Tinitigan ni Pearl si Tanner at hindi siya nagsalita.‘Buntis ako. Pero ayaw ni Mom na sabihin ko yun kay Tanner.’Inamin ni Tanner na nakasakit na siya ng babae bago ito pero patuloy pa rin siya ng hihingi ng tawad kay Pearl.Paulit-ulit na lumalabas sa isipan ni Pearl ang ganitong mga bagay na parang sirang video. Kahit na hindi na maalala ang kahit ano patuloy ang nararamdaman ang mabigat na karamdaman sa kanyang dibdib, na naging dahilan kaya nahihirapan siyang huminga."Pearl, anong problema mo?" gusto sana tanner hawakan ang pisngi niya pero agad iniwasan ni Pearl ang kanyang kamay.Medyo napapagod na ako gusto ko magpahinga.Napatigil ang kamay niya sa hangin, ilang pulgada na lang ang layo mula sa mukha ni Pearl. Pero nung sinabi na ni pearl iyon, dahan-dahan niyang inalis yung kamay niya at hindi napigilang pahigpitin ito.Matapos ang ilang sandali, tumayo si Tanner na nakangiti. "Sige, umalis ka na at magpahinga ka muna. Bibisitahin na lang kita sa susunod na araw.”N
Ngumiti si Nolan at hinawakan siya sa bewang. “Ikaw ang babae sa bahay na ‘to tapos hindi ka makagawa ng desisyon?”Bahagyang lumapit si Maisie. “Sinasabi ko sayo, ikaw ang Lord of the house.”Kinarga siya ni Nolan papuntang mesa at nilagay niya ang kamay niya sa mesa sa likod ni Maisie. At nilapit niya ang labi niya sa pisngi ni Maisie. “Mas magiging mas makabuluhan ang pag-uusap natin pag gabi.”Natawa si Maisie at nilagay ang daliri niya sa labi ni Nolan. “Hindi iyon diskusyon. Isa yung transaction.” Tumawa si Nolan. “Luma na ang transaction.” At diniin niya ang mukha sa leeg ni Maisie, at hinahalikan ang balat nito. “Parte iyon ng kasiyahan.” Nakiliti si Maisie, kaya kumawala siya. “Ang harot mo pa rin kahit maaga.”Hinalikan ni Nolan ang labi ni Maisie. “Simula nung nakilala kita, nakalimutan ko na kung ano ibig sabihin ng pagiging hindi makulit.” Dahan-dahang binuksan ng kamay niya ang botones ng damit ni Maisie.Sa sandaling iyon, may basag ng china na maririnig sa ibab
Umiling si Maisie at umupo sa hita ni Nolan. “Sa tingin ko kasi sayang lang. Malaki rin kasi ang pangalang Antonio Santiago sa jewelry industry. Lagpas 30 na taon nung pinundar niya ang La Perla at akala niya mapapasa niya yun sa anak niya, pero hindi siguro niya akalain na mapupunta yun sa iba.”Hinawi niya ang buhok niya. “Siguro alam na ni Antonio na magaling siya, pero hindi niya tinuruan o pinagtuunan ng pansin ang anak niya. Matapos ang nangyari, hindi na kasing importante ng kasikatan at karangyaan ang pamilya.”Huminto si Maisie at tiningnan si Nolan. “Kung si Daisie yun, gagawin mo ba—”“Oo.” Yumuko si Nolan at hinalikan ang noo ni Maisie at bahagyang lumapit sa kaniya. “Kaya kong bitawan ang kasikatan at karangyaan basta kasama kita.”Lumalim ang mata ni Maisie. Yumuko siya at ngumiti nang hilahin siya ni Nolan para yakapin at hinalikan ang ulo niya.Sa oras ding yun, sa Santiago's’...Natapos na si Mrs. Santiago sa pag-aayos ng kaniyang bag nang pumunta siya sa study.
Nilabas ang Nolan ang kamay niya at hinila si Maisie. “Kasi gusto kita yakapin.” Tumawa si Maisie at inayos ng kamay niya ang collar ni Nolan. “Ang aga pa. Gusto kong pumasyal mun bago umuwi.”Tumango si Nolan at hinawakan ang kamay niya. “Samahan kita.”Bumili si Maisie ng dalawang bouquet ng white roses sa florist at dahan-dahang nagmaneho papuntang libingan. Pinuntahan niya ang libingan ng magulang niya hawak ang dalawang bouquet. “Dad, Mom, isa na namang taon ang lumipas. Dati ayoko sa new year kasi hindi ako kasama sa pamilyang iyon, pero hindi na ngayon. Nanay na ako ngayon, at meron akong asawa na mahal ako, kaya huwag mo na ako isipin. Yumuko si Maisie, huminga nang malalim para pigilan ang luha niya, at ngumiti sa mga larawan.Sa pagbalik nila, sumandal si Maisie sa balikat ni Nolan at binalot naman ni Nolan ang kamay niya kay Maisie at hinalikan ang ulo niya. Pumarada ang kotse sa harap ng mansyon, at maririnig agad ang boses ni Daisie nang lumabas ng sasakyan si Ma
Mahinahon na dagdag ni Nolan, “Wala kang dahilan para kabahan sa isang matandang lalaki na laging tumatakas.”Ngumiti lang si Yorrick habang tumawa naman ang lahat. Nang marinig nila ang tunog ng fireworks, binaba ni Daisie ang kutsara niya. “Waylon, Colton, bilisan niyo. Oras na para sa fireworks!”Nilagay ng mga bata ang fireworks sa pinto, at tinulungan sila ni Quincy na lagyan iyon ng apoy. Nang oras na umangat na ang fireworks, masayang nagtawanan ang mga bata.Nakatayo si Maisie sa yark at tiningnan ang paglipad ng mga fireworks, at tiningnan si Nolan, na nakatingin din sa kaniya.…Walang ilaw sa bahay. Nakatingin si Tanner sa labas ng bintana. Mukhang ulila ang abala na paligid ng siyudad, tulad din ng puso niya. Nilabas niya ang phone niya, at wala siyang ideya kailan niya ginawang lock screen wallpaper ang larawan ni Pearl.Dalawang buwan na simula nang iwan siya ni Pearl.Nang marinig niya ang doorbell, dahan-dahang lumapit si Tanner sa pinto at nakita na nasa labas s
Kung kaya lang ni Tanner ibalik ang lahat, pero sa kasamaang palad, hindi niya kaya. Samantala, sa Morwich…Nakaupo si Pearl sa kwarto niya sa hospital habang tinatanggal ng doctor ang gauze na nakabalot sa mukha niya, at naglagay ng salamin ang nurse sa harap niya. Tiningnan niya ang pamilyar na mukha na nagkaroon na ng dalawang opera at sobrang namamaga.Sinabi ng doctor sa kaniya, “Ms. Santiago, iwasan niyo muna na kamutin ang mukha niyo sa itong susunod na kalahati ng taon para maging maayos ang recovery. Ngumiti si Pearl. “Salamat “Matapos lumabas ng doctor, tiningnan ni Pearl ang sarili niya sa salamin at ngumiti. Kaya niya ng iwanan ay kalimutan ang nakaraan niya simula ngayon.Tatlong taon ang nakalipas…Binati ng media ng Congratulations ang Soul nang nakaabot to sa six listed companies sa buong bansa. Pangalawa sila sa napakalaking Taylor Jewelry, sila ang second-biggest international brand ng jewelry.Malapit lang ang relasyon ng jewelry industry sa fashion jewe
Huminto ang sasakyan sa labas ng hotel. Pagkatapos nun, nakarating sina Nolan at Maisie sa restaurant. Walang tao sa buong restaurant bukod sa mga waiter ibig sabihin ay may nag-book ng buong restaurant.Naka linya ang mga waiter nang maayos at bumati, “Welcome!”Lumapit si Maisie sa puting table na nakahanda na may nakalagay na malaking bouquet ng black roses. Hindi niya napigilan ang sarili niya at tumawa. Pagkatapos nun, lumingon siya kay Nolan. “Ito yung surprise na hinanda mo sa akin?”Hinila ni Nolan ang upuan para sa kaniya. Nang umupo siya, lumapit si Nolan at sinabing, “Para i-celebrate ang pangarap mo na natupad, Zee.”Lumayo si Nolan at umupo sa harap ni Maisie. Sinabihan niya ang waiter na bigyan sila ng bote ng red wine. Habang nakapangalumbaba, tiningnan siya ni Maisie at ngumiti. “Para maabutan kita pero marami pa akong pagdadaanan.”Kinuha niya ang red wine at binuhos sa decanter.“Pwede mo tawagin na magaling ka kapag nakapasok ka sa top ten.”Inangat ni Maisie
“Huh?” Tiningnan ni Barbara si Maisie.Ngumiti si Maisie at umiling. “Wala.”Kung hindi siya nakunan ng taon na ‘yun, apat na sana ang anak niya ngayon.Baka tadhana niya na ito.Hanggang ngayon, hindi niya ginusto na magkaroon ng pang apat na anak.Sa kabilang banda, sa interview room ng Blackgold Group…Maayos na inaral ng babaeng interviewee ang industry data ng Blackgold Group, at napatango ang tatlong interviewers sa lakas ng loob niya.Tiningnan nila ang profile niya.Cecil Wolfsbane, 29 years old, nagtapos sa isang magandang university sa Stoslo at may master's degree sa architecture. Saktong sakto ang academic background niya.Tumawa ang interviewer at sinabing, “Ito muna ngayong araw, Ms. Wolfsbane. Sasabihan ka namin kapag nakapasok ka.”Ngumiti si Cecil at tumayo. Tumango siya at sinabing, “Salamat.”Pagkatapos nun, kinuha niya ang purse niya at umalis ng interview room nag hindi lumilingon.Sa oras na yun, dumating si Quincy. Napatingin siya sa kaniya, at tumang
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa