-CALI'S POV-
"SIGURADO ka na ba talaga sa desisyon mo, Cali?" mangiyak-iyak na saad ni Lola habang tinutulungan ako sa pag-iimpake ng mga damit ko.
"Lola naman. Babalik naman po ako rito. Isa pa ho, kailangan po kami ni Clarisse para tuluyan na pong makamit ang hustisya."
"Naiintindihan ko, Apo. Pero iniisip lang din kita. Maayos ka na ba talaga?"
Napabuntong hininga ako. "Magiging okay po ako, Lola. Sinisigurado ko po na hindi na ako babalik dito na lumuluha. Pinapangako ko po 'yan sa inyo, Lola."
Ngumiti ito at saka ako niyakap.
"Tapos ka na ba, Cali?"
Pareho kaming napatingin ni Lola kay Klaire at Nate na kakapasok lang.
"Naku naman! Nag-iiyakan pa sila." Tumawa si Klaire. "Alam mo, Nate, hindi ko alam kung ikaw ba talaga ang tunay na apo ni Lola Paz, eh!" pang-aasar niya kay Nate.
&nb
-KLAIRE'S POV- "HOY! Anong problema mo?" Nanatili itong hindi ako pinansin. Humiga ako sa may duyan kung saan siya nakaupo, pero dedma lang ako nito. Palihim akong napangiti. Mukhang effective ang sinabi ni Cali kanina. Plano ko talaga ang lahat ng ito. Gusto kong makita ang magiging reaksyon niya kung sakaling makita niya ako na may kasamang ibang lalaki bukod sa kaniya. Magmula kasi nang maging kaibigan ko siya ay hindi na ako nakakasama sa ibang lalaki maliban sa kaniya. "Bakit ka ba nandito? Bumalik ka na nga roon. Baka hinahanap ka na nung Vince na 'yon!" Mas lalo akong napangiti dahil naka-pout ito. Namumula pa ang pisngi niya gawa siguro ng alak. "Okay, sabi mo, eh!" saad ko at saka tumayo. Pero bumalik din ako sa puwesto ko kanina lang nang hilahin niya ako pabalik. Mas lalo tuloy akong napangisi. "Aka
-CALI's POV-NAIWAN kaming dalawa ni Dayne dito sa sikat na restaurant na ito. Sina Klaire at Nate kasi ay nauna na dahil may shooting daw sila samantalang si Patrick naman ay may importanteng lakad. Hindi na niya nabanggit kung saan dahil sa pagmamadali nito. Hindi ko tuloy maiwasan kung anong pinagkakaabalahan niya.Pansin ko ang muling pagtaas ng kaliwang kamay ni Dayne upang tignan ang wrist watch niya. Gabi na rin kasi at ilang minuto na kaming naghihintay dito sa restaurant na ito. Tinawagan kasi ni Dayne ang driver niya upang magpasundo dahil ayaw nitong mag-drive. Muli itong humikab. Mahahalata sa mukha niya ang pagkaantok."Let's go to the car," he said. Agad naman akong sumunod sa kaniya nang tumayo ito at nagtungo sa labas.Napakunot ang aking noo at napahinto nang hindi ito sumakay sa front seat at diretsong nagtungo sa back seat. Alanganin akong sumakay at tumabi sa tabi nito. Ngunit pag
-CALI'S POV-KATAHIMIKAN. Nakakabinging katahimikan. Dinala ako ni Patrick dito sa may park habang nakaupo sa may bench. Walang kahit na sino ang naglalakas loob na magsalita."P-Patrick. . . A-ayos ka lang ba?""What if I said no?"I looked at him, confused."W-what do you mean?"He sarcastically laugh. "I am going to New York again," he informed me of his plan.My eyes widened because I was not prepared of what he said. Kaya ba uminom siya ngayon?"W-what? W-why?""My Dad doesn't want me to be an actor. Ang sabi niya ay tama na ang naging desisyon kong lisanin iyon at lumipad na sa New York dahil sa kumpanya namin. But I didn't go there because I wanted to be with you."I lost of words. Hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko. Bakit hindi niya ito sinabi sa akin dati?
-CALI's POV-Kanina pa ako nanginginig sa takot. Isang oras na kaming nakakulong sa elevator na ito pero wala pa ring tumutulong sa amin. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Dayne."Don't be scared, Cali. Makakalabas din tayo rito."Hindi ako sumagot at hinayaang gawin niya iyon. Gusto kong lumayo sa kaniya pero hindi ako makakilos. Siguro dahil sa takot na nararamdaman ko. I felt light and warm, making me almost forget the fear I feel."Baka hinahanap na nila tayo, Dayne. Paano na lang ang show? Sigurado akong mabibigo ang mga fans kapag hindi tayo umabot doon.""Huwag mo nang isipin iyon," mahinang sambit niya lang at saka hinaplos ang likod ko.Nang tignan ko siya ay nakapikit ito habang yakap ako. Tanging flashlight lang nito ang nagsisilbing ilaw namin. Doon ay malaya ko siyang natitigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakasawang titigan ang mukha niya.
-CALI'S POV- "HERE!" Patrick handed me a hot coffee he bought at 7eleven. Umupo ito sa tabi ko 'tsaka hinigop iyon. Kasalukuyan kaming narito ngayon sa park. Gabi na ngunit niyaya niya akong manatili muna rito. Habang tinitignan ko si Patrick ay hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na siya ngayon. Hindi rin maalis sa akin na aalis na siya bukas patungong New York. "Talaga bang aalis ka na bukas?" Hindi ko mainom ang kapeng ibinigay niya dahil pakiramdam ko'y wala akong gana. Naramdaman ko ang pag-akbay nito sa akin. Nang tignan ko siya ay nakangiti lang ito habang nakatitig sa akin. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Aalis ka na nga, nakukuha mo pang ngumiti!" Ibinaba nito ang hawak niyang kape kasunod no'n ang muling pagkuha niya ng kape ko at inilapag din sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko habang hindi napupu
-CALI'S POV-NAGISING ako sa liwanag ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto ko. Agad kong kinapa ang cell phone ko na nasa ibabaw ng mesa. Nasisilaw pa ang aking mga mata nang buksan ko iyon. Tumambad sa akin ang dalawang text messages. Galing iyon kina Patrick at Klaire. Una kong binuksan ang message ni Patrick at awtomatiko akong napangiti.From: PatrickGood morning, love. My flight to New York was later at 4pm. Hope to see you before I leave. Take care of yourself. I love you my wife!Napahawak ako sa aking bibig. Kung ganito lang palagi ang bubungad sa akin tuwing umaga, siguro ay araw-araw akong nakangiti.Pangalawa kong binuksan ang message ni Klaire.From: KlaireHey, Cali! Nate picked me up early because we had a shoot in Batangas. You always remember what we talked about last night, okay? Wala ako diyan para paalalahanan ka l
-CALI'S POV-TATLONG araw ang nakakalipas magmula nang umalis si Patrick papuntang New York. Todo rin ang pag-iwas na ginagawa ko kay Dayne dahil sa kakaibang pakiramdam ko. Isabay pa 'yung iniwang salita ni Klaire sa akin noong gabing makapag-usap kami. Tila paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga salitang iyon sa tuwing nakikita ko si Dayne.Nandito kami ngayon sa isang meeting place dahil sa isang unexpected meeting. Kasalukuyan kaming nakaupo kaharap ang isang long table. Magkatapat kami ni Dayne ngayon habang sina Manager Grace at Manager Luis ang nasa harapan.Minsan ay napapansin ko si Dayne na nakatingin sa akin kaya't ginagawa ko ang best ko para umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi tuloy ako kumportable sa kilos niya."Ipinatawag namin kayong dalawa dahil sa natanggap naming email.""What email?" asked Dayne."Nag-email sa amin si Mrs. Eva Rosario
-CALI'S POV- "Okay! Sabay-sabay natin siyang batiin! Si Mickey Mouse!" Sabay-sabay na pumalakpak ang mga bata habang hindi naaalis ang ngiti sa kanilang labi. "Hello, Mickey Mouse!" saad nila sabay lapit nila sa naka-mascot ng Mickey Mouse. Niyakap nila ito at nakipag-apir pa. Ngunit ang nakakapagtaka lang ay sa akin nakatingin ang naka-mascot na 'yon. Nang tignan ko rin ito ay 'tsaka umiwas ng tingin. Pasimple kong nilibot ang aking paningin, nagbabakasakaling narito na si Dayne, ngunit kahit anino niya ay wala. "Nasaan ka na ba, Dayne?" bulong ko sa hangin. Nagpasya na lang akong pumunta sa harapan upang samahan si kuyang naka-mascot. "Kuya Mickey Mouse, marunong ka bang sumayaw?" tanong ng isa sa mga bata. Nakita ko ang pag-iling ni kuyang naka-mascot habang umiiwas sa mga bata. Marahil ay nahihiya