Sa isang iglap, apat na taon na ang nakalipas. Sa Yaramoor, sa Victoria College…Katatapos lang ng performance ni Daisie sa stage play. Nang pumunta siya ng backstage para magpalit ng damit, nakita niya ang bouquet ng bulaklak at isang blue gift box na nasa mesa.Lumapit siya sa mesa, kinuha niya ang bulaklak, at binasa ang card na nakadikit. “Happy BIrthday.” Tinaas niya ang tingin niya at nakita ang reflection ng tao sa salamin na nakasandal sa pinto. “Paano mo nalaman na birthday ko ngayon?”Sumandal si Nollace sa point. Malaki na siya, at mas naging defined pa ang facial features niya kaysa dati. Mas mukha na rin siyang mature, energetic, at gwapo.Natupad niya ang pangako niya, natanggap nga si Daisie sa Victoria College at major in Drama, Theater, and film.Kasama niya si Colton, naging alumni sila kasama si Nollace.Si Waylon lang ang hindi piniling mag-aral sa Victoria College pero nag-aral naman siya sa top business college sa Stoslo.“Sinusubukan kitang sabihin sa
“Pero kailangan niya bang lumapit sayo para i-celebrate ang birthday mo?” Binitawan siya ni Colton at tinapik niya ang noo ni Daisie gamit ang kaniyang index finger. “Gaano katagal mo pa bang gusto na mag-alala ako sayo?”Sa mga nagdaan ng taon, binabantayan na niya si Nollace na para bang isa siyang magnanakaw. Ngayon na 18 na ang kapatid niya, talagang makukuha na siya kung pababayaan niya si Daisie. Hinaplos ni Daisie ang noo niya at suminghal. “Hindi na ako isang bata na kailangan ng proteksyon mula sa kapatid niya.”“Okay, pumunta na ang magulang natin sa Yaramoor para lang i-celebrate ang birthday ng kanilang little princess ngayon. Kaya umalis ka na at maghanda ngayong gabi. Dapat maging center of attention ang little princess natin sa kanyang birthday celebration.”Kahit na pumunta si Daisie sa Yaramoor para ipagpatuloy ang pag-aaral niya, pumunta pa rin sila Maisie at Nolan sa ibang bansa para magkaroon ng banquet para i-celebrate ang birthday ni Daisie kada taon.Isa la
Tiningnan ni Nolan si Maisie, na nakatayo sa tabi niya. “Anak natin siya. Paano mangyayari na hindi siya maganda tingnan?” Niyakap ni Daisie sila Maisie at Nolan. “Mom, Dad, sobrang saya ko po na pumunta kayo para i-celebrate ulit ang birthday ko.”Hinawi ni Maisie ang buhok niya. “Coming-age-ceremony ng little princess namin ngayon kaya paano namin palalagpasin itong party ng Dad mo?” Magsisimula na ang birthday banquet. Nasisiyahan ang mga kilalang bisita sa mga masasarap na pagkain at sa wine. Lahat sila ay elegante at nag-uusap. Natural lang na kausapin nila Maisie at Nolan ang kanilang mga bisita.Nagsasama-sama sila Daisie at ang mga socialites para uminom at mag-usap. Ang iba sa kanila ay kaibigan dati ni Daisie at kaniyang mga coursemates. “Bakit hindi pumunta sa birthday party mo si Young Master Knowles?”Nagulat si Daisie sa tanong at nakangiting sumagot, “Baka late lang siya.”“Napansin ko na masyado kang binibigyan ng atensyon ni Young Master Knowles sa college. Nil
Sa wakas napilit na rin ni Lisa si Tristan na dalhin siya sa banquet. Naisip din niya na sa dami ng mga taong influential ang naroon, hindi siya pahihirapan ng mga Goldmann para hindi masira ang kanilang reputasyon.Apat na taon na simula nang mapunta siya sa mga Knowles, iniisip niya na makakapunta siya sa Yaramoor’s upper social class dahil sa kapangyarihan ng mga Knowles.Pero, hindi siya masyadong gusto ng mga magulang ni Nollace.Inaasahan niya na makukumbinsi sila ni Tristan na mag-iba ang opinyon nila tungkol sa kaniya, pero sinabi sa kaniya ni Tristan na si Nollace ang gagawa ng lahat ng desisyon sa mga Knowles.Akala niya hindi lang siya interesado. Lalo na’t kapareho niya ng edad si Nollace, kaya paano siya nagkaroon ng awtoridad at lakas ng loob na utusan ang mga nakakatandang miyembro ng pamilya nila?Pero mali talaga siya.Sa mga Knowles, kahit si Tristan ay kailangan sumunod sa kaniya.Kahit ang mga magulang ni Nollace ay walang kapangyarihan na pilitin si Nollace
Nanonood ang iba habang sumasayaw sila Daisie at Nollace, at nakita nilang lahat gaano sila ka-perfect. Pero, hindi nila nakikita na ilang ulit nagkamali si Daisie at nakailang tapak sa sapatos ni Nollace.“Sorry.”Hindi siya nagkamali ng nagsayaw sila ni Colton, pero ngayon ilang beses siyang nagkamali.May napansin si Nollace at natawa siya. “Bakit kinakabahan ka kapag nakikipag sayaw ka sa akin?” “Hi-hindi ako kinakabahan.” Nagsinungaling siya. Alam naman niya na hindi ayun ang totoo.Nakadiin ang palad ni Nollace sa kaniyang bewang, at bigla siyang natumba sa dibdib ni Nollace nang hinila siya. Nanggaling sa taas ng ulo ni Daisie ang boses ni Nollace. “Matagal na akong naghahanda para magkaroon ako ng pagkakataon na makipagsayaw sayo.” Gulat si Daisie na tumingin sa kaniya. “Bakit?”Nagbiro si Nollace, “Kasi ayokong bumaba ang tingin mo sa akin kasi pangit ako sumayaw.” Tumawa si Daisie. “Pero, mukhang ako ang hindi magaling sumayaw.”“Hindi, maayos naman ang ginagawa m
Napahinto si Lisa habang nakikinig sa mga bulungan sa kanyang paligid at mas lalo siyang nahiya. “Daisie, paano mo nasasabi yan? Dati tayong—”“Huwag na natin ibalik ang nakaraan.” Kinuha ni Daisie ang glass ng champagne at tinaas ang kaniyang kilay. “Hindi na ako yung babaeng kaya mong imanipula. Lisa, sa tingin mo ba hahayaan lang kita kasi may mga tao dito?” Tinapon ni Daisie ang champagne sa kaniyang sarili at nagulat siya. Tiningnan siya ng lahat.Lumapit agad si Colton at nagulat nang makita ang nangyari, “Lisa, ano na namang ginawa mo ngayon!?”Umiling si Lisa. “Hindi, siya—”“Lisa,” Galit ang ekspresyon ni Tristan, “Anong pinangako mo sa akin? Hindi naman kita sinama dito para gumawa ka ng eksena.”“Hindi naman talaga ako yun! Siya ang gumawa niyan sa sarili niya. Gusto niya na sa akin isisi. Nakita yun ng lahat!” Tiningnan niya ang mga tao sa paligid niya, inaasahan niya na magsasalita sila para sa kanya. Sa kasamaang palad, kahit na nakita nila yun, ayaw nilang sir
Lumaki na ang kaniyang munting tupa.Kinurot ni Maisie ang tagiliran ni Nolan. “Anak ko siya, kaya syempre magmamana siya sa akin.”Ngumisi si Nolan bago ngumiti. “Syempre.”Ngumisi si Maisie. “Marami na ang pinagdaanan ni Daisie. Kung uto-uto pa rin siya, mag-aalala pa ako.”Hindi niya inisip na mali ang ginawa ng anak niya. Dapat lang yun sa taong katulad niya, at hindi rin naman mabait na tao si Lisa.Kahit na trinaydor siya ni Lisa para sumikat siya, hindi na si Daisie ang batang uto-uto.Pumunta si Daisie sa guest room para magpalit. Nang pagbintangan niya si Lisa, halos hindi na niya yun magawa. Pero nang marinig niyang sinusubukan na naman ni Lisa na lokohin siya, hindi na niya yun napigilan. Hindi na niya gustong maging tanga.Tulad ng sinabi ng kaniyang mom, hindi dapat maging dahilan ang kabaitan para tapakan ka ng mga tao. Nakatayo siya doon at nakita ang taong nasa salamin na nakatayo sa likod niya. Tinakpan niya ang sarili niya at namula. “Nollace Knowles!” Su
Pero hindi naman yun ang pinaka punto. Ang point dito ay si Nollace… may nararamdaman para sa kaniya!Tinikom ni Daisie ang labi niya. “H… hindi ako naniniwala sayo.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya. Sa oras na iyon, huminto ang oras, pero mabilis na tumitibok ang puso ni Daisie. Nanatili si Nollace doon. “Naniniwala ka na ba ngayon?”Tumingin si Daisie sa paligid, at dahan-dahan na tumingin sa mata ni Nollace. “I…”May kumatok sa pinto.Tinulak siya palayo ni Daisie nang pumasok sila Maisie at Nolan. “Tapos ka na ba mag—”Natulala ang mukha ni Nolan nang makita niya na nandun si Nollace.Nahiya si Daisie. “Dad, Mom.”Tumikhim si Maisie. “Hindi pa tapos ang party. Bumaba ka na kung tapos ka na magbihis.”“Okay, gagawin ko yan.” Agad na umalis si Daisie na parang bunny na nahihiya.Lumapit si Nollace kala Nolan at Maisie at tumango. “Sir, madam.”Nagdilim ang mata ni Nolan. “Huwag mo akong tawaging sir.”Diretso na tumingin si Nollace sa mga mata ni Nolan at ngumiti. “Fa
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa