Napatigil si Eugene. “Sinabi ba sa iyo ni Samantha na nandito ako?”Binaba ni Christina ang teacup at sinagot si Eugene. “Matagal nang pinoprotektahan ni Samantha ang babae mong si Karina, pero pinaghihinalaan mo pa rin siya?”Tahimik lang si Eugene.Tumayo si Christina. “Disenteng babae si Samantha. Hindi kawalan sa kaniya na iwanan ka pero ikaw, pagsisisihan mo ito balang-araw, at hindi ka na matutulungan pa ni Yael.”Lumabas sila sa pinto ng kabilang kwarto. Gustong makita ni Ryleigh ang tiyahin niya at makakuha ng balita pero marahil nandoon para sa tsismis.Huminto sina Maisie at Barbara sa hallway, at pagkatapos umalis ni Ryleigh, dahan-dahan siyang nagsalita, “Ikaw ba ang nagsumbong sa kaniya kay Mrs. Boucher?”“Oo,” Pag-amin ni Barbara.Medyo nagulat si Maisie. “Paano mo nalaman ang ganoong kapribadong balita tungkol sa mga Boucher?”Kahit ang media ay hindi alam na nagtataksil si Eugene, pero alam niya. Siya pa ang nagsumbong sa kanila kay Mrs. Boucher.Inayos ni Barb
Bumalik si Barbara paglipas ng ilang taon noong nakalimutan na ang mga tsismis na yun, kaya para bang pinanganak siya sa ulit sa pangalang Barbara Chase.Hangang-hanga si Maisie sa pagiging mahinahon ni Barbara. Kung sa ibang babae yun nangyari, baka ibang paraan ang pinili nila para makatakas sa tsismis na yun.Kahit na pareho sila ng nakaraan ni Barbara, hindi niya masasabi na magagawa niyang maka-survive nang ganun.Kung sa ibang lugar pinanganak si Barbara, ipapakulong siya ng pamilya ng napatay niya at mabubuhay na lang dala ang pagsisisi na yun.Malalim ang iniisip ni Maisie habang nakatayo sa labas ng pinto. Lumabas ng study si Nolan at nakita siyang nakatayo lang doon, kaya lumapit siya at niyakap si Maisie mula sa likod. “Nakauwi ka na.”Bumalik sa realidad si Maisie at biglang sumandal sa mga bisig ni Nolan. Napahinto si Nolan, marahan niyang hinawakan ang likod ng ulo ni Maisie. “Anong problema?”“Namiss kita.” Kiniskis ni Maisie ang mukha sa dibdib ni Nolan. Puno ng t
Nag-igting ang panga ni Eugene, pero hindi siya naglakas-loob na magsalita.Nilapag ni Christina ang teacup. “Dad, pakiusap, kumalma kayo.”“Paano ko magagawang kumalma?” Hinampas ni Elder Master Boucher ang mesa. “30 taon ng kasal sa iyo ang isang napakagandang babaeng tulad ni Samantha, at gaano kalaki ang sakripisyo niya para sa pamilyang ito, kay Francisco, at sa iyo? Pwede kang lumabas kasama ng ibang babae, pero lagi mo dapat tandaan na may asawa at anak ka sa bahay!”Kumunot ang noo ni Eugene. “Christina, ikaw ba ang naglabas nito?”Huminto si Christina, at saka seryosong sinabi, “Sa tingin mo ay ako ang gumawa nito?”Seryoso ang mukha at walang pag-aalinlangang sinabi, “Kung gusto ko itong gawin, bakit ko sasabihin ang lahat ng yun sa auction? Isa ako sa mga Boucher, at responsibilidad ko na protektahan ang reputasyon mo.”Nagulat si Eugene.Sa sandaling ito, lumabas sa pinto si Samantha, light ang kaniyang makeup at plain ang suot na damit, walang magarang alahas.“Dad
Tumalikod si Samantha at huminto sa harap ng pen, pinulot ito at nilapag sa desk. “Pinirmahan ko na ang mga papel. Kung hindi ka pipirma, kakausapin ko si Dad. Ayaw kong dalhin pa ito sa korte para maiwasan na maapektuhan ang reputasyon mo. Bibigyan kita ng tatlong araw.”Namanhid na sa sobrang sakit ang sugat sa kaniyang palad, at parang bulaklak na tumutulo ang dugo niya sa tiles. Umalis siya sa mga Boucher nang hindi lumilingon, iniwan niya ang lahat.Sa ospital…Tinulungan ng nurse si Samantha na tahiin ang sugat at binalot ito ng benda. Sinabihan siya nitong huwag basain ang sugat at isang linggo bago nila tanggalin ang suture.Kinuha ni Samantha ang kaniyang bag at umalis sa kwarto pero nakasalubong niya sina Ryleigh at Maisie.Agad siyang nakilala ni Maisie. Siya ang babaeng nagligtas kay Kennedy noong nakaraang araw, pero bago pa siya makapagsalita, bigla itong tinawag ni Ryleigh. “Tita Samantha?”Ngumiti si Samantha at lumapit sa kanila. “Ikaw pala yan.”Napansin niya s
Siyempre, kapag dumating na sa partikular na edad ang mga lalaki at gusto pa rin nila magmukhang fit, kailangan nila ng matinding disiplina sa sarili. Yung mga lalaking malalaki ang tiyan ay nakukuha yun dahil sa madalas na pag-inom, walang stress sa pagtatrabaho at hindi nagwo-work out. Dagdag pa dun, mas mahilig sila sa mamantikang pagkain, kaya naman tumataba sila.Sinamahan nila si Kenendy bago umalis. Lumakad si Ryleigh papunta sa kotse at biglang sinabi, “Sa tingin mo, bakit hindi nagpakasal si Tito Kennedy?”Binuksan ni Maisie ang pinto. “Paano ko malalaman?”Pumasok si Ryleigh sa kotse at sumakay sa passenger seat, sinuot ang seatbelt at sinabing, “Kung nagpakasal si Tita Samantha sa isang katulad ni Tito Kennedy, siguradong magiging sobrang saya niya.”Lumingon sa kaniya si Maisie at tumawa. “Alalahanin mo muna ang sarili mo.”Napatahimik si Ryleigh.Nang umandar ang kotse, isang kotse ang biglang bumangga sa likuran nila. Umalog ang sasakyan nila, dahilan para bumalik s
Walang sinagot si Maisie.Napansin ni Nolan na baka natakot niya si Maisie, kaya pinakalma niya ang sarili at sinabing, “Tinakot mo ako.”“Pfft!” Hindi napigilan ni Ryleigh ang sarili at tumawa. “Mr. Goldmann, pwede niyo bang tingnan ang paligid? Nandito ang mga doktor at pasyente. Pwede bang isipin niyo ang nararamdaman nila?”“Bakit ko sila iisipin ngayong nandito ang misis ko?” Sagot ni Nolan.Saka niya binuhat si Maisie, nagulat naman si Maisie. “Anong ginagawa mo, Nolan?”Nagngingitngit na sumagot si Nolan. “Dadalhin kita sa isang proper examination. Hindi ako kumbinsido sa mga doktor dito.”Inirapan ni Ryleigh si Nolan at ginaya ang pagsasalita nito. “Dadalhin kita sa mas proper examination. Hindi ako kumbinsido sa mga doktor dito. Oh, parang awa mo na, nasusuka ako.”Ipinasailalim ni Nolan si Maisie sa isang physical examination. Kahit na walang ibang injuries si Maisie, dalawang araw pa rin siyang pinanatili ni Nolan sa ospital.Habang buhat-buhat siya nito papunta sa i
Hindi na gumalaw pa si Ryleigh. Seryosong minamasahe ni Louis ang ankle niya, at ikinagulat niya yun.Para sa kaniya ay parang hindi ang tunay na Louis ang Louis na nasa harapan niya ngayon. Habang inaalala ang kakaibang behavior patterns nito, huminga siya nang malalim nang may ideyang lumitaw sa isipan niya. Noong una, gagamit sana siya ng euphemistic approach, pero tumakas na sa mga labi niya ang mga salita bago pa man niya mapagtanto. “Wala ka naman crush sa akin, tama ba?”Natigilan si Louis, at naging awkward ang katahimikan sa ward.Hiniling ni Ryleigh na mapatay niya ang sarili sa pagkagat niya ng dila niya ngayon. Nang hahanap na sana siya ng rason para iligtas ang sarili niya sa nakakailang na sitwasyon, tiningnan siya ni Louis at sinabing, “Anong iniisip mo?”Tila kalmado siya habang patuloy sa pagsasalita nang malinaw, “Fiancée kita. Papakasalan mo ako balang-araw, hindi ba normal na alagaan kita?”Sumagot si Ryleigh. “Oh, I see.”Binitawan ni Louis ang paa ni Ryleigh
Tiningnan ni Eugene ang dokumento sa desk, at mayroong mga natuyong mantsa ng dugo sa papel. Pinirmahan na ni Samantha ang pangalan niya, pero hindi pa siya pumipirma.Nilukot niya at ginawang bola ang divorce paper at saka suminghal, “Gusto mong makipag-divorce sa akin, Samantha? Hindi pwede! Hindi ako papayag. Kapag iniwan mo ako, wala ng matitira sa iyo…”Sa ospital…Nagbabalat ng mansanas si Colton para kay Maisie. Mayroong dismayadong ekspresyon sa mukha niya habang sinasabi, “Hindi ako makapaniwalang mao-ospital pa kayo ngayong ang tanda niyo na.”Masayang kinakain ni Maisie ang mansanas na bigay ng anak. Nagdesisyon siyang patawarin ito sa pang-aasar sa kaniya at sumagot, “Hindi ko sinadyang ma-ospital. Ang dad mo ang gustong magpa-ospital ako.”“Mommy, sa susunod na linggo na ang parents’ meeting. Sigurado ba kayong sasama kayo kay Daddy?”Nagulat si Maisie. Pinantayan niya ang nagdududang tingin ni Colton at nagtanong, “Bakit hindi?”Nagkibit-balikat si Colton. “Well, s
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell