Tiningnan ni Daisie si Zenovia at ngumisi siya. “Ms. Livingston, naniniwala ako na ibibigay sayo ng mga pulis ang katotohanan kaya habaan mo na lang ang pasensya mo sa paghihintay.” Nag-igting ang ngipin ni Zenovia.‘Siguro sinadya niyang gawin ito.” Natapos na rin ang insidenteng nangyari at umalis na ang lahat sa senaryo. Nang bumalik sila sa kotse, hindi napigilan na mairita ni Diana. “Zenovia Livingston, ang b*itch na yun! Talagang pinagbintangan ka niya ng wala man lang maayos na ebidensya. Pero huwag ka mag-alala, naniniwala ako sayo, Daisie—”Bago pa matapos sa pagsasalita si Diana, nilabas ni Daisie ang kwintas sa dress niya. Nagulat si Diana.Ipinaliwanag niya ang katotohanan, “Tita Diana, totoong nakita ko ang kwintas na ito sa bag ko.” Sinabi niya kay Diana kung ano ang nangyari, at mas lalo pang nagalit ang ekspresyon ni Diana matapos makinig sa mga nangyari bago ang insidente. “Gusto ka pala niya mapahiya. Kaya pala gusto niyang pigilan ka sa pag-iimbestiga sa
Nakakatakot na kalmado lang si Nollace. Matapos ang ilang sandali, nilagay niya sa gilid ang dokumento. “Hindi na gumana ang patibong niya ngayon pero hindi siya agad susuko.”Nagpatuloy si Edison, “Pero inutusan ni Madam na huwag payagan si Ms. Livingston na makita ang waiter.” Dahan-dahan na tumingin si Nollace at tumawa. “Magiging iba itong sitwasyon kung makukuha niya ang permiso ng hari.” Biglang huminto si Edison sa pagsasalita.Sa White Ivy Palace…Nagkita si Zenovia at ang hari para ikwento lahat ng paghihirap na nangyari sa kaniya sa auction.Umupo si William sa likod ng mesa, nagbabasa siya ng ilang dokumento, at kumunot ang noo niya. “Dahil nag-umpisa naman na ang mga pulis sa imbestigasyon, ano pang kinababahala mo?” Tinikom niya ang labi niya at Ipinaliwanag, “Gusto ko lang naman malaman ano ang ang nangyayari sa imbestigasyon, pero pinigilan ako ni Mrs. Knowles na malaman.” Tumingin si William. “Pinigilan ka ni Diana?” Nagpanggap si Zenovia na nakakaawa siy
Hindi nag-iba ang ekspresyon ni Nollace, wala siyang emosyon at kalmado lang siya tulad ng dati. “Parang napaka-lakas ng loob mo.” Nginitian siya ni Zenovia. “Syempre, confident ako. Maliban sa pagiging anak ng mga Goldmann, wala ng mabibigay sayo si Daisie na kahit ano. Samantalang, kakaiba ako. Kaya kong gawin ang kahit ano para sayo at sisiguraduhin ko na makikita mo rin ang halaga ko pagdating ng panahon.” Nang yayakapin na sana niya si Nollace, tinulak ni Nollace si Zenovia palayo. Natumba siya sa sahig, gulat siyang tumingin, tiningnan niya ang madilim at malamig na titig ni Nollace, at hindi niyang napigilang manginig. Walang pakialam si Nollace na nakatingin sa kaniya. “Sa tingin mo ba kaya mo ng hamunin ang bottom line ko dahil lang sa kinikilala ka na ng lolo ko bilang god-daughter niya?” Nag-igting ang ngipin si Zenovia. “Anong bottom line ang tinutukoy mo? Si Daisie?” Lumapit si Nollace, hinawakan ang baba ni Zenovia, at ngumisi. “Kung hindi gagana ang warning s
Tumingin si Nollace sa bintana, at nakatitig lang siya sa villa nila Daisie nang ilang sandali. Itinago niya kay Daisie ang trip niya papuntang Haniston kasi ayaw niyang mag-alala siya. “Itong trip na ito ang susi ng tagumpay o hindi.”Sumagot si Edison, “Pero hindi mo kailangan na gawin ito. Na-offend ni Ms. Livingston si Ms. Vanderbilt, at ang mga Goldmann ang kikilos para doon.”Ngumisi si Nollace at nagdilim ang mata niya. “Hindi man ako kasing-galing ni Nolan Goldmann, pero hindi ko planong umasa sa mga Goldmann para solusyunan ang isyu na ito. Kailangan kong ibigay ang lahat ng makakaya ko.”Dalawang araw ang nakalipas, sa college…Nakaupo sila Daisie at Freyja sa cafe, at nagulat si Freyja sa business trip ng pinsan niya. “Ayos naman ang lahat. Bakit bigla siyang kailangan pumunta sa abroad?” Nagkibit-balikat di Daisie. “Hindi ba pumupunta naman ang mga businessman sa ibang bansa? Ganun din ang buhay nila mom at dad.” Lumapit si Freyja sa kaniya at bigla niyang seryosong
Hinigop ni Freyja ang chicken and mushroom soup, bahagya siyang nabulunan dahil sa sinabi ni Daisie st suminghal siua. “Ayos lang. Hindi naman ako malakas kumain.”“Masyado kang payat. Dapat kumain ka pa.”“110 pounds ang timbang ko, at ikaw, ikaw na lagpas lang ng konti ang timbang sa 90 pounds at may lakas ng loob ka pang tawagin akong payat?”Hindi nakapagsalita si Daisie.‘5’7” si Freyja, at ang 110 pounds na timbang ay normal na para sa kaniya.‘At ako ay 5’3” pero dahil mas binibigyan ko ng pansin ang shape ko, hindi ko talaga hahayaan na umabot ako ng 100 pounds.’ Tumaas ang ulo ni Waylon at tiningnan niya si Daisie, “Yeah, totoo na parang bumaba ang timbang mo.”Nilagay niya ang sliced loin steak sa plato ni Daosie. “Magmumukha ka lang healthy pag umabot ng over 100 pounds ang timbang mo.”Nagalit si Daisie. “Isa na yang taba, okay!?” ‘Paano ko ikukumpara ang sarili ko kay Freyja? Matangkad si Freyja, kaya kung over 100 ang timbang niya ay normal na iyon. Pero sobra
Tumango si Waylon. “Ibig sabihin, yung pagpilit mo kay Nollace na pakasalan ka ang paraan mo ng pagrespeto sa ibang tao? Kung ayan ang kaso, isa ka ngang righteous na tao.” Isang bakas ng galit ang makikita sa ilalim ng mata ni Zenovia. “Itong isyu ay sa pagitan na lang namin ni Mr. knowles.”“Hanggat may relasyon pa sila ng kapatid ko, hindi ko papayagan na magkaroon kayo ng relasyon. Hindi ko kayang tanggapin na nakatingin ako ngayon sa isang malanding babae, naiintindihan mo ba ako?”Mula sa umpisa hanggang dulo, hindi sumobra si Waylon sa pagpili ng kanyang mga sasabihin—hindi nga rin siya sumagot—pero ang sinabi niya ay sobrang nakakainis at napaka-ironic.Nanginig ang nakakuyom na kamao ni Zenovia, at agad na nagdilim ang ekspresyon niya. “Nasa Yaramoor tayo hindi sa Zlokova. Kahit na gaano makapangyarihan ang mga Goldmann, wala ka sa tamang posisyon para maging matapang at bastos sa ibang.”Tiningnan siya ni Waylon at naningkit ang mata niya. “Ikaw nga galing sa Haniston,
Biglang sinabihan ni Waylon ang driver na huminto siya. “Mag-taxi na lang kami pauwi. Sundan mo si Ms. Pruitt at siguraduhin mo na makakauwi siya ng ligtas.” Tumango ang driver.Matapos lumabas ng dalawa sa kotse, tumalikod si Daisie at tiningnan si Waylon. “Waylon, the best ka talaga.”Tinaas ni Waylon ang kamay niya at hinaplos ang ulo ni Daisie. “Ayan ay dahil alam kong nag-aalala ka sa mga kaibigan mo.”Niyakap ni Daisie si Nollace at sumandal sa balikat niya, at tumawa. “Masasabi ko pala na sobrang kilala mo na ako.” Noong gabing iyon sa Knowles mansion…Nakatayo sa kwarto si Diana at sinubukan na tawagan si Nollace pero hindi niya ito matawagan.Matapos maligo ni Rick, lumabas na siya ng banyo, pinupunasan ng towel ang buhok niya. “Anong problema?”Tumalikod si Diana at nag-aalala ang ekspresyon niya. “Dear, sabi ni Edison umalis daw si Nollace para sa business trip. Gusto ko lang naman na tawagan siya pero hindi ko siya matawagan.”Ngumiti si Rick at nilagay ang towel
Bumitaw si Diana at umatras nang dalawang hakbang, namumutla ang mukha niya.Sa oras na yon, nakalabas na ang server na nakulong nang pitong araw.Lumabas siya ng pinto at pumasok sa sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan. Umupo si Zenovia doon habang bahagyang nakababa ang back window.Sinenyasan siya na pumasok sa sasakyan. Nang umupo siya, nagsimula siyang magmakaawa, “Ms. Livingston, pangako hindi kita nilaglag. Please, pakawalan mo ako.”Kinuha ni Zenovia ang envelope na may laman na cash sa bag niya at binigay sa kaniya. “Alam kong hindi mo gagawin kaya dapat lang sa'yo ito.”Kinuha ng server ang envelope, makapal yon at mabigat. Malaki ang halaga na nilalaman non.Tiningnan siya ni Zenovia na nakangiti at sinabing, “May ipapagawa ako sa'yo.”Nagulat siya at agad binalik ang pera. “Ms. Livingston, hindi na ako pwedeng makulong ulit—”“Huwag kang mag-alala. Hindi na mangyayari sa'yo yun.” Pinigilan siya ni Zenovia at tinulak pabalik sa kaniya ang envelope. “May kailangan
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa