Ngumiti si Diana at sumagot, “Parang hindi pa siya gising. Sa tingin ko masarap ang tulog niya kagabi kasi dito ka nag-stay para matulog.” Nagulat si Daisie. “Lagi ba siyang nagigising nang maaga?” “Oo, araw-araw siyang maaga nagigising,” Suminghal si Diana at nilagay ang kamay niya sa kaniyang noo. “Gusto ng ibang magulang na maging independent ang anak nila pero si Nollace sobrang independent na. Minsan, pinahihirapan na niya ang sarili niya kaya nag-aalala ako sa kaniya.” Uminom si Daisie sa tasa ng gatas nang walang sinasabi. Nagising lang si Nollace nang nine o’clock na. Pumunta siya sa baba at tinanong si Peter, “Nasaan ang mom ko at si Daisie?” Sumagot si Peter, “Nasa taas sila Madam at Ms. Vanderbilt.” Naningkit ang mata ni Nollace, at biglang umabot sa tainga niya ang boses ng mom niya. “Kita mo? Sabi ko sayo bagay sayo ang ganyang dress.” Inangat ni Daisie ang dress niya at tinanong, “Pero… Hindi ba masyadong pormal ang dress na to?” Nang inangat niya ang kan
Maraming klase ng balita tungkol kay Zenovia, at nagulat ang lahat ng tao nang inanunsyo ng hari na gagawin niyang god-granddaughter si Zenovia.” At saka, usap-usapan na naging third wheel siya sa relasyon nila Nollace at Daisie, kaya umaasa ng magandang show ang lahat nang magkita ang dalawang “heroines” ng mga usapan sa auction.Hindi inaasahan ni Zenovia na pupunta ng auction si Daisie kasama si Diana. Kahit na hindi siya masaya para doon, hindi niya hinayaan na mawala sa mukha niya nag kaniyang emosyon. Lumapit si Zenovia sa kanila ng may ngiti sa kaniyang mukha at bumati, “Mrs. Knowles, sobrang saya ko po ba makita kayo rito. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap nung nakaraan para maayos ko yung misunderstanding tungkol sa akin—”Pinahinto siya ni Diana. “Sa tingin mo ba may pagkakataon ka na ngayon?”Nagulat si Zenovia.Hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Diana na magsalita ulit, nagpatuloy si Diana. “Hindi mo ba naiintindihan? Hindi mo kailangan gumapang papu
Sa madaling salita, ang gusto sabihin ni Zenovia ay dahil lang naman sa pamilya ni Daisie kaya siya ang pinili ng mga Knowles.Kung dati iyon nangyari, siguro sobrang magagalit si Daisie sa sinabi ni Zenovia, pero ngayon, tumawa lang siya at lumingon siya kay Zenovia. “Marami ka bang oras, Ms. Livingston?”Nagulat si Zenovia. “Anong ibig mong sabihin?”Sabi ni Daisie, “Kung hindi, bakit sobrang dami mong oras para makialam sa relasyon ng ibang tao?”Nagulat si Zenovia.Nagpatuloy si Daisie. “Anong namang problema kung nanghihingi ako ng tulong sa pamilya ko? Pwede kong gawin ang kahit anong gusto ko. O gusto mo bang manghingi ako ng tulong sa ibang tao tulad ng paghingi mo ng tulong sa hari? Wala ka bang pamilya? Kaya ba sa ibang tao ka na lang nanghihingi ng tulong?”Nag-iba ang ekspresyon ni Zenovia, at nagsalita siya habang nag-iigting ang kaniyang ngipin, “Hinahamon mo ba ako?”Tumalikod si Daisie, tumingin siya kay Zenovia at sinabi. “Oo, ginagantihan lang kita. Alam ko kun
Ano namang uri ng jewelry ang hindi pa nakikita ng anak ng nga Goldmann? Kaya, bakit niya nanakawin ang gamit ng iba?Agad na nagdilim ang mukha ni Diana. “Anong ibig mong sabihin?”Nang makita ang ekspresyon ni Diana, lahat ng tao na nandoon ay makikita na nairita si Diana. Sikat ang pagkakakilanlan ng tatlong taong iyon. Kaya, kung sino mang tao ang magsasalita sa sitwasyon na iyon ay mapapahamak lang. Namumula ang mata ni Zenovia. “Mrs. Knowles, hindi naman ako nagsisinungaling sayo. Pwede mo naman tanungin si Ms. Vanderbilt. Kakausap lang namin kanina.”Tiningnan ni Diana si Daisie.Tumango si Daisie. “Tita Diana, lumapit siya sa akin kanina at may ilan siyang sinabi nang kumukuha ako ng pagkain.”Huminga nang malalim si Diana. Naniniwala siya kay Daisie at naisip niya na hindi madali ang sitwasyon nila sa ngayon.Tiningnan ni Daisie si Zenovia at kalmado niyang tinanong, “Ibig mo bang sabihin, ako ang kumuha ng kwintas mo?”“Hindi ako sigurado, pero nawala ang kwintas ko
“Ms. Livingston, tiningnan mo na ang lahat ng laman ng bag ko. Nandyan ba ang bagay na hinahanap mo?” Nakangising tanong ni Daisie. ‘Nang nalaglag ng waiter ang bag ko at binalik niya ito, ilalagay ko pa lang sana sa loob ng phone ko, pero bigla kong nakita ang kwintas na hindi ko alam kung kanino galing.‘Lagi ko namang dala ang bag na ito kahit saan ako pumunta, at hindi ito nawawala sa paningin ko, kaya alam ko kung anong laman nito. Napagtanto ko na baka may kakaibang intensyon ang waiter dahil sa isa pang kwintas. Sa kasamaang palad, nilabas ko ang kwintas sa bag.‘Lalo na’t, ayoko namang gumawa ng gulo at ipahiya si tita Diana. Plano kong pumunta sa front desk at tinanong ko ang tungkol sa nawawalang kwintas bago ako umalis.‘Kaya sobrang kakaiba ang pakiramdam ko nang bigla na lang sabihin ni Zenovia ang tungkol sa nawawalang kwintas. Meron pala siyang nakatagong intensyon sa lahat ng insidenteng nangyari para masisi niya ako.’ Hindi makapaniwala si Zenovia at lumapit siy
“Syempre hindi ko na iisipin yun. Gagawin ko pa ang lahat ng makakaya ko para mahanap mo ang kwintas mo.”Nagtanim ng premonisyon sa isip ni Zenovia ang mga sinabi ni Daisie.Tiningnan ni Daisie ang mga tao, tiningnan niya rin ang waiter na nakatago sa grupo ng mga tao at nakita ang buong senaryo, nagkatinginan sila ni Daisie. Natakot siya at yumuko at gusto na niyang umalis.Tinuro ni Daisie ang direksyon ng waiter at sumigaw sa mga security guards, “Pigilan niyo siya!”Tumayo ang lahat sa pwesto nila, at ang waiter lang ang nag-iisang taong aalis sa senaryo. Naging sobrang halata ng galaw niya sa mga guards, kaya mabilis nilang nahuli ang waiter. Namutla ang mukha ni Zenovia, at pinigilan niya ang mga guards. “Saglit lang!”Lahat ng tao ay nakatingin ulit kay Zenovia. Sinubukan niya ang makakaya niya para pigilan ang pag-panic niya at matapos niyang kumalma ay nakangiti niyang sinabi, “Mali akong sinisisi ko si Ms. Vanderbilt, at pasensya na sa ginawa ko. Dahil ang waiter nama
Tiningnan ni Daisie si Zenovia at ngumisi siya. “Ms. Livingston, naniniwala ako na ibibigay sayo ng mga pulis ang katotohanan kaya habaan mo na lang ang pasensya mo sa paghihintay.” Nag-igting ang ngipin ni Zenovia.‘Siguro sinadya niyang gawin ito.” Natapos na rin ang insidenteng nangyari at umalis na ang lahat sa senaryo. Nang bumalik sila sa kotse, hindi napigilan na mairita ni Diana. “Zenovia Livingston, ang b*itch na yun! Talagang pinagbintangan ka niya ng wala man lang maayos na ebidensya. Pero huwag ka mag-alala, naniniwala ako sayo, Daisie—”Bago pa matapos sa pagsasalita si Diana, nilabas ni Daisie ang kwintas sa dress niya. Nagulat si Diana.Ipinaliwanag niya ang katotohanan, “Tita Diana, totoong nakita ko ang kwintas na ito sa bag ko.” Sinabi niya kay Diana kung ano ang nangyari, at mas lalo pang nagalit ang ekspresyon ni Diana matapos makinig sa mga nangyari bago ang insidente. “Gusto ka pala niya mapahiya. Kaya pala gusto niyang pigilan ka sa pag-iimbestiga sa
Nakakatakot na kalmado lang si Nollace. Matapos ang ilang sandali, nilagay niya sa gilid ang dokumento. “Hindi na gumana ang patibong niya ngayon pero hindi siya agad susuko.”Nagpatuloy si Edison, “Pero inutusan ni Madam na huwag payagan si Ms. Livingston na makita ang waiter.” Dahan-dahan na tumingin si Nollace at tumawa. “Magiging iba itong sitwasyon kung makukuha niya ang permiso ng hari.” Biglang huminto si Edison sa pagsasalita.Sa White Ivy Palace…Nagkita si Zenovia at ang hari para ikwento lahat ng paghihirap na nangyari sa kaniya sa auction.Umupo si William sa likod ng mesa, nagbabasa siya ng ilang dokumento, at kumunot ang noo niya. “Dahil nag-umpisa naman na ang mga pulis sa imbestigasyon, ano pang kinababahala mo?” Tinikom niya ang labi niya at Ipinaliwanag, “Gusto ko lang naman malaman ano ang ang nangyayari sa imbestigasyon, pero pinigilan ako ni Mrs. Knowles na malaman.” Tumingin si William. “Pinigilan ka ni Diana?” Nagpanggap si Zenovia na nakakaawa siy
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa