Share

Kabanata 2.1

Author: iamAexyz
last update Last Updated: 2021-12-02 18:55:12

 2. 1

 

“What?! Paki-ulit nga. Nabingi yata ako.”  Kinalikot pa nito ang tenga.

“Hindi ko na uulitin,” nakalabing saad ko habang nakayuko.

 

Problemado ako dahil sa nangyari, pero hindi ko maiwasang mag-init ang mukha ko tuwing naalala ko iyon.

“Iyong nangyari sa inyo o ’yong sinabi mo?” Muli akong napatingin sa kanya. Malaki ang mga ngisi nito habang malisyosang nakatingin sa akin.

“Margarita!” napipikon nang saad ko. 

“Okay, seryoso na. Ibig mong sabihin ang lalaking nagdala sayo sa paraiso kagabi ay ang tatay ng kambal mo?”

“Tinagalog mo lang ang sinabi ko. Saka anong paraiso ang pinagsasabi mo?”

Paraiso? Eh, wala nga akong matandaan sa buong pangyayari.

“Rebecca, my dear. That's destiny. Akalain mo sa dami-daming lalaki sa mundo sa ama pa ng kambal mo ikaw muling sumuko.”

Nag-aalalang napatingin ako sa sala kung nasaan ang kambal dahil sa medyo may kalakasang boses ni Margarita. 

“Hinaan mo nga ang boses mo, baka marinig ka ng kambal. And it's not destiny but a stupidity. Sa dinami-rami ng lalaki bakit sa kanya pa?” nanghihinang saad ko.

Ang ibigay ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko naman karelasyon ay isang pagkakamali na, pero ang may mangyaring muli sa amin ni Dwayne ay talagang mas malaking pagkakamali. Tila sinasaid na ang konsensyang meron ako. Lalo na at matapos ang nangyari kagabi  ay muli pa kaming nagkitang muli ni Michelle. Tila pinapaalala ng pagkikita namin kanina ang kasalanang nagawa ko.

Napakalaki ng Pilipinas, napakadaming lalaki, pero bakit siya pa? Hindi ako liberated, pero siguro kung ibang lalaki ang nakasiping ko kagabi hindi masyadong malaki problema ang iniisip ko.

”Teka, kasal na ba siya sa iba kaya problemado ka? Nakipagjerjer ka sa may asawa na ganoon?”

”Hindi. Hindi pa yata, ewan hindi ako sigurado.”

Hindi talaga ako sigurado. Anim na taon na ang nakakalipas kaya maaaring may posibilidad kasal na siya. Sila ni Michelle.

Idagdag pang parehong nandito sa San Antonio sina Michelle at Dwayne, malaki ang posibilidad na magkasama sila tapos may nangyari na naman sa pagitan namin ni Dwayne. Sa ikalawang pagkakataon, nakagawa na naman ako ng malaking pagkakamali na dadalhin ng konsensya ko habang buhay.

“So, hindi ka sure. Kahit kailan hindi ka nagkwento about sa tatay ng kambal tapos biglang boom nasisiid na naman niya ang perlas sa karagatan.”

Minsan talaga hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi dahil sa mga choice of words niya. Minsan ako ang ang na-iiskandalo sa mga pinagsasabi niya.

“Hindi pa kasi ako handang magkwento noon pero siguro panahon na para malaman mo ang totoo. Hindi ako perpekto gaya ng tingin n'yo sa akin,” pag-amin ko. 

Matagal na kaming magkakilala, pero kahit kailan hindi ako nagkwento sa kanya. Hindi rin naman niya tinangkang magtanong kaya wala pa talaga siyang alam tungkol sa akin. Maliban sa nabuntis ako at itinakwil ng aking ama.

“I know. Una sa lahat wala namang perpektong tao. Lahat tayo nagkakamali pero kung ano man ang nagawa nating pagkakamali sa nakaraan natin hindi iyon batayan para masabi na masamang tao na tayo.” Napangiti ako sa sinabi niya. Tumango rin ako bilang pagsang-ayon.

She's really something. Gustong-gusto ko kapag seryoso siya, marami akong natutunan sa kanya. Mga bagay na minsan hindi aasahan ng iba na masasabi ni Margarita.

“I will tell you the truth about me and my past. You are my most trusted friend kaya gusto kong makilala mo ako ng husto. May nagawa akong pagkakamali sa nakaraan ko. Kung husgahan mo man ako, matatanggap ko.” Umirap ito sa sinabi ko.

“Anong husga ang sinasabi mo? Hindi kita huhusgahan. Kung may nagawa ka mang mali sa nakaraan mo, ang mahalaga pinagsisihan mo na iyon. Isa pa hindi rin naman ako perpektong tao para husgahan ka. Kaibigan mo ako, ang role ko intindihan ka hindi ang husgahan ka.”

Tumingala ako upang pigilan ang luhang nais kumawala sa aking mga mata. Sana lahat ng tao gaya ni Margarita. ’Yong iintindihan ka muna at hindi huhusgahan ng basta-basta. Ang swerte ko na naging kaibigan ko siya, kahit madalas may kalaswaan ang bunganga niya. At least totoo at maasahan talaga.

“But I made the biggest mistake in the past, na habang buhay ko ng dadalhin sa konsensya ko,” nahihirapang saad ko. 

Isipin pa lang ang nagawa ko ay nakokonsensya talaga ako. Pero kung ano man ang naging bunga ng pagkakamali ko, minahal ko ito. Ang kambal.

“Kung ano man ang nagawa mo, ramdam ko, alam ko hindi mo ginusto. Kaya pwede ba huwag mong pahirapan ang sarili mo. Nagkamali ka, ang mahalaga natuto kana. Sabi nga naitatama ang pagkakamali pero hindi na dapat inuulit.”

“Pero naulit, Marg. Naulit siya, kagabi lang. ’Yong bagay na pilit kong kinakalimutan at iniiwasang mangyaring muli, nangyari na naman,” frustrated na saad ko. 

Minsan hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako, o sadyang may katangahan akong taglay. Siguro nga tama si Dad, hindi ako matalino gaya ng mga kapatid ko.

“Kung hindi ka pa handang i-kwento ang istorya mo, okay lang sa akin. Hindi naman kita pinipilit.” 

“No, I want you to know the truth para rin mailabas ko na rin ang mga bagay na matagal ko nang kinikimkim sa dibdib ko.”

“Okay, I will listen.”

Ngumiti ako dito bago sinimulang alalahanin ang nakaraan.

More than six years ago...

Graduation ko today, pero hindi akp masaya sa kabila ng honor na matatanggap ko mamaya. I am cum laude but my father is still disappointed. I am just cum laude; he expected more, a summa cum laude. Para sa kanya, hindi sapat ang naabot kong honor para maniwala siya sa kakayahan. I am a disappointment for him.

Last night, when I asked him if he could attend my graduation, he didn’t bother to answer. He ignored me, but I am still hoping that he will come.

Sanay na akong binabaliwala niya. Kabit kailan hindi siya dumalo sa mga school events ko mula noong bata pa ako. Palaging si Tita Cordelia ang nandoon para sa akin, kaya lihim kong hinihiling na sana kahit ngayong araw na magtatapos ako, kahit ngayon lang sana sa unang pagkakataon makapunta si Dad. Pero tila malabong mangyari ang hiling ko.

Kanina pa ako tumitingin sa entrance ng hall at nag-aabang sa pagdating niya, pero wala. 

“He will not come,” bulong ni ate Sophia buhat sa tabi ko nang mapansin niya na kanina pa ako tumitingin sa paligid, umaasang makikita kahit ang anino ni Dad. Pero si ate na mismo ang kumompirma na hindi ito makakarating.

“But...”

“You knew him. Masyadong mataas ang expectations niya sa lahat, and sadly, para sa kanya, hindi mo naabot ’yon. He wanted us to be on top.”

Lumaglag ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Alam ko naman iyon, but this is my biggest day. Hindi ba siya pwedeng umattend na lang bilang ama ko? Mahirap ba talaga ang gusto kong mangyari. Subalit impossible talaga ang nais ko. Loser pa rin ako sa paningin ni Dad because I didn't reach the top, his expectations. Hindi magaling at hindi pwedeng ipagmalaki.

Gustong-gusto nang tumulo ng mga luha ko, pero pinipigilan ko. Sayang ang makeup ko at mas lalong ayaw kong mas magmukhang kawawa.

Kinagat ko na lang ang pang-ibabang  labi ko upang hindi pumatak ang mga luha ko.

“Hindi pa ba sapat na kinuha ko ang kursong gusto niya para sa akin?” namamasa ang matang tanong ko. Umiling ito.

“Dad is someone who is hard to please, and you are someone who needs to prove yourself to everyone that you have the right to carry our name. I am against about it, but wala rin akong magagawa, si Dad pa rin ang masusunod.”

Natawa ako ng mapakla. “Ang unfair kasi, I am his daughter, too. Doesn't that give me enough reason to be part of the family?”

Matagal ko ng tanong ang bagay na iyon, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako mabigyan ng kasagutan.

”It is enough, you are a Rodrigo, whether they like it or not. Just don’t mind them. If some can’t accept you, I am here, always. Graduation mo, kaya h’wag mo na munang intindihin ang mga bagay na makakasira ng araw mo. Smile, cheer up, okay,” anito at inayos ang hood ko.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Nagbabara pa rin kasi ang lalamunan ko dahil sa pinipigilang iyak.

Tumingin ako sa paligid, lahat sila ay masaya. May ilang nagpapa-picture pa, pero heto ako sa isang tabi dinadamdam ang hindi pagdating ni Dad.

I am still thankful kay ate Sophia. Siya iyong unang taong tinanggap ako bilang isang Rodrigo. While others think that I am still an outsider because I am a love chiled, My perfect father’s mistake. The dirt on his name.

”Tita Cordelia will be here too. May meeting lang siya, but she promised that she will come. And of course, your boyfriend is too sure naman ako na darating siya, kaya ngumiti kana.” Napipilitang ngumiti ako dahil sa sinabi niya.

Tita Cordelia is like a mother to me. Siya na ang nag-alaga sa akin mula nang mamatay ang aking tunay na ina. Nakababatang kapatid siya ni Daddy, may sarili ng pamilya, pero madalas pa rin niya akong dinadalaw noong bata pa ako. Until I grew up, she still takes care of me.

The graduation ceremony was done, and my dad didn’t come. A better smile escaped from my lips.

“Hey, darling. I am sorry, I am late." It’s Tita Cordelia. She kissed me on the cheek.

“It’s okay, Tita. I know you are very busy, but I am happy that you'd be able to come.” Nakangitibg niyakap ko ito.

Sumenyas naman si Ate Sophia sa amin na may sasagutin lang daw itong tawag habang nakaturo sa cellphone niya.  Tumango ako dito bago muling bumaling kay tita Cordelia.

“Of course. It’s your graduation. I want to witness your success.”

“Thanks, ’Ta.”

“Here’s my gift,” nakangiting binigay nito sa akin ang isang maliit na box.

“Thank you, Tita. What’s this?” kunot noong tanong ko habang inaalog ang kahon malapit sa tenga ko. “Jewelry?”

She didn’t answer, but she winked at me.

“Let’s go. I prepared something to celebrate your graduation. I cooked your favorite adobo,” yaya ni tita Cordelia. Yumakap naman ako sa braso niya.

“I am sorry, Tita, but I can't go with you. Tumawag si Dad, Kailangan daw ako sa opisina,” singit ni ate Sophia na kalalapit lang sa amin.

“It's okay, hija. Sige lang,” ani ni tita Cordelia. Binigyan ko naman ng ngiti at tango lang si ate. 

Si dad ang tumawag, kaya alam kong wala siyang choice. Humalik muna siya sa pingin namin bago nauna nang umalis. Nagmamadali pa ang bawat hakbang nito.

“Iyang ama mo, napakatigas talaga,” nakasimangot na komento ni tita habang naglalakad kami patungo sa kotse niya.

Hindi ako nagsalita, pero mapait akong napangiti. Sanay na ako. Sanay na ako sa ugali ni dad. Alam ko naman na mas may priority pa siya kaysa sa akin, sa amin.

Habang nakasakay kami sa kotse patungo sa bahay ni Tita Cordelia ay biglang nag-beep ang cellphone ko.

‘I am sorry. I can't come. Urgent meeting.’  

Iyan ang mensahe mula kay Roy. He is my boyfriend. Boyfriend na pinili para sa akin ni Dad. Lahat naman si Dad ang nasusunod, siya ang may hawak ng takbo ng buhay ko. Mula sa kurso hanggang sa kung sino ang dapat kong maging nobyo, dapat naayon sa kanyang gusto.

Mabait naman si Roy, iyon nga lang madalas wala siyang oras para sa akin dahil abala sa negosyo ng pamilya niya. Naiintindihan ko naman. Wala naman akong choice kundi intindihin sila.

Mapait akong napangiti. Masyado ng late ang mensahe niya, tapos na nga ang programa. Okay lang naman sa akin kung hindi sila makapunta dahil may mas importanteng bagay silang dapat unahin, pero sana sa una pa lang sinabi na nila para hindi ako umasa.

“Okay lang,” pag-aalo ko sa sarili ko at tumingin sa bintana ng kotse bago pasimpleng pinahid ang luhang kumawala sa aking mga mata.

Related chapters

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 3

    It's already seven in the evening. Matapos kumain sa bahay nina tita Cordelia ay umuwi na rin agad ako. Wala pang tao sa bahay maliban sa mga katulong na abala sa mga gawain nila.Siguro may dinaluhan na namang event or dinner meeting si Dad, may sariling condo naman na si ate Sophia kaya madalang na siyang umuwi sa mansion habang palagi namang wala si Kuya Lexus. Kaya madalas ako lang talaga ang naiiwan sa bahay kasama ng mga katulong.Dumiretso ako sa kwarto ko at marahas na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Humiga ako habang nakasayad ang mga paa sa sahig. Nakakapagod.Pipikit na sana ako nang bigla kong maalaala ang regalo sa akin ni tita Cordelia. Dali-dali kong kinuha ang bag ko.Maliit lang ang kahon, siguro singsing o hikaw ang laman nito. Madalas kasi alahas ang regalong natatanggap ko buhat sa kanya.Binuksan ko ang kahon ngunit hindi alahas ang laman nito kundi susi. Susi ng kotse. Napasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Excited akong bumaba sa kama at tumakbo papuntang g

    Last Updated : 2021-12-03
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 3.1

    My father congratulated me. It’s the first time. Sapat na iyon sa’kin. Hindi man siya nakapunta sa graduation ceremony ko, ikinagalak pa rin ng puso ko na binati niya ako.Siguro para sa iba mababaw ang kaligayahan ko, pero iyon ang unang beses na binati ako ni Dad. Kahit birthday ko hindi niya ako binabati. Kahit sa mga naging achievements ko sa school, mula noong bata pa ako, never niya akong binati. Ibig sabihin lang, na-acknowledge niya ang nataggap ko sa pagtatapos ko ngayon kahit na hindi ko naabot ang expectations niya. Kahit na cum laude lang ako at hindi summa cum laude. Sensitive lang siguro akong masyado, kaya nagdamdam ako ng husto kanina. Pinahid ko ang luha ko at tumayo na upang bumalik sa aking kwarto. Magaan na ang pakiramdam ko.Alas otso pa lang naman ng gabi kaya pupuntahan ko muna si Roy. Ang balak ko sana ay bukas ko siya pupuntahan upang yayaing lumabas kami, pero susundin ko na lang ang gusto ni dad na pumasok na agad ako sa kompanya. Papatunayan ko ang sarili k

    Last Updated : 2021-12-03
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 4

    Sinapo ko ang masakit kong anit at ulo, maging ang kamay ko ay masakit din. Namumula mula pa ito ng tingnan ko pero hindi ko maiwasang mapangiti. Ngayon ko lang natuklasang may marahas pala akong side. Dahil sa unang pagkakataon nagawa kong manakit ng pisikal sa sobrang galit at upang ipagtanggol na rin ang aking sarili. Madalas mahinahon ako pero sa nasaksihan ko nawaglit lahat ng pasensyang inipon ko. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko magpupuyos sa galit. Inayos ko ang nagulong buhok ko dahil sa pagkakasabunot ni Roy habang sakay ako ng elevator. Hindi ako makapaniwala, nagawa niya akong saktan, physically and emotionally.Roy deserved my punch and kick. Kulang pa nga iyon kumpara sa sakit na naidulot niya sa akin. Inunawa ko siya ng paulit-ulit dahil abala kuno siya sa negosyo ng pamilya niya pero wala akong kaalam-alam na niloloko n’ya lang pala ako. Na iba pala ang pinagkakaabalahan niya. Pinagmukha niya akong tanga.Pinipigilan kong umiyak. Hindi niya deserve ang luha ko. K

    Last Updated : 2021-12-04
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 5

    I was about to hug my pillow ngunit napakunot ang noo ko, matigas na bagay ang nadama ng kanang kamay ko. Kinapa ko itong muli at tuluyan nang nagising ang diwa ko, this is not my pillow. Ramdam ko rin ang init na nagmumula sa bagay na kalapit ko. Kaya napakunot ang noo ko bago ko minulat ang aking mga mata pero muli akong napapikit ng mariin. There is a guy beside me. Hindi ko makita kung sino siya dahil sa kabilang side nakaharap ang mukha niya. Pero ang magising na may katabing lalaki ay tila lalong nagpasakit sa ulo ko.Nang mag-sink in sa akin ang sitwasyon ay mabilis akong napabangon. Ngunit pakislot ako ng maramdam ko ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita. And it hit me, the pain between my legs is the proof that I lost my virginity. Napanganga ako ng tingnan ko ang pang-ibabang bahagi ng aking katawan. I am naked. Nang magawi ang mata ko sa kama ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nahawi na ang kumot na nakatakip sa lalaking nakadapa sa kama at kitang-kitang ko ang ma

    Last Updated : 2021-12-06
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 5.1

    I took a deep breath before I knocked on the CEO’s office. “Come in.” “Sir.” We are in the office and he is my boss here not a father that’s why all of us are required to call him sir. The office are wide and spacious. Masyadong minimalist ang design at puro black and white ang kulay ng paligid. Typical dad’s style. Dad is busy scanning documents. Lumapit ako sa may table niya. I remained standing waiting for him to tell me something. “You will be under Sophia's supervision. saad nito kasabay ng pagpasok ni ate sophia sa opisina. “Don't worry, sir. Ako na ang bahala sa kanya,” ani ate. “This is the papers you are asking.” May inabot na envelop si Ate kay dad. “You may go.” Tumango lang kami at sabay nang lumabas ni ate sa opisina. “Welcome to the real world,” saad ni ate sophia habang naglalakad kami patungo sa department niya. “This is it.” “Definitely. Dad didn't even give you a chance to rest,” she commented. “It's okay. I also need things to do to occupy myself.” I re

    Last Updated : 2021-12-06
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 6

    Naka simpleng high waist skinny jeans and black top pair with five inches heels. I also have a small sling bag. Now, I am ready. Michelle already called me that she's near. Pero hanggang ngayon wala pa rin s'ya. “It's already 7 o'clock in the evening,” I whispered to myself as I checked my watch. I was about to sit on the sofa when I heard a car beeping outside. I picked up my bag. I sighed deeply before I walk out my room. I saw a familiar red car in front of our gate. Nanginginig ang mga paang lumakad ako papalapit dito. Kaninang umaga pinagpasyahan kong kalimutan ang lahat nang nangyari ng nakaraang gabi nagawa ko naman dahil naging abala ako sa maghapong trabaho ngunit hindi ko inaasahan na babalik agad si Michelle. Now, I realize that I can’t forget what happened but I will do my best to keep it as a secret. I am not yet ready to face her dahil sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang lahat pero wala na akong choice. “Act normal,” bulong ko sa sarili ko. Sigurado naman ako na wa

    Last Updated : 2021-12-09
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 7

    My alarm clock keeps ringing but I am too lazy to get up. Sanay na akong magising before six pero ngayon mabigat ang pakirdam ko. Tila gusto ko na lang humilata sa kama maghapon. Antok na antok pa rin ako kahit maaga naman akong natulog kagabi. Ilang araw ko na itong nararamdaman. Lagi akong tinatamad kumilos at masyado akong antukin. Siguro napapagod lang akong masyado sa trabaho. It’s almost two months since I started working and we are always busy in the office. Laging tambak ang trabaho, idagdag pa ang mga extra works na binibigay sa akin ni Dad. “Rebecca, hija?” It's Nanay Belen knocking on the door.Tamad na tamad na bumangon ako sa aking kama at binuksan ang pinto.“Nana...” pupungas-pungas na saad ko.“May sakit ka ba? Mag-a-alas syete na pero hindi ka pa bumabangon,” nag-aalalang tanong nito bago dinama ang aking noo.“Okay lang po ako medyo tinatamad lang talaga akong bumangon,” saad ko at bumalik ulit sa kama ko upang maupo. Tinatamad pa talaga akong bumangon pero hindi na

    Last Updated : 2021-12-09
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 8

    Tuluyan na akong kinain ng kaba. Dad was standing in the middle of the door with a poker-faced. “Follow me,” saad nito at tumalikod na. Nanlalambot ang mga binti na wala na akong nagawa kundi sumunod dito. Nadaanan ko pa si ate sa dining table na nagtatanong ang mga mata ngunit wala akong oras para sagutin siya. “Who is the father?” agad ay tanong ni dad nang makapasok ako sa study room. Nakatayo ito sa gitna habang madilim ang aura na nakatingin sa akin. “Dad...” Kinakabahan ako ng todo. Medyo nanginginig ang tuhod ko ng lumapit ako sa kanya. “I am asking you Rebecca. Don't test my patience,” may diin ang bawat salitang binibitawan nito. “I-i a-am s-sorry, dad,” nanginginig na saad ko. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Alam na niya. He knows that I am pregnant. Hindi ko na maitatago pa. “I don't need your sorry. I want to know who is the father. Akala mo ba maloloko mo ang lahat at maitatago ang ipinagbubuntis mo. Hindi ako tanga gaya ng inaakala mo. May mga mata ako sa inyong mag

    Last Updated : 2021-12-10

Latest chapter

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    The end.

    “Kinakabahan ka ba?” mapang-asar na tanong ni Troy kay Dwayne na kanina pa tila hindi mapakali. Pakiramdam niya parang pinagpapawisan siya ng malamig kahit hindi naman mainit sa loob ng simbahan. “Hindi ba halata? Para ngang maiihi na siya sa kinatatayuan niya,” susog pa ni Cohen pagkatapos ay sabay na natawa ang dalawa. Halatang natutuwa ang ang mga ito sa nakikitang kaba sa mukha ng kaibigan. Gustong bigwasan ni Dwayne ang mga kaibigan na talagangay oras pa siyang asarin sa mismong araw ng kasal niya. Pero pagbibigyan niya ang mga ito ngayong araw. Masyado siyang masaya para maasar. Walang makakasira sa mood niya. “Dapat kasi pinagsuot mo ng helmet si Rebecca para hindi siya matauhan. Baka mamaya magising iyon sa katotohanan na baka sakit ng ulo lang pala abutin sa iyon dahil sa pagiging bugnutin mo,” nakangising saad ni Troy habang nakaakbay kay Dwayne at tinatapik tapik ang balikat nito. Siniko ito ni Dwayne sa asar. Dahilan para mapahawak ito sa tiyan. “Tantanan mo n

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 85

    Naging maayos nang muli any lahat. Pero hindi sa kulungan napunta si Sven kundi sa mental hospital. Tuluyan na itong nasiraan ng pag-iisip. Nalaman din namin na minsan na itong na-diagnos na may mental health problems pero dahil may per ito ay ginamit nito iyon para takpan ang record niya. Nakulong naman ang mga tauhan nito na siyang kumidnap sa akin. Si Michelle naman ay umalis na ng bansa. Nagka-roon siya ng offer sa France pero bago siya umalis ay nagkaayos na kaming dalawa. Pero iyong pagkakaibigan namin alam kong hindi na maibabalik pa sa dati gaya noon. Marami nang nangyari, siguro sapat na nagkapatawaran kaming dalawa. Nalaman ko rin na sex video tape pala niya ang hawak ni Sven. At ginawa nito iyong alas para mahawakan sa leeg si Michelle para sumunod sa mga utos niya. Si Cohen naman ay bumalik na naman ng San Isidro ayon kay Dwayne daig pa raw nito ang anino ni Margarita na laging nakabuntot sa kaibigan ko. I am back sketching in the garden bench. Wala ang kambal dahil na

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 84

    Dahan-dahan kung minulat any making mata. Kung noong nakaraan puro dilim lang ang nakikita ko nang magising ako, ngayon naman ay puro puti.Napangiti ako nang makita ko si Dwayne na nakaupo sa tabi ko habang nakasubsob sa kamang kinahihigaan ko at hawak-hawak ang kamay ko.Nagising ito nang igalaw ko ang kamay ko.“Wife.” Mabilis niya akong niyakap. “Are you feeling okay now? Do you need something? Are you hungry?” sunod-sunod na tanong nito.“I am okay now.” Ngumiti ako sa kanya upang pakalmahin siya.“No, I'll call the doctor to check you,” saad nito. Mabilis itong lumabas ng kwarto at naiwan akong nakatanga.Mabilis naman itong bumalik kasam ang doctor.Chineck naman ako nang doctor gaya ng utos ni Dwayne.“She is okay now. Bawal lang siyang ma-stress masyado. I’ll give her some vitamins she needs to drink and it is much better if you you'll check her to ob-gyne.”“Ob-gyne? Y-you mean?” tanong ni Dwayne pero halata na sa mukha niya ang galak.“Congratulations.”Nakaalis na ang doct

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 83

    REBECCAMy head hurts when I woke up. Then I remember that someone hardly knocked me on my head.Pauwi na sana kami no Margarita can't may biglang humarang sa amin. Someone pointed us a guns, kaya wala akong choice kundi ang sumama.Akmang gagalaw na ako pero nakagapos ang mga kamay at paa ko. Habang nakaupo ako sa isang bangko. Inilibot ko ang mga mata ko pero wala akong makita kahit ano maliban sa madilim na paligid. Pakiramdam ko ay nasa isang kwarto ako. Biglang bumukas ang pinto kasabay nang pagkalat ng liwanag sa buong silid.Napakunod ang noo ko nang makita ang isang babae. She looks pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Pinagmasadan ko siyang mabuti habang papalapit sa akin. Nakatakong siya nang mataas kahit masyado na siyang matangkad. Nakasuot ito ng sexy na black dress na nasa kalahating hita lang ang haba. Maganda rin ito, medyo may pagka masculine nga lang ng kaunti ang mukha niya. At medyo mamasel ang bente at braso niya. Tuluyan nang napakunot ang

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 82

    “You are lying, right? It was just a joke, ” Troy said while he looks trembling. “I bath with him before and he.. he is gay?” “He is. He is trying to hide it that’s why keep my mouth shut, but I am not aware that he is...” Fvck I can not even say those words. Cohen looked at me. “That's why I want to talk to you a moment ago. I received the report. Sven is the mastermind of burning Rebecca's boutique. He is gay, and he is obsessed with you. The moment he found out you are married to her, he got furious and paid someone to burn the boutique.” I facepalm because of what I have heard. Those information are stresing me out. “So, it's not kidnapped for ransom. Rebecca is in danger now, ” Tito Ronaldo said. He look calm but I saw how he gripped his teeth.“I kept her secretly guarded when she is in San Isidro. And when she married you, I thought I can finally be at ease because there is someone who will look after her. I should not let my guard off.” Yeah, it was my fault. I am the one

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 81

    REBECCA Happy. I am happy. Pakiramdam ko wala nang makakasira sa sayang nararamdaman ko. Malinaw na sa akin ang lahat. Narinig ko na rin ang magic words mula kay Dwayne at mula nang sabihin niya iyon sa akin, inaraw-araw na niya ang kaka- I love you. Pakiramdam ko nga para akong teenager na laging kinikilig dahil sa kan’ya. Maayos na ang pamilya ko. Kahit si kuya Lexus ay pinapansin na rin ako kahit papaano, pero alam ko darating ang araw na mawawala na distansyang nararamdaman namin sa isa’t isa. Close na close na nga sina Dad at ang ama ni Dwayne. Dati na pala silang magkakilala kaya magkasundong-magkasundo sila. Habang ang kambal naman ay mas lalong na-spoil dahil sa mga taong nasa paligid nila. Kulang na lang yata mapuno ng laruan at libro ang kwarto nila. Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa ko. I am now busy sketching. I am starting to build a new boutique. I'll try to restore Psyche and this time with the support of my family and husband. On the way na ang construction

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 80

    Matapos kong palitan ng pantulog ang kambal ay si Dwayne naman ang nagpatulog sa mga ito. Dati ako ang gumagawa noon pero mula nang tumira kami dito sa bahay ni Dwayne ay nagpakatatay na siya nang husto sa mga kambal at talagang hindi niya iniiwan ang mga ito hangga't hindi siguradong maayos na ang mga tulog ng mga ito. Sigurado naman akong mabilis na makakatulog ang kambal ngayon dahil maghapon silang naglaro kasama ang mga kaibigan ni Dwayne.Bumalik naman ako sa kwarto namin.Nanghihinang naupo ako sa kama nang makapasok ako.Napatingin ako sa side table kung nasaan ang family picture namin. Mukha kaming masayang pamilya sa larawan. Ito iyong pamilyang iniingatan ko pero hindi ko alam kung totoo ba talaga ang lahat. Masaya naman kami pero binabagabag pa rin ako dahil sa mga nangyari kanina.“Wife,” ani ni Dwayne nang makita niya ako. Ibinalik ko ang picture frame na hawak ko sa side table at tumingin sa kanya.“Wife?” ulit ko sa sinabi niya. Kumunot ang noo nito at pinakatitigan

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 79

    REBECCAMabilis akong bumaba ng sasakyan. Mabuti na lang at nakarating ako ng maayos sa bahay sa kabila ng magulong isipan ko.Wala nang naglalangay sa pool nang magtungo ako doon. Nagtungo ako at sa second floor at nasa hagdan pa lang ako ay rinig ko na ang halakhalk ng kambal. Papasok na sana ako sa kwarto kung nasaan sila nang lumabas mula roon si Sven na magulo ang buhok, nasa playroom sila at mukhang naglalaro sila ng mga anak ko.“Reb, you are here?” Mukhang nagulat pa ito namg makita ako.“This is my house,” sagot ko. I don't want to sound rude pero wala talaga ako sa mood ngayon. Napansin kung tumaas ang kilay niya pero mabilis lang iyon at ngumiti rin ito.“What I mean, Dwayne hurriedly went our to follow you. He said you went to Michelle and he’s worried.”“Why would he be worried?” Hindi agad ito pero ramdam ko ang titig nito na para bang inaarok ang isip ko. “I am asking you, Sven. Bakit naman mag-aalala si Dwayne kung magpunta ako sa bahay ng kaibigan ko?”Sinalubong ko

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 78

    DWAYNEMy brows furrowed when I can’t see my wife. I was busy playing with the twins that's why I didn't notice her presence. I thought she is just in the kitchen preparing for our meal, but I didn't see her. I went to our room, but she was not also there. “Did you see, Reb?” I asked our maid who is carrying an empty laundry bag.“Opo, nagpaalam po siya na pupunta kay Ma’am Mich dahil may sakit daw po ito. Mukhang nagmamadali nga po,” she politely answered.I just nod my head to dismiss her.I tried to call her, but she didn't answer me. I don't know, but I am worried about her. Most of the time she always tells me where she is going, but now she left without saying anything. Is she extremely worried about her best friend, that's why she went to her without informing me? I am more worried about her right now.I went back outside. The twins are still playing with Troy while Sven is now busy with his phone.“Sven,” I called his attention. He looked at me. “Can the two of you take ca

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status