NAGDRAMA si Elise na natatakot habang yakap ang kaniyang mga tuhod. Nakaupo lamang siya sa kama nang pumasok si Terrence, natataranta. Ang bilis itong lumapit sa kaniya, samampa na rin sa kama. “Hey! What happened?” balisang tanong nito. Nag-angat naman siya ng mukha at kunwari ay nanaginip nang masama. “Ang sama ng panaginip ko. Hinahabol daw ako ng mga sundalo at binabaril,” drama niya. Lumapat ang mga palad ni Terrence sa kaniyang pisngi at tinitigan siya sa mga mata. Seryoso ito at nababasa niya sa mga mata nito ang labis na pag-aalala. “It’s okay. Pagod ka lang kaya napalalim ang tulog mo. You must be hungry. I’ll prepare your food. Gusto mo bang dito na tayo kakain?” anito. “Puwede ba? Masakit kasi ang kasukasuan ko at ang hirap kumilos,” sabi niya. “Oo naman. Dadalhin ko na ang food dito para hindi ka na bababa. Relax ka lang, okay?” Tumango siya. Pagkuwan ay bumaba ng kama si Terrence at lumabas ng kuwarto. Napangiti siya. Kahit hindi totoong natakot siya, napatunayan
KONTI lang ang nakaing kanin ni Elise at nabusog siya ng buko salad at lumpiang isda. Nakauwi na ang ibang tauhan at mga nag-iinuman na lamang ang naiwan. Tumambay sila in Ashley sa open cottage katapat ng swimming pool. Nagsalo sila sa red wine at pinag-usapan ang ibang plano nina Seth at Terrence sa ibang investment. “Gusto ni Terrence magpagawa ng playground para sa mga bata,” ani Ashley. “Saan naman siya magpapagawa?” “Doon sa bakanteng lote sa tabi ng garahe. May bakod na iyon. Mahilig kasi sa mga bata si Terrence, and you know, it’s his best way to heal his inner child. Iyong mga bagay na hindi niya naranasan noong bata ay gusto niyang iparanas sa ibang bata at makita ang ngiti sa mga mukha.” She was impressed. Naintindihan na niya ang plano ni Terrence. Noong unang kita niya sa binata na binuhat ang anak ni Seth, naramdaman na niya na malapit sa mga bata si Terrence. “Ang suwerte ng magiging anak ni Terrence,” sabi niya. “At maswerte rin ang babaeng pakakasalan niya. Terr
NANGHIHINA pa rin si Elise at unti-unting tumataas ang kaniyang lagnat. Nanunuyot din ang kaniyang lalamunan at namamaga ang tonsils. Maaring may infection siya sa tonsils dahil sa ilang beses na exposure sa usok ng mga inihaw. Kahoy lang din kasi ang ginamit sa pagluto ng mga empleyado sa party noong isang araw. Ayaw niyang mag-abala si Terrence na asikasuhin siya kaya pinilit niyang kumilos at tulungan ito sa pagluluto. “Magpahinga ka, Elise. Ako na ang bahala rito,” anito. “Lalo akong manghihina kung hindi kikilos,” giit niya. “Tsk! Makulit ka rin, eh. Doon ka muna sa dining para hindi mo malanghap ang usok ng niluluto ko. Namamaga ka’mo ang tonsils mo.” Binigyan siya nito ng na-blend na konting bawang at nilagyan ng honey. “Mag-take ka nito isang kutsara. Makatulong ito para malabanan ang infection.” Kinuha naman niya ang isang kutsarang katas ng bawang na may honey at isinubo. Hindi niya gusto ang lasa kaya kaagad siyang uminom ng tubig. “Maghintay ka sa dining. Dadalhin ko
INABOT sila ng alas-diyes ng gabi sa kusina at ninamnam ang masarap ng recipe ni Terrence sa manok. Hindi maka-get over si Elise sa sarap ng roast chicken and rice curry ni Terrence. Mahina siyang kumain pero simula noong napadpad siya sa bahay ni Terrence, napasubo siya sa food trip. Natatakot siyang tumaba kaya sinasabayan naman niya ng ehersisyo ang paglakas kumain. Tinuruan siya ni Terrence kumamit ng fitness equipment nito sa mini gym, iyong mga bagay na madaling gamitin. Hindi naman nagbubuhat ng sobrang mabigat si Terrence. Naka-focus ito sa pag-develop at pagpatibay ng torso nito at mga braso. May mga paraan ito para ma-achieve ang perfect masculinity, hindi iyong mukhang body builder na sobrang laki ng braso. Tinuruan siya ni Terrence kung paano magkaroon ng abs at perfect hips. Their bond gets stronger, but Elise notices how her lustful desires develop towards Terrence. Sabado ng umaga ay hinatid ni Terrence sa orphanage si Elise. Marami silang activities kaya inagahan ni
INABOT ng mahigit isang oras ang dinner nila Elise. Sinagot lang ni Terrence ang upa sa private dining room at siya na ang nagbayad sa pagkain. Nakapag-ipon na rin siya mula sa kaniyang sahod. Balak kasi niyang bibili ng sarili niyang bahay kahit hulugan. Matagal na niya iyong gusto. Pagkatapos kumain ay naglibot pa sila ni Terrence sa siyudad. Na-refresh din ang utak niya nang makalanghap ang sariwang hangin sa gabi. Tumambay pa sila ni Terrence sa tabing dagat at pinanood ang langit na puno ng bituin. Ayaw pa niyang umuwi dahil tiyak na babalik ang sakit sa kaniyang puso. Nakaupo lang sila sa malaking sanga ng kahoy na naroon sa pampang. May baon pa silang red wine na binili ni Terrence. “Parang hindi maganda ang mood mo kanina. May nangyari ba?” basag ni Terrence sa katahimikan. “Wala. Napagod lang ako,” palusot niya. Umisod palapit sa kaniya si Terrence at bigla siyang inakbayan. “Lay your head on my shoulder,” anas nito. Hindi naman siya tumutol at sinunod ang gusto nito. M
MARIING pumikit si Elise habang naghihintay sa unang hakbang ni Terrence. Kinabitan nito ng silicon clips ang bawat dunggot niya na merong rubber chain at konektado sa headrest ng kama. Once gagalaw siya, gagalaw rin ang clips at mapipisil ang kaniyang nip*ples. She like the sensation every time she moves, wari may sumisiil na bibig sa kaniyang mga dunggot. It made her aroused gradually. May kasama itong nakahihibang na kiliti. Nanatili siyang nakadipa habang nakaposas ang pareho niyang kamay. “I’ll put a blindfold on your eyes to maintain your focus on your emotions and avoid distraction,” bulong sa kaniya ni Terrence. “Okay,” she said. Tinakpan na ni Terrence ng itim na blindforld ang kaniyang mga mata. Wala na siyang makita. Ilang sandali siyang naghintay bago may dumantay na tila kumpol ng goma sa kaniyang puson. Tumulay ito paikot sa kaniyang katawan. “Tell me if the pain was enough for you. If you want more, just say ‘harder, please’. I will hit you with the flogger.” Pinan
NATARANTA si Elise at natawagan bigla si Seth. Sinabi niya rito ang nangyari kay Terrence. Dumating naman ito kaagad kasunod si Mang Toni. Pinagtulungan ng mga ito si Terrence na binuhat pasakay ng kotse. Hindi na siya pinasama ni Seth sa ospital. Ito na umano ang bahala kay Terrence. Hindi na siya nakatulog nang maayos. Maaga rin siyang nagising at nag-impake ng iilang damit ni Terrence na dadalhin sa ospital. Hindi na niya ininda ang pananakit ng katawan. Nagluto na siya ng almusal at pagkaing babaunin. Pagsapit ng alas-otso ng umaga ay nagpahatid siya sa driver ng poultry sa ospital kung saan naisugod si Terrence. Nasa recovery ward na si Terrence pero tulog pa. Si Mang Toni ang nadatnan niya roon. “Si Seth po?” tanong niya sa ginoo. “Lumabas lang sandali at kinausap ang doktor,” tugon naman ng ginoo. “Ano raw po ang nangyari kay Terrence?” “Ah, hyperventilation, epekto ng labis na emosyon at panic. Ilang beses na rin itong nangyari sa kaniya.” Natigagal siya. Naalala niya a
ISANG araw bago ang flight ni Terrence papuntang Spain ay inayos na ni Elise ang gamit na dadalhin nito. Tatlong araw lang umano maglalagi sa Spain si Terrence. Inasikaso na nito ang kailangan sa opisina at nagtawag ng meeting sa mga opisyales.Kinagabihan ay sinundo siya ni Terrence sa opisina. Nakapagluto na umano ito ng hapunan. May tinatapos pa siyang payroll para sa half-month salary. Ibibigay na umano ni Terrence ang pasahod bago ito aalis.“Hindi pa ba ‘yan tapos?” naiinip nitong tanong.“Okay na.” Nai-print niya ang payroll ay binigay kay Terrence.“Nakapag-withdraw na ako ng cash kanina para sa pasahod. Iiwan ko na sa ‘yo ang pera para ikaw na ang magbigay sa accounting bukas ng umaga,” anito.“Sige.” Nagligpit na siya ng gamit.“Let’s go!” paanyaya nito.Sumunod naman siya.Pagdating ng bahay ay binigay na sa kaniya ni Terrence ang perang pasahod. Nagulat siya nang inabutan siya nito ng nakasobreng pera. Inisip niya na baka sahod na niya iyon pero nang bilangin niya ay nasa
NAHIRAPAN si Elise sa labor dahil gabi pa lang ay humilab na ang kaniyang tiyan. Nataon pa na nasa Maynila si Terrence. Mabuti kasama niya ang mommy nito na kararating. Gusto kasi nitong masaksihan ang paglabas ng apo nito. Kaya three days bago ang due date niya sa panganganak ay naroon na ito. Napaaga ang labor niya. Kung kailan dumating si Terrence sa ospital ay saka lang nagmadaling lumabas ang anak niya. Ang tatay lang pala nito ang hinihintay. Saktong sumikat ang araw ay matagumpay niyang nailuwal ang anak nila, their first son. “Welcome to the world, Baby Elrence!” bati ni Terrence sa anak nila. Huhat na nito ang baby. Hindi na niya pinalitan ang naisip ni Terrence na pangalan ng anak nila na kinuha sa mga pangalan nila. Nagustuhan din naman niya ito. Natuwa siya dahil may nakuha rin sa mukha niya si Elrence, ang kaniyang mga labi. Pagdating sa mga mata at ilong, kopyang-kopya naman kay Terrence. Maputi ang anak nila, makinis, nakuha ang pa rin ang karesma ng angkan ng Del Val
MAY kirot pa rin sa puso ni Terrence habang nakatingin kina Thrasius at Elise na magkayakap. Hindi niya maiwasang isipin na matimbang pa rin talaga sa puso ni Elise si Thrasius. Well, he can’t blame her. Pero nag-usap na sila ni Thrasius, at sinabi nito na hindi na ito makikialam sa relasyon nila ni Elise. Katunayan ay pinaubaya nito sa kaniya ang kaligtasan ni Elise. Thrasius was finally letting go of Elise. He’s happy to feel Thrasius’s genuine feelings and prove that brotherhood matters to him. Na-realize na rin ni Thrasius ang lapses nito at mga maling mindset. Okay na siya roon. Ang kailangan na lang niyang tutukan ay si Elise. Dapat maka-recover na ito sa amnesia. Huling check-up nito sa doktor, nabanggit ng doktor na malaki na ang improvement ni Elise. At maaring bigla lang umanong babalik ang memorya nito na hindi namamalayan. Nagpaalam na sa kanila si Thrasius. Si Elise naman ay bumalik sa warehouse ng itlog at nangolekta na naman ng rejected eggs. Mukhang may binabalak na
PAULIT-ULIT na umukilkil sa kukoti ni Elise ang mga eksenang napanood niya sa video. Nanuot pa rin ang kirot sa kaniyang puso. Maaring galit na galit siya noong masaksihan sina Terrence at Thalia sa opisina. Pero habang inuulit niya ang eksena sa kaniyang isip, unti-unti siyang nakukumbinsi na inosente si Terrence. Ang hindi niya maintindihan ay bakit apektado pa rin siya. Maaring may iba pa siyang iniisip noon. Ayaw niyang ma-stress kaya natulog na lamang siya. Kinabukasan ay nagpasya si Elise na umuwi na sa Tarlac. Umaga sila umalis ni Terrence lulan ng kotse nito. Sa tuwing may madaanan silang nagtitinda ng kung anong pagkain sa gilid ng kalsada ay pinahihinto niya ang sasakyan. Bumili siya ng mga pagkaing bihira niya makita. Nakapunta na sila ni Terrence sa Zambales at doon din ay may ilang senaryo siyang naalala. Hirap pa rin siyang maipagbuklod ang naipong memorya, senyales na hindi pa siya lubusang magaling sa amnesia. Nakaidlip siya sa biyahe at ginising lang ng malakas na
KABADO si Terrence habang hinihintay ang sagot ni Elise sa sinabi niya tungkol sa kasal. She’s obviously confused and can’t focus on him. “If you’re not ready yet, it’s okay. I will wait na lang hanggang maalala mo na lahat ng nangyari. It would help you to decide,” aniya. “Uh….. pasensiya na. Gusto ko munang mawala ang amnesia ko,” saad nito. “Ayos lang. At least may mga na-recover ka na ring memories. It’s a good start.” Tumayo na siya at nagligpit ng pinagkainan nila. Iniwanan lang niya ng isang basong tubig si Elise bago hinakot ang mga kubyertos. Tuloy ay hinugasan na rin niya ang mga ito. Unti-unti na ring nare-recover ni Elise ang memories nito ngunit hindi pa nito naunawaan lahat ng senaryo. Apektado pa rin ang emosyon nito. And to push it through, Terrence gave his best to help Elise. Dinala niya ito sa mga lugar na madalas nilang puntahan, lalo na sa Clark. Sa Clark nagsimulang mapabilis ang pagbabalik ng alaala ni Elise, kaso sumabay ang pagsisimula rin ng paglilihi n
KINAIN ni Terrence ang kinagatang cookies ni Elise. Nakatulog na ang dalaga sa couch sa lobby. Saka lang ito iniwan ni Grace nang makalapit siya. Binuhat na niya ang dalaga at inilipat sa opisina ng kaniyang tiya. Mas malamig doon at may malaking sofa. “Nagsisimula na bang maglihi si Elise?” tanong ng kaniyang tiya. “I think she just started her cravings. Inaatake pa rin siya ng morning sickness pero hindi na ganoon katindi,” turan niya. Lumuklok siya sa isang couch mas malapit sa table ng kaniyang tiya. “How’s her memories?” “May mga naaalala na siya. Good thing, Elise draw those scenes she recalled.” “Mabuti naman. Dapat talaga makaalala na siya bago niya maranasan ang matinding paglilihi. First time niyang magbuntis kaya asahan natin na mahihirapan siya.” He sighed. “Iyon din po ang inaalala ko. Kahit papano ay hindi na stress si Elise. Simula noong nakausap niya ulit si Thrasius, nabawasan ang confusion niya.” “Ingatan mo sa pagkain si Elise. Baka mamaya ay hindi mo mamalay
NABUHAYAN na sana ng pag-asa si Terrence dahil may naaalala na si Elise. Pero bigla na namang nagbago ang mood nito. Maybe Elise also recalled some scenes in the office. He felt panic again. Naisip niya na maaring maungkat ang emosyon ni Elise once naalala nito ang huling pangyayari bago ito nabundol ng truck. It might trigger her anger towards him. He needs to explain the scene before Elise holds hate against him. Nabuhay nang muli ang galit niya kay Thalia, na dahilan bakit nagkalitse-litse ang buhay nila. Nang muli niyang silipin si Elise, wala na ito sa lobby. Nagbukas siya ng laptop at nag-connect ng access sa CCTV footage sa lahat ng sulok ng opisina at warehouse, maging sa lobby. Nakita sa video na pumasok sa warehouse ng mga itlog si Elise. Napanatag siya dahil nilapitan ito ni Candy at nilibang. Dumating na rin si Seth kasama si Ashley. Nanggaling sa doktor ang mga ito at nagpabili siya ng dalawang bandle ng band paper. “Kumusta na si Elise?” tanong ni Ashley. Umupo ito s
MALAYO ang farm kaya sumakay sila ni Grace sa tricycle na hiniram nila kay Mang Toni. Marunong mag-drive ng motor si Grace kaya ito ang nagmaneho at nakaupo lang si Elise sa loob ng sidecar. Nagtanong-tanong naman ito sa tauhan kung saan ang farm ng mga gulay dahil limot din niya. May munting gate ang farm at malaya naman silang nakapasok. Mainit sa mismong taniman ng gulay pero malilim naman sa gigilid dahil maraming punung-kahoy. May dala silang dalawang malalaking echo bag na paglagyan ng mga gulay. Natakam si Elise sa malalaking bunga ng dalandan kaya kinuha niya ang panungkit na merong net. Pinagtigaan niyang makuha ang malalaking bunga na nasa matataas. Si Grace na ang namitas ng bunga ng kamatis na hinog at ibang gulay. Mainit kasi sa puwesto nito. Tuwang-tuwa siya nang makakuha ng anim na bunga ng dalandan. Nang hawak na niya ang isang prutas ay may senaryo na namang sumagi sa isip niya. Napaupo siya sa bench at pumikit. Nakikita niya ang kaniyang sarili na nanunungkit ng da
NAG-BAKE ng chocolate cake si Elise pero hindi siya satisfied sa lasa. Mukhang limot na rin niya kung paano niya napasarap ang cake na ginawa niya noong bago nagka-amnesia. “Keep trying, Elise. Masarap din naman ang lasa, eh,” ani Grace. Ito ang tagahatol niya sa cake. “Pero parang may kulang,” nakasimangot niyang wika. “Huwag kang malungkot. Mag-bake ka pa hanggang sa mapamilyar ka sa lasa. Malay mo, makaalala ka once nakuha mo ang lasang hinahanap mo.” Nahango na niya ang maliit na cake kasama ang cupcakes. Pati ang frosting ay nakulangan siya sa lasa. Parang may mali talaga kahit nasunod niya ang recipe sa libro. Noong natikman niya ang tirang mango cake na ginawa niya, may something sa lasa niyon na pamilyar sa kaniya. Maaring may ibang paraan siya sa pagbi-bake at hindi nasusunod ang nasa recipe. Sabi pa ni Terrence, nag-e-imbento umano siya ng receipe ng cake at cookies. “May kulang talaga, eh,” giit niya. “Hayaan mo na. Better luck next time na lang. Marami naman kayong
SA pagpasok ni Elise sa orphanage ay awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan. Hindi niya maintindihan bakit pakiramdam niya ay matagal siyang hindi nakapunta roon. Sabi naman ni Grace ay nagtuturo siya ng arts sa mga bata sa tuwing Sabado. Maraming bata na hindi niya kilala, pero sabi ni Grace ay nakilala na niya ang mga bagong bata. Iyong ibang malalaking bata ay wala na sa orphanage. Naninibago siya sa ambiance ng lugar. May bagong gusali ring tinatayo para umano dagdag tulugan ng mga bata at staff. Pumasok siya sa library na paborito niyang tambayan noon, nila ni Thrasius. And some memories suddenly appeared in her mind. Noong umalis na si Thrasius, palagi na siyang mag-isa roon pagkatapos ng tanghalian. Paulit-ulit niyang binabasa ang sulat na iniwan noon ni Thrasius, na inipit sa librong madalas nilang basahin. Madaling araw kasi umalis noon si Thrasius kasama ang kamag-anak umano ng daddy nito. Hindi niya ito naabutan kaya iyak siya nang iyak paggising. Nagtampo ka