Kinain ni Cameron ang flake at sinabi, “Masarap naman. Pwede ka na maging butler.” Naglakad sila nang makasama, sinusubuan nila ng popcorn flakes ang isa’t isa.Kahit hindi makain ni Cameron ang ibang pagkain, sobrang masaya pa rin siya. “Cameron?” Nang marinig ni Cameron na may tumawag sa kaniya, lumingon siya at nakita si Minzy na palabas sa isang restaurant.Ilang sandaling nagulat si Cameron at tumingin siya kay Waylon.Hindi inaasahan ni Minzy na makakasalubong niya sila Cameron at Waylon dito sa King Ports. Lumapit siya sa kanila at tinanong, “Bakit kayo napunta dito?”“Umm… Nandito kami para…”“Nandito kami para i-take ang wedding photos namin,” sabi ni Waylon habang nakaakbay kay Cameron. “Sa susunod na buwan na ang kasal namin. Kailangan namin mag-take ng wedding photos kaya itong lugar ang pinili namin.”Yumuko si Minzy at ngumiti, “Ah ganon ba. Congratulations.”Tumango si Waylon. “Salamat sa bati mo, Ms. Holland. Syempre, magiging masaya kami ni Cam kung makaka
Hinilot ni Morrison ang kaniyang temple. “Binibiro mo naman ata ako. Sinasabi ko na sayo na kalimutan mo na ‘yang naisip mo. Hindi ibebenta ni Madam Hera ang dress sayo. Nang kinasal ang princess sa Stoslo, kundi rentahan iyon ng $10,000,000 sa isang araw lang.”At saka, hindi naman ipaparenta ni Madam Hera ang wedding dress niya sa kahit na sino. Ilang artista na rin ang gustong i-rent ang dress sa kaniya pero hindi siya pumayag. Tumawa si Waylon ay sinabi, “Syempre, rerentahan ko lang naman sa kaniya. Pwede kong i-offer sa kaniya ang kahit anong presyo na gusto niya, at ipapangako ko na ibabalik ko ang dress niya nang maayos. Pinatunog ni Morrison ang ngipin niya. “Hindi ako makapaniwala na gagastos ka ng ganoong kalaking pera para masuot ng asawa mo ang dress na ‘yon.” “Kahit ang princess ng Stoslo ay gustong isuot ang dress kaya syempre ibibigay ko ang best sa asawa ko.”Tumango si Morrison. “Sige na nga. Lagi kong naririnig sa mga tao na sobrang irrational ng mga lalaking
Binaba ni Morrison ang kaniyang bintana at sinabi, “Huwag ka mag-alala Cam. Ilang araw lang naman mawawalan si Waylon. Cone, ihahatid na kita pauwi.” Bumalik si Cameron sa loob ng kotse at tiningnan niya si Morrison. “Meron ka bang kahit anong ideya bakit siya bumalik?” Tumingin si Morrison sa rear mirror para tingnan si Cameron. May bakas ng saya sa kaniyang mata habang sinasabi, “Hindi ako magsisinungaling sayo. Babalik si Wayne sa Stoslo para manghiram ng wedding dress.” Kahit na sinabihan siya ni Waylon na huwag sabihin kay Cameron ang secret, nagdesisyon si Morrison na sabihin na lang niya bilang ganti sa ginawa ni Waylon sa kaniya noong nakaraan sa restaurant. Nagulat si Cameron. “Manghiram ng wedding dress? Bakit hindi na lang siya bumili? Bakit kailangan pa niya manghiram?” “Nagustuhan na niya ang vintage-style wedding dress, at hindi ko rin mapapangako na makukuha niya ‘yon. Lalo na't, hindi madaling gawin na mapahiram sa kaniya ang dress. Noong kinasal ang prinsesa
Agad na may naisip si Damon at hinawakan ang lalaki. “Nasaan ang lalaking ‘yon?” “Nasa garage pa rin. Tinatanong pa namin siya.”Sinabi ni Damon sa kanila na manatili lang sila doon at mabilis siyang pumunta sa garage mag-isa.Nakatali ang lalaki sa upuan sa loob ng garage. Dalawang lalaki ang nagtatanong sa kaniya, pero wala itong sinasabi na kahit na ano. Pumasok si Damon at sinapak ang lalaki sa mukha, kaya gumulong ito pati ang upuan sa sahig.“Damon!” Mabilis na lumapit ang mga tao para pigilan si Damon.Tinulak sila ni Damon at sinipa niya ang lalaki na nasa sahig dahil sa galit na nararamdaman niya. Umiiyak sa sakit ang lalaking nasa sahig, at may dugo sa sulok ng kaniyang labi. Para pigilan si Damon sa pagpatay sa lalaki, lumapit ang dalawang lalaki at pinigilan siya. “Tama na! Mapapatay mo na siya!” Tinulak sila ni Damon at hinawakan ang lalaking nasa sahig, namumula ang mata niya sa galit. “Sino ang nang-utos sayo na gawin ‘yon?”Ilang beses na umubo ang lalaki
Matapos niya iyon sabihin, hindi mapigilan ni Morrison na sisihin ang kaniyang sarili. “Dapat hindi ko na siya pinilit na pumunta doon mag-isa.” Napa-atras si Maisie, sinuportahan ni Nolan ang kaniyang likod. Seryoso ang ekspresyon ni Nolan nang tumingin siya kay Morrison. “Kumusta ang kalagayan niya ngayon?” Sumagot si Morrison, “Nasa operation theater pa rin siya ngayon. Sabi nila masyadong Malala ang mga injury niya kaya kailangan niya ma-operahan.” “Anong nangyari kay Wayne?” Nakatayo si Colton sa entryway at bigla niyang narinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Tumalikod si Morrison, nakita niya si Colton, at nagulat siya nang ilang sandali. ‘Siya ba ang nakababatang kapatid ni Wayne? Grabe nakakatakot na sobra silang magkamukha.’ Lumapit si Colton. “Dad, pupunta ako sa Stoslo. Naaksidente si Wayne. Hindi pwedeng umupo lang ako dito at walang gawin na kahit na ano.” Sumagot si Nolan, “Sasama ako sayo. Kailangan ko tingnan ko ano ang kondisyon ng Kapatid mo. Kah
Matapos isuot ang damit ni Waylon, nagulat ni Colton si Morrison nang lumabas siya sa kwarto. “Diyos ko, magkamukha talaga kayo.”‘Sobrang magkamukha talaga ang mga twins pero may kaunting pagkakaiba pa rin sa kanila.’Inayos ni Colton ang coat niya. “Pumunta na tayo sa hospital.” Tumango si Morrison. “Okay.” Noong tanghali, nagpanggap si Colton na siya si Waylon at lumabas na siya ng ospital at kasama niya sila Damon at Morrison. Binuksan ni Damon ang kotse para sa kaniya, nang pumasok na si Colton sa sasakyan, pumunta sila Damon at Morrison sa driver at front passenger seat. Nang umalis na ang sasakyan, nagulat ang lalaking nagtatago sa hindi kalayuan, napakunot ang kaniyang noo. “Paano nangyari ito? Grabe ang mga nakuha niyang injury…”May naisip siya at agad na may tinawagan, “Nakalabas na ng ospital si Wayne Goldmann. Mukhang peke lang ang mga injury niya.”Sa parehong siyudad, sa hotel suite…Isang binata ang nagbaba sa tawag, tinapon niya ang kaniyang phone, at mas
Tumango si Damon at pumunta siya sa harap ni Evelyn. “Ms. Woods, pasensya ka na pero hindi ka gusto makita ni Master Wayne.”Galit na umalis si Evelyn sa villa. Pumasok siya sa sasakyan at hindi napigilang ikuyom ang kaniyang kamao. ‘Kung mas mabait sana ang trato niya sa akin, baka sinabi ko pa sa kanila ang mga plano ni Jamie. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya kasama.’Sa villa…Umupo si Colton sa couch hawak ang tasa ng kape. “Matagal na bang pinepeste ng babaeng iyon si Wayne?”Sumagot si Damon, “Hindi naman pero alam namin na may gusto si Ms. Woods kay Master Wayne. Nang dinala ni Master Wayne ang asawa niya dito noong nakaraan, may ginawa siyang eksena kaya pina-ban na siya ni Master Wayne sa Night Banquet.”Dahan-dahang ininom ni Colton ang kape. “Eh paano niya nalaman ang aksidenteng nangyari kay Wayne.”“Gusto ko rin ‘yon malaman. Pwede kayang si Morrison? Lalo na't, hindi pa rin alam ni Morrison ano ang ginawa ni Ms. Woods, at medyo malapit din siya sa kaniya
Lumapit si Damon. “Master Goldmann.”May binulong si Nolan sa kaniyang tainga, pumasok si Nolan sa interrogation room at kinausap ang pulis. Tumango ang pulis at tiningnan ang lalaki. “Hindi na mahalaga sa ngayon kung ayaw mong magsalita kasi meron ng nakakakilala sayo.”Tumanggi ang lalaki na maniwala. “Imposible ‘yan!” Kinuha ng pulis ang tablet sa kamay ni Damon at nilagay iyon sa harap ng lalaki. “Pamilyar ba ang lalaking ito sayo?”Agad na napahinto ang lalaki.Nahuli siyang nakikipagusap sa parking lot kasama ang isang nasa middle-age na lalaki!‘Pero sobrang nag-ingat na ako sa lahat ng ginawa ko!’Nagsalita ang pulis, “Sa tingin ko ang lalaking nasa likod ng mga ginagawa niyo ay kailangan iwan ang isa sa inyo kaya ikaw na lang ang sinakripisyo niya para protektahan ang kaniyang sarili. Siya nga pala, dahil handa ka namang akuin ang responsibilidad, pwede na natin siyang pakawalan, ‘di ba?” Nang may pupuntahan na dapat ang mga pulis para sabihin ang message, biglang
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa