mag-overthink na pinakaiiwasan ko na ngayon.Gusto kong malaman kung bakit pina-iimbestigahan niya si Dwayne. Kung ano ba talaga ang nangyari ng gabing iyon. Paanong nakasal kaming dalawa? Gusto ko nang maliwanagan sa lahat.Until now, I am still curious why he married me. He said he can remember me. He knows me, he knows me

    Last Updated : 2022-04-20
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 73

    Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng opisina ni Kuya Lexus.I already told Dwayne about my plan to go here today. At first ayaw pa niya akong payagan dahil baka awayin lang raw ako ni Kuya but I explained him everything. Na gusto kong maayos na ang relasyon ko kay kuya para tuluyan nang mabuo ang pamilya namin na walang gap o gulo kapag nagsasama-sama kami. Kailangan ko pa ng madaming convincing powers bago niya ako payagang pumunta mag-isa. Dahil ang gusto niya noong una ay sasamahan pa niya ako.Ilang beses ko ng sinubukang punatahan si Kuya Lexuz pero ngayon lang natuloy nang tuluyan ang balak ko.I want to have a peace between us. Gusto ko maayos na ang lahat kapag ipinagtapat ko na kay Dwayne ang totoo. Na wala na akong ibang alalahanin dahil alam kong maaring maging malaking problema na naman ang haharapin ko kapag hindi naging maayos ang lahat.“Come in.”Nang marinig ko ang boses niya ay tila bigla akong pinagpawisa

    Last Updated : 2022-04-20
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 74

    Pagkatapos kong kausapin si Kuya Lexus ay nagtungo ako kay Dad. Ewan ko, I just feel like I want to see dad.Kahit nagkausap na kasi kami ni Kuya Lexus ay stress pa rin ako. It's like we are okay and not at the same time. So I need someone comfort. Dwayne is busy, Michelle is probably busy too. Dad will probably busy too, but I want to disturb him for the first time.Mula nang magtungo kami sa mansyon ay hindi ko na siya muling nakita o nakausap kahit sa telepono man lang. Alam kong busy siya, kaya dadalhan ko siya ng lunch.This wil be the first time that I will bring lunch for him. Dati kasi ilang ako sa kanya dahil pakiramdam ko kapag nagtungo ako sa opisina niya ng walang paalam ay maari niya akong pagalitan. But now I realized that I just need to step forward to reach the people I love.“Dad,” agaw ko sa atensyon niya nang makapasok ako sa opisina niya. Nagtaas siya ng tingin at tipid na ngumiti nang makita ako. Marunong

    Last Updated : 2022-04-20
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 75

    “Sana all in love!Sana all may bebe!” saad ni Troy habang nakasimangot at nakatingin sa amin ni Dwayne. Dwayne is hugging me from behind.“What the f*ck, Troy! Stop being cringe!” Sven said in angry tone.Nginitian ko lang si Troy habang hindi naman siya pinansin ni Dwayne at isiniksik pa ang mukha sa leeg ko.We are now here in our house. At gaya ng nakagawian nila nandito na naman sila sa bahay tumatambay.Umalis sa pagkakayakap si Dwayne mula sa akin at tumayo sa kalapit ko pero nanatili ang isang braso niya sa balikat ko.“Don't curse in front my sons, idiot!” Saway niya kay Troy pero sinamaan ko siya ng tingin. Pinagbabawalan niya ang kaibigan niya pero ganoon din naman siya.Buti na lang at abala ang kambal sa kinakain nilang cupcakes kaya wala silang pakialam sa paligid.“What I am just jealous with those love birds. I am just wandering when we will have a part

    Last Updated : 2022-04-20
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 76

    Hindi ako mapakali matapos ang tawag. Gusto kong komprontahin si Dwayne pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.Tila biglang gustong sumabok ng ulo ko.Ilang beses akong lumakad pabalik-balik sa loob ng kwarto namin upang mag-isip at kalmahin ang sarili ko.Humugot muna ako ng ilang malalim na hininga bago tuluyang lumbas ng kwarto na tila walang nanagyari. Nagtungo ako kung nasaan sina Dwayne. Pero nanatili ako sa may glass door malayo sa kanila kaya hindi nila napapansin ang presensya ko habang pinapanood sila. Nagkakasayahan na sila kasama ang kambal. Rinig na rinig ko ang masasayang halakhak ng kambal.Ngumiti ako dahil sa aking nakikita ngunit agad din iyong naglaho nang maalala ang tawag na sinagot ko kanina.Tumingin ako kung nasaan si Dwayne. He is sitting on the beach bench while talking to Sven.Why my bestfriend is calling him? Bakit siya ang dapat tawagan kung may sakit man ito? Why not me?May itinatago

    Last Updated : 2022-04-20
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 77

    “Yes, Rebecca. Don't act as if you own him. He may be your husband but he is just using you. He does not love you. Did he ever say those magic words to you? No, right? Because he never loves you and he will never love you.”She even crossed her legs and look at me smiling with a mockery. Kita ko ang pang-aasar na ngiti sa labi niya habang tuwid na nakatingin sa akin.Umiling ako. Hindi. Hindi totoo ang simasabi niya. Impossible. Sinasabi lang niya iyon upang ilihis ang usapan. Sinasabi lang niya iyon upang sirain kami ni Dwayne at para maka-eksena siya. Hindi na ako magpapauto sa kanya. Nagbago na nga siya, hindi ko na siya kilala.“No. I won't believe you! Hindi... imposible.”“Rebecca, I am your bestfriend! Sa tingin mo ba magsisinungaling ako sayo?”Bestfriend? Hindi ko alam na kaibigan pa pala ang turing niya sa akin gayong hindi man niya lantarang aminin alam kong interesado pa rin siya sa asawa ko at tila wala siyang pakialam kung malaman ko.Tumayo ako. Wala akong oras para p

    Last Updated : 2022-06-10

Latest chapter

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    The end.

    “Kinakabahan ka ba?” mapang-asar na tanong ni Troy kay Dwayne na kanina pa tila hindi mapakali. Pakiramdam niya parang pinagpapawisan siya ng malamig kahit hindi naman mainit sa loob ng simbahan. “Hindi ba halata? Para ngang maiihi na siya sa kinatatayuan niya,” susog pa ni Cohen pagkatapos ay sabay na natawa ang dalawa. Halatang natutuwa ang ang mga ito sa nakikitang kaba sa mukha ng kaibigan. Gustong bigwasan ni Dwayne ang mga kaibigan na talagangay oras pa siyang asarin sa mismong araw ng kasal niya. Pero pagbibigyan niya ang mga ito ngayong araw. Masyado siyang masaya para maasar. Walang makakasira sa mood niya. “Dapat kasi pinagsuot mo ng helmet si Rebecca para hindi siya matauhan. Baka mamaya magising iyon sa katotohanan na baka sakit ng ulo lang pala abutin sa iyon dahil sa pagiging bugnutin mo,” nakangising saad ni Troy habang nakaakbay kay Dwayne at tinatapik tapik ang balikat nito. Siniko ito ni Dwayne sa asar. Dahilan para mapahawak ito sa tiyan. “Tantanan mo n

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 85

    Naging maayos nang muli any lahat. Pero hindi sa kulungan napunta si Sven kundi sa mental hospital. Tuluyan na itong nasiraan ng pag-iisip. Nalaman din namin na minsan na itong na-diagnos na may mental health problems pero dahil may per ito ay ginamit nito iyon para takpan ang record niya. Nakulong naman ang mga tauhan nito na siyang kumidnap sa akin. Si Michelle naman ay umalis na ng bansa. Nagka-roon siya ng offer sa France pero bago siya umalis ay nagkaayos na kaming dalawa. Pero iyong pagkakaibigan namin alam kong hindi na maibabalik pa sa dati gaya noon. Marami nang nangyari, siguro sapat na nagkapatawaran kaming dalawa. Nalaman ko rin na sex video tape pala niya ang hawak ni Sven. At ginawa nito iyong alas para mahawakan sa leeg si Michelle para sumunod sa mga utos niya. Si Cohen naman ay bumalik na naman ng San Isidro ayon kay Dwayne daig pa raw nito ang anino ni Margarita na laging nakabuntot sa kaibigan ko. I am back sketching in the garden bench. Wala ang kambal dahil na

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 84

    Dahan-dahan kung minulat any making mata. Kung noong nakaraan puro dilim lang ang nakikita ko nang magising ako, ngayon naman ay puro puti.Napangiti ako nang makita ko si Dwayne na nakaupo sa tabi ko habang nakasubsob sa kamang kinahihigaan ko at hawak-hawak ang kamay ko.Nagising ito nang igalaw ko ang kamay ko.“Wife.” Mabilis niya akong niyakap. “Are you feeling okay now? Do you need something? Are you hungry?” sunod-sunod na tanong nito.“I am okay now.” Ngumiti ako sa kanya upang pakalmahin siya.“No, I'll call the doctor to check you,” saad nito. Mabilis itong lumabas ng kwarto at naiwan akong nakatanga.Mabilis naman itong bumalik kasam ang doctor.Chineck naman ako nang doctor gaya ng utos ni Dwayne.“She is okay now. Bawal lang siyang ma-stress masyado. I’ll give her some vitamins she needs to drink and it is much better if you you'll check her to ob-gyne.”“Ob-gyne? Y-you mean?” tanong ni Dwayne pero halata na sa mukha niya ang galak.“Congratulations.”Nakaalis na ang doct

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 83

    REBECCAMy head hurts when I woke up. Then I remember that someone hardly knocked me on my head.Pauwi na sana kami no Margarita can't may biglang humarang sa amin. Someone pointed us a guns, kaya wala akong choice kundi ang sumama.Akmang gagalaw na ako pero nakagapos ang mga kamay at paa ko. Habang nakaupo ako sa isang bangko. Inilibot ko ang mga mata ko pero wala akong makita kahit ano maliban sa madilim na paligid. Pakiramdam ko ay nasa isang kwarto ako. Biglang bumukas ang pinto kasabay nang pagkalat ng liwanag sa buong silid.Napakunod ang noo ko nang makita ang isang babae. She looks pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Pinagmasadan ko siyang mabuti habang papalapit sa akin. Nakatakong siya nang mataas kahit masyado na siyang matangkad. Nakasuot ito ng sexy na black dress na nasa kalahating hita lang ang haba. Maganda rin ito, medyo may pagka masculine nga lang ng kaunti ang mukha niya. At medyo mamasel ang bente at braso niya. Tuluyan nang napakunot ang

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 82

    “You are lying, right? It was just a joke, ” Troy said while he looks trembling. “I bath with him before and he.. he is gay?” “He is. He is trying to hide it that’s why keep my mouth shut, but I am not aware that he is...” Fvck I can not even say those words. Cohen looked at me. “That's why I want to talk to you a moment ago. I received the report. Sven is the mastermind of burning Rebecca's boutique. He is gay, and he is obsessed with you. The moment he found out you are married to her, he got furious and paid someone to burn the boutique.” I facepalm because of what I have heard. Those information are stresing me out. “So, it's not kidnapped for ransom. Rebecca is in danger now, ” Tito Ronaldo said. He look calm but I saw how he gripped his teeth.“I kept her secretly guarded when she is in San Isidro. And when she married you, I thought I can finally be at ease because there is someone who will look after her. I should not let my guard off.” Yeah, it was my fault. I am the one

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 81

    REBECCA Happy. I am happy. Pakiramdam ko wala nang makakasira sa sayang nararamdaman ko. Malinaw na sa akin ang lahat. Narinig ko na rin ang magic words mula kay Dwayne at mula nang sabihin niya iyon sa akin, inaraw-araw na niya ang kaka- I love you. Pakiramdam ko nga para akong teenager na laging kinikilig dahil sa kan’ya. Maayos na ang pamilya ko. Kahit si kuya Lexus ay pinapansin na rin ako kahit papaano, pero alam ko darating ang araw na mawawala na distansyang nararamdaman namin sa isa’t isa. Close na close na nga sina Dad at ang ama ni Dwayne. Dati na pala silang magkakilala kaya magkasundong-magkasundo sila. Habang ang kambal naman ay mas lalong na-spoil dahil sa mga taong nasa paligid nila. Kulang na lang yata mapuno ng laruan at libro ang kwarto nila. Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa ko. I am now busy sketching. I am starting to build a new boutique. I'll try to restore Psyche and this time with the support of my family and husband. On the way na ang construction

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 80

    Matapos kong palitan ng pantulog ang kambal ay si Dwayne naman ang nagpatulog sa mga ito. Dati ako ang gumagawa noon pero mula nang tumira kami dito sa bahay ni Dwayne ay nagpakatatay na siya nang husto sa mga kambal at talagang hindi niya iniiwan ang mga ito hangga't hindi siguradong maayos na ang mga tulog ng mga ito. Sigurado naman akong mabilis na makakatulog ang kambal ngayon dahil maghapon silang naglaro kasama ang mga kaibigan ni Dwayne.Bumalik naman ako sa kwarto namin.Nanghihinang naupo ako sa kama nang makapasok ako.Napatingin ako sa side table kung nasaan ang family picture namin. Mukha kaming masayang pamilya sa larawan. Ito iyong pamilyang iniingatan ko pero hindi ko alam kung totoo ba talaga ang lahat. Masaya naman kami pero binabagabag pa rin ako dahil sa mga nangyari kanina.“Wife,” ani ni Dwayne nang makita niya ako. Ibinalik ko ang picture frame na hawak ko sa side table at tumingin sa kanya.“Wife?” ulit ko sa sinabi niya. Kumunot ang noo nito at pinakatitigan

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 79

    REBECCAMabilis akong bumaba ng sasakyan. Mabuti na lang at nakarating ako ng maayos sa bahay sa kabila ng magulong isipan ko.Wala nang naglalangay sa pool nang magtungo ako doon. Nagtungo ako at sa second floor at nasa hagdan pa lang ako ay rinig ko na ang halakhalk ng kambal. Papasok na sana ako sa kwarto kung nasaan sila nang lumabas mula roon si Sven na magulo ang buhok, nasa playroom sila at mukhang naglalaro sila ng mga anak ko.“Reb, you are here?” Mukhang nagulat pa ito namg makita ako.“This is my house,” sagot ko. I don't want to sound rude pero wala talaga ako sa mood ngayon. Napansin kung tumaas ang kilay niya pero mabilis lang iyon at ngumiti rin ito.“What I mean, Dwayne hurriedly went our to follow you. He said you went to Michelle and he’s worried.”“Why would he be worried?” Hindi agad ito pero ramdam ko ang titig nito na para bang inaarok ang isip ko. “I am asking you, Sven. Bakit naman mag-aalala si Dwayne kung magpunta ako sa bahay ng kaibigan ko?”Sinalubong ko

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 78

    DWAYNEMy brows furrowed when I can’t see my wife. I was busy playing with the twins that's why I didn't notice her presence. I thought she is just in the kitchen preparing for our meal, but I didn't see her. I went to our room, but she was not also there. “Did you see, Reb?” I asked our maid who is carrying an empty laundry bag.“Opo, nagpaalam po siya na pupunta kay Ma’am Mich dahil may sakit daw po ito. Mukhang nagmamadali nga po,” she politely answered.I just nod my head to dismiss her.I tried to call her, but she didn't answer me. I don't know, but I am worried about her. Most of the time she always tells me where she is going, but now she left without saying anything. Is she extremely worried about her best friend, that's why she went to her without informing me? I am more worried about her right now.I went back outside. The twins are still playing with Troy while Sven is now busy with his phone.“Sven,” I called his attention. He looked at me. “Can the two of you take ca

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status