Pinulupot ni Nolan ang mga braso sa baywang niya at saka siya niyakap. “Bibisitahin ko siya mamayang hapon.”“Isama mo ako,” Sabi ni Maisie sabay pulupot ng mga braso sa leeg ni Nolan. Kahit na hindi siya naglagay ng makeup, nakakabighani pa rin ang ganda niya.Naningkit ang mga mata ni Nolan at pumalatak ang dila. Bigla niyang inalis ang kurbata niya na ikinagulat ni Maiise.Bago pa siya makakilos, binuhat na siya ni Nolan at pina-upo siya sa mesa. Nilagay niya ang mga kamay niya sa dibdib nito at sinabing, “Nolan, kailangan mo pang pumunta sa opisina—”Hinalikan siya sa mga labi ni Nolan habang dahan-dahan siyang sinasakop. Hinawakan siya nito sa baywang at sinabing, “30 minutes lang.”Wala ng nasabi pa si Maisie.Sa ospital..10:00 a.m na nang magkamalay si Anthony. Nang makita niya ang anak na nakaupo sa tabi niya, nginitian nya ito at sinabing, “Nelly.”Umangat ang ulo ni Naomi, at isang ngiti ang lumitaw sa mukha niya nang makita niyang nagising na ang ama. “Dad!”Pagkat
Tumalikod si Naomi. Kalmado siya at walang anumang emosyon na dapat mayroon siya pagkatapos malaman ang totoo. “Dad. Hahanapin ko si Mrs. Irving.”Umalis siya sa ward at nakasalubong si Mrs. Irving sa corridor. Maghahatid sana ito ng tanghalian. Nagtanong si Mrs. Irving, “Nagising na ba si Mr. Topaz?”Tumango siya.Nang makita ni Mrs. Irving ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Naomi, nag-aalala siyang nagtanong, “Anong nangyari, miss?”Yumuko si Naomi. “Alam niyong si Mrs. Gosling ang nanay ko, tama?”Natigilan si Mrs. Irving. Sumilip siya sa ward at sinabing, “Sinabi na ba sa iyo ni Mr. Topaz ang lahat?”Tumango si Naomi.Huminga nang malalim si Mrs. Irving at sinabi, “Si Ms. Emerson nga ang nanay mo. Siya rin ang pinakasikat na artista sa entertainment industry nang taon na yun at kilala siya bilang “successor” ni Natasha. Pagkatapos magpakasal ni Natasha sa mga Goldmann, umalis siya sa industriya, at ang tatay mo ang naatasan na maging agent ni Ms. Emerson.“Passionate na b
Napatikom ang mga labi ni Patricia.“Wala akong pakialam kung anong kailangan mo kay Nelly. Ikaw ang may ayaw sa kaniya noon, kaya sa akin siya, anak siya ni Anthony Topaz. Wala siyang anumang kaugnayan sa iyo, Patricia.” Singhal ni Anthony.“Paano ka nakakasigurado na ayaw sa akin ni Nelly bilang ina niya? Ako pa rin ang tunay niyang ina,” Tanong niya.“Ayaw kitang maging ina.” Narinig ang boses ni Naomi.Lumingon silang dalawa at nakitang nakatayo ito sa may pinto. Hindi na siya magiging magalang pa kay Patricia.Natigilan si Patricia sa narinig mula kay Naomi. Hindi niya inaakalang diretsa nitong sasabihin yun.Lumapit si Naomi sa kaniyang ama at lumingon para tingnan si Patricia. “Wala akong nanay. Tatay lang ang mayroon ako. Para sa akin, hindi na magbabago yun.”“Nelly, paano mo—-”“Dahil sa tatay ko kaya ako nakatayo dito ngayon.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Patricia nang marinig ang sinabi ni Naomi. Lumingon siya kay Mrs. Irving na nakatayo sa labas at sinabing
Nakakalaro pa ni Daisie sina Lisa at Colton bago sila nagkahiwalay ng klase. Bumuntong-hininga si Daisie dahil bigla niyang namiss noong hindi pa sila nagkakahiwalay ng klase.“Ingat!”Bago pa makakilos si Daisie, tinamaan na ng basketball ang likod ng ulo niya, napasinghap na lang siya nang matumba sa sahig.Ilang lalaking nakasuot ng basketball uniforms ang lumapit para kunin ang bola. Mukhang mga nasa dalawang taon ang tanda nila kaysa sa kaniya. “Pasensya na! Ayos ka lang ba?”Hinimas ni Daisie ang likod ng ulo niya at napaangat ng ulo, naningkit ang mga mata niya nang ngumiti. “Ayos lang ako!”Natigilan ang mga batang lalaki, pare-pareho sila ng ekspresyon sa kanilang mga mukha.‘Diyos ko, anghel ata itong nakikita ko!’Isang maputi at gwapong lalaki ang lumapit sa kaniya. Sa unang tingin, sa sobrang puti ng balat niya ay para siyang kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw. Nilahad niya ang kamay at hinila patayo si Daisie. “Pasensya na, hindi nila sinasadya. May masakit ba s
Nakatayo doon si Naomi, sinusubukang alisin ang tensyon niya sa pamamagitan ng paghinga nang malalim.Lumingon si Maisie at tinanong si Kennedy, “Ano sa tingin mo?”Hinimas ni Kennedy ang baba niya, “Magandang ideya ang paglalagay ng mga carvings na unique sa baroque design language sa alahas.”Ang unang drawing ay isang kwintas na mayroong pattern ng bulaklak na nakaukit mula sa jade. Gawa sa roses at lilies ang main body nito, at ang gitna naman ay mayroong ibang klase ng mga bulaklak at mga dahon na iba-iba ang laki. Ang gitna ng bulaklak at ang base ng petals ay nakaayos sa isang rounded beads. Para magawang isang magandang alahas ang fine piece na ito, magandang desisyon ang gawin itong bulaklak.Ang pangalawang draft ay isang singsing na mayroong delicate carvings. Ang main design ng singsing ay base sa fireworks sa madilim na langit. Ang maalong mga pattern na nakaukit sa manipis na chrysanthemum petal ay napakalinaw, at ang mga gemstone sa stame ay mayroong napakagandang ku
“Ms. Vanderbilt.” Hinabol ni Lucy si Maisie. “May babae na pumunta sa lobby. Nandito daw siya para kay Naomi.”Pagkatapos marinig ang sinabi ni Lucy, hindi mapigilan ni Maisie ang mapakunot ang noo. “Ilang taon na ang babae?”Sumagot si Lucy, “Palagay ko mga nasa late 30s at 40s na siya, elegante siya at puro designer brand ang suot. Sa madaling salita, mukhang hindi siya galing sa ordinaryong pamilya.”Sa paglalarawan na yun, nahulaan na ni Maisie kung sino ang babaeng yun.‘Ang nanay ni Naomi.‘Ang sabi ni Nolan ay umalis si Mr. Topaz sa Royal Crown dahil kay Patricia Emerson. Binanggit din niya na mayroon silang relasyon noon, pero hindi nila yun isinapubliko. Noong panahon na yun, pinanganak ni Patricia si Naomi para kay Anthony. Pero, natapos ang relasyon nila nang umalis si Patricia at nagpakasal kay Alexander Gosling.‘Kaya mag-isang pinalaki ni Mr. Topaz si Naomi. Siya ang tatay ni Naomi pero wala ni isa sa industriya ang nakakita kung sino ang asawa niya. Alam ng lahat n
Wala ng sinabi pa si Maisie.Naghintay si Patricia hanggang gabi. Palabas na ng trabaho si Naomi nang makita niyang nandito pa din si Patricia. Medyo nagulat siya nang marinig sa staff na maghapon siyang hinintay ng nanay niya sa lobby.Nang makita si Naomi, nakangiting tumayo si Patricia sa couch. Namamanhid na siguro ang mga paa niya dahil kanina pa siya hindi gumagalaw kaya hindi mukhang natural ang paglalakad niya. “Nelly.”Umatras si Naomi, tumangging makalapit pa sa kaniya ang kaniyang ina. “Bakit nandito ka pa rin?”“I…” Napagtanto ni Patricia na nag-iingat si Naomi, pero hindi na niya ito pwedeng patagalin. Kaya naman, kahit na kailangan niyang gumawa ng kahihiyan para makalapit sa anak niya, kailangan niya yun tiisin.“Nelly, alam kong sinisisi mo ako sa lahat ng nangyari sa iyo.” Hinawakan ni Patricia ang kamay niya. “Nagdusa din ako noon bago ako nagdesisyon na gawin ang ginawa ko.”Dumapo ang tingin ni Naomi sa kamay ni Patricia na mukhang alagang-alaga. Napakaganda n
Walang pakialam si Nicholas sa dangal ni Nolan bilang tatay ng dalawang paslit. “Lagi kang binabantaang paluin ng nanay mo, may lakas ng loob ka bang sumuway?”Tiningnan ni Nolan si Nicholas.“Dad, pinapalo ka ni lola noong bata ka pa?” Pumunta agad si Colton sa main point ng kwento.Lumingon si Nolan at sinamaan ng tingin si Colton. “Gusto mo bang subukan?”Tumahimik agad si Colton.Lumapit si Maisie sa kaniya. “Wow, natutunan mo nang bantaan ang anak natin ngayon.”Seryosong sumagot si Nolan, “Hindi natin pwedeng palakihin sa layaw ang anak natin. Paluin dapat natin siya kapag nararapat sa kaniya.”Nakasimangot na sumagot si Nolan, “Bakit mo papaluin ang anak niyo? Paano naman si Daisie?”Kumurap si Daisie. “Hindi ako mapapalo kasi mabait ako!”Parang matanda na bumuntong-hininga si Colton. “Ang daming cons ng pagiging anak na lalaki. Mommy, bakit hindi niyo ako ginawang babae?”Kumuha si Maisie ng isang mangkok ng sabaw para sa sarili niya. “Kung babae ka, kailangan mong m
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa