Share

Kabanata 71

Monday. Kahit sinabi ko na kay Dwayne na bawal siya sa kwarto namin ay tila bingi naman ito. Kaya wala na akong ginawa at hinayaan na lang siya. Sa tigas ng ulo niya alam ko naman na hindi rin siya makikinig sa akin.

Maaga siyang nagising ngayon, siya rin ang naghanda ng almusal ng kambal. Halatang gustong makabawi dahil hindi siya nakauwi ng maagap kagabi.

Nang makaalis na sila ay bumalik ako sa kwarto ko para magbihis. Kung kahapon hindi natuloy ang plano kong pagpunta kay kuya Lexus, ngayon ko na gagawin maliban na lang kung may humarang na naman sa akin.

Palabas na sana ako ng bahay ng makita  nang makasalubong ko si manang Fe.

“Rebecca, may nagpadala nitong envelop para raw sa asawa mo," ani ng matanda at inabot sa akin ang brown envelop na hawak niya.

“Sige, manang salamat po.” 

Kinuha ko ang envelop. Tiningnan ko pa ito kung may nakasulat sa labas kung kanino galing pero wala.

Importante ba ito? Kung

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status