NANULAS mula sa kamay ni Elise ang hawak na baso na may lamang tubig. Humilagpos ito sa sahig at nagkalat ang bubog. Nakabalik na siya sa bahay ni Terrence matapos malamang pauwi na ang binata. Ginupo siya ng hindi mawaring kaba habang nakatitig sa nabasag na baso. Nang mahimasmasan ay kumuha siya ng walis at dinakot ang mga bubog. Pagkuwan ay naglampaso siya ng sahig. Katatapos lang niyang maghapunan kasama si Grace. Umalis na rin ito. Binisita lang siya nito at bumili na rin ng karne ng manok. Naglinis na siya ng buong bahay. Lunes kinabukasan at may trabaho pero wala pa siyang balak matulog. Nababalisa siya. Upang malibang ay sinuyod niya ang buong bahay kakalinis. Ang huling pinasok niya ay ang punishment room. Doon na siya inabutan ng pagod at antok. Kinabukasan ay late na nakapasok sa opisina si Elise. Hinihintay na siya roon ni Holan dahil kailangan nito ang papeles na pinahanap sa kaniya. “Wala pa ba si Sir Terrence?” tanong ni Holan. “Wala pa, eh. Baka mamayang hapon o g
NAUNANG tumigil sa paghal*k si Terrence at nahigang muli. Hawak na muli nito ang kanang kamay ni Elise at nakangiti habang nakatitig sa mga bituin. Hindi naman maka-get over ang dalaga at nagsimulang maguluhan sa kaniyang nararamdaman. “Inaantok ka na ba?” tanong ni Terrence. Ibinalik niya ang tingin sa kalangitan. “H-Hindi pa. Gusto ko pang tumambay rito,” turan niya. “Bukas ng libing ni Daddy, pero baka gabi na rito. I know his death is peaceful now. He claimed his last will,” anito sa magaang tinig. Muli siyang napatingin kay Terrence. Nasilayan niya ang manipis na luhang dumaloy mula sa mga mata nito. Hindi siya nakatiis at pinahid ng kamay ang bakas ng luha sa pisngi nito. Maagap naman nitong hinawakan ang kaniyang kamay. “Let my tears flow, Elise. It’s not the tears of sorrow. I’m letting go of Dad’s bad memories. I want to move forward. And I promised him that I would be a good version of him. One day, I will have kids. I will never tell them my dad’s bad image to avoid th
HALF-DAY lang sa orphanage si Elise dahil nagyaya si Terrence na matuloy ang picnic nila sa burol. Hindi pa nakauwi si Sister Feliz mula Spain kaya wala masyadong activities. Sinundo rin siya ni Terrence pagkatapos ng tanghalian.Nakahanda na lahat ng kailangan nila sa picnic pagdating ng bahay. Nagbihis na lang siya at nagdala na rin ng pamalit na damit dahil hanggang Linggo ng hapon sila sa burol.Excited ang mommy ni Terrence at may pinamili na itong isda at karne ng baka na lulutuin nila. Nagdala naman ng dalawang tent si Terrence at grill na iihawan nila ng ulam at kalan para sa uling. Walang kuryente sa burol kaya nagdala sila ng flashlight at solar light. Napuno ng bagahe nila ang kotse ni Terrence.“Wala tayong rice?” untag niya nang matingnan ang mga dala nila sa backseat.“Hindi tayo kakain ng rice, Elise. Maraming kamote at malalagang saging sa burol,” ani Melisa.“Ah, oo nga pala. Gusto ko rin ng mais,” aniya.“Let’s go, guys!” tawag ni Terrence. Nakaupo na ito sa harap ng
NANUBIG na ang mga mata ni Elise bugso ng emosyon. Nai-imagine niya kung paano ang sakripisyo ni Terrence para sa mga kapatid nito. Dahil sa mga natuklasan sa pagkatao ni Terrence, biglang mas matimbang ang simpatiya niya rito kaysa kay Thrasius. “I admire Terrence for being soft to his brothers,” wika niya. “You have a good taste, Elise. Terrence was difficult to understand if you didn’t dare to know his story. Hindi kasi siya showy pagdating sa ibang personalities niya. He just showed what he wanted to show to other people. And he didn’t share his story unless you asked him to. Kaya akala ng ibang tao ay sapat na ang nakikita nila at naririnig mula sa iba upang husgahan si Terrence,” sabi naman ng ginang. Malapad itong ngumiti. “Tama po kayo. Isa rin ako sa humusga kaagad sa pagkatao ni Terrence. Pero noong nakilala ko na siya, unti-unti ko naintindihan ang lahat. And I proved that he was an ideal man.” Biglang lumapit sa kaniya ang ginang at inakbayan siya. “See? You can’t deny
NAG-IIHAW na ng spareribs si Terrence at isinabay na ang ibang kamote at mais. Umalis si Elise at sinamahan ang mommy niya na naligo sa ilog. Alas-kuwatro na ng hapon at pababa na rin ang araw. He can’t stop smiling while enjoying his beautiful imagination about him and Elise. “So, this is love, huh?” he uttered. Lumuklok siya sa silya katapat ng grill. Idinarang muna niya nang matagal ang kabilang side ng karne sa katamtamang init ng baga. Iginiit niya na tama ang nararamdaman niya, na gusto niya si Elise bilang babae, at higit pa sa pagn*n*sa at kaibigan. Ramdam din niya ang pagbabago sa kilos ni Elise. Bahagyang nakitaan niya ito ng pagkailang, maybe because of her serious feelings. She started to feel the signs of love. Hindi siya aware kung paano ang atake ng pag-ibig sa lalaki, pero kabisado niya ang mga babae once na-in love sa lalaki. Marami siyang fling na nagpakita ng signs ng pag-ibig sa kaniya. Once napatunayan niya ang hinala, saka siya lumalayo sa babae at pinuputol
KINABUKASAN ng hapon na sila bumalik ng bahay. Nabitin si Elise sa picnic nila pero sobrang nag-enjoy naman siya. Marami siyang napatunayan habang masayang ka-bonding si Terrence at mommy nito. And she made up her mind, convinced herself what she really wanted. Madaling araw ng Lunes umalis ang mommy ni Terrence pauwi ng Maynila. Nasulit naman ang bonding nila ng ginang at marami itong pangaral sa kaniya. Tila nagkaroon siya ulit ng pangalawang ina. Sobrang sweet ng mommy ni Terrence, at alam na niya na dito nagmana ni Terrence ang soft side nito. Bumalik na sa trabaho ang dalaga at naging abala sila dahil sa dami ng bagong retailer ng product nila. Nag-hire sila ng bagong driver na maa-assign sa warehouse sa Maynila at sa parte ng Visayas, sa Cebu once nagawa na ang gusali. Matagal na umanong nabili ni Terrence ang property sa dalawang napiling lugar. Biglang lumawak pa lalo ang nararating ng producto ng poultry. Hapon na nakabalik si Terrence mula sa palengke. Ang dami nitong bin
SUMISIKAT na ang araw nang magising si Elise. Nakahinto na rin ang kotse pero umaandar pa. Nangawit ang kanang binti niya kaya hindi siya kaagad nakakilos. Hinintay niyang kumalma ang muscles niya sa binti. Wala si Terrence sa harapan ng kotse, maaring nakababa na.Nang makaupo ay sumilip siya sa labas. Naroon na sila sa malawak na lupaing nabili ni Damaon. Malayo sa construction site nakaparada ang kotse. Humilab ang kaniyang sikmura kaya nagbukas siya ng echo bag at kinuha ang paper box na pinaglagyan niya ng na-bake niyang orange flavor cookies. It’s her original recipe.May baon din siyang mango powder sa thumbler at nilagyan lang ng tubig mula sa bottled water. Alas-siyete na ng gabi at may iilang tao nang palakad-lakad sa paligid, mga construction worker.Naamoy niya ang hamburger kaya hinanap niya sa dashboard. Nasa upuan pala ito kasama ang malaking box ng French fries. Binili malamang iyon ni Terrence sa nadaanang fast food restaurant. Kinuha niya ang isang hamburger at kinain
NANG mahubad ang kaniyang underwear, pumihit paharap si Elise kay Terrence. Pilyo ang ngiti nito habang pinasasadahan siya ng malagkit na titig. Mayamaya ay binuhat siya nito at marahang inihiga sa ibabaw ng lamesa. Kasya ang katawan niya sa lamesa at lumagpas lang ng isang dangkal ang kaniyang mga paa.Kinabitan na nito ng posas ang kaniyang mga kamay na magkahiwalay at nakadipa. Pagkuwan ay inilapit nito ang maliit na lamesa kung saan nakapatong ang cake.“I like your cake, Elise, especially the frosting. But I want to eat it as a human cake,” pilyong sabi ni Terrence. He gave her a sardonic smile.May ideya na siya sa gagawin nito. “I knew it,” she murmured.“Good.” Kumuha ito ng forsting mula sa cake gamit ang hintuturo. Pagkuwan ay sandali nitong ginawaran ng mapusok na hal*k ang kaniyang bibig. “Open your mouth, baby,” anas nito.Bahagya naman niyang ibinuka ang bibig at isinubo ang daliri ni Terrence na merong forsting. Pinag-ikot nito ang daliri sa loob ng kaniyang bibig.“Suc
NAHIRAPAN si Elise sa labor dahil gabi pa lang ay humilab na ang kaniyang tiyan. Nataon pa na nasa Maynila si Terrence. Mabuti kasama niya ang mommy nito na kararating. Gusto kasi nitong masaksihan ang paglabas ng apo nito. Kaya three days bago ang due date niya sa panganganak ay naroon na ito. Napaaga ang labor niya. Kung kailan dumating si Terrence sa ospital ay saka lang nagmadaling lumabas ang anak niya. Ang tatay lang pala nito ang hinihintay. Saktong sumikat ang araw ay matagumpay niyang nailuwal ang anak nila, their first son. “Welcome to the world, Baby Elrence!” bati ni Terrence sa anak nila. Huhat na nito ang baby. Hindi na niya pinalitan ang naisip ni Terrence na pangalan ng anak nila na kinuha sa mga pangalan nila. Nagustuhan din naman niya ito. Natuwa siya dahil may nakuha rin sa mukha niya si Elrence, ang kaniyang mga labi. Pagdating sa mga mata at ilong, kopyang-kopya naman kay Terrence. Maputi ang anak nila, makinis, nakuha ang pa rin ang karesma ng angkan ng Del Val
MAY kirot pa rin sa puso ni Terrence habang nakatingin kina Thrasius at Elise na magkayakap. Hindi niya maiwasang isipin na matimbang pa rin talaga sa puso ni Elise si Thrasius. Well, he can’t blame her. Pero nag-usap na sila ni Thrasius, at sinabi nito na hindi na ito makikialam sa relasyon nila ni Elise. Katunayan ay pinaubaya nito sa kaniya ang kaligtasan ni Elise. Thrasius was finally letting go of Elise. He’s happy to feel Thrasius’s genuine feelings and prove that brotherhood matters to him. Na-realize na rin ni Thrasius ang lapses nito at mga maling mindset. Okay na siya roon. Ang kailangan na lang niyang tutukan ay si Elise. Dapat maka-recover na ito sa amnesia. Huling check-up nito sa doktor, nabanggit ng doktor na malaki na ang improvement ni Elise. At maaring bigla lang umanong babalik ang memorya nito na hindi namamalayan. Nagpaalam na sa kanila si Thrasius. Si Elise naman ay bumalik sa warehouse ng itlog at nangolekta na naman ng rejected eggs. Mukhang may binabalak na
PAULIT-ULIT na umukilkil sa kukoti ni Elise ang mga eksenang napanood niya sa video. Nanuot pa rin ang kirot sa kaniyang puso. Maaring galit na galit siya noong masaksihan sina Terrence at Thalia sa opisina. Pero habang inuulit niya ang eksena sa kaniyang isip, unti-unti siyang nakukumbinsi na inosente si Terrence. Ang hindi niya maintindihan ay bakit apektado pa rin siya. Maaring may iba pa siyang iniisip noon. Ayaw niyang ma-stress kaya natulog na lamang siya. Kinabukasan ay nagpasya si Elise na umuwi na sa Tarlac. Umaga sila umalis ni Terrence lulan ng kotse nito. Sa tuwing may madaanan silang nagtitinda ng kung anong pagkain sa gilid ng kalsada ay pinahihinto niya ang sasakyan. Bumili siya ng mga pagkaing bihira niya makita. Nakapunta na sila ni Terrence sa Zambales at doon din ay may ilang senaryo siyang naalala. Hirap pa rin siyang maipagbuklod ang naipong memorya, senyales na hindi pa siya lubusang magaling sa amnesia. Nakaidlip siya sa biyahe at ginising lang ng malakas na
KABADO si Terrence habang hinihintay ang sagot ni Elise sa sinabi niya tungkol sa kasal. She’s obviously confused and can’t focus on him. “If you’re not ready yet, it’s okay. I will wait na lang hanggang maalala mo na lahat ng nangyari. It would help you to decide,” aniya. “Uh….. pasensiya na. Gusto ko munang mawala ang amnesia ko,” saad nito. “Ayos lang. At least may mga na-recover ka na ring memories. It’s a good start.” Tumayo na siya at nagligpit ng pinagkainan nila. Iniwanan lang niya ng isang basong tubig si Elise bago hinakot ang mga kubyertos. Tuloy ay hinugasan na rin niya ang mga ito. Unti-unti na ring nare-recover ni Elise ang memories nito ngunit hindi pa nito naunawaan lahat ng senaryo. Apektado pa rin ang emosyon nito. And to push it through, Terrence gave his best to help Elise. Dinala niya ito sa mga lugar na madalas nilang puntahan, lalo na sa Clark. Sa Clark nagsimulang mapabilis ang pagbabalik ng alaala ni Elise, kaso sumabay ang pagsisimula rin ng paglilihi n
KINAIN ni Terrence ang kinagatang cookies ni Elise. Nakatulog na ang dalaga sa couch sa lobby. Saka lang ito iniwan ni Grace nang makalapit siya. Binuhat na niya ang dalaga at inilipat sa opisina ng kaniyang tiya. Mas malamig doon at may malaking sofa. “Nagsisimula na bang maglihi si Elise?” tanong ng kaniyang tiya. “I think she just started her cravings. Inaatake pa rin siya ng morning sickness pero hindi na ganoon katindi,” turan niya. Lumuklok siya sa isang couch mas malapit sa table ng kaniyang tiya. “How’s her memories?” “May mga naaalala na siya. Good thing, Elise draw those scenes she recalled.” “Mabuti naman. Dapat talaga makaalala na siya bago niya maranasan ang matinding paglilihi. First time niyang magbuntis kaya asahan natin na mahihirapan siya.” He sighed. “Iyon din po ang inaalala ko. Kahit papano ay hindi na stress si Elise. Simula noong nakausap niya ulit si Thrasius, nabawasan ang confusion niya.” “Ingatan mo sa pagkain si Elise. Baka mamaya ay hindi mo mamalay
NABUHAYAN na sana ng pag-asa si Terrence dahil may naaalala na si Elise. Pero bigla na namang nagbago ang mood nito. Maybe Elise also recalled some scenes in the office. He felt panic again. Naisip niya na maaring maungkat ang emosyon ni Elise once naalala nito ang huling pangyayari bago ito nabundol ng truck. It might trigger her anger towards him. He needs to explain the scene before Elise holds hate against him. Nabuhay nang muli ang galit niya kay Thalia, na dahilan bakit nagkalitse-litse ang buhay nila. Nang muli niyang silipin si Elise, wala na ito sa lobby. Nagbukas siya ng laptop at nag-connect ng access sa CCTV footage sa lahat ng sulok ng opisina at warehouse, maging sa lobby. Nakita sa video na pumasok sa warehouse ng mga itlog si Elise. Napanatag siya dahil nilapitan ito ni Candy at nilibang. Dumating na rin si Seth kasama si Ashley. Nanggaling sa doktor ang mga ito at nagpabili siya ng dalawang bandle ng band paper. “Kumusta na si Elise?” tanong ni Ashley. Umupo ito s
MALAYO ang farm kaya sumakay sila ni Grace sa tricycle na hiniram nila kay Mang Toni. Marunong mag-drive ng motor si Grace kaya ito ang nagmaneho at nakaupo lang si Elise sa loob ng sidecar. Nagtanong-tanong naman ito sa tauhan kung saan ang farm ng mga gulay dahil limot din niya. May munting gate ang farm at malaya naman silang nakapasok. Mainit sa mismong taniman ng gulay pero malilim naman sa gigilid dahil maraming punung-kahoy. May dala silang dalawang malalaking echo bag na paglagyan ng mga gulay. Natakam si Elise sa malalaking bunga ng dalandan kaya kinuha niya ang panungkit na merong net. Pinagtigaan niyang makuha ang malalaking bunga na nasa matataas. Si Grace na ang namitas ng bunga ng kamatis na hinog at ibang gulay. Mainit kasi sa puwesto nito. Tuwang-tuwa siya nang makakuha ng anim na bunga ng dalandan. Nang hawak na niya ang isang prutas ay may senaryo na namang sumagi sa isip niya. Napaupo siya sa bench at pumikit. Nakikita niya ang kaniyang sarili na nanunungkit ng da
NAG-BAKE ng chocolate cake si Elise pero hindi siya satisfied sa lasa. Mukhang limot na rin niya kung paano niya napasarap ang cake na ginawa niya noong bago nagka-amnesia. “Keep trying, Elise. Masarap din naman ang lasa, eh,” ani Grace. Ito ang tagahatol niya sa cake. “Pero parang may kulang,” nakasimangot niyang wika. “Huwag kang malungkot. Mag-bake ka pa hanggang sa mapamilyar ka sa lasa. Malay mo, makaalala ka once nakuha mo ang lasang hinahanap mo.” Nahango na niya ang maliit na cake kasama ang cupcakes. Pati ang frosting ay nakulangan siya sa lasa. Parang may mali talaga kahit nasunod niya ang recipe sa libro. Noong natikman niya ang tirang mango cake na ginawa niya, may something sa lasa niyon na pamilyar sa kaniya. Maaring may ibang paraan siya sa pagbi-bake at hindi nasusunod ang nasa recipe. Sabi pa ni Terrence, nag-e-imbento umano siya ng receipe ng cake at cookies. “May kulang talaga, eh,” giit niya. “Hayaan mo na. Better luck next time na lang. Marami naman kayong
SA pagpasok ni Elise sa orphanage ay awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan. Hindi niya maintindihan bakit pakiramdam niya ay matagal siyang hindi nakapunta roon. Sabi naman ni Grace ay nagtuturo siya ng arts sa mga bata sa tuwing Sabado. Maraming bata na hindi niya kilala, pero sabi ni Grace ay nakilala na niya ang mga bagong bata. Iyong ibang malalaking bata ay wala na sa orphanage. Naninibago siya sa ambiance ng lugar. May bagong gusali ring tinatayo para umano dagdag tulugan ng mga bata at staff. Pumasok siya sa library na paborito niyang tambayan noon, nila ni Thrasius. And some memories suddenly appeared in her mind. Noong umalis na si Thrasius, palagi na siyang mag-isa roon pagkatapos ng tanghalian. Paulit-ulit niyang binabasa ang sulat na iniwan noon ni Thrasius, na inipit sa librong madalas nilang basahin. Madaling araw kasi umalis noon si Thrasius kasama ang kamag-anak umano ng daddy nito. Hindi niya ito naabutan kaya iyak siya nang iyak paggising. Nagtampo ka