Maririnig sa labas ng pinto ang mga hakbang.Pinigilan niya ang kaniyang paghinga, at nang tumalikod siya, dalawang lalaki ang nagbukas sa pinto, at isang babae ang pumasok. Fiancèe iyon ni Yorrick, si Mandy.Ngumiti si Mandy. "Pasensya ka na kung dinala kita dito.""Dinala?" Tumawa si Xyla. "Kidnapping itong ginawa mo.""Ano naman kung ganun?" Walang pakialam si Mandy. "Dito sa Yaramoor, kahit mga pulis hindi susubukan magambala ang Nix. Tatawagan mo ba sila?"Nanlumo ang mukha ni Xyla, at huminga siya nang malalim. "Anong gusto mo?"Napahalukipkip si Mandy at lumapit kay Xyla. "Matagal ko ng mahal si Yorrick kahit nung… in love pa siya kay Sharon."Lumapit siya sa gilid ni Xyla at mahinahong sinabi, "Kahit na hindi ako mahal ni Yorrick, hindi na yun mahalaga kasi papakasalan ko siya. Matapos mamatay ni Sharon, namatay na rin ang puso niya kasabay ni Sharon. Dahil hindi niya ako matanggap, dapat hindi rin niya tanggapin kahit sinong babae."Nagtataka si Xyla na nakatingin sa k
Nawala ang ngiti ni Mandy. "Hindi naman dapat pagmamahal lang ang nasa mag-asawa. Kontento na ako maging isang misis. Wala akong pakialam kung hindi niya ako mahal, hangga't mahal ko siya. Ginawa kami para sa isa't isa. Ako lang ang nararapat para sa kaniya!"Tinulak niya si Xyla, at tumama siya sa pader. Biglang tinapakan ni Mandy ang may sugat na balikat ni Xyla at nagmamayabang.Suminghal si Xyla pero tiniis niya ang sakit nang lumabas ang dugo at nakulayan ang collar niya ng pula. "Masakit, 'di ba?" Yumuko si Mandy at tiningnan siya, nang-aasar na nakangiti. "Hindi pa nga ito sapat. Bibigyan kita ng araw na hinding-hindi mo makakalimutan buong buhay mo." Tinaas niya ang kamay niya, at apat na lalaki ang pumasok. Nahinto ang ekspresyon ni Xyla, at namumutla siya na parang papel.Hinawakan siya ni Mandy sa kamay, tinulak siya palapit sa mga lalaki, at pababa siya ng tiningnan. "Ayaw ni Yorrick na hahawakan ng ibang lalaki ang laruan niya. Kung sisirain kita, susuko na si Yorri
"Ikaw ang nanay ko na nagsilang sa akin at nagpalaki, kaya wala akong magagawa na kung ano sayo. Para naman sa buhay ko, ang magagawa ko lang ay ibalik na ito sayo."Wala ng emosyon ang mata ni Yorrick. "Mom, sa 37 years kong pamumuhay, binuhay ko yung 25 years na yun sa ilalim ng kontrol mo. Hindi ako nagalit sayo kasi totoo naman na mahal mo ako, pero hindi ko na kayang tiisin pa ang pagmamahal mo. Inosente si Sharon. Kasalanan ko yun. Dapat hindi ko na lang siya minahal."Inosente rin si Xyla. Kasalanan ko rin na napalapit ako sa kaniya. Pero anong ginawa mo? Kung papatayin ko ba ang sarili ko, titigil ka na ba?'"Yorrick… ibaba mo na ang baril. Makinig ka anak, ikaw ang buhay ko. Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka—" Takot na takot na umiiling si Yuna. Hindi pa niya naranasan ang ganitong pangyayari. Hawak ng anak niya ang baril sa sarili niyang ulo at binabalaan siya sa sarili niyang buhay.Tahimik lang si Yorrick. Kinasa na niya ang baril at papuputukin na dapat ito "No!"
Kasalanan niya 'yun lahat.Hindi nagawa ni Yorrick na protektahan ang babaeng minamahal niya.…Hinawakan ni Yuna ang balikat ng doktor at tinanong, "Doctor, hindi ba't gising na ang anak ko? Isang linggo na ang lumipas, at ganito pa rin siya umakto. Anong nangyari sa kaniya?"Tiningnan ng doktor si Yorrick na mukhang zombie at mukhang kaawa-awa. "Pasensya na, Mrs. Hathaway. Ginawa na namin lahat pero sa tingin ko nagkaroon siya ng psychological breakdown.Psychological…Binitawan siya ni Yuna. "Paano nangyari 'to?""Dahil sa'yo." Pumasok si Madam Hathaway na may hawak na tungkod at sinampal si Yuna.Tumagilid ang mukha ni Yuna at hindi siya nakagalaw. Nakatayo si Nolan at Maisie sa labas ng pinto. Pumunta sila kasama si Madam Hathaway.Mabagal na humarap sa kaniya si Yuna. "Pero—""Hinayaan kita pangunahan ang pamilya dahil nagtiwala ako sa'yo. Hindi pa nga ako nagtatagal sa Yaramoor at nagawa mong guluhin ang pamilya na 'to." Galit na binagsak ni Madam Hathaway ang
Nanatiling tahimik si Yorrick.Tumawa si Nolan at sinabing, "Masasabi ko na ang galing mong magpanggap. Para sa Persian Gulf project, bakit hindi mo—""Nakakairita ka," Pagsingit ni Yorrick at humarap para tingnan si Nolan. Malamig ang mukha niya habang nakakunot sa pagkairita.Pumasok si Nolan sa ward at umupo sa upuan. "Hindi ko inakala na ang babaero na si Mr. Hathaway ay magiging ganito dahil sa babae."Sumandal si Yorrick sa bintana. Sobrang lamig ng puso niya at hindi niya nararamdaman ang lamig na pumapasok sa kaniyang dahil sa ulan. "Nakakatawa, hindi ba? Natatawa rin ako."Sabi niya, "Nakakatawa na hinayaan ko na pumasok sa puso ko ang babae na nakilala ko lang ng tatlong buwan, hindi ba? Hindi rin siya sobrang ganda. Kahit na sabihin kong maganda ang hubog ng katawan niya, masama naman ang ugali. Mukha siyang matalino pero uto-uto at inosenteng babae talaga siya."Habang nilalaro ang relo niya, inangat ni Nolan ang ulo niya para tingnan si Yorrick pero walang sinabi.N
"Oo." Tumango si Maisie."Maisie." Nakatayo si Xyla sa harap ng pinto. Nakasuot siya ng dress mula sa anak ng lalaki. Kahit na hindi ito ayon sa katawan niya, maganda pa rin siyang tingnan.Lumapit si Xyla at sinabi sa lalaking may balbas, "Pasensya na, Mr. Sullivan. Kaibigan ko siya."Tumango si Sullivan. Pagkatapos, umalis siya para gawin ang gawain niya habang nasa pagitan ng labi niya ang maniyang sigarilyo.Hinila ni Xyla si Maisie papasok sa bahay. Kahit na hindi magarbo at malawak ang bahay katulad ng kwarto sa mansion, malinis ito. May isang batang lalaki at isang matandang babae sa bahay bukod sa kanila."Hi," Binati siya ni Maisie, at nahihiyang kumaway pabalik sa kaniya ang batang lalaki.Pero, hindi nagbigay ng sagot ang matanda kay Maisie na parang hindi niya naintindihan ang sinabi niya.Lumapit si Xyla at sinabing, "Siya ang nanay ni Mr. Sullivan. Bingi siya."Nagulat si Maisie. May sumagi sa isip niya, at humarap siya para tingnan si Xyla. "Akala ni Yorrick pata
Nagulat si Maisie. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakangiti na tiningnan si Nolan. "Paano mo nalaman?"Pinisil ni Nolan ang ilong ni Maisie at sinabing, "Alam ko na mula ng malaman natin na si Mandy ang patay na katawan."Yumuko si Maisie pero walang sinabing kahit ano.Inakala niya na gusto ni Sullivan na ipaghiganti ang anak niya, kaya trinato niya si Mandy sa kung paano nito trinato ang kaniyang anak para makaganti."Hindi yun palalampasin ng mga Nix, hindi ba?" tanong niya.Tumawa si Nolan. "Wala silang magagawa kung ayaw nila palampasin. Kung pinatay ng kaaway si Mandy, hindi sila gagawa ng hakbang dahil hindi nila alam kung sino ang kalaban nila. At saka, sa tingin mo ba hahayaan ni Yorrick na magawa nila yun?"Nakahanap ng komportable na pwesto si Maisie sa braso ni Nolan at pinaglaruan ang butones ng shirt niya. "Ibig sabihin alam ni Yorrick na buhay pa si Xyla, 'di ba?"Binuhat siya ni Nolan sa couch at hinalikan siya habang may mahinahon na ngiti sa kaniyang mukha. "
Yumuko si Nolan at tumawa, "Well, hayaan na natin sila sa problema nila."…Isang linggo matapos bumalik ni Xyla sa Zlokovia, nakatanggap siya ng imbitasyon sa isang talk show. Alam ng lahat na ang host ng show ay matapang para itanong lahat. Tinanong niya rin ang scandal niya kay Yorrick sa harap ng audience.Nang nakatutok ang camera kay Xyla, natahimik siya ng ilang segundo bago sumagot habang nakangiti, "Totoo ang scandal."Nagulat ang host. "Talaga?"Nanatiling nakangiti si Xyla. "Yes. Medyo komplikado lang ang relasyon sa pagitan naming dalawa ni Mr. Hathaway, kaya pinili kong huwag sabihin sa iba.Tumawa ang host at nagpatuloy. "Masyado kang totoo, Xyla."Pagkatapos, nagtanong siya ulit. "Pwede mo ba sabihin sa amin kung anong relasyon ang mayroon kayo ngayon ni Mr. Hathaway?"Nilaro ni Xyla ang tassel niyang hikaw. May kaunti siyang makeup at nakasuot ng frost green halter dress. Ang ganda niya tingnan at nagbigay ng eleganteng aura."Ngayon?" Tumingin siya sa camera a
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa