Pagkatapos kumatok ni Daisie sa pinto, lumabas si Fraiser at binuksan ang pinto.“Sir, nandiyan po ba si Lisa?” nakangiting tanong ni Daisie.Sinabi ni Mr. Fraiser kay Daisie na bumaba si Lisa para bumili. Nang inimbitahan na siya na pumasok para umupo, tumanggi si Daisie at yumuko. “Ayos lang. Babalik na lang ako bukas.”Tumalikod siya at umalis.Nang makapasok si Daisie sa sasakyan, lumabas si Lisa sa kabilang banda ng kalsada. Nagmaneho palayo ang sasakyan. Nagkatapat sila pero hindi inangat ni Daisie ang ulo niya at hindi niya nakita si Lisa.Nang makauwi si Lisa, sinabi sa kaniya ng dad niya na pumunta ang kaibigan niya kanina para hanapin siya at nagulat siya.“Pumunta siya?”Sa totoo lang, nagi-guilty siya kay Daisie at wala siyang lakas ng loob na harapin siya sa personal.Kung tutuusin, hindi niya inaasahan na may mangyayari na ganoon. Sigurado siya na galit na galit sa kaniya si Colton at hindi niya alam kung patatawarin siya ni Daisie.Kinabukasan, umakyat si Lisa s
Pero ang katotohanan ay hindi naman trinato ni Daisie si Lisa na parang utusan niya.Bakit ganoon ang iniisip ni Lisa? Simple lang ang sagot—inggit.Yun ang rason kaya siya binibigyan ng mamahalin na regalo ni Daisie. Binibigay niya lahat ng mayroon siya. Gusto niya tigilan ni Lisa ang pagmamaliit sa sarili niya at pwede rin siyang maging prinsesa.Hanggang sa isang araw, nang pumunta siya sa changing room para magpalit para sa gym class, narinig niya ang usapan na ito. “Sa tingin mo ba tanga si Daisie? Panigurado na hindi niya alam kung paano siya siraan ni Lisa habang nakatalikod siya, hindi ba? Kung hindi, bakit ang bait niya pa rin kay Lisa?”“Baka isa siyang tanga na hindi alam kung paano o saan gagastusin ang pera niya. Sobrang yaman ng pamilya niya pero lagi niya pa rin kasama si Lisa. Hindi ba niya alam na mahirap ang pamilya niya? Tama lang na ganoon ang trato sa kaniya ni Lisa.”Nasaktan si Daisie. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali. Ang gusto niya lang ay a
Nagulat si Daisie.Tama si Leah. Matagal na niyang nalaman ang tungkol sa social media platform ni Lisa. Kung gusto niyang siraan si Lisa, nilabas niya na sana yun noon.“Pero… hindi ba't galit ka kay Lisa?” tanong ni Daisie.Bakit niya patuloy na binu-bully si Lisa kung hindi siya galit sa kaniya?Tumawa si Leah at sumagot. “Alam ko na uto-uto ka pero hindi ko inakala na ganito ka ka-walang alam. Sinasabi mo ba sa akin na hindi mo pa rin alam kung bakit galit ako sa kaniya?”Ang rason kung bakit galit si Leah kay Lisa ay dahil alam niya ang ginagawa ni Lisa habang nakatalikod si Daisie.Naging mapagbigay sa kaniya si Daisie sa pagbibigay ng mamahaling regalo sa kaniya pero pinost niya yun sa online at sinabi na pagmamay-ari niya.Hindi mali na maging mahirap. Pero hindi dapat hinahayaan ng kahit sino na pangunahan sila ng kasakiman at inggit.Naging celebrity si Lisa sa Internet dahil sa mga larawan na yun. Kahit na mayroon siyang ilang fan at nakakuha ng kasikatan sa social m
Pero pagkatapos siyang iwan ni Nollace, hindi na maibabalik sa dati si Daisie at Lisa.Pinag-aralan ni Zephir ang mukha ni Daisie. Kahit na namumutla ang mukha niya at dismayado, nagpapanggap siya na malakas.Tumawa siya at nagpatuloy. “Ayos lang ‘yan. Mahaba ang buhay. Sigurado ako na makakakilala ka ng mas mabuting kaibigan.”Saglit siyang tumigil bago idinagdag, “Kung kailangan mo ng tulong ko, lumingon ka lang. Lagi akong maghihintay sa'yo.”Nagulat si Daisie. Nakasara ang labi niya at sumagot, “Salamat, Zeph.”Sumagot si Zeph at mahinang ngumiti, “Walang anuman.”Gumaan ang loob ni Daisie pagkatapos kausapin si Zephir. Nang paalis na siya, kumaway siya kay Zephir habang may ngiti sa mukha niya.Tiningnan siya ni Zephir at nawala ang ngiti niya nang mawala si Daisie sa paningin niya.Kinuha niya ang phone niya at tiningnan ang message.Sumagot siya: [Walang school ang pwedeng tumanggap kay Lisa Fraiser.]Sa araw na yun sa library, pagkatapos siyang makasalubong si Daisie
“Ikaw ba ang nag-order nito para sa akin?” Tiningnan ni Lucy si Elaine at tinanong, malakas ang boses niya at hindi makapaniwala.“Hindi. Hindi ako.” Tiningnan siya ni Elaine.Kinuha ni Lucy ang take-out at napansin na medyo marami yun. Nakita rin niya ang note na nasa ilalim ng box. Kinuha niya yun at binasa ang mensahe na nakasulat doon.[Kailangan mo ng makakatulong para lumakas ang katawan mo dahil nagpapagaling ka. Hindi ko alam ang gusto mo pero hindi naman masama ang pagkain sa restaurant na ito.]Nilapit ni Elaine ang leeg niya at tiningnan ang note na nasa kamay niya. “Hindi na masama.”Tinulak siya ni Lucy at nilukot ang note. “Wala ‘to. Inaalagaan niya lang ang may sakit niyang ka-trabaho. Ginagawa naman natin yun lahat.”Magalang at gentleman si Hector sa mga babae na nang nagtatrabaho pa siya sa Soul. Kaya naman, hindi niya nararamdaman na espesyal ang pagiging mabait sa kaniya ni Hector.“Kung ibang tao ako, gagawin niya rin yun, hindi ba?’…Bumalik si Lucy sa t
“Hector, mukhang maayos ang pamumuhay mo nitong mga nakaraang taon, huh? Pero mula ng nag tagumpay kansa buhay, nakalimutan mo na ang mga kaibigan mo.” Inayos ng lalaking nakasuot ng makapal na gold chain ang kwelyo ni Hector at ngumisi. Parang may pahiwatig kay Hector ang sinabi niya.Hinawakan ni Hector ang kamay niya, tinanggal sa kaniyang kwelyo, at ngumiti. “Maayos din naman ang nangyayari sa inyo.”Ang lalaking nasa tabi niya kumuha ng pack ng sigarilyo. “Halata naman na hindi kasing ganda ng nangyayari sa iyo ang sa amin. Lahat kami ay nakulong noon pero ang career mo ay nasa ibabaw pa rin na parang space shuttle.”Kumuha siya ng isa at inabot kay Hector.Hindi kinuha ni Hector ang sigarilyo mula sa kaniya. “Tumigil na ko sa paninigarilyo.”Nilagay ng lalaki ang sigarilyo sa bibig niya, kumuha ng lighter, sinindihan at humithit. “Kahit si Maverick ay hindi ka napapasaya ngayon?”“Tumigil na ako sa paninigarilyo. Hindi sa hindi ko ito gusto.” Binaba ni Hector ang tingin niy
‘Wala silang pakialam sa gagawin nila. Basta makakuha sila agag ng pera, kahit na illegal o hindi ang trabaho nila ay wala lang sa kanila. Ginagawa nila yun para sa pera.’Bahagyang nabigla si Hector.Sa totoo lang, na-sorpresa siya nang kaunti.‘Marami nga siyang narinig pero hindi niya tinatanong ang relasyon ko sa kaniya at hindi nagbago ang tingin niya sa akin. Talagang sinusubukan niyang hikayatin ako para hindi ako maloko.’“Ikaw…” Tumingin si Hector sa convenience store sa tapat na kalsada. “May gusto ka bang inumin?”Nagulat si Lucy. “Kahit ano.”Pumasok si Hector sa convenience store at bumili ng dalawang can ng juice. Umupo ang dalawa sa bench sa may pinto ng store habang ang neon signboard ng convenience store ay ginawang pula ang paligid nila. Dumadaan ang mga sasakyan at may dalawa o tatlong mesa ng bisita ang nasa tapat ng barbecue stall. Maamoy ng isang tao ang amoy ng siyudad sa bawat sulok.Hindi nagsalita si Hector kaya awkward ang pakiramdam ni Lucy at hindi
“Matanda na sila kaya naiintindihan ko ang lahat basta payag silang dalawa. Pero hindi pa nai-in love si Lucy kaya natatakot ako na iiwan niya ang lahat at gagawa ng bagay na pagsisisihan niya sa future kapag in love na siya. Kaya pumunta ako sa'yo para tanungin ang tungkol sa kanila.’Maraming nasabi si Elaine pero gusto niya lang tanungin si Maisie tungkol sa pagkatao ni Hector. Kung tutuusin, ang bilis nila na magka mabutihan at hindi na agad umuwi si Lucy ng gabi. Paanong hindi siya mag-aalala.Tumawa si Maisie. “Ms. Xavier, huwag ka mag-alala. Hindi mapagsamantala sa iba ang pinsan ko. Kung gagawin niya yun, sisiguraduhin ko na magiging responsable siya sa ginawa niya.”“Mabuti naman— Sandali lang! Pinsan mo si Hector!”‘Ibig sabihin ay cousin-in-law siya ni Mr. Goldmann!?’…Pumunta sa trabaho at naamoy ng empleyado na nakasalubong niya ang malakas na amoy ng alak sa katawan niya, bukod pa doon ay ganoon pa din ang suot niya na damit kahapon.“Gaano karaming alak ba ang in
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa