Share

The Third Vow
The Third Vow
Author: tinerites

Prologue

Author: tinerites
last update Huling Na-update: 2023-02-23 21:17:05

Prologue

Nagkalat sa sahig ang mga pulang talutot ng santan. Napakunot-noo si Avaeh nang hindi niya ma-lock sa kaniyang kamay ang bracelet na ginawa. Kulang pa pala ang pinitas niyang mga bulaklak para makompleto ang kaniyang accessories: kuwintas, porselas, at korona. Mabilis siyang tumayo upang kumuha pa ulit nang mapansin niyang may isa pang natitirang piraso, kaya mabilis niya 'yong ikinonekta sa nagawang porselas.

Lumuwang ang ngiti niya nang makita ang sarili sa salamin suot ang puting bistida at ang mga accessory na ginawa. Sunod niyang isinuot ang kaniyang pink na sandalyas, saka nagpaikut-ikot at masayang humimig. Kapagkuwan ay dinampot niya na ang tungkos ng rosas na pinitas niya rin sa kapitbahay.

"Avaeh!" tawag sa kaniya ng kaniyang inang si Rosilabeth na abala sa paghahanda ng mga pagkain kasama ang kaniyang Yaya Ligaya. "Pumitas ka na naman ng bulaklak kina Luzviminda! Kami na naman ang malalagot sa 'yong bata ka."

Nahinto sa pagbaba sa hagdan si Avaeh. "Mommy," kamot niya sa ulo, "huwag na po kayong magalit, mahuhuli na po ako sa kasal ko!"

"At anong kasal 'yang sinasabi mo, ha? Ilang taon ka pa lang, Avaeh? Apat na taon!" Sinampal ni Rosilabeth ang noo. "Diyos ko, itong batang 'to!"

Unang nalaman ni Avaeh ang salitang 'kasal' nang dumaan sila ng kaniyang ina sa simbahan at napansing may lalaki at babae na nakatayo sa altar—nakasuot ng magagarang damit habang nangangako sa bawat isa. Simula nang makita niya iyon ay hindi na iyon maalis pa sa kaniyang isipan. Sa palagay niya ay masarap sa pakiramdam ang magsuot ng maganda at kumikinang na gown habang nakatayo sa harap ng maraming tao.

Pababa na sana siyang muli sa hagdan nang umabot sa kaniyang pandinig ang busina ng sasakyan na tila ba'y nanggaling sa tapat ng kanilang gate. Napansin niya ring nagmadaling lumabas ang kaniyang ina, kaya naman ay dumiretso siya sa kanilang pinto upang silipin ito. Hindi nga siya nagkamali, may kotse sa labas at may mga bumaba rito: isang lalaki, isang babae, at isang batang lalaki. Nananabik niyang pinagmasdan ang mga ito habang papasok sa kanilang bahay dahil ilang buwan na rin simula nang huli silang magkaroon ng bisita.

Nanlaki ang mga mata ni Avaeh nang makita sa malapitan ang batang lalaki. Gaya ng nakita niya sa simbahan, nakasuot ito ng puting suit at itim na slacks pants. "Ikaw na ba 'yong mapapangasawa ko?" sambit niya rito nang tuluyan na itong makapasok sa bahay.

Bumilog naman ang maliliit na mga mata ni Rosilabeth nang marinig iyon sa anak. Agad nitong pinuntahan si Avaeh at tinakpan ang bibig niya. Humingi rin ito ng paumanhin sa mga bisita at napilitan pang magpaliwanag kung paano nalaman ni Avaeh ang ganoong bagay.

"She just loves exploring," sambit ni Rosilabeth. "I'm so sorry, guys. I'll make sure this won't happen again." Mula sa mag-asawa ay ibinaling nito ang tingin sa batang lalaki. "Your name is Colt, right?"

Walang emosyong tumango ang batang lalaki.

"Right, Colt," ngiti ni Rosilabeth. "I'm so sorry, hijo."

"Don't worry about it, my dear," sambit ni Marguirite, ina ng batang si Colt, sabay akap sa anak. "Avaeh is just a kid. They're both kids, so they don't know."

"You got a big point, Marguirite. Soon, they'll understand."

Habang nasa gitna ng diskusyon, bumusina sa labas ang sasakyan ni Bienvenido, ama ni Avaeh. Kauuwi lamang ni nito galing Palawan pagkatapos ng business meeting nito sa mga kasosyo sa negosyo sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Kaya naman nang makita ito ay dali-daling tumakbo rito si Avaeh upang pasalubungan ito ng isang mahigpit na yakap.

"What's the business in here?" tanong ni Bien nang makapasok na ito sa loob, saka halik sa pisngi ni Rosilabeth habang buhat-buhat ang anak. "Since when did you return, Mauricio, Marguirite? And oh, is this Colt now? Lumalaking guwapo!"

Umalik-ik si Mauricio. "Kanino pa ba magmamana, hindi ba?"

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," ngisi ni Bien. "Eh, kailan nga kayo nakauwi?"

"About an hour," sagot ni Mauricio. "Inayos lang namin ang mga gamit at dumiretso na kami agad dito. Tingnan mo, sa sobrang excited, hindi na kami nakapagpalit."

"That's no problem. At least now we've reunited again. Marunong na bang mag-Tagalog ang iyong guwapong unico hijo?"

"Syempre naman, marunong 'yang magsalita ng Tagalog. Si Marguirite lang naman ang Englishera dito... Englisherang frog."

Hinampas ni Marguirite sa braso ang asawa, dahilan upang umalingawngaw ang halakhakan sa sala. Bagaman ay purong Amerikana ito, nakakaintindi na rin ito ng Tagalog sa ilang taong pakikisama kay Mauricio. Sa katunayan, nakapagbibigkas na rin ito ng ilang mga salitang Tagalog.

Kapagkuwan ay inimbitahan na ni Rosilabeth sa dining area ang mga bisita habang mainit pa ang pagkain.

Hindi naman nagtagal ay muling naibaling kay Avaeh ang usapan. Napansin kasi ng kaniyang ama ang suot niyang bistida at mga accessory na gawa sa santan. Walang anu-ano'y sinabi niya rito na dadalo siya ng kasal niya, dahilan upang tumawa nang malakas ang ama.

"How old is Colt, by the way?" tanong ni Bien.

"Seven," sagot ni Mauricio. "Turning grade two this upcoming academic year."

"Mga bata pa nga sila. How about we talk about it now?"

"About what?" kunot-noo ni Rosilabeth.

"Mauricio, why don't you discuss about the deal?"

Hinugot ni Mauricio ang napkin tissue at pinunasan nang bahagya ang labi. Huminga ito nang malalim, saka isa-isang tiningnan ang mga kasalo sa mesa. Matagal nitong hinintay ang pagkakataon na ito—na sabihin ang plano nila ni Bien noong high school pa lamang.

Samantala, sina Rosilabeth at Marguirite ay hindi maipinta ang mga mukha sa usapan ng kanilang mga asawa. Sina Avaeh at Colt naman ay abala lamang sa pagkain, ni hindi alam kung saan patungkol ang diskusyon ng mga magulang.

"I and Bien have been friends for so long," panimula ni Mauricio, "and we don't want our blood to be separated. That's why we made a deal in high school."

"And what's the agreement, hon?" tanong ni Marguirite.

"It's a deal where our children will do the favor for us," sagot ni Mauricio. "In the most perfect timing, these kids..." Ibinaling nito ang tingin kina Avaeh at Colt. "They will soon exchange vows at the altar."

Hindi kumibo ang mga ito.

Kaugnay na kabanata

  • The Third Vow   Chapter 1

    Chapter OneNag-iinit ang tensyon sa loob ng kuwarto kahit pa napakalakas na ng buga ng aircon. Hindi mapaghiwalay ang mga labing nasasabik sa bawat isa na animo'y mga bagong kasal na hindi na makapaghintay pa sa honeymoon. Kulang na lang ay maghubad na ang mga ito, ngunit dahil tatlo ang nasa loob ng kuwarto, may mga limitasyon na kailangang sundin.Nakakrus ang mga kamay habang kunot-noong pinagmasdan ni Avaeh ang kaibigan nitong si Mad na ilang minuto nang nakikipaghalikan sa boyfriend nito. Nakaupo siya sa sopa, kandung-kandong ang isang malaking travel bag. Handa na siyang umalis kung hindi lang dahil sa kaibigan. Sanay na siya sa ganitong mga pangyayari lalo na kapag may pupuntahan sila ni Mad; Hindi talaga mawawala ang ilang minutong halikan ng magkasintahan na akala mo ay hindi na magkikita pang muli."Hindi pa ba kayo tapos?" naiinip na tanong ni Avaeh, dahilan upang matigil ang dalawa at maibaling ang mga tingin sa kaniya. "It's been almost five minutes, wala na kayong balak

    Huling Na-update : 2023-02-23
  • The Third Vow   Chapter 2

    Chapter 2Sa sobrang hilo at pananakit ng tiyan, hindi na napigilan ni Avaeh ang masuka, dahilan upang mabilis na imulat ni Colt ang mga mata. Sakto pang sa kumot niya nailabas lahat. Hindi na niya nagawa pang pumunta sa banyo dahil sunod-sunod ang paglabas ng kaniyang mga nakain at nainom noong huling gabi.Samantala, hindi maipinta ang mukha ni Colt na tiningnan si Avaeh. Hindi nito alam kung gaano karami ang nainom niya at ganoon na lamang siya kung sumuka. Binalak nitong kuhanan siya ng tubig, ngunit napansing hubo't hubad ang sarili sa sandaling iangat nito nang bahagya ang kumot na nakatakip sa buong katawan. Humugot ito ng isang malaking unan at iyon ang ipinantakip sa pribadong parte ng katawan habang sinusubukang umalis sa kama.Nakalugmok sa kama ang buong mukha ni Avaeh. Kahit papaano ay nabawasan ang init ng tiyan niya, ngunit patuloy pa rin sa pagkirot ang kaniyang ulo. Pag-angat niya ng kaniyang tingin ay nahagilap ng kaniyang dalawang mata ang basong puno ng tubig na ag

    Huling Na-update : 2023-02-23
  • The Third Vow   Chapter 3

    Chapter Three"Puwede bang tigilan n'yo na itong putanginang kalokohan niyo?!" galit na galit ng sambit ni Avaeh. "Guys, you've already reached the limit! It's not even getting funny!"Mula sa maingay na kasiyahan, natiklop ang bibig ng mga ito."Avaeh..." Sinubukang lumapit ni Mad sa kaibigan, ngunit hindi pa man nito nahahawakan ang kaniyang kamay ay itinaboy na ito ni Avaeh."Mad, I only want an honest answer right now," wika ni Avaeh, pilit na ikinakalma ang sarili. "Is this marriage contract valid or not? Is the marriage real or just a stupid prank?""Of course, that is real!" ngiting-ngiti na sagot ni Mad. "Aren't you happy? Hindi ka na ikakasal sa taong hindi mo naman kilala!""And what the hell comes into your mind that I know this guy?" turo ni Avaeh kay Colt. "Walang kaibihan ang ginawa niyong 'to sa ginawang arranged marrige nina Mom and Dad!""Avaeh, please, let me explain.""C'mon, explain how would I void this marriage contract before leaving this place. Hell sure that

    Huling Na-update : 2023-02-23

Pinakabagong kabanata

  • The Third Vow   Prologue

    PrologueNagkalat sa sahig ang mga pulang talutot ng santan. Napakunot-noo si Avaeh nang hindi niya ma-lock sa kaniyang kamay ang bracelet na ginawa. Kulang pa pala ang pinitas niyang mga bulaklak para makompleto ang kaniyang accessories: kuwintas, porselas, at korona. Mabilis siyang tumayo upang kumuha pa ulit nang mapansin niyang may isa pang natitirang piraso, kaya mabilis niya 'yong ikinonekta sa nagawang porselas.Lumuwang ang ngiti niya nang makita ang sarili sa salamin suot ang puting bistida at ang mga accessory na ginawa. Sunod niyang isinuot ang kaniyang pink na sandalyas, saka nagpaikut-ikot at masayang humimig. Kapagkuwan ay dinampot niya na ang tungkos ng rosas na pinitas niya rin sa kapitbahay."Avaeh!" tawag sa kaniya ng kaniyang inang si Rosilabeth na abala sa paghahanda ng mga pagkain kasama ang kaniyang Yaya Ligaya. "Pumitas ka na naman ng bulaklak kina Luzviminda! Kami na naman ang malalagot sa 'yong bata ka."Nahinto sa pagbaba sa hagdan si Avaeh. "Mommy," kamot ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status