“Sana nga, Mr. Taylor.” Binaba ni Nollace ang cup at tumayo. Dahan-dahan niyang inayos ang butones sa kaniyang shirt at tumalikod.Nakatingin lang sa kaniya si Lucius at mahigpit na nakakuyom ang kaniyang kamao habang nawawala sa paningin niya si Nollace.Huminga nang malalim ang butler pero namuo ang takot sa kaniyang puso. “Sir, anong gagawin natin ngayon?” Huminto si Lucius sa tabi ng butler at sinabi, “Ikaw ang gumawa nito. Umisip ka ng paraan paano mo ito aayusin. Ipapatapon kita kung hindi mo ito magagawan ng paraan.” Namutla ang mukha ng butler dahil sa takot.…Nakatayo si Edison sa harap ng kotse nang lumabas si Nollace sa Taylor manor. Binuksan niya ang pinto para kay Nollace at pumasok na sila sa sasakyan. Nag-start na ng engine si Edison at nag maneho.Nang nasa byahe sila pauwi, tumingin si Edison sa rear mirror at sinabi, “Mr. Knowles, siguradong nabuhay ang takot ni Mr. Taylor sa pagbisita mo. Kung may kinalaman talaga siya, sigurado na buburahin niya lahat ng b
Naiintindihan ko naman na gusto mo tulungan ang kaibigan mo.” Sinuot ni Professor Merlin ang salamin niya at nagsimulang ayusin ang mga dokumento sa mesa. “Pero natatakot ako na baka magkaroon pa ng problema lalo kung pakikialaman mo ang nangyari.”Tumango si Freyja. “Naiintindihan ko. Isang taong may makapangyarihan na pamilya lang ang pwedeng makapatay ng inmate gamit ang lason. At ang pamilyang ito ay isang banta sa prince at sa buong royal family.”Mahigpit ang seguridad sa kulungan. Kahit na may tauhan sila doon, hindi makakagawa ng ganitong gawain ang isang ordinaryong tao. At saka, pag nakapatay sila ng inmate, magkakaroon sila ng mas malaking problema. Pero dahil malakas ang loob nilang gawin iyon, siguradong may kakayahan silang maiwasan ang pinsalang gagawin nila. Nag-krus ang daliri ni Professor Merlin at nilagay niya ang kaniyang kamay sa mesa. Umupo siya nang tuwid at sinabi, “So, nakapag-isip ka na ba?” Seryosong sinabi ni Freyja, “Oo, professor. Kahit na hindi
Naramdaman ni Freyja na may gustong sabihin ang lalaki. Tiningnan niya si Professor Merlin at sinabi, “Kaya kong patunayan sa inyo na wala itong kinalaman sa prince.”Kumunot ang noo ng lalaki pero wala siyang sinabi.Ngumiti si Professor Merlin at sinabi, “Captain Burke, ito ay estudyante ko. Interested din siya sa usapan na ito.”Kumunot ang noo ni Captain Burke at timanong, “Kamag-anak niya ba ang namatay?”“Hindi. Pero kamag-anak niya ang prince. Anak siya ni Brandon.”Tumango si Captain Burke. “I see.”Tiningnan siya ni Freyja at tinanong, “Pwede ba kita tanungin? Paano mo naisip na may kinalaman sa prince ang nangyaring ito? Dahil lang nandoon sa lugar ang tauhan ng prince nang namatay ang suspect?”Nanahimik nang ilang sandali si Captain Burke bago magsalita, “Kahit na hindi pa natin makumpirma kung may kinalaman ba ito sa prince o wala, siya ang unang taong nakakaalam na baka si Bart ang taong naglagay ng lason sa pagkain. At namatay si Bart dahil marami siyang alam. Ang
Umalis si Mia para gumawa ng tea.Lumapit si Daisie kay Freyja. “May nangyari ba kay Nollace?”Napahinto nang ilang sandali si Freyja. “Daisie…”“Freyja, please bigyan mo naman ako ng kahit anong panghahawakan. Dalawang araw ng hindi umuuwi si Nollace, at nang pumunta si Edison dito noong nakaraang araw, sinabi lang niya sa akin na may kailangan asikasuhin si Nollace, pero alam ko naman na kahit malaki ang dapat niyang harapin, tatawagan pa rin niya ako at siya mismo ang magsasabi sa akin.”‘Kung hindi siya nasa panganib ngayon, bakit si Edison lang ang nagsasabi ng mga gusto niyang sabihin sa akin? Hindi man lang niya ako tinawagan o nag-text ng kahit anong message nitong mga nakaraan.’Alam ni Freyja na hindi niya na ito matatago kay Daisie, kaya yumuko siya. “Sorry, Daisie. Siguro ay ayaw ka lang niyang mag-alala pero sana magtiwala ka na lang sa kaniya.”Umupo si Daisie. “Wala kayong sinasabi sa akin na kahit ano. Paano ako maniniwala sa kaniya?” Huminga nang malalim si Fre
Sa detention center…Dahil sa arrangement na ginawa ni Yorrick, nagkaroon ng pagkakataon si Colton na makita si Nollace. “Anong ginagawa mo? Bakit nasa kulungan ka?”Sumandal si Nollace sa upuan at tumingin siya sa labas. “Bakit ka pumunta para bisitahin ako? Marami ka bang free time?”“Sino pa bang magkakaroon ng libreng oras para bumisita sayo dito? Tatanungin ko lang anong gusto mo. Nakarating ka na sa pinakadulo ng nangyari kay Daisie at nalaman mo na rin na may kinalaman ito sa anak ng mga Taylor. Sa huli, bakit mo pa pinipilit na imbestigahan ang pagkamatay ng housekeeper?”‘Sa ginawa niya, parang naghukay lang ng sariling libingan ang siraulong ito, ‘di ba?’Tumawa si Nollace. “Ang ginawa mong pagkalat ng recording ay hindi naging dahilan para sumuko ang mga Taylor. May kinalaman ang mga Taylor sa pagkamatay ni Clover pero patay na ngayon ang witness, at wala pa akong nakikitang ebidensya. Kung hindi ako pumunta dito para makulong, sinong gagawa nito?” Humalukipkip si Col
Walang ekspresyon na nagkibit-balikat si Nollace, at halos mamatay na si Cecilia dahil sa kasiyahan ni Nollace. “Sobrang proud talaga ako sa sarili ko kasi ang taong makukulong ay hindi naman ako. At para sa ebidensya para ilagay ako dito, sobrang dali lang linisin ng pangalan ko. Nakadepende lang iyon kung gagawin ko ba o hindi.”Ngumisi si Cecilia at nag-igting ang kaniyang labi. “Huwag mo na lokohin ang sarili mo. Nollace Knowles, isa ka na lang down-and-out prince na makukulong sa kulungan, walang ibang makakatulong sayo kundi ako!”Sa oras na iyon, biglang binuksan ng officer ang pinto at pumasok. “Mr. Knowles, pwede ka ng lumabas ngayon.”Biglang nagbago ang ekspresyon ni Cecilia. “Paano ‘yan nangyari!?”‘Siya ang suspect na may pinakamalaking motive, bakit siya papakawalan?’Naningkit ang mata ni Nollace habang iniisip ang biglaang nangyari, narinig niya na nagpatuloy sa pagsasalita ang mga pulis. “Nagbigay ang asawa mo ng strong proof na hindi mo lalasunin si Clover Finlay
‘Kung gagalitin ko siya ulit, sa tingin ko hindi ko na siya masusuyo.’Nag-report si Edison, “Nakakita na ako ng clues. Nagmula rin sa north ang butler ng mga Taylor. Silang dalawa ni Bart Duval ay may parehong pinanggalingan.”Hinawakan ni Nollace ang baba niya at inisip niya ang impormasyon na nakuha nila. “Mula sa north, parang magandang clue ito. Magpadala ka ng tao sa north region para kumpirmhin itong impormasyon. Siya nga pala, ipakalat mo itong balita. Mabuti na malaman ito ng taong iyon.”Tumango si Edison. “Understood.” Nang umalis na si Edison, hinawakan ni Daisie si Nollace. “Nollace, may kinalaman sa mga Taylor ang pagkamatay ni Madam Ames, tama ba?”“Maaaring ganun nga, pero kailangan pa natin ng ebidensya.” Tiningnan ni Nollace si Daisie, tinitigan niya ito at hinawakan sa kamay. Matapos iyon, niyakap niya si Daisie at hinalikan ang ulo nito. “Huwag ka mag-alala. Malakas ang loob kong matatapos din natin itong sitwasyon na ito.”…Bumalik na si Cecilia mula sa pr
Hindi mapakali ang ekspresyon ni Lucius, pero malakas pa rin ang loob niya habang nagsasalita. “Walang kinalaman ang nangyaring iyon kay Cecilia. Ang suspek ang gumamit kay Cecilia. Sigurado akong walang gagawin na kahit na ano si Cecilia para saktan ang royal heir.”“Talaga?” kinuha ni Diana ang teacup mula sa saucer, nakatingin lang siya sa tea. “Kung ito ang sitwasyon, bakit ang anak ko na nag-iimbestiga ng pagkamatay ng housekeeper ay nasisi bilang suspek?” “Your Majesty, marahil lahat ng ginawa ng His Highness ay para ipaghiganti ang kaniyang asawa. Nakita na ng mga guard at pulis sa kulungan ang murderer, at nagpadala pa ang His Highness ng taong maghahanap sa murderer. Pero, napatay na ang murderer nang dumating sila. Nakakapagtaka talaga ang mga aksyon ng His Highness kung titingnan itong nangyari.”“Kung kahina-hinala si Nollace, bakit hindi kahina-hinala si Ms. Taylor?”Nag-iba ang ekspresyon ni Lucius.Tinaas ni Diana ang ulo niya, tinitigan niya si Lucius, at malinaw