Bumitaw si Diana at umatras nang dalawang hakbang, namumutla ang mukha niya.Sa oras na yon, nakalabas na ang server na nakulong nang pitong araw.Lumabas siya ng pinto at pumasok sa sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan. Umupo si Zenovia doon habang bahagyang nakababa ang back window.Sinenyasan siya na pumasok sa sasakyan. Nang umupo siya, nagsimula siyang magmakaawa, “Ms. Livingston, pangako hindi kita nilaglag. Please, pakawalan mo ako.”Kinuha ni Zenovia ang envelope na may laman na cash sa bag niya at binigay sa kaniya. “Alam kong hindi mo gagawin kaya dapat lang sa'yo ito.”Kinuha ng server ang envelope, makapal yon at mabigat. Malaki ang halaga na nilalaman non.Tiningnan siya ni Zenovia na nakangiti at sinabing, “May ipapagawa ako sa'yo.”Nagulat siya at agad binalik ang pera. “Ms. Livingston, hindi na ako pwedeng makulong ulit—”“Huwag kang mag-alala. Hindi na mangyayari sa'yo yun.” Pinigilan siya ni Zenovia at tinulak pabalik sa kaniya ang envelope. “May kailangan
Sumagot ang doctor, “Pasensya na, ma'am. Kapareho mo ng pangalan ang cancer patient at nagkamali ang nurse. Bumaba na kayo.”Bumaba si Daisie sa window ledge at humawak sa doctor, pinipigilan ang emosyon niya. “Nagkamali ba talaga? Pero bakit pakiramdam ko mamamatay na ako?”Nagulat ang professor sa pangalawang sinabi ni Daisie.Tiningnan ng professor na wala sa stage ang script at napagtanto na nagawa ni Daisie ibalik sa ikot ang kwento.Sa orihinal na script, isang final-stage cancer patient ang character. At base sa kwento, walang pagkakamali doon. Sasabihin ng doktor na may pagkakataon siyang mabuhay para mapatigil ang pasyente na gustong tapusin ang buhay niya para magpatuloy ang kwento.Hindi sumunod ang doctor sa script at sinubukan na guluhin ang performance ni Daisie.Hindi lang basta nakapag improvise nang maayos si Daisie pero nagawa niya rin yun ipagpatuloy ayon sa nakalagay sa script. Ayon ang bagay na hindi magawa nang halos lahat ng estudyante.Kung tutuusin, nali
Laging may dumi sa likod ng malaking kapangyarihan at kahit noon, hindi nagiging maganda ang katapusan ng mga tao na may mas kapangyarihan sa hari.Nilukot ni Daisie ang papel, mukhang galit.Sa White Ivy Palace meeting room…Seryosong pinag uusapan ng mga ministro ang report ng media outlet dahil malaking problema yon.Iba iba ang paniniwala nila dahil iniisip ng iba na sinadyang gawin yon para siraan ang relasyon ng dalawang bansa habang iniisip ng iba na gustong madawit ng Zlokova sa bansa nila.Kinuha ni King William ang tasa niya at sumimsim ng mainit na tsaa. Nagpatuloy ang usapan hanggang sa binagsak niya ang tasa.Agad na nagkaroon ng katahimikan.Pinagkrus ni King William ang daliri niya, nilagay niya yon sa mesa at sinabi habang seryoso ang emosyon, “Naiintindihan ko ang pag aalala niyo pero umaabot na kayo sa tuktok sa pag iisip na sinusubukan ng mga tao na madawit sa politika natin dahil sa balitang ito.”“Kamahalan, kahit na wala tong mapapatunayan, kailangan natin
Tinanong ni Diana, “Paano kung may nangyari talaga?”“Walang masamang nangyari.” sagot ni King William.Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, mabagal na tumayo si Diana. “Dad, anong gagawin mo kapag may nangyari kay Nollace?”Natigil si William at sinabing, “Hindi ko sila hahayaan na makawala doon.”Gumalaw ang gilid ng labi ni Diana. “Sana gawin mo ang sinabi mo.”Umalis siya ng kwarto, naglakad sa main hall at nakasalubong si Zenovia na nakangiti at mukhang good mood. “Mrs. Knowles, nandito ka ba para makita ang Kamahalan?”Walang ekspresyon siyang tiningnan ni Diana. “Minaliit kita.”“Mrs. Knowles, lahat ay may kaniya-kaniyang problema. Biktima ako dito. Ang tao na naglalaro sa paligid ay ang babaeng Goldmann na yon.”Tumayo si Zenovia sa harap ni Diana at idinagdag, “Mrs. Knowles, pinapaalalahanan lang kita. Kapag hindi nirespeto ng Goldmann ang mga royal, hindi rin nila rerespetuhin ang Knowles. Kahit na mabait ka kay Daisie, kahit na pakasalan niya si Nollace, baka
Nagtaka si Freyja. “Pero kapatid mo siya. Hahayaan mo ba na gawin sa kaniya ‘yan ng mga reporter?”Binitawan siya ni Waylon na may kalmadong mata at ngiti. “Ms. Pruitt, sa tingin mo ba hindi masyadong ironic ang sinabi mo?”Nagulat si Freyja.Tumingin si Waylon sa mga tao at sinnabing, “Iniisip mo na sumusobra kami sa pagprotekta sa kaniya pero ngayon gusto mong tulungan namin siya. Hindi siya matututo na ayusin ang problema sa ganitong paraan.”Nagulat si Freyja pero hindi niya inakala na maaalala ni Waylon ang sinabi niya noong nakaraan at ang mahalaga pa doon ay nakinig siya.Binuka niya ang kaniyang labi, “Sinabi ko lang yung siguradong bagay, tulad ng sarili niyang kasal at kaibigan.”Hindi dapat sila nakikiaalam doon.Tinagilid ni Waylon ang ulo niya at tiningnan si Freyja. “Hindi ba't pareho lang yon?”Natahimik si Freyja.Sa oras na yon, narinig ang boses ni Daisie sa maraming tao. “Kung sa tingin niyo ay guilty ako, makikipagtulungan ako sa mga pulis para mag imbestig
Tumango si Waylon.Lumabas si Freyja sa sasakyan at pumasok sa courtyard.Nagmaneho siya pabalik sa Hilton Villas at hininto ang sasakyan. Lumabas siya ng sasakyan at nakita si Colton na nakatayo sa ilalim ng puno sa courtyard.Tinanggal ni Colton ang earphone niya at tinanong, “Waylon, kailangan mo ba talaga na lumapit kay Freyja?”Huminto si Waylon sa harap niya at may ngiti sa mukha niya. “Kaibigan siya ni Daisie. Wala naman akong nakikitang mali sa paghatid sa kaniya pauwi.”Humalukipkip si Colton at iniwas ang mukha niya. “Hindi siya kaibigan ni Daisie. Nagbabago ang tao. Kahit na kaibigan siya ni Daisie ngayon, hindi ibig sabihin ganoon pa rin sa susunod.”Nang marinig ang sinabi niya, tumawa si Waylon. “Mukhang marami kang problema sa kaniya.”Nagulat si Colton at nagdilim ang mukha niya. “Papansin ang babae na yon… Akala ko si Daisie lang ang may pakialam sa kaniya, bakit pati ikaw… Nga pala, sana lang hindi mo siya bigyan ng mga kakaibang ideya.”“Alright,” Agad na sin
Mahina ang boses na sumagot si Daisie, “Huwag mo siya pansinin. May ilang araw na ganito siya sa isang buwan.’Tumigil si Colton at tumalikod. “Hindi ako bingi, alam niyo naman yon, ano?”Nagkibit-balikat si Daisie at pilit na ngumiti nang makita niya ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Colton.“Daisie, pumunta ka na sa klase mo. Ikaw dito ka lang. May itatanong ako sa'yo.” Tinuro niya si Freyja.Nagulat si Freyja.Tiningnan sila ni Daisie at tinanong, “Anong itatanong mo kay Freyja?”Tinulak siya palayo ni Colton at sinabing, “Maging mabait ka at pumunta ka sa klase mo.”Naglakad siya palapit kay Colton bago humarap at sinabing, “Binabalaan kita, Colton. Huwag mong i-bully si Freyja. Kung hindi, hindi ka makakauwi ngayon!”Lumalabas na ang ugat sa noo ni Colton pero hindi niya pinansin si Daisie.Dinala niya si Freyja sa likod ng building dahil kaunti lang ang yao doon. Sumandal si Freyja sa pader, humalukipkip at tinanong, “May maitutulong ba ako sa'yo?”“Gusto kong luma
Pinakalma ni King William ang sarili niya at sinabing, “Tawagin mo si Ms. Livingston. Maraming koneksyon ang pamilya niya sa Haniston. Sa tingin ko mas magiging maganda ang bagay sa tulong ng Livingston.”Nag utos si Paul na tawagan si Zenovia. Nang makarating si Zenovia sa palace, nag iingat siya. Nakita niya ang balita na nawawala si Nollace.Pero, hindi niya masabi kung nawala ba si Nollace pagkatapos makipagkita sa tito niya o bago pa. Kung nawala siya pagkatapos makipagkita sa tito niya, mapapasok sa gulo ang Livingston.Ilang beses niyang pinaalalahanan ang tito niya kaya sigurado siya na hindi yon gagawin ng tito niya dahil walang makukuhang benepisyo ang Livingston kung gagawin niya yon.Biglaan ang pagkawala ni Nollace.Sobrang biglaan kaya naisip niya na baka ginawa to lahat ni Nollace mismo.Kumatok siya sa pinto at pumasok sa study room pagkatapos makakuha ng permiso. “Kamahalan, hinahanap mo raw ako.”Inangat ni King William ang ulo niya at sinabing, “Siguro naman
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa