NAGULAT SI DENVER nang magising ay nasa kuwarto na siya, nakahubot hubad at nakatali ang mga kamay at mga paa. Sa tabi niya ay si Rosemarie nakatitig na nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya ay kakaibang babaeng ang nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon. “Bakit mo ako itinali?” Aniya habang nagpupumilit makawala sa pagkakatali nito. “Nagtatanong ka pa. Ano bas a palagay mo, bakit ko ginagawa ito?” Inis na sabi nito sa kanya, “Palagay mo papayagan kitang umalis dito para puntahan ang babaeng yon?” Kumunot ang nuo niya. Naalala niyang bigla na lamang sumakit ang ulo niya at nanlabo ang paningin niya. “Nilalason mo ako, hindi ba?” “Hah? Sa palagay mo, magagawa ko saiyo iyon?” Sabi ni Rosemarie habang lumamlam ang mga mata, “Mahal na mahal kita, Denver. Hindi kita magagawang saktan kahit pa sinasaktan mo ako,” sabi nito sa kanya. “Kalagan mo ako,” pakiusap niya rito. “Para ano? Para ki
NASA OSPITAL na si Denver nang magising siya. Sa gilid ay nakita niya si Jasmine, natutulog habang nakaupo, ang ulo ay bahagyang nakapatong sa kama. Si Debbie naman ay nakabaluktot sa couch, mahimbing na mahimbing rin ang tulog. Hinaplos niya ang ulo ni Jasmine. Bigla itong nagising, bakas ang pag-aalala sa mga mata nito nang tingnan siya. “Hindi pa dumadating iyong result ng pagsusuri sa iyo. Mamaya pa raw tanghali dadating si doctor. Hindi ako makapagdesisyon kung ipapaalam ko bai to sa pamilya mo. Hindi ko naman alam ang number ni Rosemarie kaya hindi ko sya matawagan.” Sunod-sunod na sabi nito sa kanya. Nang mga sandaling iyon ay parang wala siyang naririnig, nakatitig lang siya sa mukha ni Jasmine. Tiyak na tiyak niya, mahal na mahal niya ang babaeng ito. “Bakit ba napapadalas ang. . .” “Mahal kita,” sabi niya rito. “Denver, hindi ito ang oras para dyan. Ano bang nangyayari saiyo, bakit palag
HINDI MALAMAN NI JASMINE kung seseryusihin ba niya ang sasabihin ni Denver. Ngunit kung siya lamang ang masusunod, wala naman siyang ibang hangad kundi ang makasama ito habang buhay. “Please Denver, wag mo ng paglaruan ang damdamin ko.” Pakiusap niya rito. “Sa ngayon, ang intindihin mo ay ang kalusugan mo.” “Hindi kita pinaglalaruan. I must admit, nagalit talaga ako nang malaman ko ang ginawa nyo sa akin. Pero mas nagalit ako sa sarili ko dahil kahit na anong gawin ko, hindi kita magawang burahin sa puso at isipan ko. Besides, may mga palatandaan ng nagsasabi sa akin na hindi ikaw si Janice but I kept on ignoring it. . .siguro ay dahil ikaw talaga ang mahal ko. . .at kahit nuong magkasama pa kami ni Janice, hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng pagmamahal sa kanya. Sana bigyan mo muli ako ng pagkakataong patunayan saiyo yan. . .” “Pero hindi ba manloloko ako? At pera lang ang habol ko saiyo?” Sumbat niya rito. “D
INABUTAN NI DENVER SI ROSEMARIE sa bahay ng kanyang mga magulang. “Dios mio, Denver, saan ka nanggaling, bakit hindi ka naming matawagan?” Sita ng kanyang ina sa kanya, “Ano itong sinabi ni Rosemarie na nakikipaghiwalay ka na sa kanya?” Parang wala siyang naririnig na sinugod si Rosemarie at hinawakan sa magkabilang balikat. Narinig pa niya ang boses ng kanyang ama, “Denver, ano bang nangyayari saiyo? Nang dahil sa Jasmine na iyon, sisirain mo ang magandang pagsasama ninyo ni Rosemarie?” Nilingon niya ang ama saka muling tumingin ng pagalit kay Rosemarie, “Nilalason moa ko, hindi ba?” sabi niya rito saka inilabas ang mga gamot na nakita niya sa drawer, “Ipinapainom mo ito sa akin para humaba ang tulog ko at hindi ako makaalis sa condo?” “Dios ko. . .” Narinig niyang sabi ng kanyang ina, “Nilalason mo ang anak ko? Totoo ba yan, Rosemarie?” Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Rosemarie, “Hindi kita nila
NAPAUNGOL nang malakas si Jasmine nang gumapang ang mga labi ni Denver sa kanyang tayong-tayong mga nipples. Para itong isang sanggol na sabik na sabik na sinuso iyon, waring hindi magkamayaw kung alin sa dalawa ang uunahin. Napapaliyad siya sa kiliting nararamdaman habang ninanamnam ang ginagawang iyon ng lalaki. This time, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Denver habang niroromansa siya nito. Wala na ang galit, at hindi na lamang init ng katawan ang nararamdaman nito para sa kanya. Para silang nabalik nuong first night nila. “Denver. . .” daing niya habang humihigpit ang pagkakahawak niya sa ulo nito. Alam niyang nasaktan nila ng labis si Rosemarie pero sabi nga, all is fair in love and in war. Ipinaglaban lamang nila ang tunay nilang nararamdaman ni Denver at ganun talaga, may masasaktan at masasaktan sila sa prosesong ito. Dahil kung hindi naman nila sinunod ang kanilang mga damdamin, mga sarili naman nila ang masasaktan.
IYAK NANG IYAK SI JASMINE habang nasa labas ng emergency room. “Denver, mamatay ako kapag may nangyaring masama sa anak natin,” aniya sa lalaki, inakbayan siya nito at hinagod ang likuran. Alam niyang labis-labis rin ang dinaramdam nito habang hinihintay nila ang doctor ni Debbie na nasa loob para gamutin ang kanilang anak. Dumating ang Kuya Fred ni Denver, “Nahuli na ang lalaking sumagasa kay Debbie at pinaiimbestigahan na kung sino ang nag-utos dito para gawin iyon.” Balita nito sa kanila. Hinaplos nito ang balikat niya, ang asawa naman nitong si Bridgette ay yumakap sa kanya, worried rin ang mga ito para kay Debbie. After a while ay humahangos na dumating ang mga magulang ni Debbie. Si Senyora Agnes Craig ay umiiyak na yumakap kay Denver, “Magbabayad ang sinumang may kagagawan nito sa apo ko,” anito sa anak. Sabay-sabay silang natigilan nang lumabas ng emergency room ang doctor at nakangiti na ito sa kanila. “Nothi
HINULI ng mga autoridad si Rosemarie at sinimulan ang paglilitis dito. Naisipan ni Jasmine na dalawin ito sa kulungan upang iconfront sa ginawa nito. “Wala akong pinagsisihan. Ang tanging regret ko lang, tanga ang nautusan kong gumawa niyon. Kung natuluyan sana ang anak nyo, hindi ka magiging masaya kahit na kasama mo si Denver,” madilim ang anyong sab isa kanya ni Rosemarie, “Sana rin pinasagasaan na rin kita. . .” Napakuyom ang mga palad ni Jasmine. Hindi siya makapaniwalang ganito katindi ang galit nito sa kanya. “Sa huli, iyong kabutihan pa rin ang nanaig at ngayon, sino ang nakakaawa sa ating dalawa?” May sarcasm na tanong niya rito. “Mahal ko si Denver. At gagawin ko ang lahat maipaglaban ko lang ang nararamdaman ko sa kanya!” Giit nito. “Kaya ba unti-unti mo syang nilalason?” Sumbat niya rito, “Ganyan ka ba kung magmahal?” “Wala akong balak patayin sya. Ang gusto ko lang naman, makasama sya,”
NAPAPIKIT si Jasmine nang maramdaman ang maiinit na mga labi ni Denver sa kanyang leeg habang paulit-ulit nitong binibigkas ang salitang ‘I love you.’ Unti-unting pumatak ang kanyang mga luha. Hindi na ito isang pangarap na lamang. Kasama na niya itong muli at ramdam na ramdam niya ang wagas nitong pagmamahal sa kanya na waring walang masamang namagitan sa kanilang dalawa nuon. God, wala na nga yata siyang mahihiling pa. Naglapat ang kanilang mga labi at buong pagmamahal niyang tinugon ang mga halik nito. “Mommy, Daddy, buksan nyo po ang pinto! Bakit nagkukulong na naman kayo dyan sa kuwarto!” Dinig nilang tawag ni Debbie mula sa labas ng kanilang kuwarto. Nagkatinginan sila ni Denver at sabay na nagkatawanan. Maya-maya ay napipilitang tumayo si Denver at pinagbuksan ng kuwarto ang kanilang anak. Tumakbo ito at umakyat sa kama. Napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang anak. Kitang-kita ni
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na