Adi's POVDahil birthday ngayon ng nakababatang kapatid nina Ahnwar at Ahzik na si Danielle ay niyaya nila kami ni Nikolai na maki-birthday sa bahay nila. Mukhang kaclose ni Nikolai ang dalawang boss niya dahil nag-uusap at nagtatawanan pa ang mga ito habang nasa loob kami ng kotse ni Ahnwar patungo sa bahay nila.Hindi alam ni Nikolai na nakilala ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa pinagtatrabauhan kong Supermarket kung saan niya ako ni-refer. At hindi ko rin alam na uncle pala ng triplets ang may-ari ng Supermarket kaya kilala nila si Nikolai at boss ang tawag ni Nikolai sa kanila.What a small world! Kilala ni Nikolai ang magkapatid sa triplets na sinabing liligawan daw ako and take note; hinalikan nila ang magkabilang palad ko dahilan para hindi ko na sila mai-alis sa isipan ko."I'm glad we saw you in that mall. Mabuti na lang at naisipan namin ni Ahzik na pumunta sa mall to bought gifts for Danielle's 14th birthday." nakangiting sabi ni Ahnwar kay Nikolai at sandaling sumulyap sa
Adi's POVHindi ako halos makatingin ng diretso kina Nikolai, Kyrie, at Ahmed habang nasa iisang table kami kasama ang mga magulang ng triplets na sina Ma'am Rica at Sir Trevor maging pati na ang kadarating lang na mga ama ng iba pang kapatid ng triplets na sila Sir Zian, Wenhan, at Ran.Sinabi ni Ahnwar at Ahzik sa mga magulang niya na nililigawan nila ako. Hindi ko inaasahan na ayos lang iyon sa pamilya nila dahil nag-aalangan ako sa estado ng buhay ko kumpara sa estado ng buhay nila. Nakikita kong tanggap nila ako para sa mga anak nila. Tanggap rin nila kahit may anak na ako. Wala raw kaso sa kanila kung single mother ako. Talagang mabait ang pamilya ng triplets at hindi kami itinuturing na ibang tao nina Blair at Nikolai kahit na lumaki kami sa hirap at hindi mayaman na katulad nila.Kasama pa rin ni Blair sina Yesheem at Sahara. Kakatapos lang nilang maligo sa pool at ngayon ay nasa loob sila ng mansyon para ipakita at ipalaro kay Blair ang mga laruan nilang pinaglumaan noong mga
Adi's POVIsang linggo ang nakalipas simula nang magpunta kami nina Blair at Nikolai sa mansyon ng Dela Vega Triplets para maki-celebrate sa birthday party ng kababata nilang kapatid na si Danielle at isang linggo na rin akong nililigawan nina Ahnwar at Ahzik. Hindi ko lmtalaga inaasahan na wala pang halos isang araw ay nakasundo na kaagad nila sila Mama Encar, Lola Andeng, Haru, at Kuya Hideyo.Yes mga beh! Pati ang panganay kong kapatid ay kasundo na sina Ahnwar at Ahzik at kahapon lang ay niyaya sila ni Kuya Hideyo na mag-inuman sa bakuran ng bahay namin. Paano kaya nangyari na nakuha nina Anhwar at Ahzik ang tiwala ng buong pamilya ko? Alam nila ang history ko kay Leigh pero bakit ngayon ay kulang na lang ay ipamigay nila ako sa dalawa sa triplets?Sa loob ng isang linggo ay walang inatupag sina Ahnwar at Ahzik kundi ang ligawan ako. Halos mapuno na ang loob ng kwarto namin ni Blair ng groceries, chocolates, at laruan ni Blair na ibinibigay sa amin.Kung magbibigay sila dapat ay g
Adi's POV"I thought I was hallucinating; I thought you were in my dream, destroying my fantasy, but I'm not; I'm in reality, and I can't believe you're now in front of me..." Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko dahil naaalala ko pa rin ang sinabi ni Ahmed. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Lyrics rin ba iyon ng kanta? Pero bakit parang may laman iyon at may ibang kahulugan? Hindi ko na naitanong kung bakit niya sinabi iyon. Pagkatapos no'n ay kaagad siyang umalis at iniwan akong nagtataka.Ang weird talaga ng lalakeng iyon kahit kailan! Malayong-malayo ang personalidad niya kina Ahnwar at Ahzik na madaling basahin. Ni hindi ko pa nakita si Ahmed na ngumiti man lang. Bakit kaya siya naiiba sa dalawa niyang kapatid? May hindi ba siya magandang karanasan noong childhood niya kaya iba ang personalidad niya kumpara sa dalawa?Bakit ko nga ba pinoproblema si Ahmed? Ang dapat ko pa lang problemahin ay kung paano ko makakausap si Nikolai na obvious na iniiwasan ako. Mabuti na
Adi's POV"How are you yesterday, baby?" tanong ni Ahnwar habang nagmamaneho papunta sa mansyon nila.Inimbitahan ako nina Ma'am Rica at Sir Trevor na magdinner sa kanila. Pagkatapos ng duty ko sa trabaho ay sinundo ako ni Ahnwar sa pinagtatrabauhan kong Supermarket. Wala si Ahzik dahil marami itong inaasikaso sa opisina niya at hindi makakasama sa dinner namin. Uuwi na lang raw ito kapag may bakanteng oras siya mamaya.Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "'Yong ex-boyfriend kong ama ni Blair, g-gusto niyang makipagbalikan sa 'kin, syempre at tinanggihan ko 'yon pero mapilit siya." pag-amin ko.Kailangan kong maging tapat kina Ahnwar at Ahzik at sabihing gusto ni Leigh na makipagbalikan. Sinabi ni Nikolai na kailangan ko iyong aminin sa magkapatid para tigilan na ako ni Leigh. Mayaman ang pamilya nila Leigh pero sigurado ako na mas mayaman at makapangyarihan ang pamilya nina Ahnwar at Ahzik.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Ahnwar at humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. "Is
Ahzik's POV"Aso ka ba ni Kyrie kaya palagi ka na lang sunod ng sunod sa kanya?" tanong ko kay Ahmed at tinaasan siya ng kilay.Natigil siya sa pagtipa sa laptop niya dahil sa sinabi ko. I'm in his office right now at kakatapos lang ng board meeting ko kasama si Dad at ng ibang clients namin.Ahmed look at me with his infamous blank face. "What do you mean?" he asked.I crossed my arms and smirk. "Ahmed, you knew that Kyrie likes Jianna Adiel. We're courting Jianna pero 'yang bestfriend mo ay kulang na lang na magtransfrom bilang ampalaya dahil bitter siya. Can you at least talk to him and say na wala siyang pag-asa kay Jianna?" sabi ko.Recently lang namin nalaman ni Ahnwar na ang Adi na tinutukoy ni Kyrie na girlfriend daw niya at naging love at first sight ay ang Jianna pala namin ni Ahnwar. Ahmed is brutally honest at inamin niya iyon sa amin. Pinakiusapan niya pa kami na dapat i-consider namin ang nararamdaman ni Kyrie para hindi ito masaktan.Is he serious? Bakit namin gagawin i
Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inaasahan na magkakasama kaming lahat para lang sa dalawang araw na bakasyong ito. Nitong mga nakaraang linggo ay maraming mga nangyari na hindi ko inaasahan at ngayon nga ay patuloy pa rin itong nangyayari.Nasa isa sa mga beach resort kami ngayon sa Subic, Zambales ng pamilya ko, ang triplets, sila Nikolai, Eiselle, Cristina at Noah. Sina Ahnwar at Ahzik ang nag-isip ng bakasyong ito at alam kong parte ito ng panliligaw stage nila sa akin.Sabado ngayon at pareho kaming mga walang pasok sa eskuwelahan at trabaho. Nakasama rin sila Nikolai at ang mga kapatid niya rito dahil sinabi nina Ahnwar at Ahzik na pwede ko silang yayain sa bakasyon namin.Hindi naman iyon natanggihan ng tatlong magkakapatid dahil gusto rin nilang makapagrelax muna mula sa pagkaabala nila sa kanilang eskuwela at trabaho.Nasa may dagat kami ngayon at nakangiti kong pinagmamasdan sina Ahnwar at Ahzik na karga si Blair habang nagsu-swimming sila sa dagat. Kakaahon ko lang rin sa
Napapansin ko na kanina pa mariin ang titig nina Ahnwar at Ahzik kay Ahmed habang nandito kami ngayon sa dagat para sa huling araw na bakasyon namin dito sa beach resort sa Subic, Zambales.Nalaman na kahapon ng dalawang magkapatid ang ginawa ni Leigh sa akin at maging pati na rin ang ginawang pambubugbog ni Ahmed kay Leigh.Ngayon ay may plano yatang magsampa ng kaso ang mga magulang ni Leigh laban kay Ahmed at iyon ang ikinakabahala nina Tita Rica at Tito Trevor pero si Ahmed ay tila wala namang pakialam doon at kung titignan siya ay hindi niya iyon alintana.Hindi ko na magawang makapagtanong kay Ahmed kung bakit kailangan pa niyang bugbugin si Leigh para lang pigilan ang pagtatangka nito sa akin ng masama. Pwede naman niyang awatin ang pinsan niya pero bakit kailangan niya pa itong saktan?Tahimik lang si Ahmed pero hindi ko inaasahan na sobrang nakakatakot pala ito kapag nagagalit. Para siyang si Kuya Hideyo na kapag sumabog na sa galit ay nawawala na rin sa sarili mailabas lang
This is a bonus Chapter for TTA's first installment Wished One, But Got Five. PINAGMAMASDAN ni Zian si Rica habang natutulog ito sa kaniyang tabi. Kapwa silang nakahubot-hubad dahil kakatapos lang nilang magtalik.Simula nang may unang mangyari sa kanilang anim ay hindi na nila tinantanan si Rica. Minsan ay anim silang nakikipagtalik at minsan ay sino-solo nila katulad ngayon na nasolo niya muna ito dahil abala sa trabaho sila Trevor, Wenhan at Ran samantalang si Essam ay umuwi sa Amerika para puntahan ang ama nito at tulungan sa business.Natigil si Zian sa pagtitig kay Rica nang makitang nag-vibrate ang cellphone nito sa bedside table. They are in her room at ilang oras na natapos silang magtalik.Kinuha niya ang cellphone ni Rica sa bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag.Si Maru.He clenched his teeth as he read this guy's name. Naalala pa rin ang eksenang nakita habang nakayakap ang lalakeng ito kay Rica at parehong magkatabi sa kama.Mas nainis at nagalit siya nang
DALAWANG linggo ang lumipas ay nanatiling normal at payapa naman ang takbo ng buhay ni Rica at ng limang boyfriends niya na abala sa kani-kanilang mga trabaho.Kahit abala ang mga ito ay hindi pa rin nakakaligtaan ang kanilang boyfriend duties. Para makabawi ay napagpasyahan ng limang lalake na surpresahin si Rica sa restaurant ni Lolo Perry at yayain na makipag-date sa Amusement Park o sa kahit saang lugar na gusto nitong pasyalan.Sa restaurant naman ay kausap ni Rica si Maru at sinabi sa lalake ang pagpunta kasama si Trevor sa bahay nina Emily at Marlon.Sa nakita ni Rica ay mukhang hindi na apektado si Maru sa dalawa at tumatango lang ito sa sinasabi niya."I heard it from our maids. Ganoon naman talaga si Kuya Marlon, he can't treat his girls right after having sex with them." umiling si Maru."Hindi ka na ba nasasaktan dahil sa kanila?" maingat tanong ni Rica."No. I'd already move-on. Na-realized ko na tama lang na hindi kami nagtagal ni Emily. She used to love me, but it wasn'
AHMED, AHNWAR, AHZIKIyan ang pangalan ng triplets nina Rica at ng asawa nitong si Trevor. Pitong taong gulang na ang triplets ngayon at lumaki ang mga ito na napakakisig na mga bata.Si Trevor ang ama ng triplets mula sa lumabas na DNA Paternity Test result na isinagawa nila siyam na taon na ang nakakalipas.Si Ahmed ang panganay dahil nauna itong lumabas nang ipinanganak ito ni Rica. Pangalawa namang lumabas si Ahnwar at ang panghuli ay si Ahzik.Magkakamukha man ang tatlong kambal ngunit iba-iba naman ang personalidad ng bawat isa sa mga ito.Si Ahmed ay tahimik na bata lamang. Mas ginugusto lang nitong magkulong sa loob ng kwarto at doon ay maglaro o 'di kaya'y magbasa ng libro. Masyado itong introvert na malayo sa personalidad nang sumunod dito na si Ahnwar.Si Anhwar ay maligalig, madaldal at masayahing bata. Madalas itong nakikipaglaro kay Ahzik sa labas ng bahay nila. Minsan nga ay ginagabi na ang mga ito sa kakalaro kaya todo sermon naman si Rica sa mga anak. Lumalaki kasing
Note: This special chapter is only exclusive here at Goodnovel and The Triplets Addiction book version.Ahmed's POVI keep glaring at the young boy in front of me. He's still harassing my daughter Blair at school, and this is the nth time we've been in the guidance office with his widowed father, who keeps staring secretly at my wife, Adi.We're in our thirties now, but Adi's beauty continues to captivate men. She doesn't look in thirties at all because she still looks very young for her age. I despise the fact that she appears to be in her mid-twenties. I'm still jealous when a guy looks at her with admiration, but I can't blame her for having such timeless beauty."I hate him, Dad Ahmed! He tried to kiss me earlier in the corridor, and his friends trapped me between them." umiiyak na sabi ng panganay kong anak na si Blair habang inaalo ni Adi.Mas lalong sumama ang tingin ko sa binatilyong nasa harapan namin. Maxton Rosell ang pangalan niya at simula nang mag-aral ng high school si
Written by:TaraBatisTayoRiguel, adyyy_10Edited by: Ajai_KimADI'S POVFIRST DAY OF VACATIONHabang sinusubukan nang araw na ibaon ang sarili sa abot-tanaw, hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan ng natural na kalikasan.Natutuwa akong tumira sa probinsya dahil dito. Ang pagiging simple ng pamumuhay at hindi malilimutang sariwang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.Kahit hindi ka gumastos ng pera ay makakakain ka nang sapat. Ang mga gulay ay maaaring matagpuan lamang sa sariling likod-bahay, gayunpaman sa lungsod, lahat ng mga bilihin ay mahal na.Ang sarap ng simoy ng hangin sa probinsyang walang polusyon. Ang mga bukid ay 'kay ganda sa paningin. Ang huni ng ibon ay sadyang napakasarap sa pandinig. Napakasarap tumira sa lugar na mala Paraiso. Parang ayaw ko nang umalis at dito na lang manirahan nang panghabangbuhay. Simple lang ang pamumuhay pero ramdam na ang bawat pamilya ay masaya sa kanilang mga buhay.Ilang taon na noong ikinasal ako 'kila Ahmed, Ahnwar at Ahzik. A
After 1 year.... Adi's POVNandito kami sa Luneta Park at masayang namamasyal kasama sila Blair, Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Habang hindi pa lumalaki ang tyan ko dahil ngayon ay buntis ako sa pangalawang anak ko na si Ahnwar naman ang ama ay sinusulit na namin ang makapamasyal at gumala. Bukas pala ay may online class rin ako kaya ito ang magandang panahon para mamasyal kaming lima.Isang linggo na akong buntis at nararamdaman ko na kaagad ang matinding pagod at pagkahapo kahit lang sa maliit na bagay na ikinikilos ko. Ganito rin ako noong ipinagbubuntis ko si Blair at medyo maselan ako kapag buntis kaya nga noon ay todo asikaso sa akin si Nikolai at ang pamilya ko para lang maging maayos ang kondisyon namin ni baby Blair.Napagpasyahan naming magpicnic sa Luneta Park at kakatapos lang naming magsimba. Nagdala na rin kami ng mga pagkain at mat na mauupuan namin sa grass ground nitong parke.Tinotopak ngayon si Blair kaya hindi ito umaalis sa pagkakakapit sa Dada Ahmed niya. Nagpapabili k
Adi's POVNandito ako sa pool area kasama sina Blair at Sahara habang nagsu-swimming sila. Ang kasama kong sina Haru at Eiselle naman ay abala sa pagkuha ng litatro sa dalawang bata.Matapos ang klase nila ay kaagad na silang dumiretso dito sa mansyon para raw bisitahin si Blair. Kasama rin sa pagsu-swimming kanina si Yesheem pero nang biglang dumating sina Haru at Eiselle ay nagpaalam na itong tapos na siyang maligo at gagawa nalang raw ng kaniyang homeworks sa loob ng kwarto niya."Ate Adi, pinapasabi pala nina Mama at Lola na pumunta raw kayo bukas sa bahay kasama sila Kuya Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Birthday ni Mama kaya inaasahan niyang pupunta kayo sa birthday celebration niya." sabi ni Haru habang winiwisikan nito ng tubig sina Blair at Sahara na natatawa naman sa ginagawa niya.Tumango ako. "Oo nga pala at birthday ni Mama bukas. Sige, pupunta kami. Sasabihin ko nalang 'yon sa triplets." sagot ko."Anong sikreto mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mukhang losyang, At
Ahmed's POVI want to erase his annoying smirk while he's in front of me. Hindi ko inaasahan na ganito pa ang magiging asal niya pagkatapos niyang pagsamantalahan ang sarili niyang kapatid. They are not biological siblings pero lumaki pa rin silang kapatid na ang turingan sa isa't-isa.Hideyo's true colors were now revealed at ang akala ko ay sila Leigh, Nikolai at Kyrie lang ang magiging ganito kay Adi but we need to expect the unexpected dahil sa huli ay si Hideyo pa ang magiging malaking dahilan para masira ang pamilya namin kasama sina Adi at Blair."Nakakangiti ka pa ng ganyan pagkatapos ng ginawa mo kay Adi?" mariin kong tanong kay Hideyo na mas lalong ngumisi sa sinabi ko."Anong gusto mong gawin ko, Ahmed? Pagsisihan ko 'yong nagawa ko kay Adi? Mahal ko siya at nagustuhan ko ang ginawa namin." he said."You had no conscience at all, and Adi suffered too much pain and trauma as a result of what you did to her. Hindi mo man lang ba siya inisip bago mo siya balak pagsamantalahan?
Chapter 38Adi's POVIlang beses na akong napabuntonghininga habang pinagmamasdan ko ang pag-agos ng tubig mula sa ilog na tinitignan ko magmula pa kaninang umaga. Gusto ko ng tahimik na lugar at dito na muna ako sa may ilog naglagi.Sa nakalipas na tatlong buwan ay maraming mga nangyaring hindi ko inaasahan. Bigla na lang nag-iba ang takbo ng buhay ko, sakit na ilang beses kong kinimkim at galit na hindi ko na napigilan pang ilabas.Pagkatapos akong kausapin ng triplets tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan ay nakaramdam ako ng matinding konsensya dahil ang akala ko ay sila lang ang may pagkakasala sa amin ngunit nagkakamali pala ako.Nang dahil sa bugso ng galit at sakit na naramdaman ko ay nagtaksil ako sa magkakapatid at halos hindi ako pinatulog ng konsensya ko nang dahil doon. May nagawa silang kasalanan sa akin pero dahil hindi rin nila ginusto iyon.Hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Pinagsamantalahan ako ng taong ang akala ko ay ituturing rin akong pami