Binuksan ni Maisie ang pinto at pumasok sa office.Nasa likod ng desk si Nolan, nakalagay ang kamay sa kaniyang noo habang nagbabasa ng dokumento sa harapan niya. Narinig niya ang usapan nina Maisie at Quincy sa labas, inangat niya ang kaniyang paningin at tumawa. “Sinusubukan mo na ba maging matchmaker ngayon? Pwede ka mag arrange ng blind date kay Quincy.”Nilagay ni Maisie ang lunchbox sa desk. “Empleyado mo siya. Bilang boss niya, bakit hindi ikaw ang mag arrange non para sa kaniya?”Ngumisi si Nolan habang binababa ang dokumento. “Hindi sa hindi mo ako kilala. Hindi maraming babae ang kilala ko.”Nasamid si Maisie sa sarili niyang salita.‘Sabagay, simula nang makilala ko siya hanggang ngayon, hindi ko pa nakita ang kahit sinong babae na kaibigan ni Nolan. Lahat ng tao na nakapaligid sa kaniya ay lalaki.”Nilagay ni Maisie ang kamay niya sa gilid ng desk at lumapit. “Nolan, panigurado na sikat ka noong college. Wala bang nangulit sa'yo na babae nung college ka?’Hinaplos n
Binuksan ni Quincy ang pinto at agad na lumapit sa desk. “Mr. Goldmann, gusto kayong makita ni Mr. Xavier ng Beyond Tech Corporation.Napakunot si Nolan. “Wala pa tayong naging collaboration noon sa Beyond Tech Corporation. Bakit nila gustong makuha ang atensyon ko?”Umiling si Quincy. “Hindi ako sigurado. Sinabi ng front desk na isang oras na silang naghihintay. Sinasabi na malapit na makuha ng ibang kumpanya ang Beyond Tech Corporation, at mukhang matatag ang mga prospect kaya baka nandito siya para makakuha ng collaboration?”Nilagay ni Nolan ang dokumento sa desk at sumandal sa likod ng upuan. “Lumapit sa akin na ang kumpanya na malapit na mabili. Ano ba ang tingin nila sa Blackgold? Isang charity? Sabihin mo sa front desk na sabihan sila na umalis.”Tinawagan ni Quincy ang front desk at sinabi sa kanila ang sinabi mismo ni Nolan.May sinabi ang receptionist kay Quincy at agad siyang tumingin kay Nolan. “Mr. Goldmann, coursemate mo ba ang anak ni Mr. Xavier noong college?”Bi
Mas awkward pa si Elaine at kaniyang ama.Tila ayaw marinig ni Nolan kung anong nangyari noong college, kaya dumiretso na siya sa punto. “Pwede kang maging totoo, Mr. Xavier. Kahit na coursemates tayo, hindi tayo close kaya hindi natin kailangan magpanggap na magkaibigan.”Malinaw ang intensyon nito. Walang silbi ang pagsubok nitong gamitin ang relasyon nila bilang magkakilala para tulungan ang Beyond Tech, at walang pakialam si Nolan.Naintindihan naman ni Edward kaya binago niya ang tono niya. “Humaharap sa financial issues ang Beyond Tech, at narinig kong computer science ang kinuha mo noong college at maalam ka sa technology, kaya gusto naming hingin ang tulong mo.”Umupo nang de-kwarto si Nolan at sumandal sa upuan habang nakahalukipkip. “Hindi ako nag-aaksaya ng oras sa mga bigong ventures. Hindi ako naiintriga sa Beyond Tech.”Nag-igting ang panga ni Edward dahil hindi niya alam ang sasabihin.Tumayo si Elaine. “Mr. Goldmann, alam kong wala lang sa mga niyo ang Beyond Tech
Ngumiti si Maisie. “May tatlo tayong gastador sa bahay. Siyempre kailangan kitang tulungan.”Tiningnan ni Nolan ang mag-ama. “Gusto ng misis ko na pag-isipan ‘to, kaya yun ang gagawin ko.”Nagulat si Edward pero ngumiti siya, “Salamat, Mrs. Goldmann, at salamat, Mr. Goldmann sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin.”Pagkatapos silang ihatid palabas ni Quincy, tumayo si Maisie. “Aalis na ako——“Bago pa niya matapos ang sasabihin, hinila na siya ni Nolan at siniksik ang ulo nito sa kaniyang buhok. “Saan ka pupunta?”Sigaw niya, “Pabalik sa opisina ko!”Nag-iinit si Nolan. “Huwag mo nang balakin na bumalik ngayong araw.”Sa Morwich…Dinala ni Tanner si Noah sa zoo. Nakayakap si Noah sa leeg niya habang sabik na sabik na pinagmamasdan ang paligid. Nagtataka siya sa lahat ng hayop dahil hindi pa siya nakapunta sa zoo. Sunod-sunod ang taong niya pero mahinahong sinagog ni Tanner ang lahat.Nakasunod sa likuran nila si Pearl. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang masaya an
Dahan-dahang nagsalita si Tanner. “Kailangan ni Noah ng kumpletong pamilya, kailangan niya ako.”Napahinto si Pearl—mabigat ang kaniyang paghinga—pero hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Tanner. “Ayaw kong magpakasal.” Wala na siyang lakas pa para magpakasal.Nawalan ng pag-asa ang mga mata ni Tanner, pero naiintindihan niyang ayaw siyang patawarin ni Pearl.Sinabi niya, “Hindi natin kailangan magpakasal kung ayaw mo. Gagawin lang natin yun kung kailan mo gustuhin. Pearl, nasa mga kamay mo ang desisyon. Hindi kita pipilitin.” Hinawakan ni Tanner ang mukha na mukhang malamig.Nagpalinga-linga si Pearl at huminga nang malalim. “Hindi ako dapat pag-aksayahan ng oras.”“Sa tingin ko, oo karapat-dapat ka.” Lumapit si Tanner at hinaplos ang pisngi ni Pearl. “Pearl, binigyan niyo ni Noah ng kahulugan ang buhay ko.”Natigilan si Pearl bago tumingin sa mga mata ni Tanner. “Tanner, kapag nagpakasal tayo at nagkaroon ka ng maduming asawa, maririnig mo ang mga sasabihin
Hindi plinano ni Nolan na makatrabaho ang Beyond Tech lalo na noong subukan nilang gamitin ang relasyon niya kay Elaine. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa mga Hannigan.Sinubukang ipakilala ni Nathaniel si Maizie sa kaniya para umano sa isang partnership noong mawalan siya ng alaala. Kung mayroong iba pang motibo, hindi niya na pag-iisipan pa ang partnership kahit na magandang kumpanya pa yun.Gayunpaman, magaling bumasa ng tao ang Beyond Tech. Dahil interesado si Maisie, pumayag siya para sa kaniya.Ngumiti si Maisie. “Sasama ako kung saan man ako dalhin ng mahal ko.”Ngumiti si Nolan at pumayag.Pagkatapos ng tawag, dahan-dahang tumalikod si Lucy. “Ms. Vanderbilt, sinong Mr. Xavier ang tinutukoy niyo?”Ngumiti si Maisie at sumagot, “ng Beyond Tech.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Lucy.Napansin yun ni Maisie at naningkit ang mata niya. “Anong problema?”Bumalik si Lucy sa sarili, napakamot ng ulo at ngumiti. “Wala naman. Nagtataka lang ako. Babalik na po ako s
Nagulat si Jenna, saka tumingin kay Edward at ngumiti.Masiglang nakipag-usap si Edward habang may mga sinabi naman si Elaine nang maihain na ang pagkain. Bihirang magsalita si Nolan kapag kumakain, at madalas na si Maisie ang nakikipag-usap. Napansin niyang walang interaksyon si Jenna kay Elaine.Pagkatapos ng dinner, hinatid sila ni Edward sa pinto.Magalang na nagpaalam si Maisie sa kanila bago sumakay sa kotse kasama ni Nolan.Dahan-dahang umalis ang kotse habang nakatingin naman si Maisie sa side mirror. “Pakiramdam ko ay hindi nagblend-in si Jenna.”Kaswal na tinanggal ni Nolan ang pagkakabutones ng jacket niya, lumingon at ngumiti. “Pinapansin mo yun?”“Nagtaka lang ako.” Sumandal si Maisie sa balikat niya. “Kailangan pang tumingin ni Jenna sa mister niya bago magsalita at hindi siya nakikipag-usap sa anak niya na para bang ibang tao siya.”Nag marinig yun ng driver, sinabi nito, “Narinig ko po na siya ang second wife ni Mr. Xavier. Si Ms. Xavier ang anak niya s
Naglakad si Elaine papunta sa kotse.Nagpunta sa car park ang kotse. Pagkatapos iparada ni Lucy ang kotse, lumabas siya at sinara ang pinto. Pagkatalikod niya, nakita niya si Elaine na naglalakad papunta sa kaniya.“Matagal din tayong hindi nagkita, Lucy. Mukhang maganda ang buhay mo. May bago ka pang kotse.”Hindi inaasahan ni Lucy na makikita niya si Elaine dito. Naglaho ang ngiti sa mukha niya. “Ano naman? Hindi naman pera ng pamilya mo ang ginagastos ko.”Nang paalis na sana siya, pinigilan siya ni Elaine. “Tatlong taon na ang nakalipas. Wala ka man lang pakialam na nakatira sa bahay namin ang nanay mo?”Nang banggitin ni Elaine ang tungkol sa nanay niya, umiwas ng tingin si Lucy at natahimik.Noong 15 siya, nagpakasal ulit ang nanay niya sa isang negosyante. Simula noon, tumira na sila nang nanay niya sa mga Xavier. Kinilala niya rin ang stepfather niya bilang tatay at nagpalit siya ng apelyido. Pero, alam niyang lagi silang ibang tao ng nanay niya.Masunurin ang nan
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa