Share

Chapter 5

Author: Ajai_Kim
last update Last Updated: 2023-10-21 12:47:59

Adi's POV

Sa mga sumunod na araw ay naging payapa naman ang buhay ko. Hindi ako ginugulo ni Leigh kahit alam kong nandito pa rin siya sa Pilipinas, pero hindi pa rin panatag ang loob ko, naaalala ko ang huling sinabi niya sa akin na kukunin niya kami ni Blair. Hindi ako makakapayag roon at kahit kailan ay hindi na ako babalik sa kanya.

Nang malaman ni Kuya Hideyo na nagpunta sina Leigh at Laarni sa bahay ay hatid-sundo na niya ako sa trabaho ko. Minsan kapag may oras si Nikolai ay siya rin ang naghahatid-sundo sa akin. Alam kong pinoprotektahan lang nila ako at baka bigla na lang sumulpot kung saan si Leigh at dukutin ako.

Ang lalakeng iyon talaga! Wala ba siyang katiting na konsensyang nararamdaman matapos niya akong iwanan at itanggi si Blair bilang anak niya? Sinabi nga niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ko iyon ginawa. Kung umakto siya ngayon ay parang wala siyang naging kasalanan sa amin. Limang taon ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Wala na talagang pag-asa ang isang iyon!

"Hindi ako mag-oovertime sa trabaho ko mamaya. Susunduin kita dito pagkatapos ng duty mo." paalala ni Kuya Hideyo nang nasa tapat na kami ng Supermarket na pinagtatrabauhan ko.

Hinalikan muna niya ako sa noo bago ako tumango. "Mag-iingat ka, kuya." bilin ko ko. Ngumiti siya sa akin at pagkatapos ay umalis na siya.

Napansin ko ang iilang taong nakikiusyoso sa amin sa labas at kabilang na doon ang tatlong matatangkad at nag-gagwapuhang triplets na nakatayo sa tabi ng nakaparadang kotse nila sa parking lot.

Seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha habang nakatitig sa akin, ako naman ay kaagad umiwas ng tingin. Hindi ko matagalan ang pagtitig nila dahil sa nakaka-intimidate nilang mga awra.

Marahil ay nagpark lang ang mga ito sa parking lot ng Supermarket dahil mukha namang hindi pa sila nakakapasok sa loob. Alas-siyete pa lang ng umaga at kakaunti pa ang mga taong dumarating sa Supermarket para mamili.

Inayos ko ang dala kong bag at pumasok sa loob ng Supermarket. Hindi ko maiwasang isipin ulit ang gwapong mukha ng triplets na iyon lalo na iyong lalakeng may kulay blue-grey na mga mata.

Ipinilig ko ang ulo ko at inayos ang sarili. Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Iska at Jiro maging pati si Jose at ang iba pa naming mga katrabaho. Bandang 7:30 a.m ay nag-umpisa na kaming magtrabaho nang may padating ng mga customer at kabilang na ang triplets na pumasok sa loob.

Nakarinig ako ng pagtili mula kila Iska at sa iba pa naming mga katrabahong babae na nasa cashier counter nang mapansin nila ang triplets.

"Hala? Ang popogi naman ng triplets na 'yan! Mga artista ba 'yan? Bakit parang ngayon ko lang sila nakita dito?" kinikilig na bulong sa akin ni Iska nang pumasok ang triplets sa grocery haul at mukhang may hinahanap.

Nahuli ko pa ang iba naming mga katrabahong babae na pasimpleng kinukuhanan ng litrato ang triplets. Kapag nahuli talaga sila ng manager namin sa ginagawa nila ay siguradong mapapagalitan sila.

"Baka hindi sila taga-rito at dayo lang." sabi ko naman.

"Girl! Nakatingin sila sa atin! Kinikilig ako my goodness!" halos mangisay na si Iska sa kilig habang sinasabi ito.

Nang tinignan ko ang triplets ay nahuli kong nakatingin sila sa direksyon namin at mukhang ako ang tinitignan nila.

Ano kayang problema ng mga 'to? Kahit mga gwapo sila at may yummy na pangangatawan ay nakakatakot pa rin na tinitignan o tititigan ka ng mga taong ngayon mo lang nakita.

"H-hayaan mo na nga 'yang mga 'yan. Magtrabaho na tayo at may paparating ng customer." sagot ko kay Iska at nang dumating ang isang customer na may hawak na basket ng grocery ay inasikaso ko na ito.

Dumami na ang mga customer na namimili kaya naging abala na ako sa pagtatrabaho maging pati n si Iska. Hindi ko na rin inalala pa iyong triplets at mukhang wala na rin sila.

Mga bandang alas dose ng tanghali nang mag-lunch break kami. Kaagad kaming pumwesto nina Iska at Jiro sa isang table sa Cafeteria at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita ang triplets sa kabilang table na busy sa pagkain ng burger habang nakatingin ang mga ito sa direksyon namin. Iyong dalawa sa tatlong triplets na lang pala ang nakatingin sa akin dahil iyong isa ay parang iniiwas ang tingin at tahimik na lang na kumakain ng burger na hawak nito.

Napansin sila ni Iska kaya tumili ito ng mahina. "Nandito pa pala sila? Kung sinuswerte ka nga naman, oh! May magandang view tayo ngayon habang kakain ng lunch." nakangising sabi niya. Umiling si Jiro.

"Tsk! Mas gwapo pa ako sa mga 'yan, e. Mukhang mayayaman lang sila pero kaya ko pa ring tapatan 'yang mga 'yan pagdating sa pagwapuhan!" pagmamayabang ni Jiro na ikinaikot ng mga mata ni Iska.

"Yuck, Jiro! Keep dreaming!" nang-aasar na sabi ni Iska na ikinatawa na lang namin ni Jiro.

Si Jiro na ang umorder ng lunch namin at nagbigay na lang kami ni Iska ng pambayad sa kanya. Tatlong set ng menudo, kanin, lumpiang ubod at softdrinks ang inorder niya para sa aming tatlo. Nagkwentuhan lang sila habang kumakain kami at ako naman ay tahimik lang. Ilang na ilang ako sa triplets na nasa kabilang table dahil ramdam ko na nakatingin sila sa akin. Ginawa ko ang lahat para iignora sila hanggang sa matapos kaming kumain nina Iska at Jiro at muling bumalik sa mga trabaho namin.

Ginugol ko ang oras at atensyon ko sa pagtatrabaho hanggang sa mag-alas siyete ng gabi at natapos na ang duty ko. Hindi ko na nakita pa iyong mga gwapong triplets at siguradong nakaalis na ang mga iyon. Nagtext si Kuya Hideyo at sinabi niyang malapit na siya sa Supermarket para sunduin ako. Kakatapos lang rin ng trabaho nito at kaagad siyang didiretso sa Supermarket.

Nasa labas na ako ng Supermarket at hinihintay si Kuya Hideyo. Nakaalis na sina Iska at Jiro nang masigurado nilang nauna nang umalis si Jose para hindi na ako nito malapitan pero nagkakamali ako dahil hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Jose habang nakangiti ito at nakapamulsa.

"Hinihintay mo 'yung sundo mo?" tanong niya.

May kaba mang nararamdaman dahil kaharap ko na naman siya ay tumango ako at sumagot. "Oo. Parating na rin siya." sabi ko.

"Boyfriend mo?" nang-uusisa niyang tanong.

"Oo." sagot ko para tigilan na niya ako. Kaunti na lang talaga at baka masabunutan ko na siya nang dahil sa inis ko.

"Mabuti at pumayag siyang maging step-father ng anak mo pero pakiramdam ko ay ayaw niya sa anak mo dahil hindi naman niya 'yon tunay na anak at kunwari lang na tanggap niya dahil sa'yo." malisyosong saad ni Jose kaya hindi ko na napigilan ang inis ko.

"Ang judgemental mo rin, ano? Jose, baka nakakalimutan mong katrabaho lang kita at wala kang pakialam sa buhay ko? Lumayo ka nga sa 'kin dahil hindi tayo close!" pagtataboy ko sa kanya na mahina niyang ikinatawa.

"Adi, obvious naman siguro sa'yong type kita pero alam kong iniiwasan mo ako. Bakit? Naniniwala ka ba sa sinasabi ng mga katrabaho natin na playboy ako at maloko? Seryoso ako sa'yo, Adi at sana-"

"Adi!"

Laking pasasalamat ko nang biglang dumating si Kuya Hideyo at kaagad niya akong nilapitan. Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya at nginitian siya.

"Honey, uwi na tayo?" malambing kong sabi kay Kuya Hideyo na ikinagulat niya.

Nang palihim ko siyang pinandilatan ng mga mata ay kaagad niyang nakuha ang punto ko at saka ito ngumiti kay Jose na biglang sumama ang timpla ng mukha nang makita si Kuya Hideyo.

"Katrabaho ka ba ng girlfriend ko? Ako nga pala si Hideyo, boyfriend niya." Pagpapakilala ni Kuya Hideyo kay Jose na sinamaan siya ng tingin at bigla na lang nagwalk-out. Doon lang ako nakahinga nang maluwag at binitawan ang braso ni kuya.

"Kinukulit ka ba ng lalakeng 'yon?" tanong ni kuya habang nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa mall na nasa tapat ng Supermarket at para bilhan ng pasalubong sila Blair.

"Oo, kuya at mabuti na lang na dumating ka na kundi ay baka nasabunutan ko na ang lalakeng 'yon dahil sa inis ko sa kanya!" sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.

"Kaya tama lang na ihatid-sundo kita dito sa pinagtatrabauhan mo. Delikado at baka guluhin ka rin ulit ng Leigh na 'yon." nag-aalalang sabi ni Kuya Hideyo.

"Salamat, kuya..." nakangiti kong sabi.

"Wala 'yon, Adi. Kapatid kita kaya dapat lang na protektahan kita laban sa mga siraulong lalake na nasa paligid mo." nakangiti rin niyang sabi na ikinatawa ko.

Bumili kami ni Kuya Hideyo ng ube roll cake sa Red Ribbon bilang pasalubong at siya na ang nagbayad nito. Siya na rin ang bumili at nagbayad ng Wintermelon milktea na para naman sa amin nila, Mama, Lola at Haru. Pagkatapos naming bumili ng pasalubong sa mall ay nag-abang kami ng jeep sa labas.

"Nililigawan ka ba ni Nikolai?" tanong ni Kuya Hideyo na ikinagulat ko.

"Ha? Hindi, ah. Magkaibigan lang kami ni Nikolai at saka hindi naman siya nanliligaw, no! Hindi kaya niya ako type," natatawa kong sagot.

Hindi na sumagot si Kuya Hideyo hanggang sa may humintong jeep sa harapan na patungo sa lugar namin kaya kaagad kaming sumakay rito. Ilang minuto rin ang biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Nakaparada na naman ang pulang kotse ni Leigh sa labas kaya alam kong nandito siya na ikinabahala ko.

Naunang pumasok si Kuya Hideyo sa loob ng bahay namin na sinundan ko. Naabutan namin na nakaupo sa sofa ng sala si Leigh habang karga si Blair sa kandungan niya. Kaagad kong kinuha si Blair sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" madiin kong tanong kay Leigh.

"Adi, dinalaw ko lang ang anak natin dahil kahit anong gawin mo kay anak ko pa rin siya-"

Nagulat na lang ako nang biglang lumapit si Kuya Hideyo kay Leigh at kwinelyuhan ito.

"Ang kapal talaga ng mukha mo para magpakita pa kay Adi at sa bata! Wala ka nang karapatan sa kanila dahil simula nang iniwan mo sila ay doon na nagtapos ang lahat sa inyo!" galit na sigaw ni Kuya Hideyo kay Leigh na nginisian siya.

Natatarantang lumabas mula sa loob ng kusina sila Mama, Lola at Haru at nagulat sa sigaw ni kuya.

"Hideyo, bumabawi lang ako sa mag-ina ko. I'm still Blair's biological father at kung tutuosin nga ay pwede ko siyang kunin sa inyo nang walang kahirap-hirap but I won't do that dahil mahal ko si Adi at ayoko namang ilayo siya kay Blair. Kung ayaw ninyong mawala sa inyo si Blair ay pakitunguhan n'yo ako ng maayos." nakangising sabi ni Leigh.

Doon ay unti-unting binitawan ni Kuya Hideyo si Leigh at bumuntonghininga ito.

Kilala niya rin si Leigh at lahat ng ibinabanta nito ay nagkakatotoo. Marahil ay natatakot si Kuya Hideyo na baka nga kunin sa amin ni Leigh si Blair sa pamamagitan ng pera at kapangyarihan ng pamilya nito.

"I know it's all my fault, and I want to make amends with Adi and Blair. Hindi ko naman kukunin sa inyo si Blair but don't take my responsibility as Blair's father. Kung pwede lang rin, pakisabihan naman si Nikolai na lumayo na sa mag-ina ko kung ayaw niyang ingudngod ko siya sa putikan. He's playing knight-in-shining armor for my family at nakakainis lang!" naiiritang sabi ni Leigh at muling umupo na parang hari sa sofa.

"Ano, Leigh? Pinapalayo mo sa amin si Nikolai? Siya ang nandyan sa tabi ko noong mga panahong ipinagbubuntis ko pa lang si Blair hanggang sa manganak ako kaya hindi pwede 'yang sinasabi mo!" madiin kong saad.

Kung makaasta siya ay akala niya na kung sino siyang batas na kapag gusto niya ay masusunod. Kaya niya pa ring kontrolin ang mga taong nasa paligid niya makuha lang ang gusto niya.

Umirap lang si Leigh at hindi na ito nagsalita. Itinuro niya sa akin ang mga paperbag na nakalapag sa gilid ng inuupuan niyang sofa na dala rin nila ni Laarni noong unang beses silang magpunta sa bahay.

"Take that stuffs. Para sa inyo 'yan at may mga laruan para kay Blair. Isipin mo na lang na bumabawi lang ako sa anak ko at karapatan niyang magkaroon ng magagandang damit at mga laruan." sabi ni Leigh bago pa man ako makapagreact sa sinabi niya.

Bumuntonghininga ako dahil wala na rin akong magagawa pa huwag lang niyang kunin sa akin ang anak ko.

"Daddy, laruan?"

Daddy?

Biglang nagpababa mula sa pagkakarga ko si Blair at tumakbo ito papunta kay Leigh. Kinandong ni Leigh si Blair sa hita niya at binuksan nito ang isang paperbag na may lamang laruang crocodile stuff toy at binigay ito kay Blair.

"Yes, this is for you, baby. Nagustuhan mo ba 'tong toys mo?" nakangiting tanong ni Leigh kay Blair na tinanguan nito.

"Opo. Salamat, daddy!" masayang saad ni Blair habang nilalaro ang hawak na crocodile stuff toy.

Hindi ko inaasahan na magkasundo na kaagad sina Leigh at Blair. Hindi maipagkakaila na mag-ama talaga sila dahil magkamukha sila at pareho ang kulay ng mga mata. Nangungulila na noon pa man sa kalinga ng ama si Blair na natagpuan niya kay Nikolai. Ngayong nakikita kong magkasama sina Leigh at Blair, kahit papaano'y masaya na rin ako para sa anak ko. Hindi man kami okay ng ama niya ay ayos na sa aking maibibigay ni Leigh ang lahat ng pangangailangan ni Blair habang lumalaki ito.

Iniwan na muna namin ng pamilya ko sa sala sina Leigh at Blair. Kinausap naman ako nina Mama at Lola nang magtungo kami sa loob ng kusina. Si Kuya Hideyo ay walang imik na nagpunta na sa loob ng kwarto nito. Katulad ko ay wala rin siyang magawa para maiwasan namin si Leigh.

"Anak, sana ay magkasundo na lang kayo ni Leigh alang-alang sa anak n'yo. Tama siya, kahit anong gawin natin ay ama pa rin siya ni Blair at responsibilidad niya ito. Kilala natin siya, maaari niyang kunin sa atin si Blair kung patuloy nating siyang ilalayo sa bata. Hindi ko kayang mawalay sa apo ko, anak..." umiiyak na sabi ni Mama habang pinapatahan ni Haru.

Pinag-isipan ko ang sinabi ni Mama. May punto siya. May galit man ako kay Leigh at kinasusuklaman ko siya dahil sa pag-abandona niya sa amin ni Blair ng limang taon ay kailangan ko siyang pakisamahan para na rin sa financial support ng anak ko. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral si Blair at hindi pa sapat ang kinikita ko sa trabaho para mapag-aral ko ito hanggang kolehiyo. Kailangan namin si Leigh para doon.

Muli akong bumalik sa sala at kinausap si Leigh tungkol sa plano namin kay Blair. Pumayag ako sa agreement niya na any time ay dadalawin niya sa bahay si Blair at pasasalubungan ito ng mga damit at laruan. Magbibigay rin siya ng sustento kada buwan at para na rin sa pag-aaral ni Blair ng kindergarten sa susunod na taon.

"Adi, I'm still in love with you. Pwede namang tumira kayo ni Blair sa bahay para-"

"Nakipagkasundo lang ako sa'yo para sa anak ko, Leigh at wala akong balak na makipagbalikan." pagsabat ko sa sasabihin pa niya. Hindi na nakapagsalita si Leigh at nagtiim-bagang na lang.

Isang oras ang tinagal niya sa bahay bago tuluyang umalis. Sinabi pa ni Blair kay Leigh na kaagad itong bumalik sa bahay para magdala ng maraming laruan para sa kanya. Nangako naman si Leigh na babalik siya na maraming dalang laruan.

Iniwan ko na sa sala sila Mama, Lola at Haru na kinakain ang pasalubong namin ni Kuya Hideyo para sa kanila. Si Blair ay patuloy pa ring nilalaro ang mga laruang dinala ni Leigh habang nakadapa sa sofa at sinusubuan ng cake ni Mama.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto namin ni Blair. Kaagad akong humiga sa kama at ipinikit ang mga mata ko.

Wala na akong magagawa. Kung ayaw kong malayo sa amin si Blair ay kailangan kong pakisamahan ng maayos si Leigh. Bigla ay lumitaw na naman sa isip ko ang mukha ng tatlong gwapong triplets na iyon.

Bakit ba bigla ko na naman silang naalala? Malaki ba ang gagampanan nila sa buhay ko kaya naiisip ko sila?

Sino ba sila para isipin ko nang ganito?

Related chapters

  • The Triplets Addiction   Chapter 6

    Ahnwar's POVIt's been 3 days pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tumitigil sa kakamasid kay Supermarket girl na nakakuha ng atensyon namin ni Ahzik. We noticed her the day we saw her outside the supermarket while her boyfriend or whoever the fucktard he is kissed her temple.Ahzik and I were captivated by her beauty and light aura. Sa loob ng tatlong araw naming kakamasid at kakasulyap sa kanya mula sa malayo ay nakikita namin na she exudes positivity and joy. Palagi siyang nakangiti. This enhances her beauty and cuteness."Seriously? Na-love at first sight kayo sa babaeng 'yan? You've met a lot of lovely women in this country tapos sa kanya lang kayo nagkakaganyan?" Ahmed said bitterly.He doesn't like the idea na nagiging creepy stalker na kami ni Supermarket girl na maganda, sexy, mahaba at straight ang itim na buhok, may mapupulang labi at nakakaakit na mga mata. Damn the hell! Yes. We've met a lot of pretty and gorgeous girls at our university and workplace, but this girl

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 7

    Adi's POVMabuti na sabado ngayon at rest day ko sa trabaho. Hindi ko muna makikita ang baliw na triplets na iyon na sinabi sa aking manliligaw raw sila (except kay masungit na Ahmed) at wala pang pakialam ang mga ito nung nalaman nilang may anak na ako.Seryoso ba sila? Ano iyon, na-love at first sight sila sa 'kin sa una pa lang? Totoo ba talaga ang ganoon? Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba nila ako o ano pero medyo naniniwala naman ako sa kanila na interesado sila sa akin. Sa ganda ko ba namang ito? Pero seryoso nga, hindi naman siguro sila mang-iistalk ng tatlong araw kung hindi sila nabihag sa alindog ko.Swerte ba ako dahil may tatlong nag-gagwapuhang triplets ang umaaligid sa akin- ay hindi pala dahil iyong isa sa triplets na may blue-grey na mga mata ay ang sungit at sinabing hindi niya ako type. Kung hindi niya ako type e, mas lalong hindi ko rin siya type, no! At sa tuwing naaalala ko ang ginawang paghalik sa magkabilang palad ko nina Ahnwar at Ahzik ay hindi ko mapig

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 8

    Adi's POVDahil birthday ngayon ng nakababatang kapatid nina Ahnwar at Ahzik na si Danielle ay niyaya nila kami ni Nikolai na maki-birthday sa bahay nila. Mukhang kaclose ni Nikolai ang dalawang boss niya dahil nag-uusap at nagtatawanan pa ang mga ito habang nasa loob kami ng kotse ni Ahnwar patungo sa bahay nila.Hindi alam ni Nikolai na nakilala ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa pinagtatrabauhan kong Supermarket kung saan niya ako ni-refer. At hindi ko rin alam na uncle pala ng triplets ang may-ari ng Supermarket kaya kilala nila si Nikolai at boss ang tawag ni Nikolai sa kanila.What a small world! Kilala ni Nikolai ang magkapatid sa triplets na sinabing liligawan daw ako and take note; hinalikan nila ang magkabilang palad ko dahilan para hindi ko na sila mai-alis sa isipan ko."I'm glad we saw you in that mall. Mabuti na lang at naisipan namin ni Ahzik na pumunta sa mall to bought gifts for Danielle's 14th birthday." nakangiting sabi ni Ahnwar kay Nikolai at sandaling sumulyap sa

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 9

    Adi's POVHindi ako halos makatingin ng diretso kina Nikolai, Kyrie, at Ahmed habang nasa iisang table kami kasama ang mga magulang ng triplets na sina Ma'am Rica at Sir Trevor maging pati na ang kadarating lang na mga ama ng iba pang kapatid ng triplets na sila Sir Zian, Wenhan, at Ran.Sinabi ni Ahnwar at Ahzik sa mga magulang niya na nililigawan nila ako. Hindi ko inaasahan na ayos lang iyon sa pamilya nila dahil nag-aalangan ako sa estado ng buhay ko kumpara sa estado ng buhay nila. Nakikita kong tanggap nila ako para sa mga anak nila. Tanggap rin nila kahit may anak na ako. Wala raw kaso sa kanila kung single mother ako. Talagang mabait ang pamilya ng triplets at hindi kami itinuturing na ibang tao nina Blair at Nikolai kahit na lumaki kami sa hirap at hindi mayaman na katulad nila.Kasama pa rin ni Blair sina Yesheem at Sahara. Kakatapos lang nilang maligo sa pool at ngayon ay nasa loob sila ng mansyon para ipakita at ipalaro kay Blair ang mga laruan nilang pinaglumaan noong mga

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 10

    Adi's POVIsang linggo ang nakalipas simula nang magpunta kami nina Blair at Nikolai sa mansyon ng Dela Vega Triplets para maki-celebrate sa birthday party ng kababata nilang kapatid na si Danielle at isang linggo na rin akong nililigawan nina Ahnwar at Ahzik. Hindi ko lmtalaga inaasahan na wala pang halos isang araw ay nakasundo na kaagad nila sila Mama Encar, Lola Andeng, Haru, at Kuya Hideyo.Yes mga beh! Pati ang panganay kong kapatid ay kasundo na sina Ahnwar at Ahzik at kahapon lang ay niyaya sila ni Kuya Hideyo na mag-inuman sa bakuran ng bahay namin. Paano kaya nangyari na nakuha nina Anhwar at Ahzik ang tiwala ng buong pamilya ko? Alam nila ang history ko kay Leigh pero bakit ngayon ay kulang na lang ay ipamigay nila ako sa dalawa sa triplets?Sa loob ng isang linggo ay walang inatupag sina Ahnwar at Ahzik kundi ang ligawan ako. Halos mapuno na ang loob ng kwarto namin ni Blair ng groceries, chocolates, at laruan ni Blair na ibinibigay sa amin.Kung magbibigay sila dapat ay g

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 11

    Adi's POV"I thought I was hallucinating; I thought you were in my dream, destroying my fantasy, but I'm not; I'm in reality, and I can't believe you're now in front of me..." Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko dahil naaalala ko pa rin ang sinabi ni Ahmed. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Lyrics rin ba iyon ng kanta? Pero bakit parang may laman iyon at may ibang kahulugan? Hindi ko na naitanong kung bakit niya sinabi iyon. Pagkatapos no'n ay kaagad siyang umalis at iniwan akong nagtataka.Ang weird talaga ng lalakeng iyon kahit kailan! Malayong-malayo ang personalidad niya kina Ahnwar at Ahzik na madaling basahin. Ni hindi ko pa nakita si Ahmed na ngumiti man lang. Bakit kaya siya naiiba sa dalawa niyang kapatid? May hindi ba siya magandang karanasan noong childhood niya kaya iba ang personalidad niya kumpara sa dalawa?Bakit ko nga ba pinoproblema si Ahmed? Ang dapat ko pa lang problemahin ay kung paano ko makakausap si Nikolai na obvious na iniiwasan ako. Mabuti na

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 12

    Adi's POV"How are you yesterday, baby?" tanong ni Ahnwar habang nagmamaneho papunta sa mansyon nila.Inimbitahan ako nina Ma'am Rica at Sir Trevor na magdinner sa kanila. Pagkatapos ng duty ko sa trabaho ay sinundo ako ni Ahnwar sa pinagtatrabauhan kong Supermarket. Wala si Ahzik dahil marami itong inaasikaso sa opisina niya at hindi makakasama sa dinner namin. Uuwi na lang raw ito kapag may bakanteng oras siya mamaya.Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "'Yong ex-boyfriend kong ama ni Blair, g-gusto niyang makipagbalikan sa 'kin, syempre at tinanggihan ko 'yon pero mapilit siya." pag-amin ko.Kailangan kong maging tapat kina Ahnwar at Ahzik at sabihing gusto ni Leigh na makipagbalikan. Sinabi ni Nikolai na kailangan ko iyong aminin sa magkapatid para tigilan na ako ni Leigh. Mayaman ang pamilya nila Leigh pero sigurado ako na mas mayaman at makapangyarihan ang pamilya nina Ahnwar at Ahzik.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Ahnwar at humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. "Is

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 13

    Ahzik's POV"Aso ka ba ni Kyrie kaya palagi ka na lang sunod ng sunod sa kanya?" tanong ko kay Ahmed at tinaasan siya ng kilay.Natigil siya sa pagtipa sa laptop niya dahil sa sinabi ko. I'm in his office right now at kakatapos lang ng board meeting ko kasama si Dad at ng ibang clients namin.Ahmed look at me with his infamous blank face. "What do you mean?" he asked.I crossed my arms and smirk. "Ahmed, you knew that Kyrie likes Jianna Adiel. We're courting Jianna pero 'yang bestfriend mo ay kulang na lang na magtransfrom bilang ampalaya dahil bitter siya. Can you at least talk to him and say na wala siyang pag-asa kay Jianna?" sabi ko.Recently lang namin nalaman ni Ahnwar na ang Adi na tinutukoy ni Kyrie na girlfriend daw niya at naging love at first sight ay ang Jianna pala namin ni Ahnwar. Ahmed is brutally honest at inamin niya iyon sa amin. Pinakiusapan niya pa kami na dapat i-consider namin ang nararamdaman ni Kyrie para hindi ito masaktan.Is he serious? Bakit namin gagawin i

    Last Updated : 2023-10-21

Latest chapter

  • The Triplets Addiction   Bonus Chapter

    This is a bonus Chapter for TTA's first installment Wished One, But Got Five. PINAGMAMASDAN ni Zian si Rica habang natutulog ito sa kaniyang tabi. Kapwa silang nakahubot-hubad dahil kakatapos lang nilang magtalik.Simula nang may unang mangyari sa kanilang anim ay hindi na nila tinantanan si Rica. Minsan ay anim silang nakikipagtalik at minsan ay sino-solo nila katulad ngayon na nasolo niya muna ito dahil abala sa trabaho sila Trevor, Wenhan at Ran samantalang si Essam ay umuwi sa Amerika para puntahan ang ama nito at tulungan sa business.Natigil si Zian sa pagtitig kay Rica nang makitang nag-vibrate ang cellphone nito sa bedside table. They are in her room at ilang oras na natapos silang magtalik.Kinuha niya ang cellphone ni Rica sa bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag.Si Maru.He clenched his teeth as he read this guy's name. Naalala pa rin ang eksenang nakita habang nakayakap ang lalakeng ito kay Rica at parehong magkatabi sa kama.Mas nainis at nagalit siya nang

  • The Triplets Addiction   The Triplets' Parents

    DALAWANG linggo ang lumipas ay nanatiling normal at payapa naman ang takbo ng buhay ni Rica at ng limang boyfriends niya na abala sa kani-kanilang mga trabaho.Kahit abala ang mga ito ay hindi pa rin nakakaligtaan ang kanilang boyfriend duties. Para makabawi ay napagpasyahan ng limang lalake na surpresahin si Rica sa restaurant ni Lolo Perry at yayain na makipag-date sa Amusement Park o sa kahit saang lugar na gusto nitong pasyalan.Sa restaurant naman ay kausap ni Rica si Maru at sinabi sa lalake ang pagpunta kasama si Trevor sa bahay nina Emily at Marlon.Sa nakita ni Rica ay mukhang hindi na apektado si Maru sa dalawa at tumatango lang ito sa sinasabi niya."I heard it from our maids. Ganoon naman talaga si Kuya Marlon, he can't treat his girls right after having sex with them." umiling si Maru."Hindi ka na ba nasasaktan dahil sa kanila?" maingat tanong ni Rica."No. I'd already move-on. Na-realized ko na tama lang na hindi kami nagtagal ni Emily. She used to love me, but it wasn'

  • The Triplets Addiction   The Triplets

    AHMED, AHNWAR, AHZIKIyan ang pangalan ng triplets nina Rica at ng asawa nitong si Trevor. Pitong taong gulang na ang triplets ngayon at lumaki ang mga ito na napakakisig na mga bata.Si Trevor ang ama ng triplets mula sa lumabas na DNA Paternity Test result na isinagawa nila siyam na taon na ang nakakalipas.Si Ahmed ang panganay dahil nauna itong lumabas nang ipinanganak ito ni Rica. Pangalawa namang lumabas si Ahnwar at ang panghuli ay si Ahzik.Magkakamukha man ang tatlong kambal ngunit iba-iba naman ang personalidad ng bawat isa sa mga ito.Si Ahmed ay tahimik na bata lamang. Mas ginugusto lang nitong magkulong sa loob ng kwarto at doon ay maglaro o 'di kaya'y magbasa ng libro. Masyado itong introvert na malayo sa personalidad nang sumunod dito na si Ahnwar.Si Anhwar ay maligalig, madaldal at masayahing bata. Madalas itong nakikipaglaro kay Ahzik sa labas ng bahay nila. Minsan nga ay ginagabi na ang mga ito sa kakalaro kaya todo sermon naman si Rica sa mga anak. Lumalaki kasing

  • The Triplets Addiction   Special Chapter

    Note: This special chapter is only exclusive here at Goodnovel and The Triplets Addiction book version.Ahmed's POVI keep glaring at the young boy in front of me. He's still harassing my daughter Blair at school, and this is the nth time we've been in the guidance office with his widowed father, who keeps staring secretly at my wife, Adi.We're in our thirties now, but Adi's beauty continues to captivate men. She doesn't look in thirties at all because she still looks very young for her age. I despise the fact that she appears to be in her mid-twenties. I'm still jealous when a guy looks at her with admiration, but I can't blame her for having such timeless beauty."I hate him, Dad Ahmed! He tried to kiss me earlier in the corridor, and his friends trapped me between them." umiiyak na sabi ng panganay kong anak na si Blair habang inaalo ni Adi.Mas lalong sumama ang tingin ko sa binatilyong nasa harapan namin. Maxton Rosell ang pangalan niya at simula nang mag-aral ng high school si

  • The Triplets Addiction   Extra Chapter

    Written by:TaraBatisTayoRiguel, adyyy_10Edited by: Ajai_KimADI'S POVFIRST DAY OF VACATIONHabang sinusubukan nang araw na ibaon ang sarili sa abot-tanaw, hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan ng natural na kalikasan.Natutuwa akong tumira sa probinsya dahil dito. Ang pagiging simple ng pamumuhay at hindi malilimutang sariwang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.Kahit hindi ka gumastos ng pera ay makakakain ka nang sapat. Ang mga gulay ay maaaring matagpuan lamang sa sariling likod-bahay, gayunpaman sa lungsod, lahat ng mga bilihin ay mahal na.Ang sarap ng simoy ng hangin sa probinsyang walang polusyon. Ang mga bukid ay 'kay ganda sa paningin. Ang huni ng ibon ay sadyang napakasarap sa pandinig. Napakasarap tumira sa lugar na mala Paraiso. Parang ayaw ko nang umalis at dito na lang manirahan nang panghabangbuhay. Simple lang ang pamumuhay pero ramdam na ang bawat pamilya ay masaya sa kanilang mga buhay.Ilang taon na noong ikinasal ako 'kila Ahmed, Ahnwar at Ahzik. A

  • The Triplets Addiction   Epilogue

    After 1 year.... Adi's POVNandito kami sa Luneta Park at masayang namamasyal kasama sila Blair, Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Habang hindi pa lumalaki ang tyan ko dahil ngayon ay buntis ako sa pangalawang anak ko na si Ahnwar naman ang ama ay sinusulit na namin ang makapamasyal at gumala. Bukas pala ay may online class rin ako kaya ito ang magandang panahon para mamasyal kaming lima.Isang linggo na akong buntis at nararamdaman ko na kaagad ang matinding pagod at pagkahapo kahit lang sa maliit na bagay na ikinikilos ko. Ganito rin ako noong ipinagbubuntis ko si Blair at medyo maselan ako kapag buntis kaya nga noon ay todo asikaso sa akin si Nikolai at ang pamilya ko para lang maging maayos ang kondisyon namin ni baby Blair.Napagpasyahan naming magpicnic sa Luneta Park at kakatapos lang naming magsimba. Nagdala na rin kami ng mga pagkain at mat na mauupuan namin sa grass ground nitong parke.Tinotopak ngayon si Blair kaya hindi ito umaalis sa pagkakakapit sa Dada Ahmed niya. Nagpapabili k

  • The Triplets Addiction   Chapter 40

    Adi's POVNandito ako sa pool area kasama sina Blair at Sahara habang nagsu-swimming sila. Ang kasama kong sina Haru at Eiselle naman ay abala sa pagkuha ng litatro sa dalawang bata.Matapos ang klase nila ay kaagad na silang dumiretso dito sa mansyon para raw bisitahin si Blair. Kasama rin sa pagsu-swimming kanina si Yesheem pero nang biglang dumating sina Haru at Eiselle ay nagpaalam na itong tapos na siyang maligo at gagawa nalang raw ng kaniyang homeworks sa loob ng kwarto niya."Ate Adi, pinapasabi pala nina Mama at Lola na pumunta raw kayo bukas sa bahay kasama sila Kuya Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Birthday ni Mama kaya inaasahan niyang pupunta kayo sa birthday celebration niya." sabi ni Haru habang winiwisikan nito ng tubig sina Blair at Sahara na natatawa naman sa ginagawa niya.Tumango ako. "Oo nga pala at birthday ni Mama bukas. Sige, pupunta kami. Sasabihin ko nalang 'yon sa triplets." sagot ko."Anong sikreto mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mukhang losyang, At

  • The Triplets Addiction   Chapter 39

    Ahmed's POVI want to erase his annoying smirk while he's in front of me. Hindi ko inaasahan na ganito pa ang magiging asal niya pagkatapos niyang pagsamantalahan ang sarili niyang kapatid. They are not biological siblings pero lumaki pa rin silang kapatid na ang turingan sa isa't-isa.Hideyo's true colors were now revealed at ang akala ko ay sila Leigh, Nikolai at Kyrie lang ang magiging ganito kay Adi but we need to expect the unexpected dahil sa huli ay si Hideyo pa ang magiging malaking dahilan para masira ang pamilya namin kasama sina Adi at Blair."Nakakangiti ka pa ng ganyan pagkatapos ng ginawa mo kay Adi?" mariin kong tanong kay Hideyo na mas lalong ngumisi sa sinabi ko."Anong gusto mong gawin ko, Ahmed? Pagsisihan ko 'yong nagawa ko kay Adi? Mahal ko siya at nagustuhan ko ang ginawa namin." he said."You had no conscience at all, and Adi suffered too much pain and trauma as a result of what you did to her. Hindi mo man lang ba siya inisip bago mo siya balak pagsamantalahan?

  • The Triplets Addiction   Chapter 38

    Chapter 38Adi's POVIlang beses na akong napabuntonghininga habang pinagmamasdan ko ang pag-agos ng tubig mula sa ilog na tinitignan ko magmula pa kaninang umaga. Gusto ko ng tahimik na lugar at dito na muna ako sa may ilog naglagi.Sa nakalipas na tatlong buwan ay maraming mga nangyaring hindi ko inaasahan. Bigla na lang nag-iba ang takbo ng buhay ko, sakit na ilang beses kong kinimkim at galit na hindi ko na napigilan pang ilabas.Pagkatapos akong kausapin ng triplets tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan ay nakaramdam ako ng matinding konsensya dahil ang akala ko ay sila lang ang may pagkakasala sa amin ngunit nagkakamali pala ako.Nang dahil sa bugso ng galit at sakit na naramdaman ko ay nagtaksil ako sa magkakapatid at halos hindi ako pinatulog ng konsensya ko nang dahil doon. May nagawa silang kasalanan sa akin pero dahil hindi rin nila ginusto iyon.Hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Pinagsamantalahan ako ng taong ang akala ko ay ituturing rin akong pami

DMCA.com Protection Status