Share

The Twin Mistake with Mr. CEO
The Twin Mistake with Mr. CEO
Author: iamAexyz

Kabanata 1

Author: iamAexyz
last update Last Updated: 2021-11-18 20:31:20

REBECCA

“Mommy, don’t put makeup on, you are already too pretty. Boys can’t like you. You are just for Daddy.”

Napatingin ako sa isa sa mga kambal ko na nakasimangot habang pinapanood akong mag-ayos. This little man is a bit possessive.

“Okay, okay,” saad ko matapos mag-apply ng lipstick sa aking mga labi. Humarap ako rito.

I am wearing a simple black below the knee dress na tenernuhan ko ng two inches black heels. Hinayaan ko na lang nakalugay ang may kahabaan at tuwid na tuwid na buhok ko.

“Mommy, can I go with you?” naka-pout na tanong ni Eros habang nagmamakaawang nakatingin sa akin. He looks cute. Tila nagmamakaawa ito na isama ko siya pero hindi pwede.

“I am sorry baby, but kids are not allowed there,” malumanay na sagot ni ko kay Eros.

“Mommy! Mommy! How about me? I am older than him,” hyper naman na bungad ni Cupid mula sa pintuan. Nagtatalon-talon pa ito habang yakap-yakap pa nito ang malaking stuff toy na niregalo ko sa kaniya noong nakaraang birthday nila.

“You are just 15 minutes older than him, Cupid,” naiiling pero nakangiting saad ko Cupid. Napalabi naman ito sa sinabi ko.

Cupid always loves bragging that he is older than Eros.

“Will you back early?” muling tanong ni Eros. Sa kambal ito ang tila seryosong-seryoso palagi. May pinagmahan ito ng ugali pero sigurado akong hindi sa akin.

“I will.”

Wala naman talaga akong balak na magpagabi ng husto dahil alam kong magtatanong ang mga ito bukas kung anong oras ba ako umuwi. Daig ko pa ang may strict parents dahil sa kambal. Inaalm kasi ng mga ito bawat galaw ko.

“No boys?” It is more of a reminder than a question from Eros.

“No boys,” I said, raising my right hand as a pledge.

Lumapit ako sa kambal na parehong nakaupo sa kama habang pinapanood ako.

“Mommy will go out with your Tita Margarita but it doesn’t mean that the two of you will sleep late because I am not around. Remember, if you want to grow fast, dapat hindi nagpupuyat.”

Sabay namang tumango ang kambal sa akin kahit halatang labag sa loob nila dahil tahimik pa rin ang mga ito.

“Okay, kiss na kay mommy.”

They kissed my cheeks and hugged my neck na para bang ayaw akong pakawalan. Naglalambing ang mga ito pero nakapangako na ako kay Margarita na sasama ditong lumabas ngayong gabi to chill out. Kulang na lang ay tutukan ako ng kutsilyo noon para lang sumama ako kaya hindi na ako nakatanggi. Isa pa birthday nito kaya pinagbigyan ko na. Idagdag pang madalang lang naman magyayang lumabas si Margarita dahil alam nitong hindi niya pwedeng basta-basta na lang iiwan ang kambal.

“Don’t worry kids, mabilis lang si Mama.” Pagkatapos ay iginaya ko na ang kambal upang mahiga sa kama.

Cupid even gave me a puppy looks habang pinapatulog ko ang mga ito. Mahilig kasi itong maglaro ng gadget kaya madalas kapag wala ako nagbabad ito pero nakikinig naman kapag sinabihan ko na bawal, iyon nga lang nakakalusot minsan.

Inihabilin ko ang kambal kay Nerma na siyang nagbabantay sa dalawa kapag wala ako bago tuluyang lumabas ng kwarto.

“Ang tagal mo,” bungad sa akin ni Margarita nang maabutan ko itong naghihintay sa akin sa sala. Preteng nakaupo ito habang tila lukot na ang mukha. Halatang inip na inip na.

Nakasuot ito ng red mini dress spaghetti straps. Sobrang sexy nito sa suot na damit. Pakiramdam ko nga kapag tumuwad ito ng kaunti ay makikita na ang lahat-lahat dito. Pero sanay na ako sa sexy na pananamit nito kaya hindi ko na lang pinansin. Isa pa birthday nito kaya ayaw kong maging kj. It’s her fashion at bagay naman dito, hindi naman masagwang tingnan dahil magaling ito magdala.

“Alam mo naman ‘yung kambal, kailangan munang pakiusapan,” paliwanag ko at lumapit dito.

“Tulog na ba?” Tumango lang ako bilang sagot. ”Okay, tara na. Almost eight na,” yaya nito at tumayo na. Nauna na itong lumakad palabas ng bahay kaya sumunod na lang ako.

Wala naman itong kotse kaya ang second hand na Kia Picanto ko ang sasakyan namin. Hindi naman halatang second hand ang mumurahing kotse ko dahil alagang-alaga ko ito.

“Hanggang 10-11 pm lang tayo,” saad ko ng magsimula nang magmaneho.

“Excuse me?” Nakataas ang kilay nito habang mataray na nakatingin sa akin nang lingunin ko siya. “Hindi na tayo teenager na may curfew. Saka sabado naman bukas, kaya okay lang magpuyat. Minsan lang ’to kaya h’wag kang killjoy. Isa pa, tandaan mo birthday ko kaya pagbigyan mo na ako,” nagmamakaawang wika nito ngunit hindi ako sang-ayon sa gusto nito.

Magbabar kami pero hindi magpapawalwal ng husto. Mahirap nang magpakalasing sa panahon ngayon, marami ng taong mapagsamantala sa kapwa nila lalo na kapag may alak ng laman ang utak. Isa pa may mga anak akong naghihintay sa pag-uwi ko.

“Paalala lang may mga anak ako kaya kahit sabado bukas busy pa rin ako,” depensa ko habang sa daan nakatutok ang tingin.

“Alam ko, kung may huwarang ina award siguro sure ako naiuwi mo na. Pero kaya nga rarampa tayo ngayong gabi para humanap ng tatay ng cute kong mga inaanak,” nakangising saad nito na ikina-iling ko ng husto. Minsan talaga tagilid ang takbo ng utak nito.

Pinanlakihan ko ito ng mga mata. “Tantanan mo ako. Hindi ko kailangang humanap ng magiging ama ng mga anak ko. Isa pa hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Sapat na ang kambal,” seryosong saad ko habang patuloy pa ring nagmamaneho.

Kaya nga ako napadpad sa San Antonio dahil nagtatago siya sa mga lalaking naging dahilan ng pagdurusa at kasalanan niya. Natuto na ako at hindi na ulit magpapakatanga.

Kaya kong buhaying mag-isa ang anak ko, hindi ko kailangan ng lalaking magiging sakit lang sa ulo sa huli.

“Hindi ka naghahanap ng ama para sa mga anak mo. Eh, sila ba?” tanong ni Margarita na bahagya kong ikinatahimik.

“Basta, mag-a-unwind lang tayo. Walang boy hunting na mangyayari,” pag-iiba ko ng usapan na ikinasimagot nito.

“Hays, napaka-killjoy mo talaga.” Iiling-iling pa si Maragarita na parang sinasabi na wala na akong pag-asa pang magbago.

Madami ng tao nang makarating kami sa bagong bar. Bagong bukas lang ito kaya kinukuyog pa ng marami. Ganoon naman talaga sa probinsya may mga negosyong sa una lang malakas. Pero kapag magaling ka naman magmanage talagang papatok.

Sabay kaming pumasok ni Margarita sa loob ng bar. Kulang na lang ay maubo ako sa iba’t ibang usok na nalalanghap ko mula sa vape ng ilang customer. Hindi pa man ako nakaka-inom ng kahit anong alak pero umiikot na ang paningin ko dahil sa mga nagkikislapang iba’t ibang kulay ng ilaw. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong lugar. Ito pa lang ang ikalawang beses na nagtungo ako sa bar, noong unang beses ay nang sinama ako ni Michelle pitong taon na ang nakakaraan.

Hindi naman ako mahilig gumimik kahit noon pa kaya hindi ako sanay sa mga lugar na gaya nito.

Nakipagsiksikan kami ni Margarita hanggang sa makarating sa front bar.

“Two Margarita, please,” nagpapa-cute na agad na saad ni Margarita sa bartender. “Let us get wasted tonight.” Then she winked at me.

Unang tikim ko pa lang ay napapikit na ako ng husto sa pait na nalasahan ko. Hindi talaga masarap ang alak pero nakapagtataka na marami ang gustong-gustong uminom nito.

Patikim-tikim lang ang pag-inom ko dahil hindi talaga ako sanay uminom. Hindi gaya ni Margarita na ginawang tubig ang alak. Daig pa nito ang broken hearted kung makalaklak. Sunod-sunod ang pag-inom nito.

“Hinay-hinay lang, hindi ka mauubusan,” saway ko dito pero inikutan lang niya ako ng mga mata.

“Ano ka ba? Minsan lang ’to. We are here to have fun kaya bawasan mo muna pagiging kj mo. Bar po ito, hindi kumbento” ani nito at inabutan ako ng panibagong baso ng alak. “Birthday ko ngayon kaya sasamantalahin ko na ang pag-inom ko dahil bukas huwarang anak na naman ako.”

Hindi naman ako banal gaya ng iniisip nito. Baka nga mas makasalanan pa ako dito.

“Huwarang anak ka naman talaga. You are a good daughter.”

“And a good provider too,” anito at mapaklang tumawa.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong ko dito.

Ito kasi ang sumusuporta sa buong pamilya nito. May trabaho ang ama nito pero maliit lang ang kita sa pagmamaneho ng dyip kaya madalas si Margarita ang sumasalo ng lahat ng gastusin. Alam ko ang bagay na iyon dahil madalas humihiram ito ng pera sa akin upang ipandagdag sa tuition ng mga kapatid nito.

Minsan nga napapabayaan na nito ang sarili dahil mas inuuna ang pamilya. Kaya nang yayain ako nitong magsaya sa unang pagkakataon pumayag na ako dahil alam kong kinabukasan balik na naman ito sa pagiging masigasig nito.

Nagtatrabaho ito sa botique na pag-aari ko at nagluluto rin ng mga pang-ulam na benebenta nito at kung ano-ano pang pagkakakitaan ang pinagkakaabalahan nito. Raketera ito.

“I am not okay but I have to be okay. Maraming umaasa sa akin kaya kahit mahirap na, kahit pagod na pagod na ako, kailangan kong maging okay. Today is my birthday pero kaysa pagbati, sumbat pa ang naririnig ko.” Hindi na nito napigilan ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata nito. Marahan kong hinagod ang likod nito habang nakayuko itong umiiyak. Hindi ko alam kung papaano pagagaanin ang nakakaramdaman nito, alam kong nahihirapan ito pero waa akong magawa.

“Wala ako sa kalagayan mo pero naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Basta tandaan mo if you need help, nandito lang ako. Kung gusto mo ng balikat na masasandalan, nandito lang ako.”

She suddenly hugged me. “Masaya talaga ako na nakilala kita. Kahit may pagka-killjoy ka, lagi kang nandiyan para sa akin.”

I hugged her back. “Of course, I am your friend.”

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa

akin. Pinahid nito ang mga luha at ngumiti na parang walang nangyari. “Tama na ang drama. Let’s dance!”

“No, ayoko,” tanggi ko habang bahagya pang iwinagayway ang kamay ngunit hindi niya ako pinakinggan at biglaang hinila papunta sa dance floor.

Todo sayaw si Margarita na tila ba nakawala sa hawla habang nakatayo lang naman ako sa gitna at pinapanood ito. Hindi ko talaga kayang sabayan ang pagkawild nito minsan pero hinahayaan ko na lang siya dahil madalang lang rin naman itong magsaya.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik ako sa kinauupuan namin kanina. Naupo na lamang ako habang sumisimsim ng alak at pinapanood itong nagsasaya sa dance floor.

Hindi ko namamalayan na napaparami na rin pala ang inom ko. Hindi ko napansin na ilang beses nang nagre-fill ang bartender sa hawak kong wine glass dahil abala ako sa pagbabantay sa kaibigan kong sumasayaw sa gitna ng dance floor. Hindi pa naman mataas ang tolerance ko sa alak. Nang iikot ko ang paningin sa buong lugar ay tila lumilindol ang paligid. Kapag tumingin naman ako sa sahig ay tila napakalalim nito. Bahagya kong ipinilig ang ulo ko upang ibalik ang aking sarili sa katinuan ngunit umiikot na talaga ang paningin ko. Hinanap ko si Margarita pero tila nagiging magkakamukha ang nakikita ko. Pinilit ko pa ring i-focus ang paningin ko pero umiikot na talaga ang paningin ko.

Tatayo na sana ako ngunit nanlalambot na ang aking mga tuhod. Muntikan na akong bumagsak sa semento mabuti na lang at may matitigas na brasong nakasalo sa akin.

‘Hmm, ang bango naman.’ Amoy mint. Pinagsisinghot ko pa ng paulit-ulit ang naamoy ko hanggang sa tumama ang ilong ko sa matigas na bagay.

Kinapa ko ang nabangga ng mukha ko. Damit pero may matigas sa loob nito. Ipinasok ko ang ang kamay ko sa loob ng damit. Tila may mga bato-bato akong nakakapa. Marahan ko itong dinama.

Nakarinig ako nang pagsinghap. “You’re drunk,” malamig na boses na ani ng lalaki nakasalo sa akin.

“No, I am not,” tanggi ko at umiling-iling. Inalis ko ang kamay sa loob ng damit niya. Tatayo sana ako ng tuwid pero napahawak ako sa mga braso nitong sumusuporta sa akin. Tila gusto na talagang bumigay ng mga binti ko.

“Then marry me,” saad nito na marahas kong ikinatingala upang tingnan ang mukha nito.

Malabo na ang paningin ko pero naaninag ko pa rin ang mala-adonis na mukha nito.

I touched his face, then giggled. “Marry you? You...” I pointed to the left part of his chest while leaning to the right part. “You're handsome, why not?”

iamAexyz

Hi? I am happy that you chose to click my story. Thanks for giving it a try, I hope you'll like it. Feedback will be highly appreciated. You can also try my other story if you want, Primo's Bride. Thank you so much! Love you~

| 25
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Gina Pulido
loveee your story.keep it up.
goodnovel comment avatar
Halipot Lontavo Lorena
nakakawala ng inip
goodnovel comment avatar
Arlet Casimiro
Am here ms. A una plang smooth yuhooo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 1.1

    I woke up with massive headaches. Parang minamartilyo ang ulo ko sa sobrang sakit. Ilang segundo ko munang itinuon ang tingin sa kisame bago ko inilibot ang aking mga mata sa paligid. Bigla akong napakunot ng noo nang mapansing iba ang desinsyo ng paligid. Hindi ito ang kwarto ko, wala ako sa sariling kwarto ko dahil wala ang litrato ng kambal sa lamesa kalapit ng kama ko. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ngunit tuluyang nanlaki ang mata ko nang magawi ang tingin ko sa lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi.Nakatagilid ito, habang nakaharap sa gawi ko. Lantad din sa mga mata ko ang malapad na likod nito dahil wala itong damit pang- itaas. Napatingin ako sa mukha nito. He’s handsome. Para itong anghel na payapang natutulog. Pero hindi iyon ang ikinabahala ko.I know him.Tuluyan ng kumabog ang dibdib ko. Parang gusto kong maglaho o kaya bumuka na lang sana ang kinhihigaan ko at lamunin ako.Kilala ko ang lalaking nasa tabi ko. Kilalang-kilalang. Ang taong hinihiling kong

    Last Updated : 2021-11-18
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 1.2

    1. 2Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong tinawagang muli si Margarita.Mabilis namang sumagot ang huli.“Hello, hindi pa ako tapos magsalita kanina pinagbabaan mo na ako,” bungad agad nito. Tila nayayamot sa ginawa niyang biglaang pagbaba mg tawag kanina.“I need you to find my car,” walang paligoy-ligoy na pahayag ko.“Huh? Bakit? Hindi mo ba sinakyan iyon pauwi kagabi?”“No. Something happened last night.”“Ano? H'wag mo nga akong binibitin,” reklamo nito sa kabilang linya.“Hindi ako nakauwi. Basta mahabang kwento. Sa ngayon dadalhin ko muna ang kambal sa mall para bumawi dahil mukhang nagtatapo sila,” paliwanag ko kay Margarita. “Teka, isa-isa nga lang. Hindi ka nakauwi? Kung ganoon saan ka nagpunta? Ano ba talaga ang nangyari pinapakaba mo ako, babae,” sunod- sunod na tanong nito, halata sa boses nito ang pagka-inip at pag-aalala.“Hanapin mo muna ang ang kotse ko. Baka nasa bar. Ewan, hindi ako sigurado. Basta, iiwan ko kay Nerma ang susi, ikaw na ang bahala. Saka na ako magku

    Last Updated : 2021-11-18
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 2

    DWAYNEThe constant knock on the door and the ringing of my phone woke me up. I open my eyes lazily and look at my phone. Cohen's calling. This is the first time I've had a good night's sleep in a long time, but it was disrupted by him.I get up on the bed, irritably. When I looked around, I noticed my clothes on the floor. What happened last night flashes in my mind.I move my gaze around the room. Someone has fled, but she will not be able to hide from me. I can't stop smiling.I put on my boxers and opened the door. This is Cohen. He hung up on the call, which I didn't even bother answering, and put his phone in his pocket."Bro, it's already nine o'clock in the morning. Remember, you need to go back to Manila to meet with a new investor," he said as he entered my room. He looked at me after noticing my unkempt bed and my clothes, which were still strewn across the floor. "Oh, you seemed to have partied with someone last night."He gave me a sly grin, but I just smirked."Where is s

    Last Updated : 2021-12-01
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 2.1

    2. 1“What?! Paki-ulit nga. Nabingi yata ako.” Kinalikot pa nito ang tenga.“Hindi ko na uulitin,” nakalabing saad ko habang nakayuko.Problemado ako dahil sa nangyari, pero hindi ko maiwasang mag-init ang mukha ko tuwing naalala ko iyon.“Iyong nangyari sa inyo o ’yong sinabi mo?” Muli akong napatingin sa kanya. Malaki ang mga ngisi nito habang malisyosang nakatingin sa akin.“Margarita!” napipikon nang saad ko. “Okay, seryoso na. Ibig mong sabihin ang lalaking nagdala sayo sa paraiso kagabi ay ang tatay ng kambal mo?”“Tinagalog mo lang ang sinabi ko. Saka anong paraiso ang pinagsasabi mo?”Paraiso? Eh, wala nga akong matandaan sa buong pangyayari.“Rebecca, my dear. That's destiny. Akalain mo sa dami-daming lalaki sa mundo sa ama pa ng kambal mo ikaw muling sumuko.”Nag-aalalang napatingin ako sa sala kung nasaan ang kambal dahil sa medyo may kalakasang boses ni Margarita. “Hinaan mo nga ang boses mo, baka marinig ka ng kambal. And it's not destiny but a stupidity. Sa dinami-rami

    Last Updated : 2021-12-02
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 3

    It's already seven in the evening. Matapos kumain sa bahay nina tita Cordelia ay umuwi na rin agad ako. Wala pang tao sa bahay maliban sa mga katulong na abala sa mga gawain nila.Siguro may dinaluhan na namang event or dinner meeting si Dad, may sariling condo naman na si ate Sophia kaya madalang na siyang umuwi sa mansion habang palagi namang wala si Kuya Lexus. Kaya madalas ako lang talaga ang naiiwan sa bahay kasama ng mga katulong.Dumiretso ako sa kwarto ko at marahas na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Humiga ako habang nakasayad ang mga paa sa sahig. Nakakapagod.Pipikit na sana ako nang bigla kong maalaala ang regalo sa akin ni tita Cordelia. Dali-dali kong kinuha ang bag ko.Maliit lang ang kahon, siguro singsing o hikaw ang laman nito. Madalas kasi alahas ang regalong natatanggap ko buhat sa kanya.Binuksan ko ang kahon ngunit hindi alahas ang laman nito kundi susi. Susi ng kotse. Napasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Excited akong bumaba sa kama at tumakbo papuntang g

    Last Updated : 2021-12-03
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 3.1

    My father congratulated me. It’s the first time. Sapat na iyon sa’kin. Hindi man siya nakapunta sa graduation ceremony ko, ikinagalak pa rin ng puso ko na binati niya ako.Siguro para sa iba mababaw ang kaligayahan ko, pero iyon ang unang beses na binati ako ni Dad. Kahit birthday ko hindi niya ako binabati. Kahit sa mga naging achievements ko sa school, mula noong bata pa ako, never niya akong binati. Ibig sabihin lang, na-acknowledge niya ang nataggap ko sa pagtatapos ko ngayon kahit na hindi ko naabot ang expectations niya. Kahit na cum laude lang ako at hindi summa cum laude. Sensitive lang siguro akong masyado, kaya nagdamdam ako ng husto kanina. Pinahid ko ang luha ko at tumayo na upang bumalik sa aking kwarto. Magaan na ang pakiramdam ko.Alas otso pa lang naman ng gabi kaya pupuntahan ko muna si Roy. Ang balak ko sana ay bukas ko siya pupuntahan upang yayaing lumabas kami, pero susundin ko na lang ang gusto ni dad na pumasok na agad ako sa kompanya. Papatunayan ko ang sarili k

    Last Updated : 2021-12-03
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 4

    Sinapo ko ang masakit kong anit at ulo, maging ang kamay ko ay masakit din. Namumula mula pa ito ng tingnan ko pero hindi ko maiwasang mapangiti. Ngayon ko lang natuklasang may marahas pala akong side. Dahil sa unang pagkakataon nagawa kong manakit ng pisikal sa sobrang galit at upang ipagtanggol na rin ang aking sarili. Madalas mahinahon ako pero sa nasaksihan ko nawaglit lahat ng pasensyang inipon ko. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko magpupuyos sa galit. Inayos ko ang nagulong buhok ko dahil sa pagkakasabunot ni Roy habang sakay ako ng elevator. Hindi ako makapaniwala, nagawa niya akong saktan, physically and emotionally.Roy deserved my punch and kick. Kulang pa nga iyon kumpara sa sakit na naidulot niya sa akin. Inunawa ko siya ng paulit-ulit dahil abala kuno siya sa negosyo ng pamilya niya pero wala akong kaalam-alam na niloloko n’ya lang pala ako. Na iba pala ang pinagkakaabalahan niya. Pinagmukha niya akong tanga.Pinipigilan kong umiyak. Hindi niya deserve ang luha ko. K

    Last Updated : 2021-12-04
  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 5

    I was about to hug my pillow ngunit napakunot ang noo ko, matigas na bagay ang nadama ng kanang kamay ko. Kinapa ko itong muli at tuluyan nang nagising ang diwa ko, this is not my pillow. Ramdam ko rin ang init na nagmumula sa bagay na kalapit ko. Kaya napakunot ang noo ko bago ko minulat ang aking mga mata pero muli akong napapikit ng mariin. There is a guy beside me. Hindi ko makita kung sino siya dahil sa kabilang side nakaharap ang mukha niya. Pero ang magising na may katabing lalaki ay tila lalong nagpasakit sa ulo ko.Nang mag-sink in sa akin ang sitwasyon ay mabilis akong napabangon. Ngunit pakislot ako ng maramdam ko ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita. And it hit me, the pain between my legs is the proof that I lost my virginity. Napanganga ako ng tingnan ko ang pang-ibabang bahagi ng aking katawan. I am naked. Nang magawi ang mata ko sa kama ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nahawi na ang kumot na nakatakip sa lalaking nakadapa sa kama at kitang-kitang ko ang ma

    Last Updated : 2021-12-06

Latest chapter

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    The end.

    “Kinakabahan ka ba?” mapang-asar na tanong ni Troy kay Dwayne na kanina pa tila hindi mapakali. Pakiramdam niya parang pinagpapawisan siya ng malamig kahit hindi naman mainit sa loob ng simbahan. “Hindi ba halata? Para ngang maiihi na siya sa kinatatayuan niya,” susog pa ni Cohen pagkatapos ay sabay na natawa ang dalawa. Halatang natutuwa ang ang mga ito sa nakikitang kaba sa mukha ng kaibigan. Gustong bigwasan ni Dwayne ang mga kaibigan na talagangay oras pa siyang asarin sa mismong araw ng kasal niya. Pero pagbibigyan niya ang mga ito ngayong araw. Masyado siyang masaya para maasar. Walang makakasira sa mood niya. “Dapat kasi pinagsuot mo ng helmet si Rebecca para hindi siya matauhan. Baka mamaya magising iyon sa katotohanan na baka sakit ng ulo lang pala abutin sa iyon dahil sa pagiging bugnutin mo,” nakangising saad ni Troy habang nakaakbay kay Dwayne at tinatapik tapik ang balikat nito. Siniko ito ni Dwayne sa asar. Dahilan para mapahawak ito sa tiyan. “Tantanan mo n

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 85

    Naging maayos nang muli any lahat. Pero hindi sa kulungan napunta si Sven kundi sa mental hospital. Tuluyan na itong nasiraan ng pag-iisip. Nalaman din namin na minsan na itong na-diagnos na may mental health problems pero dahil may per ito ay ginamit nito iyon para takpan ang record niya. Nakulong naman ang mga tauhan nito na siyang kumidnap sa akin. Si Michelle naman ay umalis na ng bansa. Nagka-roon siya ng offer sa France pero bago siya umalis ay nagkaayos na kaming dalawa. Pero iyong pagkakaibigan namin alam kong hindi na maibabalik pa sa dati gaya noon. Marami nang nangyari, siguro sapat na nagkapatawaran kaming dalawa. Nalaman ko rin na sex video tape pala niya ang hawak ni Sven. At ginawa nito iyong alas para mahawakan sa leeg si Michelle para sumunod sa mga utos niya. Si Cohen naman ay bumalik na naman ng San Isidro ayon kay Dwayne daig pa raw nito ang anino ni Margarita na laging nakabuntot sa kaibigan ko. I am back sketching in the garden bench. Wala ang kambal dahil na

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 84

    Dahan-dahan kung minulat any making mata. Kung noong nakaraan puro dilim lang ang nakikita ko nang magising ako, ngayon naman ay puro puti.Napangiti ako nang makita ko si Dwayne na nakaupo sa tabi ko habang nakasubsob sa kamang kinahihigaan ko at hawak-hawak ang kamay ko.Nagising ito nang igalaw ko ang kamay ko.“Wife.” Mabilis niya akong niyakap. “Are you feeling okay now? Do you need something? Are you hungry?” sunod-sunod na tanong nito.“I am okay now.” Ngumiti ako sa kanya upang pakalmahin siya.“No, I'll call the doctor to check you,” saad nito. Mabilis itong lumabas ng kwarto at naiwan akong nakatanga.Mabilis naman itong bumalik kasam ang doctor.Chineck naman ako nang doctor gaya ng utos ni Dwayne.“She is okay now. Bawal lang siyang ma-stress masyado. I’ll give her some vitamins she needs to drink and it is much better if you you'll check her to ob-gyne.”“Ob-gyne? Y-you mean?” tanong ni Dwayne pero halata na sa mukha niya ang galak.“Congratulations.”Nakaalis na ang doct

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 83

    REBECCAMy head hurts when I woke up. Then I remember that someone hardly knocked me on my head.Pauwi na sana kami no Margarita can't may biglang humarang sa amin. Someone pointed us a guns, kaya wala akong choice kundi ang sumama.Akmang gagalaw na ako pero nakagapos ang mga kamay at paa ko. Habang nakaupo ako sa isang bangko. Inilibot ko ang mga mata ko pero wala akong makita kahit ano maliban sa madilim na paligid. Pakiramdam ko ay nasa isang kwarto ako. Biglang bumukas ang pinto kasabay nang pagkalat ng liwanag sa buong silid.Napakunod ang noo ko nang makita ang isang babae. She looks pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Pinagmasadan ko siyang mabuti habang papalapit sa akin. Nakatakong siya nang mataas kahit masyado na siyang matangkad. Nakasuot ito ng sexy na black dress na nasa kalahating hita lang ang haba. Maganda rin ito, medyo may pagka masculine nga lang ng kaunti ang mukha niya. At medyo mamasel ang bente at braso niya. Tuluyan nang napakunot ang

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 82

    “You are lying, right? It was just a joke, ” Troy said while he looks trembling. “I bath with him before and he.. he is gay?” “He is. He is trying to hide it that’s why keep my mouth shut, but I am not aware that he is...” Fvck I can not even say those words. Cohen looked at me. “That's why I want to talk to you a moment ago. I received the report. Sven is the mastermind of burning Rebecca's boutique. He is gay, and he is obsessed with you. The moment he found out you are married to her, he got furious and paid someone to burn the boutique.” I facepalm because of what I have heard. Those information are stresing me out. “So, it's not kidnapped for ransom. Rebecca is in danger now, ” Tito Ronaldo said. He look calm but I saw how he gripped his teeth.“I kept her secretly guarded when she is in San Isidro. And when she married you, I thought I can finally be at ease because there is someone who will look after her. I should not let my guard off.” Yeah, it was my fault. I am the one

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 81

    REBECCA Happy. I am happy. Pakiramdam ko wala nang makakasira sa sayang nararamdaman ko. Malinaw na sa akin ang lahat. Narinig ko na rin ang magic words mula kay Dwayne at mula nang sabihin niya iyon sa akin, inaraw-araw na niya ang kaka- I love you. Pakiramdam ko nga para akong teenager na laging kinikilig dahil sa kan’ya. Maayos na ang pamilya ko. Kahit si kuya Lexus ay pinapansin na rin ako kahit papaano, pero alam ko darating ang araw na mawawala na distansyang nararamdaman namin sa isa’t isa. Close na close na nga sina Dad at ang ama ni Dwayne. Dati na pala silang magkakilala kaya magkasundong-magkasundo sila. Habang ang kambal naman ay mas lalong na-spoil dahil sa mga taong nasa paligid nila. Kulang na lang yata mapuno ng laruan at libro ang kwarto nila. Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa ko. I am now busy sketching. I am starting to build a new boutique. I'll try to restore Psyche and this time with the support of my family and husband. On the way na ang construction

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 80

    Matapos kong palitan ng pantulog ang kambal ay si Dwayne naman ang nagpatulog sa mga ito. Dati ako ang gumagawa noon pero mula nang tumira kami dito sa bahay ni Dwayne ay nagpakatatay na siya nang husto sa mga kambal at talagang hindi niya iniiwan ang mga ito hangga't hindi siguradong maayos na ang mga tulog ng mga ito. Sigurado naman akong mabilis na makakatulog ang kambal ngayon dahil maghapon silang naglaro kasama ang mga kaibigan ni Dwayne.Bumalik naman ako sa kwarto namin.Nanghihinang naupo ako sa kama nang makapasok ako.Napatingin ako sa side table kung nasaan ang family picture namin. Mukha kaming masayang pamilya sa larawan. Ito iyong pamilyang iniingatan ko pero hindi ko alam kung totoo ba talaga ang lahat. Masaya naman kami pero binabagabag pa rin ako dahil sa mga nangyari kanina.“Wife,” ani ni Dwayne nang makita niya ako. Ibinalik ko ang picture frame na hawak ko sa side table at tumingin sa kanya.“Wife?” ulit ko sa sinabi niya. Kumunot ang noo nito at pinakatitigan

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 79

    REBECCAMabilis akong bumaba ng sasakyan. Mabuti na lang at nakarating ako ng maayos sa bahay sa kabila ng magulong isipan ko.Wala nang naglalangay sa pool nang magtungo ako doon. Nagtungo ako at sa second floor at nasa hagdan pa lang ako ay rinig ko na ang halakhalk ng kambal. Papasok na sana ako sa kwarto kung nasaan sila nang lumabas mula roon si Sven na magulo ang buhok, nasa playroom sila at mukhang naglalaro sila ng mga anak ko.“Reb, you are here?” Mukhang nagulat pa ito namg makita ako.“This is my house,” sagot ko. I don't want to sound rude pero wala talaga ako sa mood ngayon. Napansin kung tumaas ang kilay niya pero mabilis lang iyon at ngumiti rin ito.“What I mean, Dwayne hurriedly went our to follow you. He said you went to Michelle and he’s worried.”“Why would he be worried?” Hindi agad ito pero ramdam ko ang titig nito na para bang inaarok ang isip ko. “I am asking you, Sven. Bakit naman mag-aalala si Dwayne kung magpunta ako sa bahay ng kaibigan ko?”Sinalubong ko

  • The Twin Mistake with Mr. CEO    Kabanata 78

    DWAYNEMy brows furrowed when I can’t see my wife. I was busy playing with the twins that's why I didn't notice her presence. I thought she is just in the kitchen preparing for our meal, but I didn't see her. I went to our room, but she was not also there. “Did you see, Reb?” I asked our maid who is carrying an empty laundry bag.“Opo, nagpaalam po siya na pupunta kay Ma’am Mich dahil may sakit daw po ito. Mukhang nagmamadali nga po,” she politely answered.I just nod my head to dismiss her.I tried to call her, but she didn't answer me. I don't know, but I am worried about her. Most of the time she always tells me where she is going, but now she left without saying anything. Is she extremely worried about her best friend, that's why she went to her without informing me? I am more worried about her right now.I went back outside. The twins are still playing with Troy while Sven is now busy with his phone.“Sven,” I called his attention. He looked at me. “Can the two of you take ca

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status