Tinikom ni Daisie ang labi niya at umalis para maghugas ng kamay.Habang naghuhugas siya ng kamay, tapos na si Nollace sa paghahanda ng mesa. Kinagat ni Daisie ang stew. Natunaw ang karne sa bibig niya na parang ice cream. Hindi lang yun malambot dahil masarap din. Hindi ito mamantika at ayun ang pinakamasarap na stew na nakain niya.Tiningnan siya ni Nollace. “Anong lasa?” Habang nginunguya ang stew, tumango si Daisie. “Masarap.” Kinurot ni Nollace ang pisngi niya at masayang ngumiti. “Kainin mo na lahat. Lahat ng ito ay sayo.”Nagulat siya. “Lahat ng iyan ay para sa akin?”Ngumiti si Nollace. “Ito ay para i-celebrate na nakuha mo yung role na gusto mo.”Kinagat ni Daisie ang tinidor niya at tinanong, “Interesado ka rin sa mga bagay na iyon?”“Oo, interesado ako sa lahat na may kinalaman sayo,” sumagot si Nollace habang nilalagay ang piece of meat sa plato ni Daisie.Gumalaw ang pilikmata ni Daisie, natunaw ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niya na
Nawalan ng balance si Sandy at natumba sa sahig. Walang tigil ang katawan niya sa panginginig dahil sa takot. …Nang malaman ni Colton na nasa Zlokova pa rin si Sandy, agad siyang nag-utos na hanapin si Sandy. Samantala, nilagay naman ng pulis si Sandy sa mga listahan ng mga taong wanted para sa illegal entry.Nang dumaan si Freyja sa study room kasama si Deedee, narinig niya ang usapan ni Colton at Leonardo. Hinigpitan niya ang hawak kay Deedee nang malaman niya na nasa Zlokova pa ang nanay niya.Tinaas ni Deedee ang ulo niya para tingnan si Freyja at mahinang sinabi, “Tita Freyja, nasasaktan mo ako.”Bumalik si Freyja sa katotohanan at niluwagan ang hawak kay Deedee. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ni Deedee at sinabi, “Sorry. Masakit pa rin ba?”Umiling si Deedee. “Hindi na.”Biglang binuksan ni Leonardo ang pinto noong oras na iyon at pareho silang nagulat.“Ms. Pruitt?” Sabi niya.Tumingin si Colton sa pinto.Sumalubong ang tingin ni Freyja sa kaniya at yumuko para
Hawak ni Daisie ang skewer. Binababa niya ang facial mask niya para kumagat kada habang, para siyang gutom na kuting na dahan-dahang nagnanakaw ng pagkain sa master niya. Tiningnan siya ni Nollace at masayang tumawa. “Parang hindi pa sapat ang pinakain ko sayo ngayong araw. Hindi ka pa tumitigil sa pagkain simula nung pumunta tayo dito.”Nagulat si Daisie. Hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niya na ang weird nang sinabi Nollace na hindi pa niya ito napapakain nang sapat. Tinakpan niya ang bibig niya at bumulong, “Matagal na panahon na noong kumain ako ng skewer.”Nang may bigla siyang maisip, kinuha niya ang nasa bag niya at sinabi, “Gusto mo ba subukan?” Biglang lumapit si Nollace at kumagat sa skewer ni Daisie.Nagulat si Daisie, at medyo matagal bago siya bumalik sa katotohanan. “Bakit mo…” Nang mapansin niya ang tingin mula sa paligid, mabilis niyang sinuot ang mask niya at sinabi, “Anong ginagawa mo? Gusto mo bang mahuli tayo?”Hindi niya alam bakit ayaw ni N
Kinarga siya ni Nollace papuntang kama. Nang tatayo na sana siya, hinila siya ni Daisie pababa. Buti na lang, alisto siya at agad na naitukod ang kamay niya sa kama. Habang nakatingin sa naglalambing na mata ng babae sa kaniyang ibaba, tumikhim siya at kumunot ang kaniyang noo. “Daisie, nagiging bad girl ka na naman.”Hinaplos ng daliri ni Daisie ang labi ni Nollace at sinabi, “Hindi ako bata kaya bakit ako naging bad girl?”Huminga nang malalim si Nollace at nilayo ang kamay ni Daisie. “Kung hindi mo ito titigilan, baka—”Ngumiti si Daisie. “Baka ano?”May malambing at nakakaakit siyang mukha. Hindi niya kailangan mangakit o magpanggap. Ginamit niyang trap ang ngiti niya at walang kahit anong prey ang makakatakas doon.Walang sinabi na kahit ano si Nollace.Nakatitig lang siya kay Daisie, nag-iigting ang panga niya.Nang iniisip ni Daisie na gamitin niya abg technique na natutunan niya sa TV para akitin si Nollace, hinalikan niya ito ng walang kahit anong pagbabanta.Bumalik
Binuksan ni Daisie ang pinto ng private room, nakita ang limang tao na nasa likod ng wooden screen, at pumasok ako.Si Shannon ang unang nakakita sa kaniya kaya tumayo siya at lumapit sa kaniya. “Daisie, nandito ka na rin. Tara at samahan mo kami at ipapakilala sa mga bagong investor ng drama natin.”Tumingin si Daisie sa lalaking nakaupo habang nakatalikod sa kaniya. Nang matapos magsalita si Shannon, mabagal na lumingon ang lalaki at tiningnan siya.Natigil si Daisie sa pwesto niya at hindi makapaniwala sa nakita niya. “Ikaw…”May ngiti sa gilid ng labi niya at mukha itong malalim at elegante katulad noon. “Daisie, it's been a long time.”Tumawa si Daisie at tinapik ang braso niya. “Zephir, ikaw pala ‘yan! Kailan ka pa nakabalik sa Zlokova?”Nagulat ang lahat ng screenwriter at producer na nasa kwarto. Kahit si Shannon ay hindi mapigilan na matawa. “Magkakilala ba kayo?”Tiningnan ni Zephir si Shannon, ngumiti, at tumango. “Yeah, magkakilala kami.”Mukhang may naintindihan si
Sa ngayon, ang tanging role lang na may gaganap na sigurado ay si Nancy Hanks at si Daisie ang gaganap sa kaniya. Naghahanap si Shannon at tinitingnan ang akmang actor para sa iba pang dalawang leading role na sina Simon Winchester at Xenos Yates.Nang tinanong ng screenwriter si Daisie para sa opinyon niya, nagulat siya. “Gusto mo ba ng opinyon ko?”Kinaway ni Shannon ang kamay niya at nagpaliwanag, “Ayos lang, Daisie. Nabasa mo na ang script at ang original na novel. Pwede ka magsabi kung sino sa tingin mo ang pinaka bagay na actor para sa mga role.”Tinitigan ni Daisie si Zephir.Nakangiting tumango si Zephir.Hinaplos niya ang kaniyang baba at nag-isip. Kung tutuusin, ang dalawang character na ito ay gay sa original na novel ni Freyja. Pero, pagkatapos mabili ang copyright ng novel at binago ang original copy, ang sensitibo na LGBT na relasyon ay pinalitan nang pagkakaibigan.Si Simon Winchester ay isang reporter at dating anak ng mayaman na pamilya. Dahil sa isang trahedya n
Tumango si Shannon. “Kahit na hindi ko pa nakatrabaho si James, nakatrabaho ko na ang mom niya, si Marione Gondalez. Dahil anak siya ni Marione, hindi naman siguro pangit ang acting skills niya.”Tiningnan siya ni Daisie. “Salamat, Mr. Fallon. Kakausapin ko siya tungkol dito kapag nakabalik na ako.”Alas onse na ng umaga nang matapos ang meal.Hinatid ni Daisie at Zephir si Shannon at mga producer sa baba. Pagkatapos umalis ng iba, naglakad ang dalawa papunta sa parking lot sa basement.Naglakad si Daisie sa tabi niya. “Zephir, bakit hindi mo sinabi na gusto mo maging direktor?”Pagkatapos na hindi makita si Zephir nang ilang taon, hindi na si Zephir ang kuya na kilala niya sa school—mas mukha siyang mature, gwapo, at elegante kaysa noon.Tumingin siya kay Daisie. “Hindi mo naman tinanong noon.”Kinamot niya ang pisngi niya at nahihiyang ngumiti. “Tama ka, pero nagulat ako na pinili mong pumasok sa showbiz.”“Kahit ano pang field ang piliin ko, walang magbabago.” Tumigil siya,
Pagkatapos sabihin yon, idinagdag niya, “Huwag ka mag-alala, hindi ko idadamay si Daisie.”Nakatikom ang labi ni Colton nang ilang sandali. “Gaano kalakas ang loob mo?”Ngumiti siya at umangat ang tingin. “Nag aalala ka ba sa akin, Colton?”Pinatunog ni Colton ang dila niya at humalukipkip. “Hindi ako nag aalala sa'yo. Magiging biyuda si Daisie kapag hindi ka nag ingat at mamatay ka. Ayaw kong makita siyang mabyuda sa ganitong edad dahil sa'yo.”Kinuha ni Nollace ang tasa at walang sinabi. Tumayo si Colton. “Kung kailangan mo ng tulong, magsabi ka lang. Huwag kang mamatay.”Gumalaw ang sulok ng labi ni Nollace nang marinig yon at sumimsim siya ng tsaa.…Hinahanap ni Daisie si James para kausapin siya sa pagkuha ng role pero nang makapasok siya sa studio, nakita niya si Freyja na nagbubuhat ng kahon.Lumapit siya agad, tinulungan siya sa mga kahon at pinagalitan, “Freyja! Hindi ba't naka-leave ka? Bakit bigla kang bumalik sa trabaho? At bakit ka nagbubuhat ng mabigat na kart
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa