“Oo, sabi ng teacher ko tatalino raw ako pag nagbasa ako ng maraming libro,” nakangiting paliwanag ni Zephir.Tiningnan siya ni Naomi at bahagya siyang nalungkot para kay Zephir.‘11-year-old lang siyang bata pero iniisip pa rin niya ang pagbabasa at pag-aaral kahit nasa ospital na siya.’Binuksan ni Anthony ang pintuan ng kwarto pero tumayo lang siya sa pinto at hindi pumasok. Kaya, binaba ni Naomi ang libro, tumayo, at lumabas sa kwarto. “Dad.”Binaba ni Anthony ang tingin niya. “Anong sinabi ng Doctor?”“Sinabi sa akin ng Doctor na subukan ko ulit, pero malapit na nila gawin ang bone marrow aspiration,“ sagot ni Naomi.Seryoso ang ekspresyon ni Anthony. “Pero masakit para sayo ang paraan na yun. Nelly, kung ayaw mo gawin ang isang bagay pwedeng pwede ka naman sumuko. Ayokong makita kang nahihirapan.”Tumingin si Naomi sa kwarto, at tiningnan din siya ng batang lalaki na nasa loob.Dalawang araw ang nakalipas…Nakatayo si Daisie sa ilalim ng malaking puno sa gilid ng bakura
“Nelly, pasensya ka na…” Hindi mapigilan ni Patricia na malungkot.“Hindi mo kailangan mag-sorry. Patas na tayo ngayon.” May ngiti pa rin sa mukha niya, at mukha itong kalmado.Nakalabas na ng ospital si Naomi matapos ang dalawang araw, at dumating si Anthony para sunduin ang anak niya.Nang makauwi sila, gusto agad ni Naomi na pumunta ng trabaho, pero hindi pumayag ang kaniyang tatay.Isang araw lang hindi pumasok si Naomi at bumalik na siya sa Soul kinabukasan. May nadaanan siyang cafè nang naglalakad siya papunta sa kumpanya, kaya pumasok siya para bumili ng kape at para magising ang kaniyang sarili.Nang oras na para kunin ang kaniyang order, hindi niya inaasahan na wala siyang dalang pera, kaya nakaramdam siya ng hiya. “Sorry, nakalimutan ko dalhin ang wallet ko. Please, iwan mo muna dito yung kape. Kukunin ko lang wallet ko.” Nakangiti na sumagot ang cashier, “Tumatanggap din po ng online payment ang cafè namin.”“Online payment?” Nagulat si Naomi, at bigla niyang naalala
Maliban sa pag-engrave, may mga silver at gold molding techniques, gem cutting, jewelry inlay, polishing, at iba pa. Syempre, dapat pamilyar ka rin sa 3D at JCAD software technology. Nilagay na ni Maisie ng gloves niya, “Magaling ka naman sa jewelry design, kaya hindi ka na mahihirapan matutuhan ito.”Kung wala lang sakit si Naomi noong mga nakaraang taon at hindi siya sumuko sa admission ng music academy, siguro talagang napunta siya sa jewelry designing, at magiging parte ito ng jewelry curriculum. Tiningnan ni Naomi ang rolls na nasa mesa. “Personal mo ba akong tuturuan?”“Kailangan muna kitang turuan nang maayos para pag na-master mo na, mag-hirr na ako ng ilang mga designer, para kaya mo na magtrabaho mag-isa.”Nagdesisyon si Naomi, “Aaralin ko lahat ng kaya ko.”Matapos ng isang buwan, sa taglamig…Inimbitahan si Maisie sa fashion week event sa kabilang distrito. Maliban sa ilang mga pamilyar na mukha sa fashion jewelry, may mga artista rin doon.Naglakad si Kennedy at
“Paano kita makikilala kung nakasuot ka ng ganyan?” Bulong ni Maisie. Halos buong mukha niya ang nakatakip at nakasuot ng sumbrero at itim na casual clothes. Walang sinuman ang mag-aakala na si Nolan yun.Pinisil ni Nolan ng baba ni Maisie at tiningnan ang maganda niyang mukha. “Muntik mo na ako sipain.”Nilayo ni Maisis ang mukha niya.Hinalikan ni Nolan ang pisngi niya at leeg na nagpanginig kay Maisie, at nilagay ang kamay niya sa dibdib ni Nolan. “Daanan ito at makikita tayo ng mga tao.”Ngumiti si Nolan. “Pumunta na lang tayo sa kwarto.”Nang nasa loob na sila ng kwarto, kinarga siya ni Nolan papuntang kama, at pareho silang humiga sa kama. Tiningnan ni Nolan si Maisie mula ulo hanggang paa na parang hinahanggan niya ang isang magandang vase.Nahihiya si Maisie pag tinititigan siya, kaya tinulak niya ang mukha ni Nolan. “Bakit ka nakatingin?”Tumawa siya, hinawakan ang bewang ni Maisie, at hinalikan ang likod ng palad nito. “Napakaganda mo ngayong gabi.”Tumawa si Maisie a
Nabulunan si Maisie. “Napansin ko lang na minsan nakakainis ka.”Tumango si Nolan. “Pag sayo lang.”“Zee.” Kumakain si Madam Nera sa restaurant kasama ang mga sikat na pangalan sa fashion scene. Ngumiti si Maisie at lumapit sa kaniya. “Ninang, ang aga mo gumising.” “Hindi talaga ako nasa kama lagi,” Ngumiti si Madam Nera at pinakilala si Maisie sa mga kasama niya. Lahat sila ay mga sikat sa industriya.Binati sila ni Maisie at nakipag-handshake habang inaayos naman ni Nolan ang kaniyang suit at lumapit kay Maisie.Lahat ng nandoon ay kilala si Nolan at nagulat nang makita siya. “Nandito rin pala si Mr. Goldmann.”“Oo, nandito ako kasama ang misis ko,” magiliw na sagot ni Nolan.Isa sa mga babae ang ngumiti at sumagot, “May mga sabi-sabi na ini-spoil mo raw ang misis mo. Sa tingin ko tama nga sila.”“Paanong hindi niya i-spoil ang ganyan ka-ganda na asawa? At si Mrs. Goldmann ang founder ng Soul sa murang edad. Talagang marami siyang talent.”“Isa rin yong pasasalamat para kay
Pagkatapos ay agad umalis si Maisie.Tiningnan ni Nolan ang nag-iisang candy sa kamay niya at hindi napigilan na tumawa.Nang tanghali, pumunta sina Maisie at Kennedy sa bowling alley at sinabi niya kay Maisie ang tungkol sa usap-usapan online.Binato ni Maisie ang bola at natumba ang lahat ng pins maliban sa isa.Kinuha ni Maisie ang bote ng tubig sa upuan niya at binuksan. Pagkatapos ay sinabi niya kay Kennedy na i-abot ang phone at sinimulan na tumingin sa Twitter.May ilang negatibong komento para sa kaniya at mukhang may balak silang umpisahan. “Nagawa mo ba kunin ang mga IP tungkol sa mga komento na naka-post?”Sumagot si Kennedy, “Lahat sila ay nasa Bassburgh.” Bahagya siyang napatigil. “Kilala ka nila.”Mabagal na sumimsim si Maisie at hindi sumagot. Isang tao na may alam tungkol sa initial relationship dynamics niya ang tao na panigurado na kilala sila. ‘Siya’ ay mukhang hindi natigil.Napansin ni Kennedy na may kakaiba. “Nakita na ba ‘to ni Nolan?”Tiningnan ni Mai
”Aling gym? Magkita na lang tayo doon.”Binigay ni Barbara ang lokasyon niya, at nagtawag ng cab si Maisie. Nang makarating siya doon, tapos na si Barbara sa kaniyang set at basa ng pawis.Pinunasan niya ang pawis sa kaniyang leeg gamit ang towel. “Hindi ba’t marami kang ginagawa? Bakit ka nandito?”Sumandal si Maisie sa pinto. “Dahil gusto ko.”“Magpapalit lang ako,” Pumunta si Barbara sa changing room at lumabas na malinis na ang damit at nakasuot ng jacket.Kahit na winter non, hindi gaano malamig ang Bassburgh. “Kumusta?”May sinabi si Maisie sa tainga niya, at nagulat si Barbara. “Ako?”“Nangako ako na hindi ko siya sasaktan.” Nagkibit-balikat si Maisie. “Pero may mga tao na kailangan mabigyan ng leksyon, o hindi sila mananahimik.”Inayos ni Barbara ang kaniyang belt at inangat ang kilay niya. “Ako na bahala.”…Malakas ang tugtog sa bar. Naglaro ng mga drinking game ang mga customer habang kumikislap ang ilaw habang ang mga babae na nakasuot ng sexy na damit ay sumasaya
Nagulat ang manager. Tumingin siya sa gawi nila Mr. Olsan at Linda na nakaupo sa booth #29. Naramdaman din ni Mr. Olson na may mali. Nang tatakas na sana siya sa booth at tatakbo habang hindi siya hinahanap ng mga pulis, tinuro siya ng pulis at sumigaw, “Hoy, tumigil ka!”Dalawang pulis ang lumapit at pinadapa si Mr. Olsan sa sahig.Sumigaw si Mr. Olson, “Hindi! Hindi ako ‘yun! Inosente ako! Hindi ako ang gumawa niyan!”Umupo si Linda sa upuan, nanlalamig ang dugo niya.Pinanood ulit ng mga pulis ang video. Ang lalaking nasa video ay katulad ng katawan niya at pareho rin ng suot sa lalaking nasa harapan nila.“Malinaw naman na ikaw yung lalaki na nasa video, at may lakas ng loob ka pa na sabihing inosente ka? I-posas niyo ‘yan!”Pinosasan siya ng isa sa mga pulis.Sumigaw siya, “Yung babae na yun! Inakit niya ako! Siya ang babae na umakit sa akin! Siya ang unang lumapit sa akin, hindi ako!”Namumutla na ang mukha ni Linda ngayon.Sa oras na yun, may lumapit sa “witness.” Tinu
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa