Nagpunta si Maisie sa opisina ni Naomi at kumatok sa pinto. Nakita niya si Naomi na minamasahe ang sentido nito sa harapan ng isang tambak na mga dokumento na para bang sumasakit na ang ulo nito nang sobra.Tumayo si Naomi. “Ms. Vanderbilt?””“Mukhang may problema ka,” Ngumiti si Maisie, “Naubusan ng inspirasyon?”Yumuko si Naomi at tumango. “Wala na akong maisip. Ang mga drafts na nagawa ko….hindi magaganda.”Tiningnan ni Maisie ang isang tambak ng mga papel at saka tiningnan ang relo. “Gusto mo bang sumama sa akin maglakad-lakad?”Nagulat si Naomi.Dinala siya ni Maisie sa lumang street sa likod. Napapalibutan sila ng mga lumang building, lahat ng ito mukhang luma pero elegante. Para kang nasa ibang mundo.Huminto silang dalawa sa harapan ng isang lumang jewelry shop na tinatawag na ‘Jewel Attic’. Mayroong classic interior ang store. Hindi galing sa mga malalaking brand ang mga alahas at karamihan ay nasa libo ang presyo.Tiningnan ni Naomi si Maisie, naguluhan siya. “Ms. Van
Bawat piraso ay isang gawa ng sining. Bawat item, mula sa mga hikaw, bangles, at mga kwintas ay kumuha ng inspirasyon sa mythical creatures.Nakita ni Maisie ang isang single bracelet sa isa sa mga cabinet. Ang phoenix na nakaukit dito ay parang buhay. Nakakita na siya dati ng mga ukit, pero imposible para sa kaniya na makagawa ng parang buhay na ukit.Sabi ng lalaki, “Gawa ng teacher ko ang bracelet na ito. Marami siyang engraved pieces.”Tinuro niya ang isang nakasabit na ornament na may gold trims. Mayroong green, blue at red gems dito, at napakaganda nitong tingnan sa ilalim ng ilaw.“Singsing ba ‘to?” Tiningnan ni Naomi ang isa sa mga singsing sa display. Yun ang unang pagkakataon na nakakita siya ng ganoong creativity.Ngumiti ang lalaki. “Oo, singsing yan. Isa rin yan sa engraving pieces ng teacher ko.”Bumulong si Naomi, “Iyan ang kayang gawin ng isang classical craftsmanship.”Marahang nagsalita ang lalaki, “Sinabi niya sa akin na malapit sa isa’t-isa ang classical craf
“Lolo, nangako kayo na ibabalik niyo ang console ko kapag nakakuha ako ng 90!” Reklamo ni Daisie dahil gusto niyang mabawi ang console niya.Habang nakaupo si Nicholas sa couch ay umiinom siya ng tsaa. Sa hilig maglaro ng games ng batang babaeng ‘to ay bumaba sa 80 ang grade niya. Binaba niya ang teacup niya. “Oo, nangako ako, ibabalik ko yun sa iyo kapag nakakuha ka ng 90 points, pero may isang kondisyon…“Kailangan mong masigurado na makakakuha ka ng 90 sa lahat ng subjects.”Nagulat si Daisie. Napayuko siya at napakamot ng pisngi. Masiyadong mahirap makakuha ng 90 sa lahat ng subjects.Tumawa si Nicholas at tinuro ang ulo niya. “Tingnan mo ang sarili mo. Inispoiled ka ng tatay at mga kapatid mo. Pinuri ka nila dahil magaling ka, pero masiyado ka ng kampante ngayon.”Sumimangot si Daisie. “Pwede….pwede ba akong maglaro ng isang oras?”Tiningnan siya ni Nicholas. “Isang oras lang.”“Yes!” Tumango si Daisie. “Isang oras lang ako maglalaro sa isang araw!”“Sige, paniniwalaan kit
“Talaga?” Basa ang mga pilikmata ni Daisie at magkakadikit. Pula ang kaniyang ilong, para siyang usa.“Oo,” Sagot ni Nolan, “Hindi ako magsisinungaling sa iyo.”“Makikita ko ba siya ulit?” Puno ng pananabik ang mga mata ni Daisie.Hindi nakapagsalita si Nolan.Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang paluin ang anak niya nang makita niya ang kagustuhan nating makita ang batang yun.Pinisil niya ang ilong nito at binago ang usapan. “Balita ko, naadik ka na sa video games at nagdala ka pa ng gaming console sa school.”Natigilan si Daisie. Yumuko siya at sinabing, “Gaming console na lang ang natira sa akin.”Hinaplos ni Nolan ang buhok nito at sinabing, “Kahit hindi mo na kasama sa iisang klase ang kapatid mo, pwede ka pa rin naman makipagkaibigan sa iba, tama?”“Ayaw nila sa akin.”Naningkit ang mga mata ni Nolan sa sinabi ni Daisie. Hindi siya naniniwalang may mga taong hindi magugustuhan ang anak niya!Napakaganda at napakabait ng anak niya! Bakit ayaw nila sa kaniya?Hu
Sa mansyon ng mga Topaz…Nakaupo si Naomi sa study room, mayroong jacket na nakapatong sa kaniyang mga balikat. Isang lamp lang ang iniwan niyang bukas. Mas lalo siyang gumanda sa liwanag na tumatama sa kaniyang mukha.Ginagawa niya ang kaniyang draft sa isang papel. Madilim pa din ang langit at malakas ang ulan sa labas na humahampas sa mga bintana. Malakas ang mga patak pero wala yun epekto sa kaniya.Sa sandaling ito, tumunog ang telepono sa baba dahilan para bumalik sa realidad si Naomi. Binaba niya ang pen niya at lumabas ng study room. Binuksan niya ang ilaw sa corridor at saka bumaba.Hindi niya alam kung sino ang tatawag sa kanila sa kalagitnaan ng gabi, pero mayroon siyang kutob na tatay niya ito.Nang kunin niya ang telepono, nakangiti niya itong sinagot, “Dad…”Gayunpaman, mayroong sinabi ang tao sa kabilang linya at doon nawala ang ngiti niya.Sa ospital…Nang dumating si Naomi at ang caretaker niyang si Mrs. Irving, mayroong dalawang tao sa labas ng emergency room.
Pinulupot ni Nolan ang mga braso sa baywang niya at saka siya niyakap. “Bibisitahin ko siya mamayang hapon.”“Isama mo ako,” Sabi ni Maisie sabay pulupot ng mga braso sa leeg ni Nolan. Kahit na hindi siya naglagay ng makeup, nakakabighani pa rin ang ganda niya.Naningkit ang mga mata ni Nolan at pumalatak ang dila. Bigla niyang inalis ang kurbata niya na ikinagulat ni Maiise.Bago pa siya makakilos, binuhat na siya ni Nolan at pina-upo siya sa mesa. Nilagay niya ang mga kamay niya sa dibdib nito at sinabing, “Nolan, kailangan mo pang pumunta sa opisina—”Hinalikan siya sa mga labi ni Nolan habang dahan-dahan siyang sinasakop. Hinawakan siya nito sa baywang at sinabing, “30 minutes lang.”Wala ng nasabi pa si Maisie.Sa ospital..10:00 a.m na nang magkamalay si Anthony. Nang makita niya ang anak na nakaupo sa tabi niya, nginitian nya ito at sinabing, “Nelly.”Umangat ang ulo ni Naomi, at isang ngiti ang lumitaw sa mukha niya nang makita niyang nagising na ang ama. “Dad!”Pagkat
Tumalikod si Naomi. Kalmado siya at walang anumang emosyon na dapat mayroon siya pagkatapos malaman ang totoo. “Dad. Hahanapin ko si Mrs. Irving.”Umalis siya sa ward at nakasalubong si Mrs. Irving sa corridor. Maghahatid sana ito ng tanghalian. Nagtanong si Mrs. Irving, “Nagising na ba si Mr. Topaz?”Tumango siya.Nang makita ni Mrs. Irving ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Naomi, nag-aalala siyang nagtanong, “Anong nangyari, miss?”Yumuko si Naomi. “Alam niyong si Mrs. Gosling ang nanay ko, tama?”Natigilan si Mrs. Irving. Sumilip siya sa ward at sinabing, “Sinabi na ba sa iyo ni Mr. Topaz ang lahat?”Tumango si Naomi.Huminga nang malalim si Mrs. Irving at sinabi, “Si Ms. Emerson nga ang nanay mo. Siya rin ang pinakasikat na artista sa entertainment industry nang taon na yun at kilala siya bilang “successor” ni Natasha. Pagkatapos magpakasal ni Natasha sa mga Goldmann, umalis siya sa industriya, at ang tatay mo ang naatasan na maging agent ni Ms. Emerson.“Passionate na b
Napatikom ang mga labi ni Patricia.“Wala akong pakialam kung anong kailangan mo kay Nelly. Ikaw ang may ayaw sa kaniya noon, kaya sa akin siya, anak siya ni Anthony Topaz. Wala siyang anumang kaugnayan sa iyo, Patricia.” Singhal ni Anthony.“Paano ka nakakasigurado na ayaw sa akin ni Nelly bilang ina niya? Ako pa rin ang tunay niyang ina,” Tanong niya.“Ayaw kitang maging ina.” Narinig ang boses ni Naomi.Lumingon silang dalawa at nakitang nakatayo ito sa may pinto. Hindi na siya magiging magalang pa kay Patricia.Natigilan si Patricia sa narinig mula kay Naomi. Hindi niya inaakalang diretsa nitong sasabihin yun.Lumapit si Naomi sa kaniyang ama at lumingon para tingnan si Patricia. “Wala akong nanay. Tatay lang ang mayroon ako. Para sa akin, hindi na magbabago yun.”“Nelly, paano mo—-”“Dahil sa tatay ko kaya ako nakatayo dito ngayon.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Patricia nang marinig ang sinabi ni Naomi. Lumingon siya kay Mrs. Irving na nakatayo sa labas at sinabing
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa