Nang maalis nila ang huling piraso, napanganga sina Waylon at Colton.“Bakit ang liit ng atin?”“Baka kapag tumanda na rin tayo.”Sa ingay. Unti-unting dumilat si Nolan. Init at lamig ang nararamdaman niya. Nang unti-unti niyang madilat ang mga mata niya napagtanto niyang nakaupo siya sa isang bathtub na mayroong palutang-lutang na mga rubber ducks.Naningkit ang mga mata niya at nakita ang dalawang batang nasa gilid ng tub.“Waylon?” Nasurpresa si Nolan.Napalingon sa kaniya ang dalawang bata.Sa sandaling nakita sila ni Nolan, hindi niya mapigilan ang kaniyang gulat.Magkamukhang-magkamukha ang dalawa, at wala siyang makitang pagkakaiba. Napansin niyang nag-iiba ang personalidad ni ‘Waylon’, at alam niya na ang dahilan ngayon.‘Triplets sila!‘Hah, ang galing talaga magtago ng babaeng iyon.’“Gising na kayo?” Masayang tanong ni Colton.Si Daisie na nasa labas ay binuksan ang pinto at sumilip. “Gising na siya!”Tinulak palabas ni Waylon ang ulo niya. “Huwag k
Hindi siya sisisihin ni Nolan, pero hindi niya rin ito palalampasin.Late na nang umalis si Maisie sa Blackgold. Nang ilabas niya ang kaniyang phone, nakita niya ang message ni Daisie na isang oras na ang nakalipas.Nagulat siya sa sandaling nabuksan niya ang text.“Mommy, kinidnap namin si Daddy at dinala siya sa bahay. See you soon~’Nagmamadaling umuwi si Maisie at dumiretso sa kwarto ng mga bata nang makita niyang walang tao sa living room. Naka-lock ang pinto.“Kayong tatlo, pauwiin niyo siya!” Kumatok si Maisie. Hinaharangan ng tatlo ang pinto, ayaw itong buksan.Ayaw talagang tanggapin ng nanay nila ang kanilang tatay. Umaasa silang makukumbinsi siya ng tatay nila ngayong araw.“Hindi kayo lalabas, ano? Sige, gagamitin ko ang spare key ko.” Tumawa si Maisie.Sige, tinago ng tatlong bata ang lalaki sa loob!Galit niyang dinala ang spare key niya sa kwarto, ngunit natigilan siya nang makita ang lalaking nakaupo sa kama.Sinubukang umalis ni Maisie, pero isang k
Walang buhay na pinagmasdan ni Maisie ang tatlong batang nasa sahig, tumawa siya at sinabing, “Alam na alam niyo talagang tatlo kung paano ako pahirapan.”Si Daisie ang unang sumagot. “Mommy, gusto lang namin na magkasundo kayo ni Daddy.”Kaagad na kinuha ni Colton ang usapan. “Opo, Mommy, tingnan niyo kami, wala kaming Daddy, sobra kaming nakakaawa!”Hindi alam ni Waylon ang sasabihin, kaya tumango na lang siya.“Maghihilamos ako.” Dumiretso si Maisie sa banyo.Nagkamot ng ulo si Daisie. “Parang hindi nakatulog nang maayos si Mommy.”Tumango si Colton. “Oo nga, ano? Kulay itim ang ilalim ng mga mata ni Mommy…”Tiningnan ng tatlong bata si Nolan na natutulog pa rin, at nilapitan nila ito.Hindi mapigilan ni Colton na magtanong, “Bakit hindi pa rin gising si Daddy?”Matagal na tinitigan nina Daisie at Waylon si Nolan. Napansin ni Waylon na mayroong mali at hinawakan niya ang noo ng ama. “Nilalagnat si Daddy!”Nagulat si Colton. “Dahil ba binabad natin si Daddy kagabi
Pumikit-pikit ang mga mata ni Nolan.‘Ito ba ang dahilan kung bakit nagtrabaho ang dalawang batang ito sa entertainment company?’Nang makitang gagawa ulit si Waylon ng isa pa, itinaas ni Nolan ang kamay at hinaplos ang ulo nito. “Okay na. Si Daddy na ang bahala.”Nagdududa siyang tiningnan ni Waylon. “Daddy, marunong ka bang magluto?”Ang kagalang-galang na tagapagmana ng mga Goldmann, ang sikat na Mr. Goldmann ng Bassburgh, wala sigurong pagkakataon para matuto siya ng ganitong skill.“Siyempre.” Nagsuot si Nolan ng apron at pumasok sa kusina. Tinitigan nina Daisie at Waylon ang Daddy nila, pareho silang nananabik sa pagkaing ihahanda sa kanila.Naamoy iyon ni Colton at patakbong bumaba sa hagdan. “Waylon, nagluluto ka ba ng almusal?”Nang makitang nakaupo at naghihintay ang mga kapatid niya sa dining table, sumilip siya sa kusina at nanlaki ang kaniyang mga mata.‘Si Daddy pala ang nagluluto ng almusal ngayon!’Dinala ni Nolan ang almusal sa mesa, at napasigaw naman
Nagulat si Maisie, at sumama ag kaniyang ekspresyon.Nasurpresa din si Kennedy sa mga sinabi ni Stephen. Pati na rin ang empleyadong nakatayo pa rin sa labas ng pinto at nagtataka kung ano ang gagawin.“Zee, naaawa ako sa iyo noon pa dahil sa affairs ng nanay mo, kaya gusto kong manahin mo ang Vaenna Jewelry. Pero mukhang hindi pa sapat ang ginawa mo six years ago, at nakikipag-relasyon ka na nga talaga kay Mr. Goldmann ngayon. Alam mo ba ang salitang kahihiyan? Boyfriend ng ate mo si Mr. Goldmann!”Labis ang pagkadismaya ni Stephen kay Maisie. Nasaksihan pa niya mismo ang ginagawa ng dalawa sa opisina noong nakaraang araw, kaya paano siya maniniwalang inosente ang anak niya?Habang nahaharap sa akusasyon ng kaniyang ama, humigpit ang pagkakayukom ng mga kamao ni Maisie. “Pinangangaralan mo ba ako tungkol sa kahihiyan? Kung ganoon ay bakit hindi mo sabihin kay Leila na walang hiya siya noong inakyat niya ang kama mo?”“Manahimik ka!” Malakas na sigaw ni Stephen. “Walang kinal
“Walang relasyon sa akin si Willow. Nagsinungaling siya sa akin six years ago at mayroon pang lakas ng loob na lagyan ng gamot ang inumin ko kagabi. Mr. Vanderbilt, paano mo aayusin ang gulong ginawa ng anak mo?”Natigilan si Maisie.‘Mayroong nilagay na gamot si Willow sa inumin niya kagabi? Kaya pala ang likot at bayolente niya kagabi. Muntik pa ako maging biktima ng planong iyon.’Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Stephen. “Paano magagawa ni Willie—-”“Hindi na mahalaga kung ayaw mo itong ayusin, pero tandaan niyo na iba na ang mangyayari kapag ako na mismo ang humarap sa kaniya.” Malinaw na banta ang mga salitang iyon.Kahihiyan ang makikita sa ekspresyon ni Stephen, pero wala na siyang masasabi pa. “Kung kasalanan nga talaga ni Willie, tuturuan ko siya ng leksyon kapag nakauwi ako.”Walang emosyon ang tono ni Nolan. “Ayaw kong marinig ang salitang ‘kung.”Alam ni Stephen na si Nolan ay isang lalaking gagawin ang lahat. Hindi talaga nito pakakawalan si Willow kung h
‘At saka, paano magkakaroon ng tahimik na buhay ang isang katulad niyang napakayaman at makapangyarihan? Dagdag pa roon, siguradong mayroong nangyari sa kanila ni Willow sa panahong magkasama sila.‘Ayaw kong magkaroon ng relasyon sa lalaking natikan na ni Willow, hinding-hindi!’Sa Vanderbilt manor…Bumagsak sa pisngi ni Willow ang palad ni Stephen.Natakot si Leila sa sampal. Kaagad siyang lumapit at hinila si Stephen palayo kay Willow. “Dear, bakit mo sinampal si Willie!?”“Bakit ko siya sinampal?” Galit na galit na dinuro ni Stephen si Willow. “Bakit hindi mo siya tanungin mismo? Ang lakas ng loob niyang lagyan ng gamot ang inumin ni Mr. Goldmann. Sa tingin mo ba ay makakatayo pa siya rito ngayon kung hindi ko binigyan ng paliwanag si Mr. Goldmann!?”Kaagad na nataranta si Leila at tiningnan si Willow. “Willie, nilagyan mo ng gamot… ang inumin ni Mr. Goldmann!?”Hawak-hawak ni Willow ang kaniyang pisngi, kinagat niya ang kaniyang labi at hindi sumagot.‘Nakakainis!
Hindi pinansin ni Nolan si Quincy, umaakto siyang nagayuma ng babaeng iyon. Kalahating araw pa lang ang lumilipas pero hindi na siya makapaghintay na makita siya.'Biniguan ko nga siya ng tatlong araw para pag-isipan ang offer ko, pero masiyadong matagal iyon.'Sa Beach Villa..Habang kumakain ng dinner, hawak ni Maisie ang tinidor niyang mayroong Spaghetti pero wala siyang ganang kumain. Inangat niya ang tingin at paminsan-minsang napapatingin sa harapan at pakiramdam niya'y nakidnap ang mga anak niya.'Tsk, napaka-walang hiya talaga ni Nolan. Siya ang nagsabing bibigyan niya ako ng oras para makapag-isip, pero hindi niya pinalampas ang pagkakataon na pumunta sa bahay ko para maghapunan.Nakaupo si Daisie sa kandungan ng kaniyang ama—-ang sarap sa pakiramdam na pinapakain siya ng tatay niya!Siyempre, hindi lang si Daisie ang inaasikaso niya. Kinukuhanan niya ng pagkain sina Waylon at Colton. Hindi kasing sabik ang reaksyon ni Waylon katulad nina Colton at Daisie, na kahit