MIKAY"Moma, papasok na po ba ako?" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa naging tanong ng aking anak, kababalik lang namin at mukhang namiss niya talagang pumasok. "Paano po kung hindi na po ako with honor?"Huminga ako ng malalim. "Anak, magpahinga ka muna. Nakausap ko na rin naman ang teacher mo. At saka huwag kang mag-alala, may honor ka man o wala ikaw pa rin ang pinaka the best para sa akin." Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Ang gusto ko lang ngayon ay mag enjoy ka, okay?""Pero Moma, ginagawa mo lahat para sa akin, syempre gagawin ko rin lahat para sa iyo."Napangiti ako lalo dahil sa sinabi niya. "Oo na sige na, basta huwag mo pa ring kakalimutang mag enjoy. Grade two ka palang anak ah.""Opo Moma. Basta tatalunin ko si Tope."Napailing na lang ako, kahit kailan talaga ang batang ito. Hindi naman ako ganito noong bata ako eh, ang ginagawa ko lang noon ay maglaro at maging pasaway, pero itong anak ko napagsasabay niya ang paglalaro at pagiging aktibo niya sa klase. Mukhang tama
MIKAY Two weeks later... "Anong ginagawa mo rito?" Sa halip na sagutin niya ako ay basta na lamang ito pumasok sa aking bahay na akala mo ay pag mamay-ari niya ito. Inilapag niya ang kaniyang mga gamit sa lapag bago pa lamang niya akong binalingan ng tingin saka ito ngumiti sa akin na akala mo sobrang saya niya. Mas lalong kumunot ang aking noo at alam kong hindi na maipinta pa ang aking mukha dahil sa pagkaaburido nito. "Aren't you happy to see me?" Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya at bago pa man maubos ang pasensiya ko ay kinuha ko ang mga gamit niya saka ako lumabas ng bahay at walang pagdadalawang isip na ibinato ko sa labas ang mga gamit niya. "What the..." Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin niya nang mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. "Hindi kami tumatanggap ng boarders," malamig na saad ko. "Wife..." "At huwag na huwag mo akong tatawaging ganiyan dahil nakakasuka!"singhal ko sa kaniya saka ko sinipa ang mga bag niya bago ko siya padabog na pina
MIKAY"Moma, nandito na naman po si Doc," ani Dal na nakasilip sa may bintana. "Papasukin ko po ba? Kanina pa po siya tao po nang tao po, mukha na po siyang tanga," dagdag pa nito.Marahas akong napabuntong hininga saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan. Lumabas ako ng bahay para paalisin na naman ang damuhong wala talagang balak na tantanan kaming mag-ina. Ang kulit ng lahi niya. Akala mo naman natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siya."Pansit. Paborito mo," nakangiting saad niya saka niya pa ipinakita sa akin ang paper bag na hawak niya.Nagtaas ang aking kilay. "Pan-shit gusto mo?" iritableng tanong ko saka ko pa ipinakita ang aking kamao."Wife naman. Lagi ka na lang galit," pagmamaktol niya saka pa siya nagpacute sa akin.Kadiri. "Anong gusto mo matuwa ako?""Oo, katulad ng dati. Di ba dati kada makikita mo ang mukha ko nagliliwanag na ang paligid mo?" Ngiting-ngiti pa ito na akala mo ang ganda ng sinabi niya."Dati. Pero ngayon kada makikita kita nagdidilim na ang paningin ko."
MIKAY"Hi Wife. P'wedeng sumabay?"Tiningnan ko lang siya ng masama. Akala ko senyales na iyon para umalis siya pero ang gago umupo pa rin sa tapat ko. Ugh! Nakakagigil talaga ang lalaking ito! "Sa sobrang dami ng mesa rito sa karinderya, dito pa talaga sa puwesto ko ang napili mo.""Ikaw lang naman ang kakilala ko rito."Ngumiti ito na akala mo naman kinagwapo niya. Ang sarap alisin ng kasiyahan sa kaniyang mukha sa totoo lang. Wala talagang paltos ang pag-iirita niya sa akin. Jusmiyo naman!"Huh? Kilala? Sino ka na nga ulit?" sarkastikong tanong ko."Wife naman. Lagi mo na lang akong sinasaktan."Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya dahil sa kaniyang sinabi. Kita mo nga naman ang lalaking ito ooh! Siya pa talaga ang may lakas ng loob na sabihin iyan."Huh? Talaga ba? Gusto mo isa-isahin ko ang mga ginawa mo?"Ako pa talaga ang hinamon niya ah."Wife naman."Ngayon, ngunguso-nguso siya na parang isang bibe? Huwag ako! Hindi niya ako makukuha sa ganiyan niya. Tsk."At saka hindi ka
MIKAY"Natutulog na siya. Ikaw, hindi ka pa ba aalis?"Tinabihan ko siya na nakatayo sa may balkonahe. Akala ko naman umalis na siya kanina dahil bigla siyang nawala eh.Hindi naman gano'n kasama ang ugali ko para balewalain ang kaarawan niya. Kahit gaano ko naman siya kaayaw, kahit gaano man ako kagalit sa kaniya... may parte pa rin sa puso ko na... hays! Ano na naman ba itong sinasabi ko?"Salamat."Saglit akong napatigil nang makita ko ang paglandas ng luha sa kaniyang pisngi. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makita ko siyang umiyak, pero bakit... Huminga ako ng malalim. "This is the happiest birthday of my life. Our daughter called me 'Papa', you prepared my favorite foods..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin niya dahil sa pag-agos ng kaniyang luha.Tila may kung anong kumuryente sa akin nang hawakan niya ang kamay ko kasabay ng pagluhod niya."I'm sorry for what I did. I'm sorry for leaving you. I'm sorry for choosing Caitlyn instead of you. I'm sorry for hurting
MIKAY"Kanina ka pa tutok na tutok diyan sa laptop mo. Ano ba kasi iyang binabasa mo?" aburidong tanong ni Rita na tumabi na sa akin para makiusyoso sa kung ano ang binabasa ko. "Lintik! Seryoso ba talaga siya?"Marahas akong napabuntong hininga. Hindi ko akalain na darating ang ganitong sitwasyon sa aming dalawa. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya ang bagay na ganito."Ngayon ko talaga napatunayan na g*go siya. Ipapaabot pa talaga niya sa ganito?" Nanghihimutok na sa galit si Rita samantalang ako ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. "El, ano na? Magpapatalo ka ba sa kaniya?"Nag file ng child outside si Damon, at hindi ko lubos akalain na papasok ang ganito sa isip niya. He is so impossible! How could he even think something like this? Buong akala ko ay tatantanan na niya kaming mag-ina, ngunit ulit nagkamali ako."Aba! Hindi naman p'wedeng makuha niya si Dal. Ang kapal na lang talaga ng mukha niya."Wala akong makitang magandang rason para gawin niya ito. Oo, anak ni
MIKAYNandito kami ngayon sa isang opisina kung saan pinatawag kami para sa counselling. Prenteng nakaupo sa tabi ko si Damon na mukhang handang-handa sa mangyayari."Don't be too nervous, Wife," saad niya saka pa nito bahagyang hinawakan ang aking kamay na agad ko namang tinabig.Kaming dalawa palang ang nasa opisina, at hinihintay namin ang head council. "Huwag mo nga akong hawakan," pagtataray ko pero ang gago ngumiti lang sa akin at mukhang hindi apektado.Akala ba niya nakalimutan ko na ang laghalik niya sa akin? Aba nagkakamali siya! Nakakadiri! "Wife, masayado ka ng masungit. Mamaya tumanda ka na niyan," saad niya na kung makapagsalita ito ay akala mo naman kung close kaming dalawa.Sa halip na aksayahin ko ang oras ko sa kaniya ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa aking selpon. Nagsend kasi sa akin ng video kanina si Adam na nasa probinsiya ngayon. Buti na nga lang at meron siya."Bakit kasama ni Adam ang anak ko?"Halos mahulog ko ang aking selpon nang biglang sumi
MIKAY"Moma, ano pong gagawin ko?"Ayaw ko man ilagay ang anak ko sa ganitong sitwasyon ay wala akong magawa."Basta sasagot ka lang kung ano ang itatanong sa iyo.""Parang exam po?"Tumango ako. "Opo," nakangiting saad ko.Huminga ako ng malalim. Ngayon ang hearing, at noong isang araw pa dumating ang aking anak. Tinanong na rin siya ni Attorney at nakakasagot naman ng maayos ang anak ko."Moma, kinakabahan ka po?"Muling nabaling ang aking tingin sa kaniya.Umiling ako. "Hindi po," pagsisinungaling ko.Hinawakan niya ang aking kamay."Huwag ka pong mag-alala, Moma. Sasagutin ko ang mga tanong nila. Para perfect score po makuha natin."Hinalikan ko ang tuktok ng kaniyang ulo. Ngumiti siya sa akin ng matamis saka kami muling naglakad. Ngayon palang ay pinapatay ko na ang lalaking iyon sa aking isipan. Siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa amin ngayon.Marahas akong napabuntong hininga nang makapasok na kami sa loob. Wala naman masyadong tao sa loob, kasi exclusive lang ito sa