Kumunot si Zephir. Hinawakan niya ang baba nito at pinilit na iangat ang kaniyang ulo. “Sinong nagsabi sa'yo niyan?”Bahagyang nagulat si Roxy. Kinagat niya ang kaniyang labi at sinabing, “Sarili ko. Nakikita ko na higit pa sa kaibigan ang pag-aalala niya sa'yo.”Pagkatapos niyang magsalita, yumakap siya sa braso at leeg ni Zephir at nagpatuloy. “Zeph, alam kong lumaki kayong magkasama, pero nag-aalala ako na mahulog kayo sa isa't isa. Mahal mo ako habang buhay, hindi ba?”Walang sinabi pabalik si Zephir.Pagkatapos ng ilang sandali, pinalayo niya si Roxy, binaba niya ang baso at tumayo. “Mauna ka na matulog. Kailangan kong pumunta sa study room.”Nagdilim ang mukha ni Roxy habang pinapanood si Zephir na umalis sa kwarto.Hinaplos niya ang kaniyang mukha na kahawig ni Daisie. Umabot siya ng $30,000 para gawing katulad ni Daisie ang mukha niya.Sadyang hindi niya inakala na magiging girlfriend siya ni Zephir dahil sa mukha niya.Nang una, inisip niya na magiging girlfriend siya
Mahigpit na nakatikom ang labi niya.‘Bakit siya lumitaw at ginulo ang determinasyon ko sa tuwing pinipili ko ng sumuko?’Pumunta pa rin si Leah sa coffee shop sa huli.Pumasok siya sa coffee shop at tumingin sa paligid, pero hindi niya nakita si Zephir. Nang tatawagan niya na ito, nakita niya si Roxy na patayo na mula sa kaniyang upuan. “Ms. Younge, dito.”Nang makita na siya ‘yon, bahagyang natigilan si Leah.Lumapit siya at huminto sa mesa. “Bakit ka nandito?”Ngumisi si Roxy. “Dahil ako ang nag-imbita sa'yo rito.”“Ikaw?” bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Leah.‘Posible kaya na siya ang nagpadala sa akin ng text message gamit ang cell phone ni Zephir?’“Nagulat ka ba?” Inilahad ni Roxy ang kamay niya. “Maupo ka, Ms. Younge. May bagay akong gustong pag-usapan natin.”Umupo si Leah habang walang pagbabago ang ekspresyon. “Ms. Van Damme, anong gusto mong pag-usapan?”Hinalo ni Roxy ang kape sa kaniyang baso. “Halata naman. Syempre, tungkol kay Zephir.”Kumunot si Leah pe
“Roxy, tumayo ka.” biglang may boses na nagsalita.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Leah. Agad siyang lumingon at nakita si Zephir na palapit sa kanila.Nang magpapaliwanag na siya, nilagpasan siya si Zephir, lumapit kay Roxy at tinulungan itong tumayo.Nanginginig na kumapit si Roxy. “Zephir, kasalanan ko. Hindi dapat ako nakipagkita kay Ms. Younge para ipaliwanag ang sarili ko. Ginawa ko lang ‘yon dahil ayaw kong hindi maintindihan ni Ms. Younge.”Hinubad si Zephir ang coat niya at binalot kay Roxy.Sa sobrang galit ni Leah ay kinuyom niya ang kaniyang kamao at nagngalit ang kaniyang ngipin. “Zephir, anong ibig mong sabihin dito? Sinasabi mo ba na mas naniniwala ka sa mga sinasabi niya? Wala akong ginawa sa kaniya!”“Leah Younge!” Sinigaw ni Zephir ang pangalan niya at walang emosyon siyang tinitigan. “Sino pa ang gagawa ng ganitong bagay bukod sa'yo?”Natigil si Leah at agad na nabalot ng dilim ang puso niya.Namula ang kaniyang mata at namamaos ang boses. “So, pinipili m
Tiningnan nang mabuti ni Morrison si Roxy. “Hindi ko inakala na lalawak ang papanaw ko sa mga babae sa Zlokovia. Sa ganiyang acting skill, sayang naman at wala siyang career sa showbiz.”Nag-iwas ng tingin si Roxy, nagpapanggap pa din siyang mahina at mahinhin. “Ikaw… Ano ba ang sinasabi mo? Hindi naman kita nagawan ng mali, hindi ba?”Tumawa si Morrison. “Kapapakilala ko pa lang ng sarili ko, hindi ba? Witness ako sa insidente na ito, kaya wala itong kinalaman sa kung nagawan mo ako ng mali o hindi. Kung tutuusin, kaya niyong magsinungaling na mga biktima pero ang iba ay hindi.”Bahagyang nagdilim ang ekspresyon ni Zephir pero hindi siya nagsalita, kahit isa.Hinawakan ni Roxy ang kamay niya. “Zephir, kailangan mong maniwala sa akin. Hindi talaga ako nagsinungaling.”Suminghal si Leah at hindi na sinubukan pang magsalita para sa sarili niya. Ayaw na niyang magsalita pa nang kahit ano.Agad na kinuha ni Morrison ang cell phone niya. “Aksidente kong na-record ang isang eksena nan
Sinimulan ni Morrison ang makina, tinapakan ang accelerator at umalis.Pinanood ni Leah na lumayo ang sasakyan at binaba ang tingin niya.‘Sa huli, siya na naman ang tumulong sa akin.’Sa villa…Yumakap si Roxy kay Zephir mula sa likod. “Alam kong mali ang ginawa ko ngayon. Zephir, please huwag kang magalit sa akin. Inaamin ko na siniraan ko siya pero ginawa ko lang yon dahil gusto ko siyang lumayo sa'yo…”Tinulak ni Zephir ang tao na nasa likod niya palayo. Nawala sa balanse si Roxy, at tumama ang bewang niya sa kanto ng mesa bago siya bumagsak sa sahig. Hinawakan niya ang parte kung saan siya nasaktan at agad namutla ang mukha niya. “Zephir?”“Roxy, sa tingin mo ba pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo at lokohin ako dahil lang mabait ako sa'yo?”Tumitig siya sa madilim na mata ni Zephir, natigil siya, hindi niya pinansin ang sakit at nagpaliwanag, “H… Hindi… Zephir, alam kong kasalanan ko ito.”Lumapit si Zephir at hinawakan siya sa panga. “Huwag kang lumapit sa kahit sinon
Naranasan na ni Colton ang rason kung bakit gusto ng dad niya na mag retiro sa ganoong edad.“Okay, ngayon na nandito ka na, malaya na ako sa trabaho ko.”Tiningnan siya ni Colton. “Waylon, pwede tulungan mo pa ako nang ilang sandali?”“Huwag mo na subukan.” Agad na tumanggi si Waylon nang walang pagda-dalawang isip.Yumuko si Colton at hinawakan ang matabang kamay ni Charm. “Charm, tingnan mo, ayaw ng uncle mo na makapag pahinga si daddy. Hindi naman sa ayaw ni daddy na makipaglaro sa'yo…”Tinitigan niya si Charm na naglilikot sa braso niya at may sinasabi na hindi niya maintindihan at may naisip siya. Hindi niya mapigilan na maningkit ang mga mata at ngumisi.Kinabukasan, dumating si Colron sa Blackgold kasama ang anak niya sa kaniyang braso na gumulat sa mga staff.Kahit na nagbabasa siya ng mga dokumento, buhat niya sa isang kamay si Charm at naglilipat ng pahina sa kabila. At kapag umiyak si Charm, agad niyang kukunin ang bote ng gatas para patahanin ito. Nang makatulog si
Nagngalit ang ngipin ng lalaki at sumugod kay Mahina.Iniwasan siya ni Mahina at sinapak ang lalaki sa tagiliran, dahilan para mapaatras ito. Nang makita na hindi siya mananalo sa babae, tumalikod siya para umalis pero sinipa siya mula sa likod at natumba siya. Nalaglag ang wallet na hawak niya.Tinapakan siya ni Mahina sa likod at hinawakan sa kwelyo. “Bulag ka ba? Ang tanga mo para nakawin ang wallet ko!”Isa pang sapak ang tumama sa mukha niya.Nakarating na si Dylan at nakita kung paano bugbugin ni Mahina ang lalaki. Nagulat siya na para bang nawala ang pagpapanggap niya.Samantala, isang sasakyan ang nakaparada sa labas. Lumabas si Cameron kasama si Waylon at nagulat silang lahat nang pumasok sila sa hall.Nandito si Mr. Goldmann?Bukod sa kanilang dalawa, nandoon din si Harold at Conroy. Nagdala pa sila ng crates ng alak.Hindi nagtagal, dumating si Mahina at Dylan dala ang pagkain. Masaya si Dyla nang umalis sila pero ngayon ay mukha siyang lobong sumingaw.Nagsimulang
Lumapit si Cameron kay Waylon habang pauwi. “Anong sinabi mo kay Nick?”Tiningnan siya ni Waylon at ngumiti. “Inimbitahan ko siya sa kasal natin, syempre.”“Pumayag ba siya?”“Oo, syempre.”Sumandal si Cameron sa kaniyang upuan at ngumiti. “Akala ko magsisimula kayong mag sagutan.”Hinawakan ni Waylon ang kamay niya at hinalikan. “Hindi ka nag-aalala na baka mag-away kami?”Seryosong sinabi nito, “Hindi magandang makipag-away. Naisip ko lang na hindi kayo mag-aaway sa harap ng lahat.”Tumawa siya. “Nagiging makatwiran ka na.”Binawi ni Cameron ang kamay niya. “Ipapakita ko sa'yo kung sino ang boss sa pang aasar mo sa akin.”Biglang tumunog ang phone ni Waylon at si Morrison yon. Sumagot siya. “Bakit?”“Wayne, tara at makipag-party ka sa akin. Maraming mixed-heritage ang ganda sa Glitz. Sobrang hot nila!”Nang makita niyang palapit si Cameron, walang pagda-dalawang isip na sinabi ni Waylon. “Ayaw ko, ilalaan ko ang oras ko sa asawa ko.”Pinatay niya ang tawag at tiningnan si
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng