MIKAY"Hi Wife. P'wedeng sumabay?"Tiningnan ko lang siya ng masama. Akala ko senyales na iyon para umalis siya pero ang gago umupo pa rin sa tapat ko. Ugh! Nakakagigil talaga ang lalaking ito! "Sa sobrang dami ng mesa rito sa karinderya, dito pa talaga sa puwesto ko ang napili mo.""Ikaw lang naman ang kakilala ko rito."Ngumiti ito na akala mo naman kinagwapo niya. Ang sarap alisin ng kasiyahan sa kaniyang mukha sa totoo lang. Wala talagang paltos ang pag-iirita niya sa akin. Jusmiyo naman!"Huh? Kilala? Sino ka na nga ulit?" sarkastikong tanong ko."Wife naman. Lagi mo na lang akong sinasaktan."Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya dahil sa kaniyang sinabi. Kita mo nga naman ang lalaking ito ooh! Siya pa talaga ang may lakas ng loob na sabihin iyan."Huh? Talaga ba? Gusto mo isa-isahin ko ang mga ginawa mo?"Ako pa talaga ang hinamon niya ah."Wife naman."Ngayon, ngunguso-nguso siya na parang isang bibe? Huwag ako! Hindi niya ako makukuha sa ganiyan niya. Tsk."At saka hindi ka
MIKAY"Natutulog na siya. Ikaw, hindi ka pa ba aalis?"Tinabihan ko siya na nakatayo sa may balkonahe. Akala ko naman umalis na siya kanina dahil bigla siyang nawala eh.Hindi naman gano'n kasama ang ugali ko para balewalain ang kaarawan niya. Kahit gaano ko naman siya kaayaw, kahit gaano man ako kagalit sa kaniya... may parte pa rin sa puso ko na... hays! Ano na naman ba itong sinasabi ko?"Salamat."Saglit akong napatigil nang makita ko ang paglandas ng luha sa kaniyang pisngi. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makita ko siyang umiyak, pero bakit... Huminga ako ng malalim. "This is the happiest birthday of my life. Our daughter called me 'Papa', you prepared my favorite foods..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin niya dahil sa pag-agos ng kaniyang luha.Tila may kung anong kumuryente sa akin nang hawakan niya ang kamay ko kasabay ng pagluhod niya."I'm sorry for what I did. I'm sorry for leaving you. I'm sorry for choosing Caitlyn instead of you. I'm sorry for hurting
MIKAY"Kanina ka pa tutok na tutok diyan sa laptop mo. Ano ba kasi iyang binabasa mo?" aburidong tanong ni Rita na tumabi na sa akin para makiusyoso sa kung ano ang binabasa ko. "Lintik! Seryoso ba talaga siya?"Marahas akong napabuntong hininga. Hindi ko akalain na darating ang ganitong sitwasyon sa aming dalawa. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya ang bagay na ganito."Ngayon ko talaga napatunayan na g*go siya. Ipapaabot pa talaga niya sa ganito?" Nanghihimutok na sa galit si Rita samantalang ako ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. "El, ano na? Magpapatalo ka ba sa kaniya?"Nag file ng child outside si Damon, at hindi ko lubos akalain na papasok ang ganito sa isip niya. He is so impossible! How could he even think something like this? Buong akala ko ay tatantanan na niya kaming mag-ina, ngunit ulit nagkamali ako."Aba! Hindi naman p'wedeng makuha niya si Dal. Ang kapal na lang talaga ng mukha niya."Wala akong makitang magandang rason para gawin niya ito. Oo, anak ni
MIKAYNandito kami ngayon sa isang opisina kung saan pinatawag kami para sa counselling. Prenteng nakaupo sa tabi ko si Damon na mukhang handang-handa sa mangyayari."Don't be too nervous, Wife," saad niya saka pa nito bahagyang hinawakan ang aking kamay na agad ko namang tinabig.Kaming dalawa palang ang nasa opisina, at hinihintay namin ang head council. "Huwag mo nga akong hawakan," pagtataray ko pero ang gago ngumiti lang sa akin at mukhang hindi apektado.Akala ba niya nakalimutan ko na ang laghalik niya sa akin? Aba nagkakamali siya! Nakakadiri! "Wife, masayado ka ng masungit. Mamaya tumanda ka na niyan," saad niya na kung makapagsalita ito ay akala mo naman kung close kaming dalawa.Sa halip na aksayahin ko ang oras ko sa kaniya ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa aking selpon. Nagsend kasi sa akin ng video kanina si Adam na nasa probinsiya ngayon. Buti na nga lang at meron siya."Bakit kasama ni Adam ang anak ko?"Halos mahulog ko ang aking selpon nang biglang sumi
MIKAY"Moma, ano pong gagawin ko?"Ayaw ko man ilagay ang anak ko sa ganitong sitwasyon ay wala akong magawa."Basta sasagot ka lang kung ano ang itatanong sa iyo.""Parang exam po?"Tumango ako. "Opo," nakangiting saad ko.Huminga ako ng malalim. Ngayon ang hearing, at noong isang araw pa dumating ang aking anak. Tinanong na rin siya ni Attorney at nakakasagot naman ng maayos ang anak ko."Moma, kinakabahan ka po?"Muling nabaling ang aking tingin sa kaniya.Umiling ako. "Hindi po," pagsisinungaling ko.Hinawakan niya ang aking kamay."Huwag ka pong mag-alala, Moma. Sasagutin ko ang mga tanong nila. Para perfect score po makuha natin."Hinalikan ko ang tuktok ng kaniyang ulo. Ngumiti siya sa akin ng matamis saka kami muling naglakad. Ngayon palang ay pinapatay ko na ang lalaking iyon sa aking isipan. Siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa amin ngayon.Marahas akong napabuntong hininga nang makapasok na kami sa loob. Wala naman masyadong tao sa loob, kasi exclusive lang ito sa
MIKAYKanina pa ako napapabuntong hininga habang binabasa ang ibinigay ni attorney. Nag desisyon ang court na kailangan naming ayusin ni Damon ang pamilya namin, dahil kung hindi namin mabibigyan ng buong pamilya ang anak namin, kukunin nila sa amin si Dal at ayoko iyong mangyari. Binigyan nila kami ng tatlong buwan upang mag-ayos kaming dalawa, at sa mga buwang iyon, bibisitahin kami ng mga taga court o tagapamahala ng mga bata upang masiguro ang kalagayan ni Dal sa amin.Alam ko naman sa sarili ko na mabibigyan ko ng magandang buhay si Dal, ngunit alam kong hindi iyon magiging sapat upang ipaglaban ko ang aking karapatan.The court decides base on my daughter's statement, alam ko namang naging honest lang siya at hindi ko siya masisisi rito."Moma, okay ka lang po ba?" Umupo sa tabi ko ang aking anak na mukhang handa ng matulog. "Opo. Okay lang po ako, matulog ka na ro'n. Maaga pa tayong aalis bukas." Babalik na kami sa probinsiya bukas, dahil wala namang ng dahil na manatili pa r
MIKAY"Again?" aburidong saad niya.Nanatiling nakataas ang kilay ko habang nakatingin ako sa kaniya. Isang linggo na naming kasama si Damon, at isang linggo na rin siyang katulong namin. "Bakit? Nagrereklamo ka na? Kung gano'n, umuwi ka na," pabalang na sagot ko.Pero ang gag*, mabilis niyang kinuha sa akin ang hawak ko."Hindi ako nagrereklamo. Kuha ka pa ro'n sa loob, Wife. Yung mga kumot ipapalaba mo rin ba? Gusto mo pati yang suot mo ngayon labahan ko na rin... kidding."Napailing na lang ako dahil sa mga entrada niya."Pagkatapos mo riyan sa paglalaba, magluto ka ng pagkain. Bilisan mo riyan! Ayoko ng pabagal-bagal!"Sumaludo ito sa akin. "Yes boss!"Umirap ako ng bongga sa kaniya bago ko siya nilayasan sa laundry area. Hindi ko pinagamit sa kaniya ang washing machine, bahala siya sa buhay niya. Ginusto niya rito, edi panindigan niya ang desisyon niya. Tsk.Lahat ng makita ko na p'wede niyang labhan ay binibigay ko, kahit nga yung hindi naman dapat labhan ay pinalaba ko sa kani
MIKAY"Papa, okay lang po ba kayo?"Nakuha ng atensyon ko ang mag-ama na nakaupo sa sala. Kakabalik lang namin ni Adam galing sa eskwelahan ni Dal. "Uhm. I'm fine, Baby. How's your school?"Panigurado naman na masama ang loob ni Damon dahil nga hindi siya ang nagsundo kay Dal. Tsk. Pake ko naman kung masama ang loob niya? "Dal is lucky."Nakuha ni Adam ang atensyon ko. Hindi ko napansin ang pagtabi niya sa akin dahil nga nakapako ang tingin ko sa mag-ama na patuloy pa rin sa pagkukuwentuhan."Syempre, ako nanay niya eh," pagyayabang ko."Naks! Sabi ko nga." Inakbayan niya ako. "Pero sigurado ka ba talaga na okay lang sa sala matulog si Damon at ako ang gagamit ng kwarto niya?" "Pumayag na rin naman siya. At saka isang gabi lang naman. Bisita ka tapos siya buwisita," nakangiting saad ko na siyang ikinatawa naman niya. I'm doing this to test his patience. Hindi si Damon ang tipo ng tao na hahayaan lang na gag*hin siya. Mataas ang pride niya pagdating sa mga ganitong bagay, kaya titi