Share

CHAPTER 84

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2024-06-04 02:36:46

NAPAPIKIT si Jasmine nang maramdaman ang maiinit na mga labi ni Denver sa kanyang leeg habang paulit-ulit nitong binibigkas ang salitang ‘I love you.’ Unti-unting pumatak ang kanyang mga luha.

Hindi na ito isang pangarap na lamang. Kasama na niya itong muli at ramdam na ramdam niya ang wagas nitong pagmamahal sa kanya na waring walang masamang namagitan sa kanilang dalawa nuon.

God, wala na nga yata siyang mahihiling pa.

Naglapat ang kanilang mga labi at buong pagmamahal niyang tinugon ang mga halik nito.

“Mommy, Daddy, buksan nyo po ang pinto! Bakit nagkukulong na naman kayo dyan sa kuwarto!” Dinig nilang tawag ni Debbie mula sa labas ng kanilang kuwarto. Nagkatinginan sila ni Denver at sabay na nagkatawanan. Maya-maya ay napipilitang tumayo si Denver at pinagbuksan ng kuwarto ang kanilang anak. Tumakbo ito at umakyat sa kama.

Napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang anak. Kitang-kita ni
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
yeyy makarating din ako ng Disneyland...ay wag na wag mkakalabas ng kulungan si Rosemarie..nakuu
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 85

    THE LOVE STORY OF JANICE AND DAMIAN- “ENTANGLED LIES, UNVEILED LOVE”“MAMA, saan mo dinala ang pera ko?” Nangangatal ang buong kalamnan ni Janice nang makitang wala na ang perang pinakatago-tago niya. Alam niyang walang ibang kukuha niyon kundi ang kanyang ina. “Inilalaan ko iyon para sa kinabukasan ni Alexa, bakit ninyo ginalaw? Sabi nyo nagbago na kayo!!!” “Aba, bakit ba ako ang pinagbibintangan mo? Malay ko kung nasaan iyon? At saka hindi ba may pera ka pa sa bangko?” Tuluyan na siyang napaiyak, “Wala na akong pera sa bangko dahil ibinalik kong lahat kay Denver ang lahat!” “Eh ang tanga-tanga mo naman pala eh. Bakit mo ibinalik sa kanya iyong mga ibinigay nya?” Singhal nito sa kanya. “Hindi naman nya iyon ibinigay. Ninakaw ko iyon. Nakalimutan nyo na ba ang lahat ng ginawa natin sa kanya, ha Ma?” aniya rito, “Iyong itinabi kong pera, inilalaan ko para sa pagbabagong buhay. Gusto kong mabigyan ng magandang kina

    Huling Na-update : 2024-06-04
  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 86

    INIHINTO NI JANICE ang kanyang sasakyan sa tapat ng dati niyang pinagtratrabahuhan na bar. Inayos niya ang sarili at bumaba ng sasakyan. As usual, maraming mayayamang parokyano ang bar. Nuong nagtratrabaho pa siya rito, never nakita ng mga customers ang mukha niya dahil pole dancer lang siya at never siyang naki-table sa kahit na kanino. Besides, nakamaskara ang mukha niya sa tuwing magsasayaw siya. Tanging ang maalindog na katawan lamang niya ang ipinakikita niya. Kahit na sino ay walang nakakaalam sa sekreto niyang trabaho na ito maliban kay Alex. Actually, dito niya nakilala si Alex dahil nagtrabaho ito bilang isa sa mga waiter dito nuon. Napaismid siya nang maalala ang mga kahibangan niya kay Alex. Ano nga bang meron ang lalaking iyon at nahumaling siya dito? “Hey, Janice, naligaw ka? Kumusta na ang bilyonaryo mong syota?” anang isang dating kasamahan sa trabaho na si Joy nang makita siya. Lumapit siya rito at naupo. Tinawag niya ang waiter

    Huling Na-update : 2024-06-04
  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 87

    NAGULAT SI DAMIAN nang mapagmasdan ang babaeng nakainiig niya kagabi. Kamukhang-kamukha ito ni Jasmine. Lasing na lasing na siya kagabi kung kaya’t hindi na niya maalala kung paano sila nahantong sa kuwartong ito. Ang tanda lang niya, inihatid siya ng kanyang driver dito sa penthouse ng hotel na pag-aari niya kasama ng babaeng ito. Kaninang bumangon siya para maligo, hindi niya ganap na namukhaan ang babae. Ngayon lang.“Jasmine?”“Kilala mo ang kakambal ko?” Waring natataranta, nahihiyang tanong nito, hinila nito ang kumot para itakip sa nakahubad na katawan ngunit nakarehistro na sa utak niya ang kahubdan nito.“Ikaw ang kakambal ni Jasmine?” Hindi makapaniwalang tanong niya rito. Kaya siguro niya ito nilapitan kagabi at dinala dito ay dahil napagkamalan niya itong si Jasmine. “Ako si Damian, pinsan ni Denver.”“Aha, ikaw iyong lalaking patay na patay sa kapatid ko. Ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay.”“Excuse me,” aniya rito, “Iyong panloloko nyong mag-ina kay Den

    Huling Na-update : 2024-06-05
  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 88

    “ATE, MAY PROBLEMA BA? May ginawa na naman bang kalokohan si Mama?” Nag-aalalang tanong ni Jasmine sa kanya nang sunduin niya sa bahay ng mga ito si Alexa. “Naku, wala,” pagkakaila niya dito. Alam niyang abala ang kakambal sa nalalapit nitong pakikipag-isang dibdib kay Denver kung kaya’t ayaw na niya itong bigyan pa ng problema. Besides, ngayon na nga lamang siya bumabawi sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya sa kapatid. “Ate, alam mo namang nandito lang ako para sa inyo ni Alexa,” pagbibigay assurance ni Jasmine sa kanya. Tumawa siya ng pagak, “Mabait ka talaga. Sa kabila ng mga nagawa ko saiyo, heto ka pa rin para sakin kaya siguro sobrang blessed mo,” aniya rito. Niyakap siya nito nang mahigpit, “Kung hindi naman nangyari ang mga nangyari, hindi ko makikilala si Denver,” wika nito sa kanya. “Sabagay. Kaya pasalamat ka sa kamalditahan ko,” pabirong sabi niya rito, “Oh siya, aalis na kami. Salamat ul

    Huling Na-update : 2024-06-05
  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 89

    “MASAYA AKO PARA SAIYO,” Very sincere na nakipagkamay si Damian kay Denver habang tinatanggap ang kanyang pagkatalo. Wala siyang pinagsisihan na ipinaglaban niya ang nararamdaman niya para kay Jasmine. Ngunit ganun talaga. Sa lahat ng laban, may nanalo at natatalo. Ang mahalaga, lumaban siya. “No hard feelings?” Tanong ni Denver sa kanya. May pait sa mga labing ngumiti siya, “Well, aminado akong may nararamdaman pa rin ako para kay Jasmine pero anong magagawa ko kung ikaw ang gusto nya. Huwag mo lang sana syang sasaktang muli.” Tumango ito. For the first time, nakita niya ang ganap na kaligayahan sa mga mata nito at natutuwa siya para dito. Hindi man sila nabigyan ng pagkakataong maging close ni Denver, at the end of the day, pareho silang Craig at kailangan nilang suportahan ang isa’t-isa. “Huwag ka sanang mawawala sa araw ng kasal namin,” sabi nito sa kanya. Ngumiti siya. “Huwag kang mag-alala, s

    Huling Na-update : 2024-06-06
  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 90

    “KAHIT MALIIT LANG ANG apartment natin ngayon, ang mahalaga, malinis ito at mabango,” sabi ni Janice kay Alexa habang inaayos ang kanilang mga gamit sa bagong unit na nilipatan nila. Studio type lang iyon kaya wala silang sariling kuwarto ni Alexa. Nakita niyang nakasimangot ito habang inaayos ang mga damit at laruan nito. Nilapitan niya ang anak at hinagod ang buhok, “Pansamantala lang naman ito anak. Saka ang mahalaga naman, magkasama tayo.” “Mabuti pa si Debbie, ang laki-laki ng room,” malungkot na sabi nito sa kanya. “Ano bang paulit-ulit kong pangaral saiyo? Hindi ba sabi ko bawal ang maiggit dahil yan ang magdadala saiyo sa kapahamakan? K-kagaya ng nangyari sa akin. Nang dahil sa inggit ko sa ibang mayayaman kong kaibigan, kamuntikan ko pang maipahamak ang Tita Jasmine mo dati.” “Mommy, bakit kasi hindi na lang si Tito Denver ang inasawa mo? Eh di sana, mayaman tayo ngayon?” “Eh di sana, walang D

    Huling Na-update : 2024-06-06
  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 91

    ARAW NG KASAL NINA DENVER AT JASMINE. Masaya ang lahat lalong-lalo na si Debbie sa nagaganap na pag-iisang dibdib ng mga magulang. “Bagay na bagay sila, ano?” Bulong ni Danica sa kanya na katabi niya sa upuan, “Kelan naman kaya ang happily ever after mo?” May pait sa mga labing ngumiti na lamang siya. Kuntento na siyang makita ang kakambal na masaya. Pambawi man lang sa mga kasalanang nagawa niya dito nuong araw. Kahit paano ay nakakagaan ng konsensya niya iyon. Pagkatapos ng seremonyas ay nagtuloy sila sa reception. Nagkita sila duon ng mga magulang ni Denver at katakot-takot na sermon ang natanggap niya sa ina nito. This time, nagpakumbaba siya at humingi ng sorry sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya. Wala siya sa posisyon para magtaray dito dahil alam niyang kasalanan naman niya talaga ang mga nangyari. Kapag naiisip nga niya iyon ngayon ay parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan.

    Huling Na-update : 2024-06-06
  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 92

    “BAKIT HINDI MO UTANGAN IYONG KAMBAL MO, hindi ba maraming pera iyon?” “Ayoko ng malaman nya pa ang ginawa ni Mama. Saka baka makarating pa kay Denver. . .” Dumukot ng five hundred sa wallet si Joy, “Pasensya na, ito lang ang mapapahiram ko saiyo.” “Salamat. Babayaran ko rin saiyo kaagad,” napapahiyang sabi niya rito. “So, decided ka na talagang sumayaw dun sa kalabang club ni Bossing?” Tanong ni Joy sa kanya, nagsindi ito ng sigarilyo at hinithit, “Sabagay, kung kasing ganda at kinis mo rin ako, lilipat ako dun kasi mas malaki ang kita. Kaso hindi ako pasado sa standard nila. .at least dito, kahit papaano me parokyanong nagkakagusto sakin.” Sabi nito sabay buga ng usok sa ere. Hindi siya umimik. Kung siya ang tatanungin ay ayaw na sana niyang balikan pa ang dating trabaho. Ngunit iyon lamang ang alam niyang paraan para mabilis siyang magkapera. “Nagsisisi ka ba?” “Nag

    Huling Na-update : 2024-06-07

Pinakabagong kabanata

  • The Substitute Mrs. Craig   EPILOGUE

    “MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 98

    “MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 97

    ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 96

    “DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 95

    "Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 94

    “UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 93

    UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 92

    PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 91

    MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status