Share

The Substitute
The Substitute
Author: Lady Empress

Prologue

“Iha we are very sorry but malaking pera ang kakailanganin ninyo para mapa operahan ang iyong ina sa lalong madaling panahon”

Halos bumagsak ang mga balikat ko dahil sa mga sinabi ng doktor na iyon hindi ko alam kung saan at paano ko hahagilapin ang mahigit apat na milyon para sa operasyon hindi pa kasama doon ang ibang gastusin sa gamutan ni mama. Lalo na wala akong trabaho ngayon tapos nagpapaaral pa ako ng kapatid ko hindi ko na alam kung saan ko kukunin ang mga gastusin namin tapos sinabayan pa nito. 

Our mom sa a cancerous tumor in the ovaries and she needs an immediate treatment. Kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon o baka hindi na niya kayanin at mahuli na ang lahat. Si mama na lang ang meron kami ni Nisha, iniwan na kasi kami ng walang hiyang tatay namin eh at nagkasakit ng ganito si mama ng dahil sa kanya.

That time I thought we had a perfect family but it turns out na perfection doesn't really exist. At dahil sa galit ni mama pagkatapos niyang malaman ang lahat ng kawalangyaan ng tatay namin nakipaghiwalay siya dito at dalawa kaming anak ang napunta kay mama kaso iyong kakambal ko mas pinili niyang sumama kay papa kasi hindi niya kayang magtiis sa bahay na meron kami kasama si mama. 

“Ano ate may magagawa pa ba tayo para kay mama? Gagaling pa ba siya?”

My sister asked as I came back from the doctor's office. “Oo naman gagaling pa si mama kaso... Medyo malaking amount ang kakailanganin natin para maoperahan siya agad eh”

My little sister smiled and gave me an assuring smile. “Hindi naman na mahalaga iyon eh, ang mahalaga ngayon eh may paraan pa para gumaling si Mama, eh ate magkano ba ang kailangan?”

Binulong ko na lang sa kanya ang amount dahil ayokong marinig pa iyon ni mama alam kong mag-iisip na naman siya kapag nalaman niya ang tungkol doon. 

“OH MY GOODNESS Seryoso ba yan? Ate saan naman tayo kukuha ng 3 milyon?”

“Bunganga mo paki tikom pwede ba? At kung maari ikaw na muna ang bahala dito kay mama hahanap ako ng paraan at baka hindi ako agad makabalik kaya umayos ka ha ayokong ma balita na hindi ka na pumapasok ah”

“Ate naman eh kailangan pa ba iyon? Eh ang laki laki na nga ng problema natin tulungan na lang kita”

I gave her a sharp look. Iyon kasi ang bagay na alam kong hindi magugustuhan ni mama eh iyong gumaling nga siya kaso tumigil naman sa pag-aaral si Nisha.

“Hindi kaya ko na ito Nisha sinasabi ko sa'yo mag-aaral ka nagkakaintindihan ba tayo?”

She agreed in disappointment wala din naman kasi siyang magagawa eh. Pagkatapos ay umalis na ako ng ospital magbabakasakaling may mahanap na maaaring mapaghiraman o di naman kaya mauutangan para mapagamot namin si mama agad agad. At hindi pa man ako nakakalayo sa ospital ay may kotseng tumigil sa harap ko. Hindi ko nga alam kung ako ba ang hanap nito o nagkataon lang na sa harap ko tumigil pero nagulat ako nang malaman kung sino ang driver ng sasakyan dahil sa lahat ng ayokong makita ay siya pa ang nandito.

“Didiretsohin na kita, I heard that you guys needs money that's why I am here”

Nakasimangot ako sa sinabi na iyon ng magaling na ito kung pera lang din naman niya wag na di ko na kailangan. Kilalang kilala ko kasi ang babaeng ito eh akala niya papayag ako sa mga kalokohan niya. 

“Hindi ako interesado sa pera mo”

“Oh please my twin sister alam kong kailangang kailangan niyo ito isa pa I am giving this opportunity, anak din naman ako ni mama kaya naman ayoko siyang m*m*tay”

Kaya napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya malaki naman kasi talaga ang posibilidad na hindi na namin siya mailigtas.

“Tatlong milyon Audrey, bibigyan kita ng tatlong milyon magpanggap ka lang bilang ako sa loob ng anim na buwan”

Napakagat labi ako sa sinabinh iyon ng kakambal ko. Pagkatapos kasi ng napakatagal na panahon ay ngayon lang kami nagkita at ito pa ang naging bungad niya sa akin. I mean was really tempted na tanggapin kasi kailangang kailangan namin ang pera para sa agarang operasyon ni mama pero kasi parang ang liit ng 3M para sa laki ng pabor na hinihingi niya.

“3M lang? Sa laki ng pabor na hinihingi mo yan lang ang ibibigay mo kapalit ng lahat aba no deal after 8 long years nang hindi mo pagpapakita sa amin nina mama dadarating ka dito para lang alokin ako ng ganyan? Akala mo ba madali lang ang hinihingi mo? At isa pa saan ka kumuha ng lakas ng loob at taas ng confidence para isiping tatanggapin ko ang offer mo na yan ha aber?”

Mahabang litanya ko na naging dahilan ng kanyang pag-irap. Kahit kailan talaga eh ano napaka m*****a niya akala niya ata madadaan niya ako sa pera niya eh.

“Oh please my dearest sister alam kong kailangang kailangan ninyo ng 3M kaya wag ka nang mag-inarte riyan at tanggapin mo na lang ikaw din baka hindi niyo na mapaoperahan ang nanay ninyo”

Tingnan mo ang kawalanghiyaan ng babaeng ito kung makapag salita siya akala mo hindi siya anak ni Mama grabe ang sakit talaga sa bangs ng bruhang ito bakit ba kasi kailangan na ipinanganak ako na kamukha siya my gosh. 

“Uulitin ko kasi parang hindi mo nadinig, I said NO. DEAL. hindi madali ang pinapagawa mo at lugi ako sa tatlong milyones mo kaya humanap ka na lang ng ibang babaeng kamukha mo na maaring magpanggap na ikaw”

Pagdidiin ko kasi alam kong hindi niya ako titigilan eh. “Fine name your price if tataasan ko pa ang offer will you do it? 6 months lang naman akong mawawala eh and all you have to do is to pretend and don't let anyone know na ikaw ang kaharap nila at hindi ako”

    Napahilamos ako sa sarili kong mukha dahil sa sinabi niyang iyon. Alam na alam talaga niya ang kahinaan ko eh. Pero kasi ang risky ng hinihingi niyang pabor eh ang hirap kasi maging plastic na gaya niya, isa pa kung tatanggapin ko ito wala nang atrasan at ayokong mapahamak ng dahil sa mga kalokohan niya. Pero kung hindi naman ako papayag ay liit ang chance of survival ng mama namin na nasa ospital ngayon at may sakit kasi sa bawat minutong lumilipas at hindi siya na-o-operahan eh lumiit din ang pagkakataong makaligtas pa si mama. 

Kaya naman napabuntong hininga na lamang ako dahil sa isiping iyon at dahil wala naman na akong pag pipilian ay sige na nga gagawin ko na lang ang gusto ni Andrea. 

“Fine 20M gagawin ko ang lahat ng ipapagawa mo sa akin sa loob ng anim na buwan”

“20 million? You gotta be kidding me, six months agreement lang ito di ba tapos 20M ang demanding mo naman”

Aba't sabunutan ko kaya siya ako pa ang demanding eh siya na nga itong nangangailangan. “Demanding? Can you even hear what you we're saying? Hindi madali ang hinihingi mo g*ga ka, ako ang magpapakasal para sa'yo tapos 20M lang hindi mo pa maibigay? Paano kung may mangyaring masama sa akin dahil sa mapapangasawa mong hindi naman natin kilala? Paano sina Nisha at mama kung ganun? Kaya kung di mo kaya humanap ka na lang ng iba”

Pagkasabi noon ay akmang aalis na ako roon wala na kasing patutunguhan ang usapang ito kasi magsusumbatan at mag-aaway lang naman kami dito kapag nagtagal pa ako dito mas mabuti pang umalis na lang ako at maghanap ng foundation na makakatulong sa amin kaisa aksayahin ko ang oras ko sa kanya. 

“WAIT! Sige na call na sa 20 million but I can only give you 10 right now pagbalik ko na iyong kalahati just please be my substitute for 6 months”

“Deal happy cooperation sis”

Alam kong hindi magiging madali ang lahat ng ito but para kina mama at Nisha gagawin ko ang lahat. Kahit pa ang makipag laro sa dem*ny*. Ako si Audrey Del Rio at ito ang kwento kung paanong ang simple at maayos na buhay na meron ako ay naging mlagulo ng dahil sa kakambal ko...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status